bc

MARRYING A STRANGER

book_age12+
3.6K
FOLLOW
34.7K
READ
billionaire
contract marriage
arranged marriage
boss
bxg
like
intro-logo
Blurb

Nasusuong sa malaking problema si Lettie. Biglang sumulpot ang kaniyang ama na matagal na panahong nagtago dahil sa halos milyong utang na iniwan nito sa kanila dahil sa pagkalulong nito sa bisyo. At bumalik ito upang sabihing may paraan na itong naisip upang mawala ang mga utang nila - iyon ay ang pakasalan niya ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola na si Damon Valencia.

Labag man sa kalooban niya ay wala siyang napagpilian kung hindi ang pumayag. Ngunit unang beses pa lamang nilang pagkikita ni Damon ay hindi na kaagad maganda ang impresyon niya rito. Tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito.

Ngunit nang makasama na niya ito ay narealize niya na hindi naman pala masamang mapangasawa ito. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang alam niyang delikado ang puso niya rito. Dahil kahit nagsasama na sila ay isa pa rin itong estranghero na maraming lihim sa pagkatao. At isa sa mga iyon ang dudurog sa puso niya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“LOLA! May bisita po kayo!” patiling sabi ng batang babae na bumungad kay Melchor sa gate ng bahay ng matalik niyang kaibigan mula pa noong bata pa siya na si Kristina.           Nginitian niya ang cute na batang babae. Baby pa lamang ito ay aliw na aliw na siya rito. Kamukhang kamukha kasi ito ni Kristina noong mga bata pa sila. Mula sa loob ng bahay ay lumabas ang ina ng batang babae at binati siya kasabay ng pagbubukas ng gate.           “Nasa garden po si mama,” sabi nito at iminuwestra siyang sumunod dito.           Saglit niyang inayos ang polo na suot niya at sinigurong maayos pa rin ang bungkos ng bulaklak na binili niya para kay Kristina bago sumunod sa babae. Sa hardin ay agad nga niyang nakita ang ipinunta niya roon. Nakaupo ito sa isang couch na yari sa yantok at masayang nakatingin sa anak nitong lalaki na kasalukuyang nagbabarbecue. Napangiti siya. Siya ang nagbigay rito ng upuan na iyon. Siya mismo ang nagdisenyo at personal na gumawa niyon habang ito ang nasa isip niya.           Tumakbo palapit dito ang batang babae at itinuro siya. Lumingon sa kaniya si Kristina at nang makita siya ay malawak na ngumiti. Gumanti siya ng ngiti. Despite her white thinning hair, wrinkled skin and thin figure, her smile still posseses that magical charm that it has when they were still young. Sa kabila ng katotohanang pareho na silang nasa sisenta ang edad, para sa kaniya ay ito pa rin ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa buong buhay niya.           “Mel, dumating ka,” masayang tawag nito sa kaniya sa kabila ng bahagyang lamya sa tinig nito. Bigla tuloy siyang nabahala ngunit hindi niya pinahalata. Kailan lamang ay nagkaroon ito ng mild stroke at hindi pa nagtatagal mula ng lumabas ng ospital. Mukhang hindi pa ito tuluyang nakakarecover sa nangyari.           Lumakad siya palapit dito at inabot dito ang bulaklak na bitbit niya. “Happy birthday Tin,” masuyo niyang bati rito.           “Oh you really never forget about it Mel. Maraming salamat,” nakangiting tinanggap nito ang bulaklak at bahagya pa iyong sinamyo.           Tumabi siya rito at nakitingin din sa pamilya nitong kasalukuyang nasa harap ng barbecue grill. Ang nag-iisa nitong apong babae ay kinukulit ang mga magulang nito. Halatang isang masayang pamilya ang mga ito. Hindi katulad ng limang anak niya na pawang mga lalaki at may pamilya na. Hindi niya rin alam kung kailan nangyari ngunit nagising na lamang siya isang umaga na hindi na magkakasundo ang mga ito.           Napabuntong hininga siya. “Parang kailan lamang ano? Tayo pa ang batang iyan na tumatakbo sa kung saan. Ngayon may mga apo na tayo,” he nostalgically said.           Malamyang tumawa ito. “Oo nga eh. Natatandaan mo noong nag-pakasal ako bago ikaw? We promised that we will become a family by pairing our soon to be son and daughter? But it turns out na puro lalaki ang magiging mga anak natin,” alaala nito.           Tiningnan niya ito at masuyong nginitian. “Too bad right? When all we want is to become a real family. I have always wanted to be your family,” mahinang sabi niya dahil tila may bumikig sa lalamunan niya. Mula pa noong mga bata pa sila wala siyang ibang hiniling kung hindi ang maging tunay na pamilya ni Kristina. To be with her for always, till eternity. Ngunit nagpakasal ito sa anak ng kaibigan ng ama nito at hindi na siya nakaangal pa. Besides, Kristina has always treated him as her bestfriend, only her bestfriend. Sa huli, naisip niya na sapat na iyon sa kaniya. Makalipas ang isang taon ay nagpakasal siya sa isang babaeng napili naman ng mga magulang niya para sa kaniya. Hindi na siya nagreklamo dahil pag-aari naman na ng iba ang babaeng tunay niyang minamahal.          Lumambot ang pagkakatingin nito sa kaniya. “Pamilya naman talaga tayo Mel. But if you want to solidify this bond ayan pa naman ang mga apo natin. Tingnan mo si Lettie, napakagandang bata hindi ba? At napakabait at maalalahanin pa,” buong pagmamahal na sabi nito.           Napangiti siya at sinulyapan ang apo nito. “Yes she is. She looked exactly like you.”           Muli ay mahina itong tumawa. “Kaya mangako ka sa akin Mel, that you will choose your best grandson to be with her when the time comes. I may not be there when it happens but I will be really happy kapag nangyari iyon.”           Napatitig siya sa mukha nito. “Kristina, maari bang huwag kang magsalita ng ganiyan? Tinatakot mo ako,” seryosong saway niya rito.           Ngumiti ito at ginagap ang mga kamay niya. Her hands were cold, bony and wrinkled. Yet her grasp made his heart jump, as it always did whenever she touch his hands. “Nararamdaman ko na Mel. I will not be there when she grows up. Tanggap ko na iyon.” Magpoprotesta sana siya nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. “It’s okay. I’m okay with it Mel. Masaya na ako sa naging buhay ko. I am fine if I die now.”           “But I will not be fine! I will never be fine!” mariing sabi niya.           Tinitigan siya nito. “Salamat Mel. Salamat at palagi kang nandiyan mula pa noong mga bata pa tayo. Kung hindi ikaw ang naging kababata at matalik kong kaibigan ay malamang hindi naging kasing kulay ng buhay ko na kasama ka ang magiging buhay ko kung wala ka. Thank you for loving me after all these years.”           Kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito at sa malambot at malungkot na ekspresyon sa mukha nito. Bigla pakiramdam niya ay nais niyang maiyak. Nais niyang pumalahaw kahit pa pagtinginan siya ng buong mundo. “You… knew?” mahinang tanong niya.           Malungkot itong ngumiti. “Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo. Isa pa ay masyado kitang kilala upang hindi iyon mapansin. And I do too Mel. You know I do. Maybe not on the level of your love for me but I do love you.”           “Kristina,” tawag niya rito at napabuntong hininga. Alam naman niya iyon. Matagal na niyang alam na hindi siya nito mahal bilang isang lalaki kung hindi bilang isang kaibigan.           “So Mel, take care of my family for me okay? Lalo na ang apo ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya. Ipangako mo,” anitong halos pakiusap.           Humugot siya ng hininga upang pawiin ang lungkot na bigla niyang naramdaman. “I promise.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Senorita

read
13.2K
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.4K
bc

The Fall of Alistaire

read
224.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
202.4K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook