bc

Kissing A Stranger

book_age12+
1.9K
FOLLOW
11.4K
READ
age gap
boss
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito.

Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito.

Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PINIGILAN ni Jena ang mapahikab habang patuloy sa pagsasalita ang ka date niya sa gabing iyon. Nasa restaurant sila sa isang mamahaling hotel kung saan siya nito dinala upang mag dinner. Isa itong businessman na kakilala ng kaibigan ng isang kakilala niya. Thirty three years old na ito at humahanap na raw ng makakasama sa buhay kaya ng humingi raw ito ng date sa kaibigan ng kakilala niya ay siya kaagad ang naisip nito.           Noong sinabi iyon sa kaniya ay natuwa siya dahil ang impresyon niya sa businessman ay man of few words, responsable at magiging good provider. Medyo tumaas din ang pag-asa niya kaninang una niya itong nakita dahil kahit papaano naman ay may itsura ito. Hindi man masasabing guwapo ay mukha naman itong kagalang-galang. Hindi rin naman siya masyadong after sa kaguwapuhan dahil hindi naman siya sobrang ganda. Realistic siyang tao at alam niyang ang babaeng gaya niya na simpleng office lady lamang at may simpleng itsura kahit hindi naman siya masasabing pangit ay malabong makasilo ng lalaking artistahin ang itsura. Kaya naisip niya kanina na pwede na itong businessman na ito.           Subalit nagbago ang lahat nang magsimula na itong magsalita at magsabi ng tungkol dito. Ni hindi nito naisip magtanong ng tungkol sa kaniya. Mula nang dumating ang pagkaing inorder nila ay wala na itong hinto sa pagbibida ng lahat ng achievements nito mula pa noong nag-aaral ito hanggang sa kasalukuyan. Pati mga bidding na naipanalo nito ay hindi nito pinalampas. Talo pa nito ang pangulong nag so-SONA.           Akala niya ay ang pinaka-fail na blind date niya ay iyong businessman na ka-date din niya noong huling beses. Iyon pala tulad din niyon ang lalaking kaharap niya – walang inatupad kung hindi ang magyabang. Dahil doon ay inekesan na niya sa utak niya ang mga businessman at tinandaan na hindi na siya makikipagdate sa mga ganoong lalaki sa hinaharap.           Sa huli ay hindi niya rin napigilan ang hikab. Noon ito huminto sa pagsasalita at napatitig sa kaniya. Naitikom naman niya kaagad ang mga labi. Bahagyang sumeryoso pa ang mukha nito. “Boring ba para sa iyo ang mga sinasabi ko?” derektang tanong nito.           Uhuh. Pilit siyang ngumiti. “Hindi naman. Medyo napagod lang siguro ako today dahil galing pa ako sa office,” palusot niya.           Naningkit ang mga mata nito. “Galing din ako sa trabaho. And unlike you, I have a much higher position and higher responsibility but I didn’t act improperly in front of you,” bakas ang disgustong sabi nito.             Nakaramdam na siya ng inis pero nagpigil pa rin siya. Kasalanan ba niya kung boring itong kasama at walang inatupag kung hindi ang ibida ang sarili sa kaniya? Tiningnan niya ito at pekeng ngumiti. “Well, sorry about that. But I guess I’m just really tired today. Bago pa kita mainis ng husto ngayong gabi, pwede na ba tayong umuwi?” malumanay na tanong niya.           Umismid ito. “And now you want to go home. Kung pagod ka pala sana hindi ka na lang nakipagdate sa akin ngayon. Don’t you know how tight my schedule is? Pero isiningit ko ang pakikipagkita sa iyo. The least you could do to be thankful is to listen to me,” aroganteng sabi pa nito.           Nag-init na talaga ang ulo niya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Wait a minute. Busy rin ako no! At huwag kang magsalita na para bang biyaya ng Diyos na nakipagdate ka sa akin. In the first place, ayon sa pagkakatanda ko, ikaw ang humingi ng date at mabait lang ako para pagbigyan ang kaibigan ko. Don’t think highly of yourself just because you are well-off okay?” inis na sabi niya.           Kumunot ang noo nito at umismid. “Sinabi ko lang na makikipag-date ako sa iyo dahil ang sabi sa akin ay maganda, matalino at may finesse ang makaka-date ko. You didn’t even put up to my expectations,” mayabang na sabi nito.           Napatayo na siya sa sinabi nito. Naniningkit ang mga matang pinakatitigan niya ito. “Excuse me! Ikaw ang walang-wala sa expectations ko! All you did the whole night was brag about yourself! Tingin mo ba maiimpress ang lahat ng tao kapag sinabi mo lahat ng achievements mo? Hah! Diyan ka na airhead!” malakas ang tinig na sabi niya rito. Bago pa ito makahuma ay kinuha na niya ang bag niya at walang lingon likod na nilayasana ito.           Inis na inis siya. Sa dami ng beses na nakipag-blind date siya ay iyon na yata ang pinakanakakabuwisit! Dapat yata natulog na lang siya sa apartment niya kaysa makipagdate sa gabing iyon.           Nang makalabas siya ng hotel ay tila hindi pa yata sapat ang kapalaran niya sa mayabang na businessman. Dahil noon lamang niya napansin ang malakas na buhos ng ulan. Napahinto siya sa may entrada ng hotel at marahas na napabuga ng hangin. Wala siyang dalang payong. Kataka-takang wala ring taxi na dumarating. Wala na siya sa mood para bumalik pa sa guwardiya at magpatawag ng taxi. Napatitig na lamang siya sa madilim na kalagitan at sa malakas na ulan. Pagkuwa’y napatingin siya sa wristwatch niya, alas diyes na ng gabi. Napabuntong hininga siya at humalukipkip. Malas. Akala pa naman niya mahahanap na niya ang lalaking makakasama niya habambuhay yun pala katulad ng dati ay fail na naman ang lakad niya sa gabing iyon. Twenty eight years old na siya kaya hindi niya maiwasang hindi mataranta sa paghahanap. Noong bata pa siya ay palagi niyang naiisip na magkakaasawa na siya kapag twenty four na siya at magkakaanak kapag twenty five na siya.  Gusto kasi niya na hangga’t bata pa siya ay maenjoy niya ang pagpapalaki ng anak. Para kapag tumuntong na ito sa teenage years nito ay hindi pa siya ganoon katanda at mapagkakamalan pa silang magkapatid ng mga taong makakakita sa kanila. Mamamasyal sila sa mall na magkasama at magsashopping. Gagawin niya rito ang mga bagay na nahiling niyang gawin kasama ang mommy niya kung buhay pa sana ito. Bata pa lamang siya nang mamatay ang kaniyang ina ng atakehin ito sa puso. Mula noon ay ang papa na lamang niya ang nakasa-kasama niya sa probinsiya nila. Noong bata pa siya hanggang sa mag high school siya ay hati lamang sa kaniya at sa trabaho nito sa isang bangko doon ang atensyon ng papa niya. Kaya nang makagraduate siya ng high school ay ginusto niyang sa maynila mag-aral ng kolehiyo at mag dorm na lang para kahit papaano ay magkaroon ito ng panahon para sa sarili nito. Noong una ay ayaw siya nitong payagan ngunit sa kalaunan ay nakumbinsi niya rin ito. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo nang bigla siyang bisitahin ng daddy niya sa maynila. Pero hindi ito nag-iisa. Nakipagkita pala ito sa kaniya upang ipakilala ang isang babaeng nakilala nito sa isang birthday party na napuntahan nito. Nais daw nitong pakasalan ang babae. Nabigla man siya sa balitang iyon ay ibinigay pa rin niya ang blessing na nais ng mga ito. Ilang buwan lang ay nagpakasal ang mga ito.  Sa mismong araw ng graduation niya ay nanganak ang madrasta niya. Hindi nakadalo ang daddy niya dahil kailangan nitong manatili sa tabi ng bago nitong asawa. Hindi siya nagpakita ng lungkot o panlulumo kahit ang totoo ay mangiyak ngiyak siya nang abutin niya ang diploma niya at alam niyang wala roon ang kaniyang ama upang masaksihan iyon. Noon niya napagtanto na may sarili ng buhay at pamilya na ang daddy niya. Nalulungkot man siya ay ayaw niyang ipakita rito ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang mag-alala ito. Gusto niya rin namang maging masaya ito. Kaya nang makapagtrabaho siya ay hindi na siya umuwi sa probinsya at kumuha na lamang ng apartment niya sa maynila. Paminsan-minsan ay tumatawag at dumadalaw na lamang siya sa mga ito. Ngayon ay dalawa na ang anak ng mga ito. Siya naman ay nakasanayan ng mamuhay ng mag-isa. Okay naman na ang lahat. Ang kaso ng tumuntong siya sa marrying age na nais niya noong bata pa siya at wala pa siyang stable boyfriend na nakikinita niyang magiging asawa niya ay nagsimula siyang magpanic. Unti-unti rin siyang kinakain ng kalungkutan na dati ay nagagawa naman niyang huwag pansinin. Kaya nagsimula siyang makipagdate sa kung kani-kanino. Hindi lamang upang makahanap ng lalaking makakasama niya habambuhay kung hindi upang kahit papaano ay hindi niya maramdaman ang emptiness na napapadalas na niyang maramdaman. At least kung palagi siyang lumalabas at may kausap ay nakakalimutan niya ang hindi magandang pakiramdam na iyon kahit papaano. Ngunit hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakipagdate ay palaging iisa pa rin ang resulta. Fail. Muli siyang napabuga ng hangin at napatitig sa malakas na ulan. Pagkuwa’y napalingon siya sa kanan niya nang may liwanag na manggaling doon. Bahagya siyang nasilaw sa headlight ng kotseng mabilis na papalapit sa panig niya. Dagli siyang napaatras nang ilang pulgada na lamang ang layo nito sa kaniya dahil natakot siyang baka sa bilis niyon ay mahagip siya. Hindi nga siya nahagip. Pero dahil sa bayolenteng pagpreno niyon sa harap niya ay tumalsik sa kaniya ang tubig na nadaanan niyon. Basang basa ang damit niya at pati na rin ang mukha niya. Napapikit siya at napaungol sa labis na inis. Ang kamalasan talaga, kapag dumating sunod-sunod! Malas malas! “Miss I’m sorry!” narinig niyang sabi ng isang lalaki makalipas ang ilang segundo. Mukhang lumabas pa ito ng sasakyan nito base sa narinig niyang pagbukas ng pinto. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang inis na anumang oras ay sasabog na. Nang kahit papaano ay mahamig niya ang sarili ay dumilat siya. Napaigtad siya nang masalubong ang itim na itim na mga mata ng lalaking ilang pulgada lamang ang layo sa kaniya. Bakas ang pagkataranta at pag-aalala sa guwapong mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Napakurap siya. Kakatwang biglang naglaho ang inis niya nang mapatitig siya sa mga matang iyon. Napakaamo niyon at kung makatingin ay parang tumatagos sa kaniya. Ang mukha nito ay kahit na maamo ay lalaking lalaki pa rin. Makapal ang kilay nito na ipinares sa maliit at itim na mga mata nito. Matangos at aristokrato ang ilong at manipis ang mga labi nito. Maganda rin ang hugis ng mukha nito lalo na ang bandang panga. Mukha itong lalaking lumabas sa isang glossy magazine. “Miss? Miss?” muli ay tawag nito sa kaniya. “Ah- I’m okay,” mahinang sagot niya. Nahiling niya na sana ay hindi nito nahalata ang saglit na pagkakatulala niya sa mukha nito. Bahagyang kumunot ang noo nito. Bago pa niya malaman ang susunod na kilos nito ay umangat na ang kamay nito at hinawi ang ilang hibla ng basang buhok niya na tumabing sa mukha niya. Natigilan siya at tila may humalukay sa sikmura niya sa ginawa nito. “Basang basa ka. Sorry, hindi ko agad napansin na may tubig palang tatalsik sa iyo,” patuloy nito sa malumanay na tinig. May kilabot siyang naramdaman nang bahagyang tumama ang daliri nito sa balat niya partikular sa tainga niya nang iipit nito roon ang nakawala niyang buhok.           Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil tila naumid ang dila niya habang kaharap ito. Kailan pa siya nagmukhang gaga na gaya ng mga oras na iyon sa harap ng isang lalaki? Hindi naman ito artista at lalong hindi naman ito celebrity na gaya ng boss niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Pilit niyang hinamig ang sarili. Humakbang siya paatras dito. Nalayo ang mukha niya sa kamay nito. “I said I’m fine,” sabi na niya sa mas matatag na tinig. Kinalkal niya ang bag niya at kinuha ang panyo niya. Pagkatapos ay sinimulan niyang punasan ang mukha niya at ang buhok niyang basang basa.           “You don’t look fine to me. Hindi ka pwedeng umuwi ng ganiyan ang itsura mo. Ang mabuti pa mag-check in ka na lang muna rito at magpatuyo bago ka umuwi,” suhestiyon nito.           Huminto siya sa ginagawa at muling sinulyapan ito. Kung makapagsabi naman itong magcheck in siya roon ay parang napakamura lamang ng charge sa hotel na iyon. “Ikaw ang magbabayad?” tanong niya rito. Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. Pinigilan niyang mapaismid. “Kung hindi, di bale na lang. Ang mahal mahal ng room sa hotel na ito at wala akong balak magsayang ng pera sa gabing ito. Malas na nga ako ngayon mapapagastos pa ako,” sabi niyang inalis na ang tingin dito at ipinagpatuloy ang pagpupunas. Luminga-linga pa siya sa pagbabakasakaling makakita ng taxi.           Lumipas na yata ang isang minuto ay hindi pa rin umaalis ang lalaki sa tabi niya. Hindi siya nakatiis at nilingon ito. Napapitlag siya nang makitang nakatitig ito sa kaniya. Nailang siya sa paraan ng pagtingin nito at sa bahagyang ngiti sa mga labi nito na tila amused sa kung ano na hindi naman niya malaman kung ano. “Bakit?” hindi nakatiis na tanong niya.           Nagkibit balikat ito. “Naisip ko lang na tama ka na mahal nga ang silid dito. Hindi ko afford na ilibre ka. Pero hindi rin kaya ng konsiyensiya ko na umuwi kang ganiyan. Kahit pa magtaxi ka delikado pa rin,” sabi nitong bumaba ang tingin sa kaniya.           Takang napasunod siya ng tingin sa tinitingnan nito. Awtomatikong nag-init ang mukha niya nang makitang nakabakat ang dibdib niya sa suot niya. Mabilis na itinakip niya ang bag niya roon. Nakalimutan niyang sheer top nga pala ang suot niya. At baka kaya ngingiti ngiti ito ay dahil kanina pa nito tinitingnan iyon!           Tinignan niya ito ng masama. “Bastos ka,” asik niya rito.           Tumawa ito. “Miss huwag kang magbintang ng ganiyan. Concerned lang ako dahil ako ang may kasalanan. Ah, alam ko na, may room ako sa itaas. Doon mo na lang muna patuyuin ang damit mo,” suhestiyon nito.           Nanlaki ang mga mata niya at napaatras palayo rito. “Bakit naman ako sasama sa iyo?” manghang tanong niya. Baka mamaya ay modus operandi lamang nito iyon at may balak talaga itong gawing masama sa kaniya. E ano kung ubod ito ng guwapo? Ika nga, looks can be deceiving.           Muli ay tumawa ito na tila aliw na aliw. Ni hindi man lang mukhang nabahala sa reaksiyon niya. “Look miss, do you really think I am someone who forces myself to a woman?” naiiling pang tanong nito. “Anong malay ko! Hindi naman kita kilala,” mabilis na sagot niya kahit sa isip niya ay hindi ang sagot. Sa ganda ng mukha nito at tikas ng pangangatawan ay aminado siyang baka babae pa ang pumupuwersa dito. Pero hindi niya iyon aaminin dito. Tumitig ito sa kaniya at napailing. “O sige ganito na lang,” malumanay na sabi nito at may tiningnan. May sinenyasan ito. Lumingon siya at nakita niya ang papalapit na isa sa mga security ng hotel. “Boss, nadisgraya ko itong si miss paranoid. Isasama ko sana sa hotel room ko para makapagpatuyo,” paliwanag nito sa security. Pagkatapos ay dinukot nito ang wallet sa bulsa at may kinuha. Inabot nito iyon sa security. “Kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya ito ang i.d ko. Nasa room 2150 ang silid ko. Pwedeng pwede niyo akong arestuhin kapag ginawan ko siya ng masama,” sabi pa nito. Kinuha naman iyon ng security at tiningnan. Pagkatapos ay pinagpalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa ng lalaki. Nang makita niyang bumaba rin ang tingin nito sa may bandang dibdib niya ay tiningnan niya ito ng masama. Napakamot ito sa batok at tumingin sa lalaki. “Sige ho sir,” sagot nito at muling lumayo sa kanila. Muling tumingin sa kaniya ang estranghero at ngumiti sa kaniya. “So? Okay na ba?” Hindi pa rin siya sumagot. “I swear miss, wala akong gagawin sa iyo. Magkakasakit ka rin kapag hindi mo nahubad iyang suot mo,” sabi pa nito. Pinakatitigan niya ito. Sa totoo lang ay hindi naman niya nararamdamang masamang tao ito. Kung may kakayahan siyang maipagmamalaki niya iyon ay ang galing niyang bumasa ng isang tao kahit hindi pa niya iyon kilala. Ayaw lang niya na isipin nito na siya ang tipo ng babaeng mabilis na sasama sa isang estranghero. Napabuntong hininga siya makalipas ang ilang sandali. “Fine. Kasalanan mo naman talaga ito,” sisi niya rito. Ngumiti ito. “Good. Let’s go,” aya nito sa kaniya. Nauna na itong lumakad papasok sa hotel. Inabot nito ang susi ng kotse nito sa isang valet at muli siyang sinulyapan. “Tara na,” muling aya nito. Napabuga siya ng hangin at sumunod na rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
278.2K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.9K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
91.5K
bc

My Godfather My husband

read
271.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook