i write romance and erotic stories. some are sweet some are dark i put trigger warnings whenever it is needed. read at your own risk.
follow me on twitter: https://twitter.com/KellyHartwrites
At Golden Cross International School, Trei Daniels is the king. Not only is he the heir to his mother’s business empire, his father is also a strong candidate for the next Presidential election. He is the smartest student in his class, a teacher’s pet, and the student council president. In the eyes of everyone, he is perfect.
My name is Aya Sagara and I am a senior scholarship student at Golden Cross. Ace and captain of the school volleyball team, I am popular in my own right. Despite that, I am aware that there are students in school that must be avoided at all costs. I plan to graduate and go straight to College peacefully and steering away from the elites in Golden Cross is a smart thing to do.
But one day I accidentally saw Trei Daniels in a compromising situation. From then on Trei targeted me and made my school life difficult.
Trei was kind and polite in front of everyone but with me he was cruel and angry. Yet the intense chemistry between us was palpable that every time we meet electricity crackle between us. Our attraction was mixed with Trei’s hatred and it made me confused. Was he antagonistic towards me because I knew his secrets? Or was there a deeper reason?
Joy Madrid had a traumatic experience with her first lover. It was so bad that she suffered from clinical depression when he ended their 'relationship'.
With the help of a renowned and handsome Psychiatrist, she slowly picked up the pieces of herself. In order to get over her trauma and accept her own sexuality they had to relive Joy's erotic fantasies. In the process, she began to form a special connection with her psychiatrist.
Just when everything seemed going to the right direction between them, Joy learned about his secret. It drove her to say goodbye to him. She left without a trace.
Joy decided to start all over again in a different place, far away from her previous life. She was no longer trapped into her past… or so she thought. Not until she met Hosea Garcia, an extremely handsome flight attendant.
The attraction between them was palpable and it scared her. He was perfect on the outside but she knew his kind. He will push until he gets under her pants and when he gets tired of her he will leave.
Joy promised herself that she will never become a man's 'victim' ever again. This time, she will take charge of her sexuality. This time, she will play by her own rules. Hosea Garcia will be allowed to taste her body but she will never give him her heart.
**daily update**
Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya.
Ngunit nagkaroon ng kakaibang saya ang mundo niya nang pumasok doon si Greg Ledesma, the rugged knight on a motorcycle. Sa piling nito lang niya naramdaman ang kakaibang saya at pagmamahal na hindi pa niya naramdaman sa kahit sinong lalaki. She knew it was love.
Ngunit muling nakialam ang kanyang mga magulang. Pinagbantaan ng papa niya ang buhay nito. Hindi mangyayari iyon kung papayag siyang makipaghiwalay kay Greg at pupunta sa States.
Masyadong mahal niya ang binata kaya sinunod niya ang kanyang ama.
At dahil doon ay inani niya ang poot ni Greg. Kung malalaman pa nito ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito, panahon na lang ang makapagsasabi...
Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo.
Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat.
Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.
Girl magnet si Eman, palibhasa ay isa itong sikat na modelo with a gorgeous face and a hot body. Pero kung lahat ng babae ay nagkakandarapa rito, hindi si Darlyn.
"Why don't you like me?" minsan ay tanong nito sa kanya. "Why are you always angry at me?"
"Because a guy like you will just make me cry," sagot niya. "Mapaglaro ka, babaero, playboy, palikero at kung ano pa ang puwedeng itawag sa 'yo."
"Kung ganoon ay sisiguruhin ko sa 'yong babawiin mo ang lahat ng sinabi mong 'yan," seryosong pahayag nito. "I will make you fall in love with me."
She knew she shouldn't be threatened. Pero bakit hindi ganoon ang nangyari, lalo na nang halikan nito ang mga labi niya sa unang pagkakataon?
My name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she will change the course of my life entirely.
The next time we met each other, Kira asked me to be her friend. Kahit eighty days lang daw. Napilitan lang akong pumayag. Pero sa bawat paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang sarili kong hindi na lang napipilitan. Na nag-e-enjoy na akong kasama siya. Na nag-e-enjoy na akong pakinggan ang mga kwento niya.
The days became exciting. She pushed me out of my comfort zone. She showed me things I overlooked before. She made me realize a lot of things. Binago ni Kira ang buhay ko. At minahal ko siya ng sobra.
Pero nang magtapat ako ng feelings ko sa kaniya, ni-reject ako ni Kira. "I'm sorry. I can't be your girlfriend. Ayoko."
Nasaktan ako. At the same time napaisip din. Bakit hindi pwedeng maging kami?
Parehong emotionally unstable sina James Salgado at Sasha Dela Torre nang una silang magkita. During that time, James was the worst version of himself while Sasha was grieving and angry. Pero wala sa kanila ang nakapigil sa matinding sexual attraction na mayroon sila. Their one night stand was raw, messy and angry but it was also the best sex Sasha ever had.
Sana nga lang hindi na uli sila nagkita. Kasi nang magtagpo sila sa pangalawang pagkakataon nalaman ni Sasha na may hidden agenda pala ang paglapit nito sa kaniya. That night he used her and left her with a broken soul. But Sasha Dela Torre is a strong woman. She was able to pick up the pieces of herself and continue with her busy life. Pero nangako siya sa sariling hindi na uli ma-i-involve kay James Salgado.
Two years later, nagkita silang muli. Nagulat si Sasha kasi parang ibang tao na si James Salgado sa lalaking nakilala niya dati. Sa pagkakataong iyon hindi na lang physical attraction ang mayroon sila. Umusbong din ang emotional connection sa pagitan nilang dalawa. At habang lumalalim iyon at habang nalalaman niya kung sino talaga si James, lalong natatakot si Sasha. She was falling in love with him. But can she really handle all his secrets and all his sins?
For the men Grace Zapata sleeps with, she's a woman without a name. Convenient 'yon para sa trabaho niya kung saan may dalawa lang siyang rules na mahigpit na sinusunod. First rule: No mouth to mouth kissing. Second rule: Never meet a man more than twice.
Pareho niyang nalabag ang rules na 'yon nang makilala niya si Martin Salgado. Iba siya sa lahat ng lalaking nakilala niya. Binili nito si Grace para sa isang gabi pero walang nangyari sa kanila. Nag-usap lang sila at natulog na magkayakap. Pero ginulo ng encounter na 'yon ang normal na buhay niya. Nang magkita uli sila narealize nila na hindi nila kaya iresist ang isa't isa. So they stopped resisting.
Sobrang compatible sila, hindi lang sa kama kung hindi sa marami pang bagay. Nasasabi nila sa isa't isa ang mga bagay na hindi nila magawang aminin sa iba. Nahuhulog ang loob ni Grace sa binata at ikinatatakot niya 'yon. She's a damaged good, a fallen woman who has a very dark secret. Besides, Martin is a broken man and though his body is hers, his heart already belongs to someone else.
Patricia was Miss Goody Two-shoes-palaaral, palaging gustong mag-isa, at mahilig magbasa ng libro. Kaya hindi niya inakalang makukuha niya ang atensiyon ni George, the arrogant but probably the most handsome and famous guy in campus.
When he gave her a rose, she knew she had his heart for keeps.
But then she saw him kissing another girl. Sinira niyon ang pangarap niya para sa kanilang dalawa.
They were separated for a long time. At nang magkita uli sila, she was now Risha, the sex goddess of the modeling world at pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Ito naman ay CEO na ng isang malaking kompanya na pag-aari ng pamilya nito.
Hindi nito nagustuhan ang pagbabago niya ng imahe na animo pag-aari siya nito. Naguguluhan siya sa inaakto nito. Could it be that he was still in love with her after all these years?
Tiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She wanted something that she had never experienced since she was a child: love.
Hindi niya naranasang mahalin dahil palaging nag-aaway ang kanyang mga magulang. Dahil doon ay tila naging bato rin ang kanyang damdamin. Kaya naman binansagan siyang "ice queen" ng modeling world.
Ngunit tila nalusaw ang yelong nakabalot sa puso niya nang makilala niya si Andrew Alvarez. Her heart couldn't seem to stop beating rapidly whenever this gorgeous man was near her.
She realized she could be happy at last. At kay Andrew lang niya mararanasan iyon. Ito ang gusto niyang makasama habang-buhay-ang lalaking iibigin niya at iibig din sa kanya.
Kung sana lang ay hindi ito galit sa kanya at hindi niya nalamang may nobya na pala ito...
Dala ng desperasyon na tigilan na siya ng boss nya na may pagka-stalker, ginawa ni Erica ang bagay na hindi niya akalaing gagawin niya – ang humanap ng magpapanggap na boyfriend niya sa isang bookstore sa alanganing oras. Sa awa ng Diyos may nahanap naman siya – si Alex. Ubod ng guwapo at macho kaso to the highest level din ang pagiging suplado.
Akala niya maibabaon na niya sa limot ang gabing tinopak ang kanyang kagagahan. She was wrong. Kasi si Alex pala ay walang iba kung hindi si Zander Uijleman – the number one male model in Asia and one of the top models under Timeless Modeling Agency. Ang agency kung saan siya sumunod na nagtrabaho.
KAHIT sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon.
Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gabayan ito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina na lamang ay laging nag-iinit ang ulo niya sa mga pang-iinis nito? Ang nakakairita ay kasama yata sa paraan nito ng pang-iinis ay ang pang-aakit nito at pagnanakaw ng halik tuwing may pagkakataon ito.
Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari - she fell in love with him. Alam niya na walang kahahantungan iyon. Afterall, kasama lamang niya ito dahil pinaparusahan ito ng lolo nito. One day, he will surely go back to his old life as the co-heir of a multi-million company, in a place where she will never reach him even in her wildest dreams.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito.
Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito.
Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan?
Nasusuong sa malaking problema si Lettie. Biglang sumulpot ang kaniyang ama na matagal na panahong nagtago dahil sa halos milyong utang na iniwan nito sa kanila dahil sa pagkalulong nito sa bisyo. At bumalik ito upang sabihing may paraan na itong naisip upang mawala ang mga utang nila - iyon ay ang pakasalan niya ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola na si Damon Valencia.
Labag man sa kalooban niya ay wala siyang napagpilian kung hindi ang pumayag. Ngunit unang beses pa lamang nilang pagkikita ni Damon ay hindi na kaagad maganda ang impresyon niya rito. Tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito.
Ngunit nang makasama na niya ito ay narealize niya na hindi naman pala masamang mapangasawa ito. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang alam niyang delikado ang puso niya rito. Dahil kahit nagsasama na sila ay isa pa rin itong estranghero na maraming lihim sa pagkatao. At isa sa mga iyon ang dudurog sa puso niya.
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone.
Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt.
Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya
"Maghihintay ako kahit pumuti pa pareho ang mga buhok natin. Kapag pagod ka na, gusto kong malaman mo na may uuwian ka."
Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita na nila ang pagkakaiba ng mga gusto nila sa buhay. Nais niyang maging isang sikat na singer habang ang nais ni Cade ay manatili lang siya sa tabi nito. Isang pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan upang maghiwalay sila ng landas.
Pagkalipas ng sampung taon, natupad ni Carli ang pangarap niya pero may hinahanap-hanap pa rin ang puso niya. At alam niya kung sino iyon... si Cade. Ang akala niya ay pagkakataon na iyon upang ayusin ang relasyon nila, pero ang isinalubong nito sa kanya ay annulment papers. Nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang dalawa dahil may nakita na itong babae na ipapalit sa kanya.
Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa bahay nila at makita ang mga magulang niya. Noon pa man kasi ay hindi na sang-ayon ang mga ito sa career na pinili niya. Ngunit nang magpunta siya sa bahay nila ay hindi ang mga magulang niya ang naabutan niya kundi si Theodore, ang ampon ng mga ito mula pa noong sampung taong gulang siya. He reminded her of all the things she thought she had already forgotten after all these years. Kasama na roon ang damdamin niya para dito na matagal na niyang pilit inaalis sa sistema niya pero hindi niya magawa.
Nais niyang iwasan ito. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging malapit sa isa't isa. And she ended up loving him even more. Ngunit kahit maraming taon na ang lumipas, alam niyang hindi ito maaaring maging kanya. She was trapped with a promise never to love him. And he was trapped with the memory of his own first love.
Utos ng music label ng Wildflowers na makipag-collaborate sila kay Adam Cervantes, rockstar/genius composer sa Hollywood na half Pinoy. Si Ginny ang napili ng producer nila na makatrabaho ni Adam. Ngunit kahit anong pilit ni Ginny ay hindi niya magawang makasundo ang lalaki. Kahit kasi ilang taon na sila sa Amerika ay naku-culture shock pa rin siya kapag si Adam na ang kasama niya. Kung gaano siya ka-conservative ay ganoon naman ito ka-liberated. But then, Adam also made her feel so many things so new to her. Until she fell in love with him.
Ang kaso alam niyang laro lang para dito ang lahat. Adam never took any woman seriously. Alam niya na kapag na-bore na ito sa kanya ay iiwan siya nito nang walang pag-aalinlangan. And that would mean a broken heart for her. Magagawa ba niyang isugal ang puso niya rito?
Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya.
Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn't seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days... and night with him. Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine...
Na kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona.
At paglipas ng maraming taon, saw akas ay nahanap din ni Keith ang kanyang anak. Pero hindi lang si Yona ang natagpuan niya kung hindi pati ang babaeng tumayong ina ng bata, si Sylve.
Maki Frias had always been a mystery. Hindi lang para sa mga residente ng Bachelor's Pad kundi para din sa kanyang sarili. Hindi niya alam ang kanyang pinanggalingan. He didn't remember anything about his life before he was five. Dahil doon, para siyang laging naglalakad sa dilim. Growing up without somewhere to belong to could do that to a person.
Mabuti na lang at nakilala niya si Allen Magsanoc. Mula pagkabata, ang babae na ang nagsisilbing ilaw ng kanyang buhay. She was his family, his best friend, his superhero, and his only love. Allen was someone he could call his home. Pero noong college sila, nakagawa si Maki ng malaking kasalanan, dahilan kaya nawala kay Allen ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito. Ang masama pa, habang nagdurusa ang dalaga, kinailangan ni Maki na mawala nang hindi nagpapaalam.
Years later, muli silang nagkita. Katulad ni Maki, ibang-iba na si Allen kaysa dati. This time, he wanted her to be a permanent part of his life. Ang problema, galit na galit sa kanya si Allen at wala itong balak na magpatawad.
Matagal nang magkakilala sina Apolinario Monies at Sheila Ignacio pero hindi sila magkaibigan. 'Katunayan, palagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita. But at the night of Sheila's best friend's wedding, they had a truce. Nakapag-usap sila tungkol sa maraming bagay nang hindi nag-aaway. They got too comfortable and too reckless that they ended up sleeping together.
It was supposed to be a one-time thing. Pero hindi na nawala ang physical attraction at kakaibang connection nina Sheila at Apolinario. Ang problema, wala silang romantic feelings sa isa't isa. Gumawa sila ng kasunduan-isang no-strings-attached physical relationship hanggang sa parehong mawala sa sistema nila ang isa't isa.
Ang hindi inaasahan ni Sheila ay tatagal nang maraming buwan ang "arrangement" nila. Namalayan na lang niya, in love na siya kay Apolinario.
But the arrangement had to end. Kailangan na kasing magpakasal ni Apolinario sa ibang babae-isang pangako sa namatay na ina, na kailangang matupad kahit pa ang kapalit ay ang sariling kaligayahan.
Si Sheila naman, kahit in love na sa binata ay mas komportable sa isang casual relationship. Para kasi sa kanya, ang commitment, lalo na ang kasal ay parang isang preso na mahirap labasan.
But one day, Sheila got into a car accident that almost killed her. Naging wake-up call iyon para sa kanila ni Apolinario.
Nakahanda na ba siyang makulong sa isang relasyon? At si Apolinario, nakahanda rin bang talikuran ang pangako sa ina?
Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, bigla itong sumulpot. Ang lalong nakapagpabigla sa kanya, may kasama ang papa niya na babaeng mas bata sa kanya nang ilang taon.
Anika looked innocently beautiful. Pero may nakita pa si Trick sa kislap ng mga mata ng dalaga-she was in love with his father!
Hindi makakapayag si Trick na sirain ng babaeng tagaisla ang relasyon ng kanyang mga magulang.
Gagawin niya ang lahat para mailayo si Anika sa papa niya. Kahit pa dumating sa puntong paiibigin niya ang isang babaeng malayong-malayo sa iisipin ng marami na tipo niyang babae...
In the real estate business, Benedict is considered as the wolf. When he wants a property, he will stop at nothing until he gets it. At sa kasalukuyan, isang private land sa bayan ng Rizal ang gusto niyang maangkin.
Pero ibebenta lang daw iyon sa kanya ng matandang may-ari sa isang kondisyon-kailangan niyang pakasalan ang apo nito. Worst, kailangan pa niyang suyuin ang dalaga.
That land is the only hurdle for the completion of Benedict's dream project. Kaya kahit hindi niya type at parang masyadong uncivilized si Lyn Fajardo, pumayag siya sa kondisyon.
Pinaibig ni Benedict ang dalaga at nagpakasal sila. Pero sa bawat araw na magkasama sila, tumitindi ang guilt sa kanyang dibdib. Lyn turns out to be an amazing woman and he is starting to hate himself for tricking her. Inaasahan na niyang magagalit ito pagkatapos malaman ang totoo.
Ang ikinagulat ni Benedict ay ang sakit na nararamdaman nang mawala ang pagmamahal na palagi niyang nakikita sa mga mata ni Lyn. He realizes that in the short time of being married to her, he has fallen in love with his wife. But now it's too late. Ayaw na ni Lyn sa kanya
Jella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira sa kanyang career. Wala siyang choice kundi ang bumalik sa Pilipinas, kahit nangangahulugang kailangan niyang harapin ang mga tinalikuran noon para sa kanyang ambisyon.
Kasama na si Derek Manalili, ang lalaking minahal ni Jella pero sinaktan at iniwan.
Hindi na umaasa si Jella na madurugtungan pa ang naging relasyon nila ni Derek. Kaya nagulat siya nang makita ang lalaki sa kanyang homecoming party. Hinarap siya nito na parang walang nangyaring hindi maganda. Suddenly, he came back into her life. Nanatili si Derek sa tabi niya at ipinaalala ang mga bagay na nakalimutan na niya sa loob ng anim na taon.
He made her fall in love with him again.
Pero kung may hadlang sa relasyon nila noon, lalo na ngayon. Galit na kay Jella ang pamilya ni Derek. May ibang babae na gusto ang mga ito para sa binata. At kahit inaalok na siya ni Derek ng kasal, hindi pa siya handang mag-asawa.
Pero kapag umalis uli siya, siguradong wala na siyang babalikan pa
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya.
Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.
Brokenhearted si Almira nang makita niya si Brad sa pangalawang pagkakataon sa Las Vegas. Ang dating masayahin at laging may nakahandang charming smile na Brad Madrigal ay miserable naman sa pagkakataong iyon. Kailangang magpakasal ni Brad sa isang babaeng hindi nito mahal.
That night, they found comfort in each other. Kinabukasan, nang magising si Almira ay naroon na siya sa hotel room ni Brad. Kapwa wala silang maalala sa mga nangyari kagabi pero alam nilang may namagitan sa kanila!
Inakala ni Almira na hanggang doon na lang ang magiging koneksiyon niya sa binata. Pero dumating ang isang package mula sa Las Vegas. Ang laman-isang marriage contract... At silang dalawa ni Brad ang nakapirma.
She was married to a famous and internationally awarded celebrity!
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother.
Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya.
"I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return."
Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili
Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili.
But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang.
Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore.
Doon ay nakilala niya si Ryan Decena.
Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa.
Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay.
Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them.
Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata.
Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry.
Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Buong buhay ni Jane passive siyang tao. Plain hindi lang ang hitsura niya kung hindi pati ang personalidad niya. Kaya naman kahit kailan hindi siya umasa na mapapalapit siya kay Charlie Mariano, her puppy love, her first love and her one true love. Kaya naman nang isang gabi ay sumulpot si Charlie para sa dinner dapat ni Jane kasama ang lolo ng binata ay labis siyang nagulat. Lalo na nang malaman niya na fiancée pala niya ito alinsunod sa kagustuhan ng lolo nito. Ni wala siyang kaalam-alam! Binigyan pa sila ng mga pamilya nila ng dalawang buwan para kilalanin ang isa't isa bago ianunsyo ang kanilang engagement.
Galit na galit si Charlie. But Jane realized it was her chance. Sa unang pagkakataon gusto niyang gumawa ng paraan para makuha ang isang bagay na gusto niya. Kaya balak niyang gamitin ang dalawang buwang palugit na iyon para paibigin si Charlie. It was the gamble of her life. Because if she failed, she will surely end up with a broken heart.
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman.
Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation.
Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita siya nito sa isang hindi magandang sitwasyon.
"Instead of looking for other men to seduce, you will warm my bed as long as I want to. Of course, I will make sure to compensate you. However, I will not love you and you are not to fall in love with me. I will not marry you either. Are you willing to throw away all your love for money?"
Parang patalim na sumaksak sa puso niya ang sinabi nito. Pero tinanggap niya iyon kasi umaasa siya na baka kapag hinayaan niya itong saktan siya ng ganoon ay mapatawad siya nito.
"Matagal ko ng itinapon ang sinasabi mong pag-ibig Raiven." Iyon ang lakas loob niyang sinagot dito. Kahit ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito...
***COMPLETED ****
Maraming ginawang kasamaan noon si Daisy. Kaya gusto niyang ayusin ang buhay niya at patunayan ang sarili sa lahat. Subalit ang mga tao sa paligid niya duda na may kakayahan siyang magbagong buhay. Maliban kay Rob Mitchell, ang lalaking minsan ay tumulong sa kaniya nang gantihan siya ng mga babaeng nasaktan niya noon.
Hindi itinago ni Rob ang interes nito kay Daisy. Kapag pakiramdam niya may problemang hirap siyang lusutan, tila hero na tumutulong kaagad sa kaniya ang binata. He makes her stronger and more determined to fix her life. Kaya hindi na siya nagulat ng isang araw ay magising siya at mapagtantong mahal na niya ang binata.
Ngunit kung kailan akala ni Daisy perpekto na ang takbo ng buhay niya, nalaman naman niya na walang balak si Rob na permanenteng manatili sa buhay niya. Rob is determined to leave the country for good.
Narealize ni Daisy... si Rob na yata ang karma niya. Because she never felt so hurt before until he told her he cannot stay.
***COMPLETED***
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula ang pasakit niya dahil walang araw na hindi sila aso't pusa kung mag-away.
Hanggang sa kausapin siya ng masinsinan ng ama nito. "I want you to not only protect him but to tame him." Paano niya iyon gagawin kung siya mismo ay naniniwalang wala na itong pag-asang magbago?
But everything seems to change when her hate for him became attraction. Bigla ay apektadong apektado na siya sa mga taong nagtatangkang saktan ito. At nang biglang sumulpot ang ex nito at nais makipagbalikan dito ay labis siyang nabahala. Sinabi na ni Riki sa simula pa lang na hindi ito magkakainteres sa kaniya. So what would she do now that she realized she was already in love with him?
***COMPLETED***
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kung hindi si Choi Montemayor, kilalang prinsipe ng high society na sa TV lang niya nakikita.
Lalo pang naging complicated ang sitwasyon nang biglang sumulpot ang isang batang babae sa bahay ni Choi. Anak pala nito sa dating karelasyon. Nasaksihan ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama dinamay pa siya ng binata sa gulo ng buhay nito. Ginawa kasi siyang babysitter.
Hindi nga lang niya ineexpect na mapapamahal siya sa bata. At kahit ayaw niyang tanggapin ay napamahal din siya kay Choi
Pero alam niyang walang kahahantungan ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi siya naniniwala sa fairy tale at sa fairy tale lang nangyayaring nagkakagusto sa isang tulad niya ang isang prinsipeng gaya ni Choi Montemayor.
Napadpad si Belle at ang mga kapatid sa San Bartolome nang tumakas sila mula sa mga taong naloko nila sa Maynila. Gusto na niyang magbago sila pero na-curious ang mga ate niya sa sekreto ng malaking bahay sa isang bahagi ng bayang iyon. Nautusan siya ng mga itong pasukin at alamin kung totoo ang mga sabi-sabing kumakalat sa bayan tungkol sa lalaking nakatira doon.
Isang galit na lalaki ang sumalubong sa kanya roon dahil nahuli siya nitong pumipitas ng rosas sa hardin nito. Para hindi siya ipapulis ni Kieran-ang lalaking may-ari ng bahay- kinailangan niyang manatili sa bahay nito biglang tagalinis. Habang naroon siya unti-unti niya itong nakilala. Nalaman din niya ang katotohanan kung bakit palagi itong galit at ayaw makisalamuha sa ibang tao. Sa kabila ng mga kapintasan at madilim na nakaraan nito, na in love pa rin si Belle kay Kieran.
Kaso alam niyang walang kahahantungan iyon. Kapag nalaman ng binata kung ano ang tunay na intensiyon niya sa paglapit dito at kung ano ang tunay niyang pagkatao... huwag na siyang umasa sa isang happy ending
ANGEL MARQUEZ has a bad habit. She falls in love too easily. At kapag in love, ibinibigay niya ang lahat, pati ang kanyang puso't katawan. Sabik kasi siya sa pagmamahal na hindi niya naranasan mula pa noon.
And then she meets Jack Lopez, ang lalaking gumising sa kanyang pagnanasa. Every time they meet, they can't get their hands off each other. He is bad for her, though. Dahil hindi nito maibibigay ang pagmamahal na inaasam niya. He already loves another, has his heart broken and has sworn to never love again.
Isang temporary affair lang ang kayang ialok ni Jack kay Angel, a physical relationship that would fulfill her innermost desire and fantasies.
Pero kaya bang punuuan ng pagnanasa ang pagmamahal na hinahanap niya?
Na kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumikilos at nag-iisip ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Until he met Alaina - his personal chef's daughter. Iba si Alaina sa lahat ng nakilala na niya sa buong buhay niya. She was sunshine personified. Kapag tinitingnan siya nito ay hindi money sign ang nakikita nito kung hindi ang tunay niyang pagkatao. Alaina made Randall human.
Pero napakaraming pagsubok ang pilit silang pinaghihiwalay. They were both teenagers then. At kahit anong pagrerebelde ang gawin ni Randall ay hindi niya nagawang protektahan si Alaina. Isang araw, matapos ang isang matinding trahedya, biglang nawala sa buhay niya si Alaina. Ginugol ni Randall ang sumunod na mga taon sa paghahanap sa dalaga. Pero nang sa wakas ay matagpuan na niya ito ay isang rebelasyon ang naging dahilan kaya nasaktan siya nang husto.
Hindi siya naaalala ni Alaina.
A MYSTERIOUS AND ANCIENT FAMILY...
MULA pa sa simula ng panahon, nag-e-exist na ang angkan ng mga Alpuerto. Throughout centuries they gained immense wealth, influence and power. Simula noon hanggang ngayon, sila ang nagpapatakbo sa buong bansa sa anino ng mga kilalang tao. At mayroon silang lihim.
Their bloodline carries a special power given to their ancestor by a Goddess. Bawat lalaki sa kanilang pamilya ipinapanganak na may taglay na kakaibang kapangyarihan.
Pero sa bawat henerasyon, pahina ng pahina ang kapangyarihang taglay nila. Nagbabadyang magwakas ang pamilya nila sa kasalukuyang henerasyon kung hindi nila magagawan ng paraan.
A GIRL LIVING A SIMPLE LIFE BUT CARRIES AN EXTRAORDINARY DESTINY...
SA isang malayong bayan ng Tala, simple at tahimik ang buhay ni Ayesha. Hanggang biglang may sumulpot na mga lalaki sa buhay niya. Siya daw ang moon bride at kailangan niya mamili kung sino sa kanila ang kanyang mapangasawa para isakatuparan ang tradisyon ng mga pamilya nila mula pa noong unang panahon.
Kasabay ng pagsulpot ng mga Alpuerto sa buhay ni Ayesha ay ang mga rebelasyon din ng tunay niyang pinagmulan at ang kahulugan ng mga panaginip na paulit-ulit siyang dinadalaw sa gabi.
But being a moon bride is never easy. Lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa mga Alpuerto. Danger and darkness is lurking in the shadows. Naghihintay ng tamang sandali para pabagsakin ang pinakamatandang angkan sa kasaysayan.
When you get caught in a dangerous game, you will never be the same again.
Joy Madrid is a beautiful woman suffering from major depression because of a relationship gone wrong. Mahal pa rin niya si James at kahit na ipinagpalit na siya nito sa ibang babae ay parang nakapagkit pa rin sa isip, puso at katawan niya ang mga marka ng binata. Mga markang nagdudulot sa kaniya ng trauma.
Si Dr. Martin na siyang pinakamagaling na psychiatrist sa bansa ang tumanggap kay Joy bilang pasyente. He's a handsome man in his late twenties. Mukhang masungit pero may malambot talagang puso.
Little by little, the layers of James and Joy's relationship are unraveled to Martin - the violence, the passionate lovemaking, the drama, and he vowed to cure her from it using exposure therapy.
Pero pareho nilang hindi inaasahan na habang isinasabuhay nila ang mga erotikong pantasya ni Joy ay magkakaroon sila ng kakaibang koneksiyon; ng intimacy na hindi nila naramdaman sa piling ng kahit na sino. Hanggang sa hindi na nila alam kung treatment pa rin ba ang ginagawa nila o isa ng affair.
Kung kailan okay na ulit si Joy ay saka naman niya nalaman ang isang bagay na inilihim sa kaniya ni Martin. Isa iyong rebelasyon na nagpayanig sa namamagitan sa kanila. Isang rebelasyon na naging dahilan kaya nabuo ang desisyon ni Joy na magpapabago sa kani-kanilang buhay.