bc

WILDFLOWERS series 3: First Love's Touch

book_age16+
1.7K
FOLLOW
13.7K
READ
band
bxg
like
intro-logo
Blurb

Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa bahay nila at makita ang mga magulang niya. Noon pa man kasi ay hindi na sang-ayon ang mga ito sa career na pinili niya. Ngunit nang magpunta siya sa bahay nila ay hindi ang mga magulang niya ang naabutan niya kundi si Theodore, ang ampon ng mga ito mula pa noong sampung taong gulang siya. He reminded her of all the things she thought she had already forgotten after all these years. Kasama na roon ang damdamin niya para dito na matagal na niyang pilit inaalis sa sistema niya pero hindi niya magawa.

Nais niyang iwasan ito. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging malapit sa isa't isa. And she ended up loving him even more. Ngunit kahit maraming taon na ang lumipas, alam niyang hindi ito maaaring maging kanya. She was trapped with a promise never to love him. And he was trapped with the memory of his own first love.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Manila, fifteen years ago   HINDI mapakali si Anje habang nakasakay siya sa kotseng sumundo sa kanya sa exclusive school na pinapasukan niya. Papasok na iyon sa driveway ng bahay nila sa Alabang. Dapat ay kanina pa siya nakauwi subalit biglang nagpatawag ng meeting ang president ng rock music club nila. Kapag hindi pa binilisan ng driver niya ang pagmamaneho ay baka hindi na niya makasama nang mas matagal ang Ate Eve niya. Ano mang oras ay aalis na ito patungo sa Italy para sa isang piano competition. Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang isali ito ng mga magulang nila sa mga local competition at dahil palaging nananalo ang ate niya, nagdesisyon ang mga magulang nila na sa Europe naman ito lumaban. Musically inclined ang pamilya nina Anje. Her parents were professional classical musicians. Bata pa lang sila ng ate niya ay ikinuha na agad sila ng mga ito ng piano teacher. They both enjoyed their lessons. Pero bata pa lang sila ay kapansin-pansin na ang kaibahan nila ng ate niya. Mas matiyaga ang ate niya na magbasa ng musical scores at mas magaling itong mag-interpret ng classical compositions. Siya naman, kahit marunong ay walang tiyagang sumunod sa score. Mas gusto niyang nag-iimbento ng sarili niyang tunog. Iyon ang dahilan kung bakit palagi siyang pinagagalitan ng piano teacher niya at ng mga magulang niya kapag umuuwi ang mga ito. Bihirang umuwi sa Pilipinas ang mga magulang niya dahil sa Europe nagtatrabaho ang mga ito. Subalit nakasanayan na niya iyon at hindi na big deal sa kanya. After all, naroon naman ang ate niya para sa kanya. Sapat na ito para maging masaya siya. Kahit na may kaagaw na siya rito. Marahas siyang umiling sa naisip. Don’t go there. Masisira lang ang araw mo. Hindi puwede `yon. I say good-bye to Ate Eve. Paghinto ng kotse sa garahe ay mabilis siyang umibis at halos takbuhin niya ang hagdan ng bahay nila upang puntahan ang silid ng ate niya. Nang marating iyon ay hindi na siya nag-abalang kumatok. Marahas na binuksan niya iyon at akmang tatawagin ang ate niya nang bumikig sa lalamunan niya ang boses niya nang mapagtantong hindi ito nag-iisa. Pakiramdam niya ay may sumuntok sa sikmura niya nang makitang may kayakap itong lalaki. Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya at ngumiti ang Ate Eve niya. “Anje! Nandito ka na, thank God. I was wondering kung bakit wala ka pa,” sabi nito. Umasim ang mukha niya nang mapansin na hindi pa rin inaalis ng lalaki ang mga braso nito sa pagkakayakap sa ate niya. Tiningnan niya ito nang masama. “Puwede mo na siyang bitiwan, Theodoro. p*****t,” paasik na wika niya rito. “Anje! Hindi ka dapat ganyan magsalita kay Ted,” saway ng ate niya. Humalukipkip siya at nag-iwas ng tingin. “It’s because I hate him,” bulong niya subalit alam niya na narinig siya ng mga ito dahil suminghap ang ate niya. Biglang tumawa si Ted dahilan para mapatingin siya rito. Kinalas na nito ang pagkakayakap sa ate niya at nakangiting namulsa habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa pinto. “Iiwan ko na kayo, Eve, bago pa ako malagutan ng hininga sa sama ng tingin ng kapatid mo sa akin,” sabi nito. Nang nasa tabi na niya ito—dahil nasa bungad siya ng pinto—ay kumilos siya upang umalis sa daraanan nito. Ngunit nagulat siya nang bago niya iyon magawa ay bigla nitong iniangat ang kamay nito sa ulo niya at walang pakundangang ginulo ang buhok niya. Napahiyaw siya at bago pa siya makahuma ay mabilis na itong nakalayo sa kanya. Umalingawngaw ang tawa nito sa labas ng silid ng Ate Eve niya. Matalim ang tinging napatitig siya sa direksiyong tinahak nito. “Anje,” pagkuha ni Ate Eve sa atensiyon niya sa malumanay na tinig. Nilingon niya ito at nakangiting lumapit dito. “Good luck sa contest, Ate. Sigurado akong mananalo ka,” masiglang sabi niya. Ngumiti ito at umiling. “Mas inaalala ko ang mangyayari dito kapag naiwan kayo ni Ted sa bahay. Sigurado akong maraming trabahong gagawin sina Papa at Mama sa Europe kaya malamang, kayong dalawa lang ang maiiwan. Anje, huwag mo na siyang awayin, okay? For four years, you’ve been treating him that way. It’s unfair to him,” panenermon nito. Napakagat-labi siya at nakaismid na nag-iwas ng tingin. Apat na taon na mula nang bigla na lamang umuwi ang mga magulang nila kasama ang noon ay labindalawang taong gulang na si Theodore Baldemar. Anak daw ito ng yumaong kaibigan ng papa nila at isa raw piano prodigy. Inampon ito ng mga magulang nila at sinuportahan ang music career nito. Dalawang taon mula nang tumira si Ted sa kanila ay naging magkasintahan ito at ang ate niya. Sinuportahan iyon ng mga magulang nila dahil bagay raw ang mga ito sa isa’t isa at may tiwala raw ang mga magulang nila sa mga ito na hindi gagawa ng kahit anong makasisira sa kinabukasan ng mga ito. Ngayon pa nga lang ay naririnig na ni Anje ang pabirong pagpaplano ng mga magulang niya sa kasal ng mga ito. Pero tutol siya. Pakiramdam kasi niya, mula nang dumating si Ted sa bahay nila ay nahati na ang atensiyon ng ate niya na dati ay sa kanya lang. Kaya noon pa man ay mainit na ang dugo niya rito. At may isa pang dahilan, singit ng nakatagong bahagi ng isip niya na agad niyang iwinaksi. “Basta, ayoko sa kanya,” bulalas niya. Tumawa ang ate niya. “Anje, mabait si Ted. At guwapo pa. Alam mo kung gaano karaming babae ang may gusto sa kanya sa school, hindi ba?” Umismid siya at lalong nainis. “Fifty percent. Kahit hindi ko makita kung ano ang dahilan kung bakit patay na patay sila sa kanya at kung bakit in love na in love ka sa kanya,” naiinis na bulong niya. “Kapag naranasan mo na maka-piano duet siya, mare-realize mo ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya mahal. Ted has the magic touch. His music cuts deep to the heart and you will succumb to his magic even if you don’t want to. His emotional and caring way of expressing music also reflects his personality,” paliwanag ni Ate Eve. “Alam mo ba kung ano ang pangarap ko?” Hinarap niya ito. “Ang maging professional pianist, hindi ba?” Nakangiting umiling ito. “Ang pangarap ko ay makita kayong dalawa ni Ted na nasa stage at tumutugtog ng piano duet. Kasi, alam kong kapag nangyari `yon, ibig sabihin ay magkasundo na kayo. To see the two most important people in my life getting along is my greatest dream. Balang-araw, malalaman mo kung gaano siya kagaling. Mare-realize mo kung bakit ko siya minamahal. Ah, pero hindi mo siya puwedeng agawin sa akin, okay?” Napamaang siya sa sinabi nito. Biglang tumahip ang dibdib niya at hindi niya magawang magsalita. Nang makahuma ay umismid siya. “As if! I don’t even like him for you. Lalong hindi ko siya gusto para sa akin,” naiinis na bulalas niya at muling nag-iwas ng tingin. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ate niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at pinisil iyon. “Huwag kang sumimangot nang ganyan. Gusto mo bang `yang mukha mong `yan ang maalala ko kapag umalis na ako?” malambing na tanong nito. Bumuntong-hininga siya at saka ngumiti. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Magpakabait ka, ha? Hindi dahil wala ako ay aawayin mo na nang husto si Ted. And do your best with your music, okay?” bilin nito. Natawa siya. “Ate, babalik ka pa naman, ah. Kung makapagbilin ka naman,” biro niya. Ngumiti ito at niyakap siya. “I just want to make sure you will be good even without me.” Niyakap din niya ito at isinubsob ang mukha sa balikat nito. “I will do my best to be good. Even to that guy,” sagot niya. Tumawa si Ate Eve. Hanggang sa magpaalam na ito sa kanilang lahat kinahapunan. nang nasa airport na sila ay ang tawa pa rin nito ang umaalingawngaw sa isip ni Anje. Dahil may kailangan pang tapusing trabaho ang mga magulang nila, walang kasabay sa pagpunta sa Europe ang ate niya. At hindi niya inakalang iyon na ang huling beses na makikita niya ang ate niya… Kinabukasan ay bumungad sa kanila ang isang masamang balita. Sa kung anong dahilan ay nagkaproblema ang makina ng eroplanong sinasakyan nito. Nagawang mag-emergency landing ng piloto sa isang maliit na European island subalit sa kabila niyon ay may ilang pasahero pa rin ang namatay at marami ang nasugatan. Kabilang ang ate ni Anje sa mga namatay.   NANG mga sumunod na araw ay tila huminto ang oras sa malaking bahay nina Anje. Namamaga at masakit na ang mga mata niya sa kakaiyak mula nang malaman nila ang balita hanggang sa maiuwi ang mga labî ni Ate Eve. Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ito. Kung alam lang niya, sana ay niyakap pa niya ito nang mas matagal. Sana, sa halip na nakipagtalo siya rito tungkol kay Ted ay ngumiti na lang siya rito, sana ay inudyukan niya itong tumugtog pa ng piano bago ito umalis. Dahil ngayon, hindi na niya ito mapapanood na tumugtog, hindi na niya ito maririnig na tumawa, hindi na niya ito makikita pang muli, hindi na nito matutupad pa ang lahat ng mga pangarap nito. Her sister’s life and the promise of a very bright future put to an end at the age of sixteen. Ang mga magulang niya na nag-aasikaso sa libing ay halos hindi rin niya nakakausap dahil namamaga rin ang mga mata ng mga ito. Lahat ng mga nakiramay ay sinabi ang malaking panghihinayang ng mga ito sa ate niya. “She could have been the next big star in the classical music scene, kasunod ng yapak ng mga magulang niya.” Iyon ang madalas na sinasabi ng mga nagpupunta sa burol ng ate niya. Pero para kay Anje, hindi lang iyon ang halaga ni Ate Eve. Higit pa sa talento nito sa musika. Ito ang pinakamalapit sa kanya. She had been the most wonderful sister and best friend to her. At ang isiping wala na ito ay parang pumapatay rin sa isang bahagi ng puso niya. Umiyak siya na tila hindi nauubos ang mga luha niya. Hanggang sa mailibing ang ate niya ay may isang bagay siyang napansin na lalong nagpapasama sa loob niya. Ni minsan ay hindi niya nakitang umiyak si Ted. Tahimik lang ito at kung minsan ay tila malalim ang iniisip ngunit walang bahid ng kahit isang luha sa mukha nito. Sa katunayan ay walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Ang akala niya ay mahal nito ang ate niya, pero bakit hindi ito umiiyak? Bakit ni wala siyang makitang pagluluksa sa mukha nito? Hanggang sa makabalik na sila sa malaking bahay pagkatapos mailibing ang ate niya ay iyon pa rin ang iniisip niya. Hanggang sa magising siya sa gitna ng gabi dahil sa malamyos na tunog ng piano. Napadilat siya saka bumangon. Lumabas siya ng kanyang silid at tahimik na tinahak ang daan patungo sa music room. Habang papalapit siya ay lumilinaw sa kanya ang tunog na iyon. She felt a sharp pain in her heart when she realized it was a very sad song about good-byes. Huminto si Anje sa tapat ng nakaawang na pinto at kahit alam na niya kung sino ang tumutugtog ay tila nilamutak pa rin ang puso niya nang makita si Ted na nakaupo sa harap ng grand piano. Nakaharap ito sa direksiyon niya ngunit hindi siya nito napapansin. He seemed to be so engrossed with playing the piano. The song he was playing sounded so melancholy it made her chest hurt and her eyes feel hot. At nang mapatitig siya sa mukha nito ay tuluyan nang namasa ang mga mata niya. He was crying, silently but painfully. Na tila ba sa musikang tinutugtog nito binubuhos ang lahat ng emosyong hindi nito ipinakita sa kanilang lahat mula nang araw na malaman nilang namatay si Ate Eve. Napahawak siya sa dibdib niya at sa kabila ng p*******t ng lalamunan niya dahil tila may nakabara doon ay pinanood niya ito. “Balang-araw malalaman mo how great he is. Mare-realize mo kung bakit ko siya minamahal. Ah, pero hindi mo siya puwedeng agawin sa akin, okay?” naalala niyang sabi ni Ate Eve noon. Nakagat niya ang ibabang labi at tahimik na tumalikod. Pagkatapos ay nagsimula siyang maglakad pabalik sa silid niya. Napailing siya. Imposible, Ate. Sa nakikita ko, walang kahit na sino ang makakaagaw sa kanya sa `yo. He loves you too much. Huminto siya sa tapat ng pinto ng silid niya at muling sumulyap sa pinanggalingan niya. Malungkot siyang ngumiti. “Matagal ko nang alam `yon,” bulong niya bago tuluyang pumasok sa silid niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
164.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
999.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
479.9K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
458.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.2K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook