bc

Bachelor's Pad series 4: Ladies' Man

book_age16+
3.7K
FOLLOW
39.0K
READ
one-night stand
pregnant
playboy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata.

Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry.

Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Few years ago   “HI, JAY!” Na-freeze ang ngiti ni Jay sa babaeng nakilala lamang niya sa dance club nang marinig ang pamilyar na tinig ng isang babae. Sa isang iglap ay nasiguro niya na hindi magiging maganda ang kahahantungan nang gabing iyon. “Jay!” muling tawag ng tinig. Na-distract na ang babaeng nilalambing niya at lumampas ang tingin sa kanya. Pasimpleng napabuntong-hininga si Jay at nanghihinayang na pinukol ng huling tingin ang babaeng balak sanang karinyuhin sa gabing iyon bilang reward sa sarili dahil may naipanalo siyang kaso. Matapos ang ilang linggong halos pagtira na niya sa opisina sa law firm ay ngayon lang siya may oras para mag-relax. `Looks like tonight is not a good night for me, naisip ni Jay bago nilingon ang babaeng tumawag na naman sa kanya. Crazy Ana. Maganda at sexy si Ana. Kung tutuusin ay ang babae ang tipo ni Jay. In fact, they had a one-night stand months ago. Subalit may personal rule na mahigpit niyang sinusunod—never sleep with a woman twice. Dahil aasa ang babae na may mas malalim na patutunguhan ang nonexistent relationship nila. Kaya palagi niyang nililinaw ang tungkol sa kanyang rule sa lahat ng babaeng nakikilala. Pumapayag naman ang mga ito. Katunayan, nagiging kaibigan pa niya ang mga babae na para bang walang isang gabing namagitan sa kanila. Pero ang isang ito, may problema, frustrated na naisip ni Jay nang lumampas ang tingin ni Ana at napunta sa babaeng kasama niya sa bar counter. Nawala ang ngiti ni Ana at tumalim ang tingin na para bang may karapatang magalit kung may iba siyang kasama. At nang makalapit sa kanya ang babae ay kumapit pa ito sa braso niya. “Who are you?” gigil na tanong nito sa babaeng kasama niya. Tumiim ang mga bagang ni Jay at kumalas sa hawak ni Ana. “It’s none of your business,” usal niya bago sinulyapan ang kasama niya. “Sorry, Lovely, let’s meet next time.” Nanghihinayang na pinukol siya ng tingin ng babae bago umalis. Sinaid niya ang laman ng baso at tinawag ang bartender upang magbayad. Mabuti pang umalis na siya. Ayaw niyang magtagal doon ngayong naroon na naman si Ana. Hindi pa naman niya kasama si Charlie dahil ang kaibigan naman niyang iyon ang nagkukulong sa opisina nito sa law firm. “See you around.” Pilit na tinapunan ni Jay ng tingin si Ana bago nagtungo sa entrada ng dance club. Subalit bago pa siya makalayo ay nakakapit na naman sa braso niya ang babae. “Wait. Ngayon lang uli tayo nagkausap nang ganito, aalis ka na agad? We’re closer than that, right? Or do you want me to go home with you?” bulong pa ni Ana sa kanyang tainga. Mapang-akit ang tinig nito pero mariin na nakakapit sa kanya na para bang hindi siya binibigyan ng ibang pagpipilian kundi ang pumayag sa gusto nito. Shit, s**t, s**t! This woman is really scary. Noong una silang nagkakilala ni Ana ay ni hindi sumagi sa isip ni Jay na mangyayari iyon. Bago magtungo sa hotel ay matino ang naging usapan nila na hanggang isang gabi lang sila. Subalit sa mga sumunod na gabi ay palagi silang nagkakasalubong kahit saang club siya magpunta at palagi itong umaakto na para bang may relasyon sila. Palagi niyang sinasabi kay Ana na hindi mangyayari ang pinapantasya nito pero tila hindi tumitimo sa isip ng babae ang tungkol doon. At dahil hindi siya ang tipong gumagamit ng pisikal na puwersa para magtaboy ng babae ay iniiwasan na lang niya. Pero ngayon ay mukhang kailangan niya ng himala para makalayo kay Ana. Nag-iisip pa rin si Jay ng paraan para makalayo sa babae nang mahagip ng tingin ang lalaking lumapit sa bar counter at mukhang o-order ng drinks. Mabilis na kumalas siya mula sa kapit ng babae at humakbang palayo. “Ryan Decena? Is that you?” Lumingon ang lalaki at sandaling naningkit ang mga mata bago gulat na humarap sa kanya. “Jayson Palanca! Kumusta?” Ngumisi si Jay at nakahinga nang maluwag dahil nakahanap siya ng paraan para makalayo kay Ana. “Long time no see. `Last time we met was in our high school reunion five years ago,” bulalas niya. Magkaklase sila ni Ryan mula first year hanggang fourth year high school. Magkaiba sila ng unibersidad na pinasukan kaya mula noon ay ilang beses lamang sila nagkita ng lalaki. Back in high school, Ryan was one of the few people Jay could call his close friends. Iyon ay kahit pa complete opposite sila. Noon pa man ay straight A student na si Ryan at naging editor in chief pa ng school newspaper na nanalo ng first place sa nationwide competition. Samantalang si Jay, noong mga teenager pa lang sila ay... well, hindi kasindisiplinado na katulad ngayon. Nagulat pa nga ang lahat ng kaklase at guro niya noon nang malaman na abogado na siya ngayon. Ngumiti rin si Ryan, um-order muna ito sa bartender at sinabi ang table number kung saan dadalhin ang order bago nagsalita. “Talagang long time no see. I have been busy with work kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makipagkita sa kahit na sino sa inyo. Wait, do you have company?” tanong nito na sumulyap kay Ana na hindi pa rin umaalis sa tabi ni Jay. “Nope. I’m alone. Let me hang out with you,” mabilis na sagot ni Jay na hindi inabalang lumingon sa babae. Umangat ang kilay ni Ryan pero pumayag naman. Mabilis na sumunod si Jay sa lalaki patungo sa mesa nito. “What was that? She looks like she was waiting for you,” anito nang makaupo na sila sa pang-apatan na mesa. Mukhang may hinihintay na kasama si Ryan. Ngumiwi si Jay. “That woman is scary, you know.” Mabilis niyang sinabi ang palaging pagsulpot ni Ana kahit saan siya magpunta. Palaging pinalalabas ng babae na nagkataon lang ang mga pagkikita nila pero may pakiramdam siya na hindi coincidence ang lahat. “At ilang beses na akong nakapagpalit ng private cell number dahil sa kung anong dahilan ay palagi niya nalalaman ang numero ko at hindi niya ako tinitigilang tawagan. Mabuti na lang, hindi pa niya nalalaman ang office number ko dahil wala akong sinasabihang babae sa pangalan ng law firm namin,” pagkukuwento niya. Kumunot ang noo ni Ryan. “That is serious, Jay. She’s a stalker. Kamukat-mukat mo na lang, maabutan mo na siya sa tapat ng pinto mo.” Kinilabutan si Jay. “s**t, pare, huwag ka magsalita ng ganyan. I don’t know what I will do kung pati ang bahay ko ay malalaman niya.” “Sinasabi ko lang na base sa nakita kong ekspresyon sa mukha ng babaeng iyon ay may posibilidad na ganoon ang gawin niya. Pero sa tingin ko, ikaw rin ang may kasalanan kung bakit may stalker ka. Mukhang hindi ka pa rin nagbabago at babae pa rin ang bisyo mo,” pambubuska ni Ryan. Nagkibit-balikat si Jay at ngumisi. “I need a woman’s body heat when I’m not busy with work or else, I will go crazy. Remember high school days?” sagot na lang ni Jay. Napailing si Ryan. “You were always with girls then but you still go crazy.” Biglang sumagi sa isip ni Jay ang kabataan at ipinilig niya ang ulo upang palisin ang mga alaala. Bakit ba niya nabanggit pa ang tungkol sa high school? “What I have now is what we call ‘maturity,’” sabi na lang niya. Saglit pa silang nag-usap ni Ryan, nagkumustahan at nagbigayan ng contact numbers bago dumating ang isang lalaki at babae sa mesa nila na mukhang siyang hinihintay ni Ryan. “Jayden” at “Maxene” daw ang pangalan ng dalawa. Nalaman ni Jay na football star si Jayden habang ang asawang si Maxene ay sports writer s***h managing editor sa magazine na under ng kompanya ni Ryan. Kaya naman pala pamilyar sa kanya ang mukha ni Jayden. Mayamaya lang ay nagpaalam na si Jay sa mga ito at nagpasyang umuwi na lang. Nakahinga siya nang maluwag na hindi na nakita pa si Ana. Subalit nang makarating sa apartment at makita ang pigura ng babae na nakaabang sa pinto ng kanyang bahay ay napapreno siya at malutong na napamura. Nagkatotoo ang sinabi ni Ryan. The crazy woman was really stalking him and now, she was on his doorstep. Lumiwanag ang mukha ni Ana nang mapatingin sa direksiyon niya. Nagsimula itong lumapit sa kanya—patunay na kilala nito kahit ang kotse niya. Nakatiim ang mga bagang na tinawagan niya si Ryan. Matagal na ring lang ang naririnig niya bago sinagot ang tawag. “s**t, pare! She’s really here at my apartment. Ayokong umabot pa kami sa korte. It’s too petty.” “Maybe you should stop going to your usual hangouts for a while. At dapat lumipat ka na lang ng bahay kung ayaw mong gumawa ng legal action,” suhestiyon ni Ryan. Naihilamos ni Jay ang kamay sa mukha nang nasa tapat na ng driver’s seat si Ana at nakangiting kumakatok sa bintana. “Kung sana ay may puwede akong lipatan na hindi makakalapit ang babaeng ito,” frustrated na naiusal niya. Ilang segundong natahimik si Ryan at ang tanging naririnig lang ni Jay sa kabilang linya ay ang mahinang tugtog sa background. Mukhang lumabas pa ang lalaki para sagutin ang tawag niya. “May alam akong lugar na puwede mong lipatan. Katunayan ay nakatira ako sa isang building na bawal pumasok ang mga babae at maganda ang security. May libre pang unit. Gusto mong lumipat?” “Jay!” Muffled ang boses ni Ana dahil hindi pa rin niya ibinababa ang bintana ng kotse. Subalit mas lumakas na ang katok ng babae na para bang balak basagin ang salamin. “Yes. As soon as possible,” mabilis na sagot niya. “Good. Let’s meet and I’ll bring you to Bachelor’s Pad. I’m sure, gising pa si Keith at haharapin niya tayo kapag nalaman niya ang sitwasyon mo. He’s in charge of accepting tenants.” May ibinigay na address si Ryan at ilang sandali pa ay pinaharurot na niya ang kotse palayo. Pinaalalahanan niya ang sarili na mas maging maingat sa pagpili ng babae. He did not want to get involved with someone crazy again, or someone too serious. Dahil kahit kailan ay hindi magpapatali si Jay sa isang seryosong relasyon. And he was the type of person who never broke his personal rules. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
237.4K
bc

Stubborn Love

read
100.2K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

Just Another Bitch in Love

read
33.8K
bc

His Cheating Heart

read
45.5K
bc

Reckless Hearts

read
258.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook