bc

Bachelor's Pad series 2: The Fall Of The Womanizer

book_age16+
4.7K
FOLLOW
44.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman.

Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation.

Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NAGISING si Ross na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Dahil sanay na sa pakiramdam na iyon kapag nag-party at uminom magdamag, alam na niyang mas makabubuti na huwag munang kumilos hanggang mapawi ang sakit kahit paano. Kagabi ay nag-celebrate siya kasama ang mga kaibigang sina Jay at Charlie dahil mula kahapon ay pormal na silang magkakasama sa iisang law firm. Tuluyan nang iniwan ni Ross ang trabaho sa Amerika at nagdesisyon na sa Pilipinas na ipagpatuloy ang abogasya.       Ilang linggo na mula nang makabalik si Ross sa Pilipinas kung saan siya lumaki kahit pa Amerikano ang kanyang ama. He realized that he really preferred this country to the US. Kaya nagdesisyon siyang manatili na sa Pilipinas for good. After all, narito ang kanyang ina. Mas mainam kung  malapit lang siya rito.       Umuga ang kama na kinahihigaan ni Ross kahit siguradong hindi pa rin siya kumikilos. Kasunod niyon, naramdaman niya na may gumalaw sa gawing kanan niya at may brasong yumakap sa kanyang hubad na katawan.       Ah, I have company. Bahagyang napangiti si Ross nang maramdaman ang hubad na katawan ng isang babae na sumiksik sa kanya. Nawala ang sakit ng kanyang ulo at nagawang idilat ang mga mata nang may mainit na mga labing humalik sa kanyang dibdib.       “Hey, handsome. Good morning,” nakangiting bati ng magandang babae na… hindi niya matandaan ang pangalan at kung paano nakilala kagabi.       Ngumiti si Ross at hindi ipinahalata ang kanyang memory lapse. Isa siyang abogado at kung may maipagmamalaki bukod sa hitsura at yaman, iyon ay ang talas ng kanyang memorya at isip. It must be the alcohol. Pinaalala niya sa sarili na mula sa araw na iyon ay babawasan na ang pag-inom ng alak.       Yumuko ang babae at hinalikan si Ross sa mga labi. Gaganti na sana siya ng halik nang mapagtantong maliwanag na sa paligid. Mabilis na pinigilan niya ang babae at tumingin sa orasan sa bedside table. Alas-nuwebe na ng umaga.       “s**t!” marahas na sambit niya at agad na bumangon. “I’m late!” Umalis siya mula sa kama. Muling kumirot ang kanyang ulo subalit hindi na iyon pinansin. Kailangan niyang mag-report sa law firm sa araw na iyon.       “Wait, Ross!” reklamo ng babae na hindi rin niya pinansin.       Mabilis na nag-shower si Ross. Ni hindi na niya nagawang mag-shave sa pagmamadali. Nang lumabas ng banyo at makitang hindi pa rin nagbibihis ang babae, pinulot na niya ang damit sa sahig at iniabot dito. “Magbihis ka na at umalis. I have to go.”       Halatang nagulat ang babae subalit sa mga sandaling ito ay walang panahon si Ross para dito. “Hurry up!”       Halatang nayamot ang babae at padabog na pumasok sa banyo. Mabilis na nagbihis si Ross. Handa na siyang umalis nang lumabas ng banyo ang babae na bihis na rin. Hinawakan niya ang braso nito at hinatak patungo sa pinto ng kanyang apartment. Binuksan niya ang pinto at itinulak palabas ang babae bago siya sumunod.       “You’re such a jerk!” inis na sigaw ng babae.       “God. I have a major hangover so please don’t shout,” pigil ang inis na saway ni Ross nang muling kumirot ang sentido dahil sa matinis na boses ng babae.       Naiinis pa rin na nagmartsa ang babae patungo sa elevator. Sumunod si Ross. Bumukas ang pinto ng elevator pagkalapit nila roon. Agad siyang napamura sa isip nang makita ang tatlong matandang babaeng sakay ng elevator. Umasim din ang mga mukha ng tatlo nang makita si Ross at ang babaeng kasama niya.       The three old maids. Iyon ang lihim na tawag niya sa tatlong matanda. Kapareho niya ng palapag ang tatlo sa apartment building na iyon. Saying that the old women hated Ross was an understatement. Sa totoo lang, nang tumira siya roon ay hindi niya naisip na may magiging kapitbahay na tatlong matandang dalaga. Subalit mukhang mali siya ng napiling tirhan. O iba lang talaga ang trip ng matatandang ito. Hayun nga at naka-jogging outfit ang tatlo at mukhang kauuwi lang galing sa exercise.       “Good morning, ladies,” magalang na bati ni Ross sa tatlo na lumabas na ng elevator.       Sa halip na gumanti ng pagbati, tinapunan lang siya ng tila nandidiring tingin ng tatlong babae. Kulang na lang ay mag-sign of the cross bago sila nilampasan.       “They hate you,” tila tuwang-tuwang komento ng babaeng kasama niya.       Umasim ang mukha ni Ross at sumakay na sa elevator kaagapay ang babae. “That’s because they always see me with different women,” pabalang na sagot niya. Alam niya na ilang beses na siyang ini-report ng mga kapitbahay sa may-ari ng building at gusto siyang paalisin. Wala raw kasi siyang moralidad at dinudungisan niya ang malinis na pangalan ng mga nakatira sa gusali. Maybe he should really find another place to live.       Nawala ang ngiti ng babae at naningkit ang mga mata, halatang na-offend. “Jerk.”       Napabuntong-hininga si Ross. “I know. Sorry. Hindi maganda ang gising ko.”       Umismid ang babae subalit hindi na nagsalita. Nang bumukas ang elevator, walang-lingunlikod siyang iniwan ng babae. Napabuntong-hininga na naman siya. Yeah, he suddenly felt like he was really a jerk. Kapag nalaman ng kanyang ina ang tungkol doon, sasabihin na naman nito na mana siya sa kanyang ama. Minsan ay natatakot siya na baka tama ang kanyang ina. At kung totoo nga iyon, alam ni Ross na hindi siya maaaring mag-asawa. He never wanted to put any woman in his mother’s shoes. Ever.   NAHULI si Ross sa pagpunta sa law firm. Subalit mabuti na lang at nagkaroon ng biglaang meeting ang isang partner ng firm na si Ferdinand Salvador na direct superior niya kaya nakalusot siya. Iyon lang, kina Jay at Charlie ay wala siyang lusot. Pagkapananghali ay na-corner siya ng dalawa.       “Was she that good na hindi ka nakaalis agad nang maaga?” pambubuska ni Jay.       Ngumiwi si Ross. “Sa totoo lang, hindi ko matandaan. Kaya ako tinanghali ng gising dahil sa hangover. Next time, remind me not to drink too much. Pagkatapos, nagalit pa sa akin `yong babae kaninang umaga. At nakasalubong ko pa ang tatlong kapitbahay na gusto na naman yata akong balatan nang buhay.” Ilang beses na niyang nabanggit kina Jay at Charlie ang tungkol sa ginagawa ng tatlong matandang dalaga para mapaalis siya mula sa building na tinitirhan nila.       “Hindi ka nila gusto dahil naeeskandalo sila sa kung sino-sinong babaeng dinadala mo. Wala ka na sa Amerika. Hindi sanay ang mga tao rito sa lifestyle mo sa States,” sabi ni Charlie.       “So, do I need to be discreet? God, too much trouble,” usal ni Ross.       “Just get a room somewhere else, man. Ganoon kasimple,” suhestiyon ni Jay.       Napabuga ng hangin si Ross. “Fine. Pero sa tingin ko, kailangan ko na talagang lumipat ng bagong unit. Iyong walang kapitbahay na binabantayan ang lahat ng galaw ko.”       Sa halip na sumagot ay nagkatinginan sina Charlie at Jay, na napansin naman kaagad ni Ross. Umangat ang kanyang isang kilay. “Para saan ang tinginan na `yan?”       “Well, kung kailangan mo kasi ng bagong matitirhan, puwede ka namin irekomenda sa building kung saan kami nakatira,” sabi ni Charlie.       Napaderetso ng tayo si Ross. Nakuha ang kanyang interes ng sinabi ni Charlie. “Really? May available pang unit sa inyo? Bakit hindi ninyo sinabi kaagad? Gusto ko nang lumipat as soon as possible.”       “Hindi namin sinabi sa iyo dahil hindi kami sigurado kung makakatagal ka sa tinitirhan namin. Mahigpit ang may-ari at maraming rules na kailangang sundin,” paliwanag ni Jay.       “Gaya ng ano?” tanong niya.       Muli ay nagtinginan sina Jay at Charlie bago sumagot si Charlie. “Gaya ng bawal ang babae sa loob ng building. Maki Frias, the owner, is said to be a woman hater. Kaya pulos lalaki ang mga nakatira  sa gusaling iyon.”       Nanlaki ang mga mata ni Ross. “At payag kayo? Don’t tell me you two are living like monks now?” manghang bulalas niya.       Natawa ang dalawa.       “Of course not. Kaya nga sabi ko sa `yo kanina, you can do it somewhere else. Mas gusto namin na sagrado ang bahay namin, hindi napapasok ng kung sino-sino. Hindi tulad mo,” sabi ni Jay na may halong pambubuska ang tinig.       “Besides, maganda ang amenities sa loob ng Bachelor’s Pad. Mahigpit din ang security. You will feel safe and at home. Siguradong makakasundo mo rin ang mga residente,” sabi naman ni Charlie.       Napaisip si Ross. May punto ang kanyang mga kaibigan. It would be good to have a place to himself. Iyong walang ibang nakakapasok kundi siya lamang. Tama rin naman si Jay. He could afford to bring women elsewhere and have his way with them. Hindi kailangang dalhin niya ang mga babae sa kanyang bahay.       “Interesado ako sa tinitirhan ninyo. Okay lang sa akin ang rule na bawal ang babae,” mayamaya ay sagot ni Ross. Tinapunan siya ng hindi naniniwalang tingin nina Jay at Charlie. “Ikaw? Payag sa rule na bawal ang babae? You can’t even live a day without a woman,” tila nagdududang usal ni Charlie. Ngumisi si Ross dahil aminadong tama ang sinabi ng kaibigan niya. “Magagawan ko ng paraan `yan. Ako ang bahala. I just want a new place to live. Iyong walang umaaway sa akin araw-araw.” “Kung gano’n, sasabihin namin kay Keith ang tungkol sa `yo. Keith is the one who screens the would-be residents. Pagkatapos, sasabihan ka namin kapag puwede ka na naming dalhin doon,” sabi ni Charlie. “Deal,” sang-ayon ni Ross, pagkatapos ay malisyosong ngumisi. “Pero habang hindi pa ako do’n nakatira, lulubusin ko muna ang kasalukuyan kong apartment at iinisin ang mga kapitbahay ko bago ako umalis.” Tumawa sina Jay at Charlie at binunggo ang mga balikat ni Ross. “Enjoy it while you can,” pambubuska ni Jay. Tumawa si Ross. “Of course I will.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
329.2K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.1K
bc

Unloved by the billionaire

read
401.5K
bc

His Cheating Heart

read
45.4K
bc

Unexpected Romance

read
40.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.8K
bc

Stubborn Love

read
100.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook