bc

MY ENIGMATIC STAR

book_age12+
1.1K
FOLLOW
7.5K
READ
opposites attract
arrogant
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo.

Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat.

Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ALL the guests saw the side of Zander Uijleman we have never seen before – the talkative, smiling and oh so romantic Zander. But hey, we have no complaints. This hunk model is still God’s gift to women. Only, he chose to be a one-woman man. Saglit na huminto sa pagtipa sa laptop niya si Coffee at tumitig sa isinulat niya. Pagkuwa’y muli niyang naalala ang pinuntahan niyang press conference ng Fashion Week noong nakaraang linggo kung saan lahat silang press people ay hindi inaasahan ang pagdating ni Zander Uijleman, ang number one male model sa Asya. Ang huli kasi nilang balita ay aalis na ito ng bansa at sa Europa na itutuloy ang pagmomodelo. Nasagot ang tanong nila nang biglang dumating ang isang magandang babae, na napagkamalan niya pang bagong modelo. Iyon pala ay empleyado ito ng Timeless Modeling Agency, ang agency ni Zander. And to their amazement Zander confessed his love to her. It turns out that the girl he called Erica is the reason why he doesn’t want to leave the country. Napangiti na naman siya. To be able to see events like that is what makes her job as a reporter enjoyable for her. Noon pa mang high school siya ay member na siya ng school paper nila at talagang nabubuhay ang dugo niya kapag nag co-cover siya ng mga event sa school nila. Kaya naman walang pagdadalawang isip niyang kinuha ang kursong journalism. Isa pa, ayon sa mga nakakakilala sa kanya, chismosa raw siya kaya bagay sa kanya ang ganoong career. Pagkagraduate niya ay nakapasok kaagad siya bilang contributing writer sa Star Magazine, isang malaking showbiz magazine sa bansa. At ngayon nga ay may sarili na siyang column bukod sa pagsusulat ng mga article na nire-request ng kanilang editor in chief. Alam niyang hindi lingid sa marami pero madumi ang kalakaran ng pagsusulat sa show business. Marami ring galit sa kanila dahil pinakikielaman daw nila pati personal na buhay ng mga celebrity. Ang hindi alam ng mga tao, hindi rin mabubuhay ang show business kung wala sila. Sila kasi ang nagbibigay ng publicity sa mga gustong sumikat. Madalas pa nga ay binabayaran sila para lamang isulat nila sa column nila ang isang artista. Iyon nga lang, may mga reporter na pinagkakaperahan na iyon. But not her. Hindi siya nagpapabayad ng ganoon. Madalas kapag kumukuha siya ng impormasyon ay impormasyon din ang kapalit na gusto niya. Never money. Hindi rin siya tumatanggap ng magpapasulat talaga. Iyong mga tipong kahit hindi totoo ay kailangan niyang palakihin para magkatunog ang pangalan ng isang tao. For her, that’s a disgrace in her career. So, she writes in her own pace. Puro katotohanan lang din ang isinusulat niya. Kapag sa tingin niya ay malaking kaso ang isusulat niya ay ineembistigahan niya iyon ng mabuti at kumakalap siya ng sapat na ebidensya bago niya iyon isusulat. Iyon nga lang, matagal iyon kaya madalas napapagalitan siya ng editor niya. May mga pagkakataon din na ang editor niya mismo ang may ipinapasulat sa kanya. Sa mga ganoong pagkakataon ay wala siyang nagagawa kung hindi ang sundin ito. Mabuti na lamang at may mga pangyayaring tulad ng nangyari sa presscon ng Fashion week, may naisusulat siya. Bigla na naman tuloy niyang naisip ang mala-cinderellang kwento ni Erica. Hay nakakainggit sila. Hindi niya mapigilang maisip. Maraming babae ang siguradong nangangarap na mangyari sa kanila ang eksenang iyon. Masuwerte si Erica. No, actually kung siya ang tatanungin ay mas masuwerte si Zander na nakilala nito si Erica. Dati kasi ay parang hindi tao si Zander sa kalamigan. Siya nga ay hirap na hirap itong interviewhin. At kapag naman nagkakaroon siya ng pagkakataon ay parang pilit na pilit lang ito sumagot. Si Erica naman, base sa kanyang obserbasyon ay natural na masayahin at makulit na babae. So, in her opinion, they really suit each other.  Natigilan siya at muling napatitig sa screen. Pagkuwa’y tumipa siya. Hmm... what love could really do huh? I’m envious! Muli niyang binasa ang sinulat niya mula sa umpisa. Pagkatapos i-edit ang mga typographical errors ay sinave na niya iyon. Ayan tama na iyan. May maipapasa na akong article para sa column ko sa next issue. She sighed with relief. Sinaid niya ang laman ng pangalawang tasa niya ng kape. Mabuti na lang at bottomless ang kape sa Sweet Fanstasy cake shop kung saan siya naroroon. Kung hindi ay mamumulubi siya sa lakas niya uminom ng kape. Iyon ang downside ng pagiging tapat na manunulat ayon sa mga kasamahan niya sa Star. Hindi raw siya yayaman kung masyadong mataas ang pride niya at hindi siya magpapabayad. Pero walang kaso sa kanya iyon. Sarili lang naman niya ang binubuhay niya kaya sapat na sa kanya ang sweldo niya. Besides, kape lang naman ang kailangan niya para mabuhay sa isang araw. Bihira siya bumili ng pagkain dahil madalas naman ay may libreng pagkain para sa press ang mga event na pinupuntahan niya. Doon na lang siya bumabawi. Napangiti siya. Dahil malakas siyang magkape ay madalas iyong gawing biro ng mga kaibigan niya noong nag-aaral pa siya. Na kaya daw siguro Coffee ang ipinangalan sa kanya ng mga magulang niya ay nahuhulaan na ng mga ito na magiging coffeeholic siya. She always laughed when they say it. “Ngumingiti ka na naman mag-isa, dear customer. May maganda bang nangyari sa assignment mo?” pukaw sa kanya ng isang boses lalaki. Nag-angat siya ng tingin. Ang nakangiting mukha ni Yuuji- ang may-ari ng Sweet Fantasy at manager ng main branch na iyon ang nakita niya. Sa dalas niyang tumambay sa shop na iyon ay naging kaibigan na niya ito. Nginitian niya ito. “Yep. Masaya ang event na napuntahan ko. Sa sobrang saya ko tapos ko na ang article ko. Pwede na akong humanap ng bagong scoop.” Tumawa ito. “Ang workaholic mo talaga. Masama iyan. Dapat bagalan mo naman ang pacing mo minsan,” payo nito kasabay nang pagsalin nito ng kape sa tasa niya. Pabiro niya itong inismiran. “Huwag mo nga akong igaya sa iyo. Besides, I love being busy,” sagot niya. “Hmm... you know what? I heard somewhere that people who love being busy are those people who are lonely,” komento nito. Siya naman ang natawa. “Then mali iyang kung sino man ang nagsabi niyan. I’m not lonely.” “Talaga? Hindi ka ba talaga nalulungkot? Hindi ka naghahanap ng mga brasong yayakap sa iyo sa gabi? And something beyond that?” tanong nitong kumindat pa. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Tse. Hindi ko naiisip yan no.” Tumawa ito. “Sabi mo eh.” “Waiter!” tawag ng isang customer na babae. Nilingon iyon ni Yuuji at nginitian iyon. Tila nagpa-beautiful eyes naman ang babaeng tumawag rito.  Napataas ang kilay niya. “Waiter ka na naman ngayon? Ikaw lang ang owner na kilala kong nag-we-waiter,” komento niya rito. Ngumisi ito. “Yep. I can’t settle in the office. Wala namang sasaway sa akin dahil ako ang may-ari nito,” anitong tumawa pa. Awtomatiko siyang napatingin sa paligid. Halos babae ang customer doon. At halos lahat ay pasimpleng sumusulyap kay Yuuji. Well, she cannot blame them. Yuuji is a very handsome man. Mukha rin itong approachable. Na siyang totoo naman. Pero siya kasi, dahil sanay na yata siya sa itsura ng mga celebrity na nakakasalamuha niya ay hindi na apektado sa itsura ng isang tao. Tuloy, wala rin siyang magustuhang lalaki sa personal na paraan. O siguro, hindi pa lang talaga niya nahahanap ang lalaking pupukaw sa kanya. Iyong tipong walang kinalaman sa trabaho niya. Napailing siya ng makitang nakikipagngitian na si Yuuji sa customer na iyon. “You’re doing that because you want to flirt with the female customers am I right?” amused na sabi niya rito. Muli itong tumawa. “Wow, Coffee, kilalang kilala mo na talaga ako ha. Dahil diyan bibigyan pa kita ng libreng tasa ng kape.” Tumawa siya. “Bottomless kaya ang order ko. But I’ll use that free cup next time.” “Sure sure. Wait, the lady is waiting for me already. Enjoy your coffee, Coffee,” sabi nitong natawa pa. Napangiti na lamang siya at sinundan ito ng tingin nang lumapit ito sa babaeng tumawag dito kanina. Inalis niya ang tingin dito at muling sumimsim ng kape. Lonely? Hindi niya akalaing dito niya maririnig iyon. Kung may mukhang malungkot sa kanila, ito iyon at hindi siya. Sino bang taong masaya ang makikipagdate sa napakaraming babae? Wala. Dahil kung masaya ang isang tao, sapat na sa kanya ang isang karelasyon. E paano ang mga walang karelasyon na gaya mo? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. She shrugged. I’m happy with my freedom. Besides, work is my priority okay. Tama ganoon iyon. Kaya kakalimutan na niya ang sinabing iyon ni Yuuji. There’s no way he could be right.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Perfect Withstander

read
110.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

YOU'RE MINE

read
902.2K
bc

Flirting My Bitter Ex-Boyfriend (TAGALOG)

read
123.7K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
280.2K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook