bc

Bachelor's Pad series 5: Mr. Hotshot

book_age16+
3.5K
FOLLOW
40.7K
READ
goodgirl
bxg
like
intro-logo
Blurb

Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili.

But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang.

Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore.

Doon ay nakilala niya si Ryan Decena.

Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa.

Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay.

Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them.

Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
SA ARAW na iyon ay ginaganap ang pag-iisang dibdib nina Rob Mitchell at Daisy Alcantara. Magarbo ang pagtitipon subalit dalawang set lamang ng media ang pinayagang makadalo at i-cover ang okasyon; isang crew ng TV8 para sa exclusive television coverage dahil pagmamay-ari ang istasyon na iyon ng pamilya ni Daisy, at ang Lifestyle magazine na nasa ilalim ng RD Publishing na pagmamay-ari ni Ryan Decena para sa insider’s report na lalabas sa “Society Weddings” column ng nasabing magazine. Lampas sampung taon na ang nakararaan mula nang itatag ni Ryan ang RD Publishing. Nagsimula ang lahat sa maliit na printing company ng kanyang ama. Nang magtapos siya ng Journalism ay nakumbinsi niya ang ama na ipagkatiwala sa kanya ang printing company. He converted their business to publishing. Ang unang magazine na inilabas nila ay ang Everything Sports. Sa loob ng ilang taon ay halos sa opisina na nakatira si Ryan dahil hindi siya tumigil sa pagtatrabaho hanggang sa maging isa sa mga leading magazine sa bansa ang Everything Sports. Pagkatapos ay unti-unti nang naglabas ng iba pang magazine ang kanyang kompanya. At ilang taon na nga ang nakararaan ay nailabas nila ang unang issue ng Lifestyle magazine. Hindi man nila nailabas ang istorya tungkol sa Bachelor’s Pad ay iyon naman ang naging dahilan kung bakit naging residente siya roon. Kaya ngayon ay naroon siya sa kasalang iyon. “Ibang klase ka talaga. Kahit sa ganitong okasyon ay dinadala mo ang trabaho.” Napalingon si Ryan kay Keith na hindi niya namalayang nakalapit na pala. Nasa reception na sila ng kasal at marami sa residente ng Bachelor’s Pad ay naroon dahil na rin sa imbitasyon ni Rob. Ang iba ay hindi dumalo dahil agad na nagsabing may ibang appointment nang marinig pa lamang ang salitang “kasal.” Hindi na nagtaka si Ryan na parang mga allergic sa ganoong okasyon ang ibang kapwa residente. Kahit siguro siya, kung hindi lang para sa artikulo na isusulat ng writer niya sa magazine nila ay baka tumanggi ring magpunta sa pagtitipong iyon. Lalo na at mula pa kanina, habang napapalibutan ng maraming pareha, nakakaramdam na siya ng matinding pagkailang. Kaya pumuwesto siya sa dulong bahagi ng venue at hinayaan na lamang ang staff niya na maglibot para kumuha ng mga larawan at mag-interview ng mga bisita. “Magandang istorya ito para sa magazine,” sagot ni Ryan nang tumabi sa kanya si Keith at uminom sa hawak nitong kopita ng red wine bago iginala ang tingin sa paligid. Hindi niya naiwasang umangat ang mga kilay nang mapagmasdan ang ayos ni Keith. “Hindi ko naisip na posible pala kitang makita na ganyan ang ayos,” buska niya. Bukod kasi sa suit na suot ng lalaki ay maayos ding naka-ponytail ang buhok nito. Iyon lang, hindi nag-abalang mag-ahit si Keith. Minsan, pakiramdam ni Ryan ay sinasadya nitong itago ang mukha kaya palaging balbas-sarado. Tumawa si Keith. “At ikaw ay hindi ko naisip na magmumukhang ilag sa kasal. Akala mo ba hindi ko napapansin na lumalayo ka sa mga bisita na parang gusto mo nang umalis?” ganting-buska nito. Napangiwi siya at napabuntong-hininga. “Hindi sa naiilang ako. I think I’m just feeling restless and suffocated. Hindi dahil sa okasyon kundi sa dami ng tao. Siguro masyado kong ginugugol ang lahat ng oras ko sa pagtatrabaho kaya hindi na ako sanay mapalibutan ng maraming tao na walang kinalaman sa trabaho.” Naging mataman ang tingin ni Keith. “Mukha ka ngang pagod. Too much work can also suffocate and tire you, Ryan. Pareho kayo nina Trick at Benedict na puro trabaho ang inaatupag at lumalalim na ang eyebags.” Ang tinutukoy ng lalaki ay mga residente rin ng Bachelor’s Pad. Si Trick ay tagapagmana ng isang multimillion-peso company habang si Benedict naman ay may malaking real estate business. “Hindi lang naman kami ang workaholic sa atin,” depensa niya. “Oo nga. Pero alam din namin kung kailan kailangan ng break. Pero kayo hindi. At masama `yan sa kalusugan ninyo.” Napabuntong-hininga na lang si Ryan dahil wala naman siyang maisasagot sa sinabi ni Keith. Hindi rin iyon ang unang beses na may nagsabi sa kanya na masyado siyang nagtatrabaho at hindi nagpapahinga. Ganoon din ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigan at noong nakaraang buwan lang ay itinalaga niyang editor in chief ng Everything Sports magazine na si Maxine. Kahit ang pinsan niyang si Draco na isa sa mga tumangging dumalo sa kasal ay nasabihan siya noong huli silang magkita na kailangan niya ng pahinga. “Ano’ng ginagawa ninyong dalawa diyan? We’re going to take a group photo,” sabi ni Jay na lumapit sa kanila. “Nasaan sina Cherry at Justine?” nagtatakang tanong ni Ryan. Mula kasi nang maging magkasintahan sina Jay at Cherry at ianunsiyo ng lalaki sa kanilang magkakaibigan na anak pala nito si Justine ay palagi nang magkasama ang tatlo. Kahit ngayon ay kasama ni Jay ang mag-ina. Nakangiting itinuro ng lalaki ang isang bahagi ng reception hall at napasunod sila ni Keith ng tingin doon. Kasama pala ng fiancée ni Jay ang mga bagong kasal. Kasama rin ng mga ito ang iba pang residente ng Bachelor’s Pad at ang mga kasintahan nina Ross at Charlie. “Let’s go,” aya pa ni Jay. Agad na tumalima si Keith at nagpatiuna pang lumapit sa grupo. Si Ryan naman ay napahugot muna ng malalim na hininga bago nagsimulang umagapay sa paglalakad ni Jay. Kumunot ang noo ng lalaki at tinapik siya sa likod. “What’s wrong with you?” nagtatakang tanong nito. Nahilot niya ang pagitan ng kanyang mga mata. Sa totoo lang ay halos wala pa siyang tulog. Finalization kasi ng mga ipi-print na magazine issues nila sa linggong iyon at isiningit lang talaga niya sa schedule ang pagdalo sa kasal ni Rob. “Pagod lang.” Pumalatak si Jay. “You know what, Ryan? You need to take a break from work. Take a vacation somewhere and you will feel better when you get back.” “Hmm,” tanging naisagot na lang niya dahil nakalapit na sila sa grupo. Muli niyang binati ang mga bagong kasal. Pagkatapos ay sandaling nagkuhaan sila ng mga larawan bago kinailangang lumapit naman nina Rob at Daisy sa iba pang mga bisita. “Habang tinitingnan ko sila, parang ang sarap magpakasal. I guess I should do it soon, too.” Napalingon si Ryan sa nagsalita. “May fiancée ka na rin, Montes?” tanong niya sa lalaki. Bihira silang magkita dahil bukod sa magkaiba ng floor ang units nila ay hindi nagkakapareho ang oras na nasa common area sila. Resident nutritionist si Montes sa isang malaking ospital. Hindi katulad nila na minsan ay nagpupunta sa kung saan para uminom, straightlaced ang personalidad ng lalaki at hindi mahilig sa nightlife. Subalit kahit ganoon ay masasabi naman ni Ryan na maganda ang relasyon niya sa lalaki. Bahagyang ngumiti si Montes. “Girlfriend. Pero balak ko na siyang yayaing magpakasal. I think it’s about time. Hindi na kami bumabata,” sagot nito. Muntik na siyang mapangiwi. Talking about marriage made him uncomfortable. Marahil dahil hindi tulad ni Montes o nina Rob ay hindi pa siya handang sumabak sa buhay-may-asawa. Masyado siyang abala sa trabaho. Besides, he did not have anyone to settle down with. Pasimple siyang nagpaalam sa grupong iyon para hanapin ang writer at photographer ng Lifestyle magazine. Pagkatapos magbilin ay muli siyang lumapit kina Rob at Daisy para magpaalam na mauuna na. “Ang bilis naman,” kunot-noong angal ni Rob. “Oo nga. Stay a little longer, Ryan,” sabi naman ni Daisy. Bahagya siyang ngumiti. “May kailangan pa akong asikasuhin sa opisina.” Pagkatapos ay magaan niyang hinalikan sa pisngi si Daisy bago tinapik si Rob sa balikat. Mas naging mahirap ang magpaalam kina Jay pero sa huli ay hindi rin siya nagpapigil. “Ryan, isipin mong mabuti ang payo ko sa iyo kanina, okay?” habol pa ni Jay. Nilingon niya ang kaibigang nakaakbay sa fiancée nito. Tumango na lang siya at kumaway bago tuluyang tumalikod at umalis.    Kinagabihan ay nanatili si Ryan sa kanyang opisina upang tingnan sa huling pagkakataon ang mga layout na kailangan niyang aprubahan. At kahit nang matapos ang mga dapat tapusin ay hindi pa rin siya umuwi. Kahit pagod ay ni hindi siya nakaidlip. Hindi siya mapakali at pakiramdam niya ay natuyot na ang kanyang utak at enerhiya. Nanatili lamang siya sa kanyang opisina, nakatitig sa kawalan, at napaisip na mukhang tama ang mga kaibigan niya. Kailangan yata talaga niya ng bakasyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.8K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook