bc

LOST STARS

book_age12+
1.1K
FOLLOW
7.3K
READ
goodgirl
aloof
inspirational
drama
tragedy
bxg
first love
illness
like
intro-logo
Blurb

My name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she will change the course of my life entirely.

The next time we met each other, Kira asked me to be her friend. Kahit eighty days lang daw. Napilitan lang akong pumayag. Pero sa bawat paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang sarili kong hindi na lang napipilitan. Na nag-e-enjoy na akong kasama siya. Na nag-e-enjoy na akong pakinggan ang mga kwento niya.

The days became exciting. She pushed me out of my comfort zone. She showed me things I overlooked before. She made me realize a lot of things. Binago ni Kira ang buhay ko. At minahal ko siya ng sobra.

Pero nang magtapat ako ng feelings ko sa kaniya, ni-reject ako ni Kira. "I'm sorry. I can't be your girlfriend. Ayoko."

Nasaktan ako. At the same time napaisip din. Bakit hindi pwedeng maging kami?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Year 2016 I promised you eighty days. Pwede bang mag extend?   DAY 1 August 8. Monday I met a girl who likes looking up at the stars. Gabi na ‘non at akala ko ako na lang ang tao sa buong campus ng Richdale University. I was at the Alumni Association office, trying to finish the final draft of our calendar of activities for the new school year. First day ng new semester. Medyo may adjustment na kailangan gawin kasi this year August na ang start ng school year sa Richdale. Hindi ko napansin na alas nuwebe na pala ng gabi. Kung isa pa rin akong undergraduate student, siguradong nasaway na ako ng guard na nagpa-patrol sa campus at kanina pa pinauwi. But everything is different now. Sobrang tahimik nang lumabas ako ng school building. Naglalakad ako papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ko nang makita ko siya sa gitna ng quadrangle. Nakatayo at nakatingala siya sa langit. She was not moving an inch so at first I thought I saw a ghost. Kasi sinong estudyante ang gagabihin ng ganon sa campus? Sino ang tatayo lang doon at titingala sa langit? Pero habang palapit ako sa kinatatayuan niya, lalo kong nasisiguro na hindi siya multo. She’s alive. I know because I saw the rise and fall of her chest as she breathes. Lilihis na sana ako ng daan para makaiwas sa kaniya nang bigla siyang lumingon sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Suddenly hindi ko alam kung ano ang gagawin. Our eyes met. And I realized she was crying.   DAY 2 August 9. Tuesday I AM Eugine Alonso. Gin ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. And this semester is my first year as a graduate student. Natapos ko ang undergrad course ko last year. Dapat magsisimula na akong magtrabaho ngayong taon sa isa sa mga kompanya ni Lolo. Shipping at Airline ang negosyo ng pamilya namin. Kaso kinausap ako ng masinsinan ni Lolo after graduation. Ang sabi niya marami siyang plano para sa akin. But first I have to take up a Master’s Degree in International Business. Masunurin akong apo. Ayokong ma-disappoint sa akin si Lolo. Buong buhay ko ginawa ko ang best ko para maging perpektong apo. Gusto ko walang maipipintas sa akin ang kahit na sino, lalo na ang mga kamag-anak ko na bata pa lang ako inaasahan nang magiging disappointment ako. Trying to be perfect is a hard thing to do. Hindi ako genius. In fact, average lang ang IQ ko. Kinailangan kong triplehin ang effort ko sa lahat ng bagay para mag-exel ako. Mula Elementary hanggang College, habang ang mga kaedad ko nag-be-break o lumalabas at nagpapakasaya, nasa loob ako ng kuwarto ko o kaya nasa library at nag-a-advance study ng lessons. Kapag naman bakasyon sinasama ako ni Papa sa kung saan-saan. Sa meeting, sa out of town business trip, o kaya kahit sa mismong opisina lang niya. Nakatayo lang ako sa tabi niya, sinusubukang intindihin ang mga business term and jargons na noong bata pa ako hirap akong maintindihan. Gusto ni Papa na ma-expose ako sa negosyo habang maaga pa. He trained me hard just so my grandfather will give me the majority of the family wealth. Na sa tingin ko isang malaking kalokohan. Kasi patas na tao si Lolo. Dalawa lang kami ng pinsan kong si Thorne na apo niya sa mga anak niya. I’m sure hindi siya magiging unfair sa isa sa amin. Pero iba ang paniwala ng parents ko. So you see, trying too hard and following my family’s wishes are my habits that are hard to break. Kaya heto ako ngayon, balik sa pagiging estudyante. May mga advantages nga lang ako bilang isang graduate student na wala noong undergrad ako. Una, part na ako ng Alumni Association. Ibig sabihin nakakasama na ako sa mga meetings para sa teachers and staff ng Richdale. Kapag may gusto akong i-suggest na project o kung ano pa man, puwedeng puwede ko i-bring up sa meeting. At dahil ako ang regular na nasa loob ng University campus, itinalaga ako ng Association bilang officer. Puwede rin ako magturo ng part-time kung gugustuhin ko. In fact, ilang beses na akong inaalok ng presidente ng school. After all, I graduated magna c*m laude last year. Pangalawa, may access ako sa mga lugar sa campus na off limits sa mga undergrads kapag wala naman kinalaman sa klase. Like rooftops ng mga school building o kaya sa Olympic swimming pool. Actually, hindi legal ang access ko sa mga lugar na ‘yon. Nagkataon lang na sa tagal kong estudyante, kilala ko na ang mga guwardiya sa buong campus. Madali na akong makahiram ng susi kung gusto ko. Lunch o kaya meryenda lang ang kapalit ng favor na ‘yon. Pangatlo at ang pinakaimportante sa akin, puwede na akong mag-stay sa loob ng campus kahit hanggang anong oras ko gustuhin. Basta wala lang school official na makakaalam. Again, advantage ang personal na relasyon ko sa mga guwardiya na maluwag na sa akin kasi hindi naman na ako teenager. Twenty years old na ako ngayong taon. Adult na.  But to be honest, I never really felt young my whole life. Pinalaki ako ng mga magulang ko na parang isang matanda na. Nag-iisa kasi akong anak at malaki ang pangarap nila para sa akin. Mabigat ang responsibilidad na iniatang nila sa mga balikat ko. Never ko naranasan makipaglaro sa mga ka-edad ko. Never ko naranasan lumabas at magpakasaya kasama ang mga kaibigan. Hindi natutuwa ang parents ko kapag hindi ako umaaktong mature. Minsan, hindi ko maiwasan mapaisip kung ano nga ba ang mga nakaligtaan ko sa nakaraang mga taon sa buhay ko. Did I grow up right? Or did I miss something really important? Isang bagay na baka pagdating ng panahon, pagsisihan ko na pinalampas ko kasi masyado akong naging busy sa pagmamadaling tumanda? Pero kahit ano pang tanong ang gawin ko sa isip ko, wala na rin naman akong magagawa. Ganito na ang buhay na kinalakihan ko. Nasimulan ko na kaya itutuloy ko na rin. Kahit na hindi naman talaga ako masaya.               DAY 3 August 10. Wednesday MAGANDA ang panahon sa araw na ‘yon. Mahangin at kahit may araw hindi masyadong masakit sa balat. Ako lang sa mga kaibigan ko ang nagtuloy sa Graduate School kaya wala akong masasabing ka-close sa loob ng campus ngayon. Maliban sa bestfriend ko na nahinto ng isang taon sa pag-aaral kaya fourth year College pa rin hanggang ngayon. Kaso magkaiba kami ng schedule at wala siyang pasok kapag Miyerkules. Kaya mag-isa lang ako ngayon. Wala namang problema sa akin kasi hindi naman talaga ako sociable na tao. Hindi pa masyadong hectic ang schedule ko kasi kakasimula pa lang naman ng klase. Puro introduction pa lang sa subjects ang tina-tackle. Dalawa o kaya isa lang din ang class ko kada araw. MWF lang din ako nasa campus. Nasa Airline company ako ng pamilya namin kapag Martes at Huwebes. Intern instead na full time employee. At least sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ibinigay sa akin ng parents ko ang weekends para sa sarili ko. Hindi ko pa nga lang alam kung ano ang gagawin ko tuwing Sabado at Linggo. Baka matulog lang ako maghapon. Sa umagang ‘yon nagkaroon ako ng urge na umakyat sa rooftop ng Graduate School building. Gusto ko lang magpahangin at magbasa ng mga papeles na kailangan ko gawan ng report para sa Internship ko.  Tutal, after lunch pa naman ang susunod na class ko. Hiniram ko sa guard ang susi at mabilis niya ‘yong ibinigay sa akin. Pero pag-akyat ko napansin kong bukas na ang pinto papasok sa rooftop. Kumunot ang noo ko. Nakiramdam sandali. Wala naman akong naririnig na ingay. So kahit nagtataka pa rin binuksan ko ang pinto at lumabas sa rooftop. May nakahiga sa sahig, patingala sa langit. Babae. May hawak na DSLR camera. It’s as if she’s taking a picture of the blue sky. O baka natutulog kasi hindi kumikilos. Either way, sinong matinong tao ang hihiga sa sahig ng rooftop? Naglakad ako palapit sa babae. Hindi ko itinago ang presensiya ko pero hindi pa rin siya tumitinag. Saka lang ako nakakita ng reaction from her nang nakatayo na ako sa bandang ulunan niya at niyuko ko na siya. “What are you doing here?”  Inalis niya sa mukha ang DSLR camera at patingala akong nilingon. Nakita ko sa wakas ang mukha niya. Nagulat ako. She was the girl I saw crying that night. Pero hindi tulad ko mukhang hindi niya ako natatandaan. Wala kasi akong nakikitang recognition sa mga mata niya habang nakatingala siya sa akin. Kumurap lang siya at biglang bumangon paupo. Then pumihit siya paharap sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya. “Wow. May iba pa palang nakakapasok dito sa rooftop.” Umangat ang mga kilay ko. “Ako ang dapat nagsasabi niyan. Are you a freshman? Ngayong semester lang kita nakita sa campus.” Oo at malaki ang Richdale University pero karamihan ng mga estudyante doon galing din sa iisang high school. Kaunti lang ang galing sa ibang school. Mas kaunti ngayong taon ang mga pumasok na freshmen dahil sa implementation ng K to 12 program. Ngumiti ang babae. Isinukbit niya sa leeg ang camera at kumilos para tumayo. Parang mawawala siya sa balanse kaya napahawak ako sa magkabilang braso niya para alalayan siyang makatayo ng maayos. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kasi napatitig siya sa akin. “Sorry,” sabi ko at marahan siyang binitawan nang makita kong maayos na siyang nakatayo. Babae ang bestfriend ko kaya nasanay akong nakaalalay palagi sa mga ganitong situation. Nawala sa isip ko na hindi lahat gusto na hinahawakan sila. Umiling ang babae at mukhang nakabawi na kasi ngumiti na uli. I realized she has a pretty smile. Nakakagaan sa pakiramdam tingnan kasi nag-re-reflect sa mga mata niya ang ngiti. “Wala ka naman dapat ihingi ng sorry. Nagpapaka-gentleman ka lang. Thank you ha?” Tumango ako at umatras para magkaroon ng distansiya sa pagitan namin. Nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti. “Palagi ka bang nagpupunta rito?” Friendly ang babae. Kung sa ibang pagkakataon baka hindi ako sumagot. I hate answering questions from strangers. Base sa personal experience ko palaging may hidden motive ang isang babae kapag sinusubukan akong kausapin. Siguro kasi kaming dalawa lang ‘don o siguro kasi malinaw pa sa isip ko ang hitsura niya noong una ko siyang nakita kaya nasa mood akong sagutin ang tanong niya.    “Kailan lang ako nahilig umakyat dito. How about you? Off limits sa mga estudyante ang rooftops.” Ngumisi siya. “Ngayon lang. Pero mukhang mawiwili ako. Ang sarap kaya na nasa mataas na lugar. Ang lapit-lapit ng langit.” Itinaas pa niya ang mga kamay at tumingala. “Parang abot kamay ko lang ‘o.” “That’s silly. You can’t really touch the sky. It’s just an expression.” Napatitig siya sa akin. “Sobrang seryoso mo naman.” Na-tense ako. I clenched my jaw. Hindi na bago sa akin ang masabihan ng ganon. Alam ko naman na seryoso talaga ako masyado. Hindi ako madaling ma-amuse. Wala akong sense of humor. I find smiling bothersome. Alam ko naman lahat ‘yon. Kaso lang nakakasira ng moment ang komento niya. Nag-iwas ako ng tingin, humahanap ng mapupuwestuhan na hindi na niya ako iistorbohin. “Well, this is just the way I am. Excuse me.” Naglakad na ako palayo sa kaniya. “Wait lang!” Bumuntong hininga ako at nilingon ang babae. Patakbo siyang lumapit sa akin at nakangiting inilahad ang kamay. “Ako si Kira.” Napatitig ako sa kamay niya. Then sa mukha niya. Her eyes look so hopeful and… honest. Parang lahat ng nararamdaman niya hindi siya natatakot ipakita. Kaya tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “I’m Eugine.” Matamis siyang ngumiti. “I am very glad to meet you, Eugine.”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
284.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Del Rio's Selfless Wife(Completed)

read
934.3K
bc

Married to the Billionaire (Filipino)

read
84.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook