CHAPTER 1
Seven years ago….
“MATILDA St. Clair is a very important business partner for us. Gusto ka niyang makausap kasi may hihingin daw siyang pabor sa’yo. Ano man ‘yon, gusto kong pumayag ka. Getting close to her will be a good investment for you, apo. Lalo na ngayon na nasa tamang edad ka na para opisyal na magtrabaho para sa kompanya natin.”
Tango ang naging sagot ni Trick Alfonso sa sinabi ng lolo niya. Magkaagapay silang naglalakad papasok sa mansiyon ng isa sa mga pinakamayamang babae sa Asya. Malapit na kaibigan ng kanyang Lolo si Matilda pero alam nilang lahat na higit na mas mayaman at makapangyarihan ang matandang babae kaysa sa kanilang mga Alfonso. Kaya walang bagay na hindi nila handang gawin para rito. Lalo at bihira itong humingi ng pabor.
Pagpasok pa lang nila sa pinto nakita na nilang pababa ng grand staircase si Matilda St. Clair. Kahit sa kaswal na kasuotan mukha itong elegante at authoritative. Ngumiti ito nang makita silang mag-Lolo. “Welcome to my home, Luis. Patrick.”
Gumanti ng ngiti ang Lolo niya at sinalubong ang matandang babae para humalik sa pisngi nito. Si Trick naman hindi naiwasang mapangiwi. Hindi siya komportableng binabanggit ang buo niyang pangalan kasi magka-pangalan sila ng kanyang ama. His name is always a reminder that he’s Patrick Alfonso’s son. He hates it but he can’t do anything about it.
Bumaling sa kaniya si Matilda at pinilit niyang alisin ang ngiwi sa mukha niya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Ngumiti ito. “You’re really a big boy now, darling. How old are you now?”
“Twenty.”
Tumango ito. “Yes, you are perfect. I want you to meet someone. Kaedad mo siya kaya sa tingin ko magkakasundo kayo. That child badly needed a friend, you see? And he needed someone to help him manage his money. Palaging pinagmamalaki sa akin ng Lolo mo na active player ka sa Stock Market since you were fourteen. And that you already have a couple of millions na hindi galing sa kompanya ninyo. I want him to learn a lot of things from you.”
Kumunot ang noo ni Trick. “Sino ang ipapakilala niyo?” Hindi siya sigurado kung willing siya makipagkaibigan sa kung sino. Hell, he doesn’t even have a friend since forever. Hindi niya alam kung paano makipagkaibigan at mas lalong wala siyang tiyaga magsayang ng oras para bumuo ng relasyon sa ibang tao. He hates socializing. Bagay na palaging ikinaiinis ng kanyang ama. Palibhasa, nakakakuha ito ng satisfaction at confidence sa pagiging social butterfly. Hindi siya katulad ng Papa niya.
Ngumiti si Matilda St. Clair. “My new son.”
“Matilda? Nag-ampon ka na naman?” manghang tanong ng kanyang Lolo. “At kung kaedad ni Trick ibig sabihin higit na mas matanda ang kinuha mo ngayon kaysa sa iba mo pang mga anak?”
“Yes, Luis. Come, ipapakilala ko si Trick sa bago kong anak.” Humakbang paatras sa kaniya ang matandang babae, tumalikod at umakyat uli sa hagdan. Nagkatinginan silang mag-Lolo bago tahimik na naglakad pasunod.
Sa second floor, huminto sa isang pinto si Matilda. Kumatok ito ng tatlong beses. “Let me in.”
Bumukas ang pinto. Nakita ni Trick ang isang matangkad at payat na lalaki na mahaba ang buhok at balbas sarado. The man smiled but there is a lost and sad look on his eyes. “May bisita ka pala.”
Bumaling sa kanilang mag-Lolo si Matilda. “This is Keith. I picked him up, too. Luis, papasok kami sa loob ni Trick. Stay here. My new son is… anti-social. He’s a wild dog and he bites strangers who try to get close to him.”
Tumikhim ang Lolo niya at tumango. Siya naman hindi naiwasang umangat ang mga kilay sa sinabi ng matandang babae. Anong klase ng tao ang inampon nito?
Umatras si Keith para makapasok sila ni Matilda. Natigilan si Trick nang makita ang loob ng silid. Natutok agad ang tingin niya sa tatlong malalaking computer screens sa isang panig. May isang lalaking nakaupo sa harap ‘non, ang mga daliri mabilis na tumitipa sa keyboard. May mga codes na mabilis na lumalabas sa screen.
“Maki. Turn this way,” utos ni Matilda.
Huminto ang mga daliri ng lalaki at nakita niyang na-tense ang buo nitong katawan. Saka dahan-dahan at halatang napipilitan na ipinihit nito paharap ang swivel chair na kinauupuan nito. Finally, Trick saw his face. Medyo na-caught off guard siya. Sandaling naguluhan siya kung babae ba o lalaki si Maki. Na-curious rin siya nang makita ang mga emosyon sa mga mata nito. Hatred, distrust and barely contained violence. A wild dog indeed.
Naglakad palapit sa lalaki si Matilda, ngumiti at ipinatong ang braso sa balikat nito. Napaigtad si Maki, mabilis na tumayo at umatras palayo. Na para bang ayaw nitong hinahawakan. “Anong kailangan mo?” pabalang na tanong nito sa matandang babae.
Lalo lang lumawak ang ngiti ni Matilda St. Clair. “May ipapakilala ako sa inyo.” Itinuro siya nito. Napunta sa kaniya ang tingin ni Maki. “He is Trick Alfonso. He will be your friend starting today. He will help you with everything you need.”
“Hindi ko kailangan ng kaibigan,” puno ng disgusto na sagot ni Maki.
Nainis si Trick. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. “Hindi ko rin kailangan ng kaibigan.”
“Ah… bagay nga kayo maging magkaibigan. Pareho kayong anti-social,” sagot ni Keith.
“Perfect,” sabi ni Matilda. Ngiting ngiti na. “Then, maiwan ko na kayong tatlo rito. Get to know each other and all.” Bumaling kay Trick ang matandang babae. “I will always remember this, darling.” Saka ito humalik sa pisngi niya at lumabas ng silid.
Malinaw niyang nakuha ang meaning nang huli nitong sinabi. The great Matilda St. Clair owes him. Isang malaking bagay na pwede niyang magamit sa hinaharap. Hindi lang para sa sarili niya kung hindi para sa kompanya ng kanyang pamilya.
Oh, fine. Kung kailangan ko kaibiganin ang anak niya, gagawin ko. Nagtama uli ang paningin nila ni Maki. Lihim na napabuntong hininga si Trick. May palagay kasi siyang hindi sila magkakasundo agad ng bago niyang kaibigan.