CHAPTER 1
Just a little more and this is over. Paulit-ulit na sinasabi ni Risha sa sarili habang nakatitig sa lens ng camera. Nakahiga siya sa isang malaking kama. Nakalugay ang kulot at blonde niyang buhok sa puting bedsheet. And she was just wearing a pair of blue lacey lingerie.
Naipagpasalamat niya na ang tanging naroon lamang sa silid na iyon ay ang photographer, ang manager niyang si Andi at ang creative head ng men’s magazine kung saan siya ang magiging cover. The lacey lingerie she’s wearing at that moment is too daring for her personal taste. But it is what her image depicts so she had no right to complain. Besides, she has been doing it for ten years already.
Dapat ay nakasanayan na niya iyon. She was after all considered as the Sexy Goddess of the modeling world. Pantasya siya ng mga kalalakihan. Her sexy posters are a ll over the country. Regular din siya sa isang television commercial at calendar girl ng isang multinational Liquor Company. She was even hailed the number one sexiest women in the world by FHM Magazine for five consecutive years.
Marami ring offer ng mga sexy roles sa kanya sa pinilakang tabing. Ngunit lahat iyon ay tinanggihan niya. Alam naman kasi niya na wala siyang talent sa pag-arte. Isa pa ay wala siyang balak magpahawak at magpahalik sa kung sinu-sinong lalaki at ipanood iyon sa milyon milyong lalaki. Tama na ang mga larawan niya sa mga men’s magazine at mga product endorsements.
Iyon nga lang, madalas pa rin ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkailang. Hindi na lamang niya sinasabi iyon para hindi mag-alala si Andi. Hindi naman siya nito pinilit na maging ganoon ang image niya. She agreed wholeheartedly to have a sexy image so she has to do her best and be tough. Hindi lang dahil ayaw niya itong biguin kung hindi dahil ayaw na niyang maloko ng kahit na sino. Because she promised that she will never be the same naïve, innocent almost ignorant Patricia again.
“Please arc your back a little Miss Risha,” utos ng photographer. Walang salitang sinunod niya iyon. “That’s good. Look here. I want a seductive look. Yes, that’s great.” Paulit-ulit na nagflash ang camera. Sumasakit na ang balat niya sa init ng mga ilaw na nakafocus sa kanya. Pero hindi siya nagrereklamo. Sinunod niya ang lahat ng sinasabi nito. Gusto niyang tapusin ang photoshoot na iyon ng mabilis katulad ng sang katerbang sexy photoshoots na ginawa niya sa nakalipas na mga taon.
Makalipas lamang ang isang oras ay sumigaw na ng “wrap!” ang photographer. Agad siyang dinaluhan ni Andi bitbit ang isang roba.
“That was perfect Risha darling!” nakangiting bati nito sa kanya.
Ngumiti siya rito kasabay ng pagsuot ng roba. “Thank you Andi. That was all for today right?”
“Well, they are asking kung gusto mong sumabay sa kanila kumain. And if you want to hang out with them tonight,” imporma nito.
Apologetic siyang ngumiti. “Andi, can you tell them that I can’t? Nangako ako kay mama na uuwi ako ngayon ng pampanga. Magpapanic siya kapag hindi ako nakauwi mamaya.”
Bumuntong hininga ito pero ngumiti na rin. “Okay. Mas mahalaga naman ang mama mo kaysa sa mga iyan ano. Ayoko rin namang magalala ang mama mo baka atakihin na naman siya. Mag-iingat ka sa biyahe.”
Tumayo na siya at umagapay sa paglakad nito patungo sa dressing room. Alam nito na mahina ang kalusugan ng kanyang ina. At mula ng atekihin ito sa puso sampung taon na ang nakalilipas ay masyado na itong naging dependent sa kanya. Naiintindihan naman niya ito dahil sila na lamang dalawa ang magkapamilya sa mundo. Ang kanyang ama na isang amerikano at kahit kailan ay hindi niya nakilala ay nabalitaan na lamang nilang pumanaw na. Mahabang pakiusapan pa bago niya ito nakumbinsi na kailangan niyang manatili sa maynila upang magtrabaho. Pumayag lang ito nang mangako siya na gagawin niya ang lahat para makadalaw rito linggo linggo.
Ganoon nga ang ginagawa niya. Hindi lang dahil sa pangakong iyon kung hindi dahil nag-iisa lang talaga sa bahay nila sa Pampanga ang kanyang ina. Noong una ay kumuha siya ng magbabantay dito pero nagalit ito. Hindi raw ito sanay na may ibang taong kasama. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang hayaan ito.
“Dederetso ka na ba o dadaan ka muna sa bahay mo?” tanong ni Andi.
“Dederetso na ako,” she tiredly said.
Andi smiled knowingly. “You should rest there well, okay?” malumanay na sabi nito.
Naipagpasalamat niya na naiintindihan siya nito. Para sa kanya at maging sa ibang talent nito, hindi lamang basta manager si Andi. He is also a friend. Magaling itong magbigay ng payo at maalaga. Ito rin lamang ang nakakaalam ng lahat ng bagay tungkol sa kanya na wala siyang balak ipaalam sa iba. Higit sa lahat, ito ang tumulong sa kanya sa panahong akala niya hindi na niya kakayanin ang mga problemang sabay-sabay na dumating sa isang yugto ng buhay niya. Had he been a real man and not gay, she could have dragged him to the nearest church and marry him. That’s how great Andi is for her.
Nang makapasok siya sa dressing room ay nanatili ito sa labas. Hihintayin na lamang daw siya nito roon.
“I really don’t mind Andi. Besides, I know I’m not your type,” pabirong sabi niya.
“Alam ko lang na maiilang ka kapag may tao kang kasama sa silid habang nagbibihis ka darling. We both know how conservative you are,” sagot nito.
Napangiti siya at nagsimulang magbihis. Iyon ang totoo. Sa kabila ng sexy image niya ay conservative talaga siya. When she was young, she was even teased as miss goody two shoes. But she doesn’t care. Para sa kanya ay isa iyon sa magandang katangian niya.
Until he came into your life and treated you like a rag. Biglang nawala ang ngiti niya sa bulong ng pinakatagong parte ng isip niya. She wonders why that thought suddenly slipped her mind. Matagal na panahon naman na niyang hindi naiisip iyon.
Napailing siya at hinubad ang lingerie na ginamit niya sa shoot. She wore her own set of undergarments sponsored by a famous lingerie designer and her body hugging dress. Napatingin siya sa salamin. Minsan kapag ginagawa niya iyon, pakiramdam niya hindi ang sarili niya ang nakikita niya. The woman in front of her looks so liberated, na para bang propesyunal na ito sa paglalaro sa apoy. Na siyang tingin din ng lahat sa kanya.
Which is good. Dahil matagal na niyang binura ang dating siya. At least in front of everyone.
“Risha darling, aren’t you done yet? Baka gabihin ka sa biyahe. Delikado,” tawag sa kanya ni Andi.
Inalis niya ang tingin sa salamin at hinatak ang maleta niya. Nang lumabas siya ay bahagyang kumunot ang noo ni Andi.
“What?” takang tanong niya.
“Hindi mo sinuklay ang buhok mo darling,” komento nito.
Napahaplos siya sa buhok niya. Natural na kulot iyon. Lingid din sa kaalaman ng mga tao, her hair is actually black with a brownish color. Pero kasabay ng pagbabagong bihis sa kanya ni Andi noon ay pinakulayan nito ang buhok niya. Hindi siya nagprotesta. At least, with her new look no one she knew will recognize her. Especially the people she met when she was on college.
“Hindi naman masyadong mapapansin iyan Andi. Iyan ang advantage ng kulot na buhok,” balewalang komento niya. Dati ay wala siyang pakielam kung magulo ang buhok niya o hindi. Kaya nang kunin siyang modelo ni Andi para sa Timeless Modeling Agency ay ito ang palaging nagpapaalala sa kanya na ayusin iyon.
“Well, tama ka. But I think kailangan mo ng ipaayos uli ang buhok mo. Pag nagka-free sa schedule mo, pumunta ka ng Celebrity Trend at ipaayos mo iyan kay Darlyn,” tukoy nito sa salon kung saan siya nagpapaayos at sa stylist na umaayos ng buhok niya.
“Okay,” sagot na lamang niya. Kinuha nito ang maleta niya sa kanya at magkaagapay silang lumabas. Sinalubong sila ng mga staff at maging ng creative head ng men’s magazine. Nagpasalamat lamang siya sa mga ito at nagpaalam na.
“Mukhang dismayadong dismayado sila na hindi ka nila makakasama kumain ngayon Risha,” komento ni Andi nang nasa tapat na sila ng kotse niya.
Ngumiti siya. “Alam mo namang hindi ko pwedeng tanggihan si mama.”
“Alam ko iyon darling. O siya sige na. Don’t forget to come back early. May meeting tayo regarding sa calendar photoshoot mo sa CFB,” bilin pa nito.
“I know. Don’t worry.” Ang tinutukoy nito ay ang liquor company na minomodelo niya.
“At huwag mo ring kalilimutan, magsusukat ka ng gown para sa kasal ni Tiffany,” paalala nitong muli.
Napangiti siya. Tiffany is her co-model. Kasama niya ito sa Timeless Modeling Agency at pareho silang alaga ni Andi. Kailan lang ay nakilala nito si Andrew, isang arkitekto at siyang mapapangasawa nito. She already met Andrew once. At ang una niyang naisip ay napakasuwerte ni Tiffany sa binata. Mabait kasi ito at maalaga. At higit sa lahat, nakikita niya na hindi ito ang tipo ng lalaking manloloko ng babae. Naisip niya tuloy kung bakit hindi siya makakita ng lalaking kagaya nito.
Well, before she thought she found him, only to be disillusioned by his true nature. Although he cannot blame him, since he warned her from the very beginning that he was not a good man. It’s just that, just like all idealistic women, she thought she can change him.
Ngumiti siya at pilit iwinaksi ang isiping iyon. “Okay. Bye Andi.” Nang tumango ito ay sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon.
Nang nasa kalsada na siya ay napabuntong hininga siya. Sa totoo lang ay nakakapagod ang pagiging modelo. Iregular ang oras ng proyekto at madalas sunod sunod ang mga projects na hindi na niya nagagawang matulog. At kahit stressful ang trabaho ay kailangan niya pa ring mamentain ang itsura niya. Hindi na rin siya nakakapunta sa mga pampublikong lugar na hindi tinitingnan. Pero hindi naman masyadong big deal iyon para sa kanya. Not that she goes out often anyways. Besides, malaki ang utang na loob niya sa pagmomodelo. Dahil doon kaya buhay pa rin ang mama niya hanggang ngayon. Modeling has also been her escape route from pain on that time that she was badly wounded.
With that thought, a memory flashed in her mind, followed by a face of a man from her past. Marahas siyang umiling upang pawiin iyon bago niyon tuluyang guluhin ang isip niya. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. What in the world is happening to her today anyway? Bakit bigla bigla siyang may mga naalala na mga bagay na matagal na niyang ibinabaon sa limot? Ah, wala lang iyon.
Besides, he’s already gone. And no matter what he will not be coming back. And even if he will, it has nothing to do with me anymore.