bc

Bachelor's Pad series 1: MR. INVINCIBLE

book_age16+
5.2K
FOLLOW
59.4K
READ
arrogant
badgirl
boss
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

***COMPLETED ****

Maraming ginawang kasamaan noon si Daisy. Kaya gusto niyang ayusin ang buhay niya at patunayan ang sarili sa lahat. Subalit ang mga tao sa paligid niya duda na may kakayahan siyang magbagong buhay. Maliban kay Rob Mitchell, ang lalaking minsan ay tumulong sa kaniya nang gantihan siya ng mga babaeng nasaktan niya noon.

Hindi itinago ni Rob ang interes nito kay Daisy. Kapag pakiramdam niya may problemang hirap siyang lusutan, tila hero na tumutulong kaagad sa kaniya ang binata. He makes her stronger and more determined to fix her life. Kaya hindi na siya nagulat ng isang araw ay magising siya at mapagtantong mahal na niya ang binata.

Ngunit kung kailan akala ni Daisy perpekto na ang takbo ng buhay niya, nalaman naman niya na walang balak si Rob na permanenteng manatili sa buhay niya. Rob is determined to leave the country for good.

Narealize ni Daisy... si Rob na yata ang karma niya. Because she never felt so hurt before until he told her he cannot stay.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“IS THIS it?” tanong ni Rob. “Yes,” proud pang sagot ni Ross. Pinsan ni Rob si Ross sa father side. Hindi man sila lumaking magkasama dahil noon pa man ay sa Amerika na nakatira si Rob habang si Ross ay nasa Pilipinas, nagkikita pa rin naman sila dahil bumibisita si Ross sa Amerika tuwing may panahon. At ilang taon din itong nagtrabaho bilang abogado sa Amerika bago nagdesisyong bumalik sa Pilipinas. Mula naman nang maging talent manager si Rob ng bandang Wildflowers na lahat ng miyembro ay Filipina, mas napadalas naman ang pagpunta niya sa Pilipinas. At ngayon, nagdesisyon siya na manatili sa Pilipinas nang mas matagal. Of course, his stay was work-related. Dahil wala namang ibang dahilan ang makapagpapanatili sa kanya sa iisang lugar nang matagal maliban sa trabaho. Pinagmasdan ni Rob ang building sa harap nilang magpinsan. He was not impressed. Limang palapag ang gusali at mukha namang malaki. Sa bagay na iyon ay pasado sa kanya ang gusali. Subalit kupas na ang kulay ng pintura sa labas ng gusali at mukhang abandonado. It was located at the farthest corner of a street. Kahilera ng mga nagtataasan at naggagandahang condominium. The building looked out of place in this high-class area. “Are you sure this is a ‘great place to stay’ like you told me?” duda pa ring tanong ni Rob. Tumawa si Ross. “Yes, it is. Ang sabi mo sa akin, gusto mo ng unit sa isang building na masisiguro mo ang privacy at maganda ang security, right? Well, dito ako nakatira. High-tech ang amenities at security features. Makakasundo mo rin ang ibang residente. Hindi ka rin mag-aalala na baka masyadong maraming tao dahil as far as I know, labintatlo lang ang nakatira dito. Kapag pumirma ka ng lease contract, panglabing-apat ka lang. The owner is peculiar but I know you can deal with that. Let’s go in.” Nagpatiunang lumapit si Ross sa entrada ng building. Sumunod si Rob sa pinsan kahit hindi pa rin siya kumbinsido. May tinutuluyan naman siyang condominium unit. After all, ilang buwan na rin naman siya sa Pilipinas. Subalit sa kung anong dahilan, nadidiskubre ng kung sino-sinong babae kung saan siya nakatira. Tuwing umuuwi ay palaging may babae sa labas ng pinto ng kanyang unit, offering their bodies in exchange for a chance to become famous.  Pagkatapos kasing umere ang contest kung saan naging judge si Yu Agustin, ang leader ng bandang Wildflowers, alam na yata ng lahat ang mukha ni Rob at ang katotohanang siya ang manager ng pinakasikat na banda sa mundo. Nagkaroon ng isang segment na ipinakilala siya ni Yu on national television. Mula noon, napakaraming tao na ang lumalapit kay Rob. Karamihan ay mga babaeng gustong maging modelo, singer, artista, etc. He loved women. Sino bang lalaki ang hindi? Lalong hindi siya santo para masabing hindi siya pumatol ni minsan sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Mas discreet lang si Rob dahil pinapangalagaan niya ang trabaho. But he hated anyone violating his privacy. At iyon ang ginagawa ng mga babaeng sumusulpot sa labas ng kanyang unit. Naubos na ang pasensiya ni Rob sa pangit na security ng dating condominium na tinitirahan. Kahit kasi sinabi na niya sa guwardiya at receptionist na huwag magpapapasok ng kung sino-sino at huwag ipaalam ang kanyang unit number ay wala pa ring nangyari. Kaya nagdesisyon na siyang humanap ng ibang matitirhan. Umangat ang mga kilay ni Rob nang makalapit sila ni Ross sa one-way glass door sa entrada ng building. Hindi iyon bumukas agad. Tumingala muna si Ross sa itaas na bahagi ng glass door. Napasunod ng tingin si Rob at ilang segundo pa bago niya nakita ang maliit na CCTV camera. Halos hindi iyon mapapansin dahil para lang disenyo sa pinto. Makalipas ang ilang segundo, bumalik ang tingin nilang magpinsan sa salaming pinto nang magsimula nang bumukas. What Rob saw left him speechless. Ni hindi siya nakakilos agad at napatitig lang sa loob ng building. “Come on, Rob. Kailangan mong pumasok dahil sasara ang pinto in twenty seconds,” sabi ni Ross kaya humakbang si Rob papasok. Naramdaman niyang sumara ang pinto sa likuran niya subalit hindi siya lumingon. “Good afternoon, Sir Ross,” bati ng dalawang security na nakatayo sa magkabilang gilid ng glass door. Subalit hindi pinagtuunan ni Rob ng pansin ang dalawa dahil titig na titig siya sa paligid. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang makikita sa loob ng tila lumang gusali. Ang buong ground floor ay black and white. The design was minimalist but modern and high-end. Masculine. Sa isang panig ay may reception area na walang tao. Sa kabilang panig ay may mahahabang sofa set na gawa sa black leather. Sa isang pader ay may napakalaking LCD screen. Sa harap nina Rob ay may mahaba at maluwang na hallway. Sa dulo niyon ay nakita niya ang elevator. “Naghihintay si Keith sa office,” sabi ni Ross at nagsimulang maglakad patungo sa hallway. Walang salitang sumunod si Rob sa pinsan. Napukaw na ang kanyang interes. Kumatok si Ross sa unang pinto sa kanan bago maluwang na binuksan at pumasok. Sumunod si Rob. Isang maliit na opisina ang silid. Sa isang pader ay mayroon ding malaking LCD screen. May maliit na sofa set na may glass center table. Sa isang panig ay mesa na may nakapatong na laptop at may swivel chair. Sa dulo ay may nakasarang pinto. “Nandito na kami,” sabi ni Ross. Noon bumukas ang pinto at lumitaw ang isang lalaki na maluwag na naka-ponytail ang mahaba at alon-along buhok. Balbas-sarado ito at ang suot ay T-shirt at kupas na pantalon, hindi bagay sa hitsura ng opisina at ng reception area.  “Ah… Good. Kanina ko pa kayo hinihintay,” sabi ng lalaki bago tuluyang lumabas ng pinto na ngayon ay alam na ni Rob na restroom pala. “Maupo kayo.” Umupo sila ni Ross sa sofa habang si Keith naman ay nagkalkal sa mesa. Pagkatapos, bitbit ang folder na umupo ito sa katapat ng couch na kinauupuan nilang magpinsan. Inilapag ni Keith sa harap ni Rob ang folder, pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Bago ang lahat, may gusto muna akong malaman, Rob.” Umangat ang mga kilay ni Rob dahil tinatawag na siya ni Keith sa kanyang palayaw, pero hindi siya nagkomento. “What is it?” “Do you love fooling around with women?” “What?” Nalukot ang kanyang mukha. He slept with women but he wouldn’t call it “fooling around.” Masyado siyang maingat sa ganoong bagay. Tumawa si Keith at mukhang na-relax. “Mukhang hindi. Good. You see, kasama sa mahigpit na rule sa lugar na ito ay bawal magpapasok ng babae. If you do that, you will be evicted immediately. Kaya gusto kong ipaalala sa iyo na hindi ka puwede mag-uwi ng babae kung dito ka titira.” “Are you the owner?” tanong ni Rob. Ngayon lang kasi siya nakaengkuwentro ng ganoong rule sa building na balak niyang tirhan. “Hindi. Ako lang ang naka-assign na kumausap sa mga residente ng building na ito. ‘Maki Frias’ ang pangalan ng may-ari ng building na ito. And he hates women. Kaya ayaw niyang may nakakapasok na babae sa building niya.” Lalong napukaw ang interes ni Rob. Ang sabi ni Ross, peculiar daw ang may-ari ng building. Mukhang totoo nga. Sa katunayan, kahit si Keith ay mukha ring weirdo. “It’s fine.” “Talaga?” curious na tanong ni Keith. Si Ross ang sumagot para kay Rob. “Totoo. Kaya siya naghahanap ng malilipatan kasi umiiwas din siya sa mga babaeng bigla na lang sumusulpot sa labas ng unit niya.” Pinakatitigan ni Keith si Rob bago ngumisi at itinuro ang folder sa harap ni Rob. “Kung gano’n, wala naman palang problema. That’s the agreement. You will occupy room two-o-one. Iyon na lang kasi ang hindi okupado. But of course, before you sign it, you must agree with all the rules. Nandiyan sa kontrata. ” Kinuha ni Rob ang folder at binasa ang kontrata. Reasonable naman ang mga nakalahad sa kontrata at hindi naman siya mahihirapang sundin ang rules. Hindi pa niya nakikita ang ibang amenities at ang upper floors ng building, subalit kung nakatira din naman doon ang pinsan niya, ibig sabihin ay wala rin naman siyang mairereklamo. Alam niya na mataas ang standard ni Ross. “Sige. Pipirmahan ko na ito,” sabi niya kina Keith at Ross. May accent pa rin ang kanyang pagta-Tagalog pero mukhang bale-wala naman iyon sa dalawa. Pagkatapos pumirma ni Rob ay ngumiti si Keith at inilahad ang kamay. Tinanggap niya iyon. They shook hands. “Welcome to Bachelor’s Pad.”    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.7K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.5K
bc

Just Another Bitch in Love

read
33.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
278.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook