bc

(Filipino) MOON BRIDE

book_age16+
1.9K
FOLLOW
16.2K
READ
badboy
goodgirl
student
drama
sweet
bxg
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

A MYSTERIOUS AND ANCIENT FAMILY...

MULA pa sa simula ng panahon, nag-e-exist na ang angkan ng mga Alpuerto. Throughout centuries they gained immense wealth, influence and power. Simula noon hanggang ngayon, sila ang nagpapatakbo sa buong bansa sa anino ng mga kilalang tao. At mayroon silang lihim.

Their bloodline carries a special power given to their ancestor by a Goddess. Bawat lalaki sa kanilang pamilya ipinapanganak na may taglay na kakaibang kapangyarihan.

Pero sa bawat henerasyon, pahina ng pahina ang kapangyarihang taglay nila. Nagbabadyang magwakas ang pamilya nila sa kasalukuyang henerasyon kung hindi nila magagawan ng paraan.

A GIRL LIVING A SIMPLE LIFE BUT CARRIES AN EXTRAORDINARY DESTINY...

SA isang malayong bayan ng Tala, simple at tahimik ang buhay ni Ayesha. Hanggang biglang may sumulpot na mga lalaki sa buhay niya. Siya daw ang moon bride at kailangan niya mamili kung sino sa kanila ang kanyang mapangasawa para isakatuparan ang tradisyon ng mga pamilya nila mula pa noong unang panahon.

Kasabay ng pagsulpot ng mga Alpuerto sa buhay ni Ayesha ay ang mga rebelasyon din ng tunay niyang pinagmulan at ang kahulugan ng mga panaginip na paulit-ulit siyang dinadalaw sa gabi.

But being a moon bride is never easy. Lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa mga Alpuerto. Danger and darkness is lurking in the shadows. Naghihintay ng tamang sandali para pabagsakin ang pinakamatandang angkan sa kasaysayan.

chap-preview
Free preview
Prologue
               LUMULUHA ng dugo ang bilog na buwan nang isilang ang isang sanggol. Umalingawngaw ang iyak niyon sa katahimikan ng gabi.                “Babae ang anak mo, Rebecca,” nakangiting sabi ng komadrona habang maingat na hawak nito sa mga kamay ang sanggol.                Hinang hina si Rebecca at sa namimigat na mga mata ay sinilip ang kanyang anak na ibinalot ng komadrona sa malinis na lampin. Pagkatapos sumulyap siya sa direksiyon ng bintana ng maliit na silid sa lying-in center na iyon. Nakasara iyon at nakatabing ang mga kurtina. Pero alam niya kung ano ang makikita niya sa madilim na kalangitan kung sakali mang nakabukas ang bintana at kaya niyang tumingala.                Blood Moon. Laman iyon ng mga balita sa nakaraang mga linggo. Ang dahilan kung bakit gusto sana niya na huwag sa araw na iyon manganak. Pero hindi rin talaga nadaan ni Rebecca sa pakiusap at dasal ang lahat. Mismong sandali pa na sigurado na pulang pula ang bilog na buwan sa kalangitan napiling lumabas ng kanyang anak.                Lumapit sa kama ang komadrona kaya nawala ang tingin niya sa bintana. Malinis na ang sanggol at huminto na sa pag-iyak. Maingat iyong ibinaba ng komadrona sa tabi niya. Tumulo ang luha ni Rebecca habang pinagmamasdan ang payapa at inosenteng mukha ng kanyang anak. Hindi iyon luha ng kaligayahan kung hindi luha ng hinagpis at takot.                Bakit kailangan ngayon ka pa ipanganak anak ko?  Kung ilang linggo ang nakararaan ka lumabas o kaya ay sa susunod pang linggo, kapag hindi na bilog ang buwan at hindi iyon pula na tulad ngayon, mapapanatag na sana ako na magiging normal at tahimik ang magiging buhay mo sa hinaharap.                     “Rebecca? Tatawagin ko na ang asawa mo. Sigurado akong gusto na niya kayong makita na mag-ina niya,” sabi ng komadrona bago naglakad palayo sa kama at patungo sa pinto ng silid.                Hindi siya nag-angat ng tingin at patuloy lang tinitigan ang sanggol. Kahit hindi pa rin bumabalik ang kanyang lakas kumilos si Rebecca hanggang sa mailapit niya ang mukha sa kanyang anak at hinalikan ito. “Po-protektahan kita kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaang matagpuan ka nila,” determinadong bulong niya.                Noon pumasok sa silid ang asawa niya at humahangos na lumapit sa kama. Naluluha at halatang manghang mangha ang lalaki habang pinagmamasdan ang sanggol. Tiningnan nito si Rebecca at masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Nakangiting hinalikan siya ng lalaki at ganoon din ang ginawa nito sa kanilang anak.                “Napakagandang bata,” usal ng asawa ni Rebecca.                “Ano ang pangalang ibibigay niyo sa kaniya?” nakangiting tanong ng komadrona.                Tumingin sa kaniya ang lalaki at hinintay siyang magsalita. Pinagmasdan ni Rebecca ang kanyang anak at masuyong ngumiti sa kabila ng pag-aalala na namamayani sa puso niya. “Ayesha. Siya si Ayesha.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
564.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

Just Another Bitch in Love

read
33.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.1K
bc

My Last (Tagalog)

read
489.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook