bc

REDEEMING JAMES

book_age18+
2.1K
FOLLOW
20.3K
READ
sex
one-night stand
opposites attract
arrogant
badboy
bxg
heavy
enimies to lovers
sassy
tortured
like
intro-logo
Blurb

Parehong emotionally unstable sina James Salgado at Sasha Dela Torre nang una silang magkita. During that time, James was the worst version of himself while Sasha was grieving and angry. Pero wala sa kanila ang nakapigil sa matinding s****l attraction na mayroon sila. Their one night stand was raw, messy and angry but it was also the best s*x Sasha ever had.

Sana nga lang hindi na uli sila nagkita. Kasi nang magtagpo sila sa pangalawang pagkakataon nalaman ni Sasha na may hidden agenda pala ang paglapit nito sa kaniya. That night he used her and left her with a broken soul. But Sasha Dela Torre is a strong woman. She was able to pick up the pieces of herself and continue with her busy life. Pero nangako siya sa sariling hindi na uli ma-i-involve kay James Salgado.

Two years later, nagkita silang muli. Nagulat si Sasha kasi parang ibang tao na si James Salgado sa lalaking nakilala niya dati. Sa pagkakataong iyon hindi na lang physical attraction ang mayroon sila. Umusbong din ang emotional connection sa pagitan nilang dalawa. At habang lumalalim iyon at habang nalalaman niya kung sino talaga si James, lalong natatakot si Sasha. She was falling in love with him. But can she really handle all his secrets and all his sins?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SASHA DELA TORRE hated her mother since she saw her f*****g a younger man in the master’s bedroom when she was thirteen years old. Pero hindi lang dahil nahuli niya ito sa akto kaya nawala ang respeto at pagmamahal niya kay Vivian Dela Torre. Nagkaroon din kasi siya ng realization na hindi iyon ang unang beses na nagtaksil ito sa kaniyang ama. Habang nakikita niyang nakatirik ang mga mata ng nakatatandang babae at kung anu-anong malalaswang salita ang sinisigaw sa bawat indayog ng balakang sa ibabaw ng kalaguyo, biglang nagkaroon ng sense ang mga narinig at nakita niya sa bahay nila na noon ay masyado pa siyang bata para maintindihan.             Nagkaisip si Sasha na palaging wala ang papa niya dahil abala sa mga negosyo at pag ta-travel sa iba’t ibang bansa. Nagkakaroon lang sila ng time mag bonding na mag-ama kapag sinasama siya nito sa kung anu-anong charity works na masyadong boring para sa batang katulad niya. Pero wala siyang natatandaang nakasama niya ang ama sa bahay nila. Lalo pa itong nawalan ng panahon nang pumasok sa mundo ng politika.             Ang ina naman niya palaging may bisitang lalaki at hindi nagkaroon ng panahon para alagaan siya. Katunayan pagkatapos kumain ng hapunan ay magkukulong na sila ng kanyang yaya sa kuwarto hanggang antukin sila pareho. Minsan kapag naaalipungatan si Sasha sa madaling araw may naririnig siyang ungol, hiyaw at lagabog mula sa kung saang bahagi ng bahay. Takot na ginigising niya ang yaya niya kasi boses iyon ng mama niya at baka kung ano ang nangyayari rito. Hindi niya alam noon kung bakit hinihila lang siya payakap ng yaya niya at pagkatapos sabihan na matulog na siya uli ay tinatakpan nito ang mga tainga niya. Pero narealize niya kalaunan na iyon ay dahil alam ng nag-aalaga sa kaniya ang ginagawa ng mama niya kapag wala ang papa niya. In fact the whole household knows her mother f***s around the house, even her father. Siya lang talaga ang walang kaalam-alam sa nangyayari sa bahay nila bago siya mag thirteen years old. Siguro dahil pahaging lang na nakikita ni Sasha ang mga lalaking bisita ng mama niya at hindi na-process ng batang isip niya na posibleng magdamag sa kanila ang mga taong iyon. Isang beses lang siya nagkaroon ng encounter sa isang estranghero sa bahay nila na talagang tumatak sa kaniya. Seven years old siya noon at wala sa bahay ang yaya niya dahil umuwi sa pamilya nito. May bagyo noon at hindi makatulog si Sasha dahil sa takot. Mag-isa lang siya sa kuwarto niya at kahit magtalukbong siya ng kumot naririnig pa rin niya ang malakas na hangin at ulan. Sa tuwing maiidlip naman siya bigla siya mapapaigtad sa gulat kapag lumiliwanag sa kuwarto niya dahil sa kidlat na susundan ng dumadagundong na kulog. Madaling araw na yata noon nang hindi na nakatiis si Sasha at humihikbing lumabas ng kuwarto niya. Alam niya magagalit ang mama niya kapag kinatok niya ito sa master’s bedroom pero mas takot siya sa kulog kaysa sa galit nito. Nakayapak na naglakad siya sa madilim na hallway ng second floor kasi nasa kabilang wing ang master’s bedroom, sobrang layo sa kuwarto niya. Natatanaw na niya ang central grand staircase nang biglang magliwanag ang paligid dahil sa kidlat na nagreflect mula sa malalaking glass windows sa bahaging iyon ng hallway. Impit na napatili ang pitong taong si Sasha hindi lang dahil sa malakas na kulog kung hindi dahil nakita niya ang pigura ng isang lalaki na mukhang pababa ng hagdan. Napahinto lang yata dahil napansin nito ang presensiya niya. Lumiwanag uli ang paligid dahil sa kidlat at nang kumulog ay napaupo siya sa takot habang nakatitig pa rin sa estranghero. Matangkad ito at malapad ang katawan. Hanggang balikat at magulo ang nakalugay na buhok. Nakakatakot ang facial expression. Nanlilisik at puno ng galit ang mga mata. Akala ni Sasha magnanakaw ito o kaya may gagawing masama. Titili na sana siya nang magsalita ito: “Bumalik ka sa kuwarto mo at matulog, bata. Hindi ka kayang harapin ng nanay mo ngayon.” Magaspang ang boses ng lalaki, nakakapanayo ng balahibo. Nagliwanag uli ang paligid dahil sa kidlat at nagtama ang kanilang mga paningin. Napaatras si Sasha at bumalik sa isip ang lahat ng monsters at kung anu-ano pang panakot ng yaya niya kapag matigas ang ulo niya. His eyes looked like it belonged to a devil. Nang muling dumilim ang paligid narinig niya ang yabag ng mga paa ng lalaki, pababa na ng hagdan. Hindi tuminag mula sa pagkakaupo sa sahig ang batang si Sasha hanggang marinig niya ang mahinang pagbukas sara ng front door ng bahay nila. Matagal bago siya nakatayo uli pero hindi na niya pinuntahan ang mama niya. Sa halip tumakbo siya pabalik sa sariling kuwarto, nagtalukbong ng kumot at umiyak ng umiyak. Hindi pa niya alam that time pero pagkatapos ng nasaksihan ni Sasha noong thirteen siya, narealize niya na hindi monster o magnanakaw ang lalaking iyon kung hindi isa sa maraming naging kalaguyo ng kanyang ina. Kahit nang malaman ni Vivian Dela Torre na alam na niya ang ginagawa nito sa loob ng pamamahay nila ay hindi ito tumigil. Katunayan mas naging obvious pa nga ito dahil wala na kailangan itago. Eighteen years old si Sasha nang komprontahin niya ang ama na obvious namang alam din na makati ang nanay niya. Malungkot lang siya nginitian ng papa niya at sinabing hindi raw kasi nito kaya ibigay ang hinahanap ng asawa dahil masyado na raw siyang matanda at hindi kasing ‘adventurous’ ng mama niya. Twenty years kasi ang agwat ng edad ng mga ito.  Na frustrate siya at lalong nagalit sa sagot ng papa niya. Nag demand pa siya na hiwalayan na lang nito ang nanay niya kesa nagpapaka-martir ito. Na hindi ba ito nagagalit sa hayagang panloloko ng asawa nito sa loob ng maraming taon? “Hindi ko kaya magalit sa kaniya, Sasha. Hindi ko rin siya kaya hiwalayan. Because of her, I have you. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng anak pero dumating sa buhay ko ang mama mo. You are my greatest treasure, Sasha. You are the love of my life.” Pagkatapos nang araw na iyon hindi na nila napag-usapan na mag-ama ang tungkol doon. Pero hindi na nawala ang galit at frustration ni Sasha. Twenty seven na siya ngayon at habang nakatingin siya sa mama niya na hysterical na umiiyak na para bang katapusan na ng mundo nito, gusto niya magwala. Pero nanatili siyang tahimik na nakatayo sa tabi ng hukay kung saan ibinaba ang kabaong ng kanyang ama. Nakasuot siya ng dark sunglasses at siguro iniisip ng iba na namamaga ang mga mata niya sa pag-iyak kaya hindi niya iyon hinuhubad. Pero ang totoo, ni isang patak ng luha ay wala pang lumabas sa mga mata niya. Limang araw ang nakararaan inatake sa puso si Senator Damian Dela Torre at namatay sa edad na seventy. Alam naman ni Sasha na maaari iyong mangyari ano mang sandali dahil last year nakailang mild attack na ito. Kahit akala niya naihanda na niya ang sarili ay masakit pa rin na mawala ang papa niya. Hindi nga lang siya nakakuha ng tiyempo na umiyak dahil siya ang nagasikaso ng lahat para sa burol at pagpapalibing. Bukod doon mas nanaig din ang galit niya para sa ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

Senorita

read
13.2K
bc

Run, Girl, Run

read
32.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.8K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

The Fall of Alistaire

read
224.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook