Hi.. I am Ai_Tenshi from Wattpad..
I am a Full-time Writer here at Dreame
Halika na sa aking mundo at samahan mo akong lakbayin ng daan patungo sa naiibang mukha ng buhay pag –ibig .
Sama – sama nating tuklasin ang mga lihim na itinago ng nakaraan. Ito ang mga sikretong isinulat sa kapirasong papel upang mag silbing ala-ala ng lumang panahon..
MALIGAYANG PAG DATING sa aking PAHINA kung saan ang pag mamahal ang siyang pinaka makapangyarihang bagay na nag bubuklod sa pag kakapantay pantay ng bawat nilalang.
Tanggapin mo ako at tiyak na tatanggapin din kita..
PAUNAWA:
Ang mga kwentong ito ay mga BXB/M2M na kakapulutan ng aral at insipirasyon. Kung hindi mo gusto ang nilalaman ng aking akda, maaari mong lisanin ang pahinang ito. SALAMAT PO.
It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea.
The name Yuelo literally means Moon. This is the name given to him being born under the full moon. Being so, it was believed that Yuelo will bring bad luck to their race since it is very seldom that a merman is born during full moon.
Ito ay alamat ng isang binata na pinagkalooban ng iba't ibang uri ng kapangyarihan. Natupad ang lahat ng kanyang kahilingan ng makuha niya ang pitong tagapagtanggol ng Kongoyasha. Ang alamat ay isang orasyon. Ang sinumang makakatapos sa pagbabasa nito ay mabibiyayaan katulad ng binata sa alamat.
Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan, magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang mga tauhan.
Love is a loneliness of one, happiness of two and a quarrel of three. This is how ironic love can be. This will also pave way for Ryan’s peaceful life to change when he suddenly finds himself into one complicated situation that will put him into unending chaos.
Sa pagsiklab ng digmaan ay nag ambisyon si Xandre na hanapin ang pinakamalakas na kapangyarihan ng Diyos na si Elsen upang taglayin ito. Sa kabilang banda ay hahanapin rin nina Enchong at Rael ang himlayan ng kanilang mga Diyos na ninuno para taglayin rin nila ang mga kapangyarihan ng mga ito upang makapatas sa hindi mapapantayang lakas ng kalaban.
Sa ikalawang libro ay muling babangon ang mga Diyos. Ang kabutihan laban sa kasamaan, at ang katarungan laban sa kawalan ng paniniwala. Kaninong lakas ang mananaig? Kaninong paniniwala ang uusbong sa buong sanlibutan?
Buksan ang ating imahinasyon at maglakbay kasama sina Mr. Genius X Mr. Blood Sucker.
In the 90s, when homosexuality was still being kept in the closet, one radio DJ took the initiative to make it a normal course of conversation in his midnight radio program. Many holier-than-thou raised their eyebrows and criticized the show as well as its host, DJ Vincent.
Vincent grew up with his grandparents and finished an education course in college, but after failing the board examinations he was left with no choice but to look for another job. He landed a job in a newly-founded radio station assisting disc jockeys there. But because of his remarkable skills in giving advice, he was tapped by the management to do a midnight program which goal was to give advices to radio listeners during those wee hours of the night. When he came a chance to read a letter from one of his listeners that tackled homosexuality, the program became an instant hit to the public and Vincent’s name immediately rose to their awareness. But criticisms and hate came along with success. Homosexuality was still not accepted during those years and he was judged for bringing up a taboo topic into the open. This affected Vincent’s once simple and quiet life. But he is destined to continue with what he started and the things that he wanted to do --- that is to advocate the rights of the LGBT community, because he believes that love knows no face, no weight, and no gender.
Ipinakilala si Lino sa kwento bilang mahiyain, madalas ay nakatago lang sa kanyang silid dahil mababa ang kanyang self confidence. Naniniwala siya na hindi siya gwapo at ang pagiging pangit ay walang kalalagyan sa mundo. Ang buhay ni Lino ay umiikot sa tatlong bagay at ito rin ang nagpapasaya sa kanya. Una, ang pakikipag-chat sa social media at sa mga dating apps ito ang kanyang mundo at dito siya nakakatagpo ng kausap. Ikalawa, ang pagbabasa ng mga bxb stories sa mga sites, ito ang nagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanya para kahit paano ay maniwala siya sa “magic” na dala ng pag-ibig. At ikatlo ay ang paghanga niya sa isang taong malayo sa kanya at iyon ay si Stephen na imposibleng mapansin siya kaya’t inilalarawan niya ang kanyang sarili na parang isang “bato” na dinadaanan lamang at hindi nabibigyan ng saysay.
Sa paglipas ng mga araw ay parami ng parami ang misteryong naririnig niya sa kakahuyan, ito raw ay pugad ng mga engkanto, halimaw at kung ano ano pa. Dahil dito ay naisipan ni Ybes na kausapin si Manang Pelly at itanong kung bakit ganoon na lang ang takot niya noong makita niya ang binata na nagligtas sa kanya sa kakahuyan. At dito ay sumagot ang matanda na kanyang ikinabigla, "Ang binatang iyon na nagligtas sa iyo, siya rin ang binatang nagligtas sa akin noong bata ako, noong mawala akong sa kakahuyan. Ang binatang iyon ay hindi tumatanda at taglay niya pa rin ang napakagwapong mukha. Wala itong pagbabago at walang nakakakilala kung sino siya."
Dala ng matinding kuryosidad, nagpasya si Ybes na magtungo muli sa kakahuyan at alamin kung ano ba ang lihim ni Seth.
Ang “1 2 3 Asawa ni Marie” ay tungkol sa pag-iibigan nina Marie at Sergio na magaganap ng paulit-ulit sa iba’t ibang panahon. Sila ay paulit ulit na mabubuhay bilang reincarnation ng kanilang mga sarili ngunit kahit saang panahon sila magtungo ay nakatakda talaga silang magkahiwalay. Ang tungkol naman sa pamagat na “1 2 3” ay tumutukoy naman sa tatlong uri ng panahon kung saan sila mabubuhay muli.
“Love isn't just a bed of roses; there's some thorns in there too.”
“Ang kuwentong “The Only Man” ay sumasalamin sa reyalidad na ang pagmamahal ay hindi palaging happy ending, hindi ito ‘yung fairy tale sa mga story book na babasahin mo ng nakangiti bago ka matulog at lalong hindi ito ‘yung paintings na may makukulay na murals.
Minsan ang pagmamahal ay parang pagtalon sa isang mataas na gusali, ‘yun nga lang pagbagsak mo sa lupa ay buhay ka pa rin. Minsan ay para rin itong bala ng baril “BANG!” mabilis kapag tumama sa iyon at hindi mo namamalayang nagdurugo ka na pala.
Exciting ang kwentong ito, hindi lang talaga siya pwede sa mga sensitive na tao, hindi rin siya pwede sa mga taong natatakot mabigo. Ito ‘yung kwento tataas ang level ng iyong “trust issues”, katulad ng mag ordinaryong kabitan sa telebisyon, tiyak mag-iiwan din ito ng galit at halo halong emosyon sa mga mababasa.
Note: Kung ikaw ay may sakit sa puso, maramdamin at sensitibo, ang kwentong ito ay hindi para sa iyo.
"Mga taong pinag tagpo sa dalawang magkasalungat na daan, upang mag bagong buhay." –Crossroads
Ito ay kwento ni Alexis na isang leader ng organisasyon na kung tawagin ay Alpha Sigma Victum. Ito ay isang samahan ng mga kalalakihan na itinayo pa noong mga taong 1960. Noong mga panahon na iyon ito ay simple fraternity lamang o brotherhood na mayroon anim hanggang sampung miyembro. Naging tradisyon ang pag upo ng mga namumuno dito, nagpasalin-salin ang mga ito hanggang makarating sa makabagong panahon.
Isang araw ay nagdesisyon ni Lex na magbalik sa paaralan dahil nais niyang tuparin ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Dito niya makikilala ang isang lalaki na babago sa takbo ng kanyang buhay sa katauhan ni Ram.
Author's Note: Ang kwento ay iikot sa dalawang katawagan na aking nilikha. Hindi ka matatawag na ganap na manunulat kung hindi makakapag-ambag ng bagong salita o katawagan sa larangan ng panitikan. At para mas maunawaan ang takbo ng kwento ay narito ang ilang mga terminolohiya na mababasa dito sa aking akda.
Miryoku - ito ang tawag sa mga makabagong lahi ng mga Taong Lobo. Ayon sa kasaysayan nagsimulang sumibol ang mga lahing Miryoku daang taon na ang nakalilipas noong makatagpo sila ng isang misteryosong halaman na nagbigay sa kanila ng kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ang kanilang lahi ay naging kombinasyon ng taong lobo at makapangyarihan demonyo na nagmula sa pinakamalalim na parte ng lupa. Kaya't simula noon, ang mga Miryoku ay hindi natatalo sa kahit na anong labanan at sila rin ang naghahari sa ibabaw ng lupa. Ang pinakapaborito nilang kainin ay ang apdo ng tao, mapait ito ngunit matamis sa kanilang mga pansala.
Apuryokan - ito ang tawag sa mga taong "hunter" o "slayer" ng mga Miryoku. Taglay nila ang mga sandata at lakas ng pangangatawan. Ang isang Apuryokan ay maaaring dumaan sa pagsasanay at maaari ring hindi rin. Ang lahat ay pwedeng maging isang taga-paslang hangga't sila ay may tapang at kakayahan. Malaki ang kinikita ng mga Apuryokan sa kada ulo ng Miryoku na kanilang napapaslang bagamat ang trabahong ito ang pinakamabilis na daan patungo sa kabilang buhay. Sinasabi nila kapag daw pumasok ka sa trabahong Apuryokan ay para mo na ring isinangla ang iyong kaluluwa kay kamatayan.
Sa paglipas ng panahon ay mas lumalala ang digmaan ng mga Miryoku laban sa mga Apuryokan.
After 5 years of marriage, Raul now is the perfect husband that he can be. But despite of his successful career, perfect relationship and a happy life with Greg, he suddenly felt as if something was missing. He tried to figure it out, and then later he realized that having a baby is the answer.
Raul was sure he wanted to have a child, so he convinced Greg to support him. Greg was surprised by what Raul wanted to happen but he had no choice but to support it. He agreed and they decided to undergo artificial insemination to produce a child.
Ilang linggo ang nakalipas ay lumapag naman ang misteryosong kometa sa kalangitan na kung tawagin ay Calypso comet. Habang nagtatalik sina Ronnie at Warren ay na-expose sila sa radiation nito at iyon ang simula ng pagbabago sa katawan ni Warren, nagbunga ang kanilang ginawa at sa huli ay nagkaroon ng tinatawag na Male Pregnancy na hindi na bago sa mga ekperto dahil sa iba’t ibang sulok rin ng bansa ay nagkaroon ng ganitong insidente.
Dito mababago ang buhay ni Warren at Ronnie, kalakip nito ang pangako na magiging isang mabuti magulang sa kanilang anak.
January 1965
Si Elric Sabriaga ay galing sa hirap, bata palang ay kumakayod na siya para tulungan ang kanyang ina. Maagang namatay ang kanyang ama kaya’t para makaraos sa araw araw ay nagpasya siya kalimutan ang pagkabata at gugulin ang panahon sa paglalako ng retaso, basahan at sampaguita sa kalsada, hindi niya alintana ang init ng panahon at ang pagod. Ang mahalaga ay makatulong sa kanyang ina kahit sa maliit na bagay lamang.
Ilang taon matapos mamatay ang kanyang ama ay muli nag-asawa ang kanya ina sa katauhan ni Tito Jojo. Si tito Jojo ang tumayong ama nina Elric at Meg, siya ay nagtatrabaho bilang isang guwardiya sa bayan. Maayos naman ang samahan nila at masaya ang kanyang ina sa bagong lalaking kinakasama. Ngunit sa kabila ng kaligayahang iyon ay mayroon maiitim na sikreto si tito Jojo na bumago sa takbo ng kanilang buhay.
Saksi si Elric at Meg sa “kasamaan” ginagawa ng bagong kinakasama ng kanyang ina kaya naman nagkaroon ng malaking pagtatalo sa pagitan ng tatlong tauhan at dahil sa pagtatanggol sa kanilang sarili ay hindi sinasadyang napaslang ni Elric si Jojo at sa edad na 17 ay dinala siya sa koreksiyunal para mga menor de edad. Dito niya nakilala ang kaibigang si Ariel na nakagawa rin ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtutulak ng bawal na gamot dala ng kahirapan.
"Kung ang isang anghel at demonyo ay umibig sa bawat isa? Maaari bang lumampas ang kanilang pag-ibig sa batas ng langit at impiyerno? Maaari bang sunugin ng anghel ang kanyang mga pakpak sa apoy? Maaari bang sumakay ang demonyo patungo sa liwanag ng kalangitan? Ito ang panunuya ng mapaglarong tadhana. Hindi mababago ng pag-ibig ang mga bagay hindi dapat."
Libong taon na ang nakalilipas magbuhat noong magdesisyon ang dalawang matalik na magkaibigang Diyos na hatiin ang mundo sa dalawang bahagi. Ang isa ay nagtungo sa itaas at ang isa naman ay nagtungo sa ibaba. Dito nagsimula ang konsepto ng langit at lupa at ang paniniwala na ang masasama ay mapupunta sa ilalim at ang mabubuti ay aakyat sa itaas. Sa paglipas ng panahon ay tila napapansin ng Diyos sa ibaba na kakaunti lamang ang pumapasok sa kanyang kaharian kaya naman naisipan niyang magtayo ng isang organisasyon na kung tawagin ay Guardian Devil upang impluwensiyahan ng kasamaan ang mga mortal.
Ang lupon ng mga guardian ay binubuo ng top 100 na miyembro, ang mga nasa rank 1 hanggang 10 ay ang tinatawag na mga elite o supremo de guardine. At ang mga nasa ibaba naman ay ordinaryong guardian lamang. Dito na bibilang si Devon Vanford at ang kanyang matalik na kaibigang si Santi bilang pang 98 at 99 sa lupon. Silang dalawa ay nanganganib maalis kaya gagawin nila ang lahat para sila manatili sa kanilang posisyon.
Sa pagbubukas ng bagong araw ay binigyan ni Boss Lu ng bagong assignment si Devon at ito ay bantayan at impluwensiyahan ng kasamaan si Yul Flandrez, isang modelo at isang mabuting tao na ubod ng perfect. Nangako si Devon gagawin ang kanyang makakaya upang maging mahusay na guardian para siya ay tumaas ng posisyon at makita ang kanyang iniidolo na sina Xandre na top 1 at si Clement na top 2 sa pagiging guardian.
Ang tadhanang pagmamahalan ng pagkaibang mundo..
Ang ipinagbabawal na pag-iibigan ng isang Diyos at isang mortal. Patutunayan nila na ang pagmamahal ay walang oras, walang espasyo at walang limitasyon.
Mula sa Civil War sa Syria (Book1) hanggang sa Metal War sa Heat Island (Book 2)
Ngayon ay sasabak ang SF unit sa isang Top Rank Mission.Ang Top Rank Mission o mas kilala rin bilang isang "High Rank Mission" ay ang extraordinaryong assignment na ibinibigay sa mga piling organisasyon katulad ng Special Task Force o SF Unit. Saklaw ng misyong ito ang mga hindi ordinaryong kalaban. Kaya’t bawat isa sa kanila ay tinurukan ng isang espesyal na ability enhancer upang makapantay sa grupo ng mga bampira, zombie at mga nilalang sa dako pa roon. Ini-upgrade rin ang kanilang mga sandata, mas pinalakas at pina-high tech ang mga ito bilang preperasyon sa mas malalakas na kalabang parating.
Muli nating samahan si Narding sa kanyang pag lipad patungo sa hamon ng mapag larong tadhana. Kasabay ng muli pagbubukas ng kanyang aklat ay ang pag sibol rin ng mga bagong pag subok at bagong kalaban na hahatol sa kanyang katatagan.
"Hawakan mo ang bato.. At isabog mo ang apoy ng pag asa sa buong sanlibutan."
Si Super Nardo ang male version ng iconic pinay superhero na si Darna. Muli siyang haharap sa panibagong pagsubok na may kinalaman sa paghubog ng bagong sibilasyon at bagong mundo.
"Hindi ako galit sa iyo dahil hindi mo sinuklian ang pagmamahal ko. Nagagalit lamang ako sa sarili ko dahil MAS LALO PA AKONG NAHUHULOG sa iyo sa mga pagkakataon na gusto na kitang bitawan."
Ang kwentong "Ang Hari ng Angas" ay ang pinaka-unang "Alyas" na ginawa ko noong 2014 bago pa ito nasundan nila Gwapong Gago, Kanto Boy, Alyas Pogi at The Last Pogi. Ang kwentong ito ay nakakuha ng number 1 sa pinoy bxb category. Ang kwento ni Shan Dave at Julian ay tiyak na kaaaliwan ninyo. Ito ay kapupulutan ng mahalagang aral at inspirasyon.
At ang kwento sasaklaw sa kapangyarihan ng oras, teknolohiya at walang hanggang kaisipan ng tao.
Si Ace ay isang high-tech na robot o male marionette na mayroon emosyon. Siya nagtataglay ng kakaibang lakas at abilidad na hindi matatagpuan sa kasalukuyang panahon kaya isang malaking palaisipan ka mga scientist kung saan ito nagmula.
"Ibarra, kahit isumpa mo ako ng paulit ulit ay tatanggapin ko. Bakit? Dahil para sa akin, ang iyong sumpa ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. "
Gumising si Leo Lagdameo na halos palugi na ang negosyong ibinigay ng kanyang ama. Paano nalang ang ang pag nanais niyang maging mabango sa paningin ng kanyang ama? Kailangan niyang may mapatunayan dito kaya naman pumasok sa kanyang isipan na kumuha ng mga troso at materyales sa pinaka magandang Bundok sa kanilang lugar na kung tawagin ay Hiraya. Alam naman ng lahat sa lugar na iyon na ito ay mahiwaga at pinamumugaran ng iba’t ibang elemento, ngunit si Leo ay sadyang matigas ang ulo kaya’t hindi pa rin ito napigilan sa kanyang nais. Ang paniniwala sa mga ganoong bagay ay isang malaking kabaliwan para sa kanya at walang makapipigil sa kanyang pag nanasa na makuha ang kanyang nais.
Dinala ni Leo ang mga kanyang tauhan sa Bundok ng Hiraya, noong una ay normal naman ang lahat, mataas ang sikat ng araw, maganda at kaakit akit ang paligid. Ngunit ang napag tataka ay tila paulit ulit na lamang ang kanilang nakikita hanggang sa matakot na ang kanyang mga tauhan sa paniniwalang sila ay na eengkanto na. Ngunit hindi ito sapat para maniwala si Leo, patuloy pa rin siyang nakipag sapalaran hanggang sa pag pasok sa pinaka gitna ng Bundok ay naka kita na sila ng mga kakaibang nilalang katulad ng higanteng sawa, malalaking ibon, mga nag lilipang asul paru paro na nag liliwang ang mga pakpak at kung ano ano pa. Ang lahat ay binulag ng matinding ilusyon hanggang sa matagpuan ni Leo ang kanyang sarili na nag iisa na lamang sa naturang bundok na iyon.
Si Ibarra ang tumulong kay Leo upang makalabas sa mahiwagang lupain ng Hiraya, ngunit sa kanyang pag labas ay hindi na normal ang lahat dahil dito na magaganap ang pangyayaring gugulo sa takbo ng kaniyang buhay. Dito mabubuksan ang mga misteryo at sikreto ng kanyang nakaraan. Ang pag tapak ba niya sa bundok na iyon ay isang biyaya? O isang malaking sumpa?
Ang pag-ibig ay walang mukha dahil maaari itong maranasan ng kahit na sino. Kapag daw kumatok ito sa puso mo ay mararanasan mo ang walang kapantay na kaligayahan o kung pwede ring kalungkutan. Gayon pa man ay masarap mag mahal, ito ang pinaka magandang bagay sa buong mundo na mag uukit ng ngiti sa iyong mga labi.
"Pasa naman yung grado ko, ayos na iyon. Para sa isang katulad kong tamad, walang hilig sa pag aaral at pumapasok lang para masilayan ka ay isang milagro na sa akin ang maka kuha ng ganoong score."
Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa alamat ng isang mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat? Ang halimaw na ito ay sinasabing pinaka makapangyarihang likha na nabubuhay sa anyong tubig at dahil dito siya ang itinuturing na prinsipe ng lahat ng mga naninirahan doon. Ang pangalan niya ay Malik at taglay niya ang kapangyarihan ng isang Diyos.
Mas matamis ba ang pag mamahal sa ikalawang pag kakataon? O baka naman panibagong kabiguan lamang ang dala nito? Ito ang ikalawang libro sa kwento ni Yago at Ned.
Ang buhay ay parang isang alon, tumaas at bumababa. Ngunit kahit saan ka pa dalhin ng malakas na agos nito ay matatagpuan mo pa rin ang iyong sarili na nakatayo sa pampang at pinag mamasdan ang walang katapusang ganda nito. Iyan ang pinaka magandang parte ng buhay, ang walang katapusang pag lalayag patungo sa iyong kaligayahan.. Dahil sa huli, mapag tatanto mo na ang daigdig ay isang magandang paraiso.
"Hindi ako perpektong tao at alam kong marami akong pag kakamali sa buhay ko pero nandiyan ka para ituro sa akin ang kahalagahan ng mga bagay sa paligid ko at dahil dito ay unti unti kitang minahal." -YAGO
KAILUN- Ang mundo kung saan ang lahat ay malayang makapag mamahal. Ito ang tanging daigdig na kung saan ang pag ibig ay walang oras, walang espasyo at walang hangganan.
Ito ay kwento ni Enchong, isang 19 years old na genius na nakatuklas ng portal patungo sa ibang mundo na kung tawagin ang Kailun. Kasama ang kaibigan niyang si Oven ay nilakbay nila ang mahiwagang mundong ito ngunit sa kasamaang palad ay dinakip si Oven ng isang halimaw at dinala kung saan. Si Enchong lamang natira kaya nagpasya siyang magtungo sa bayan upang manghingi ng tulong. Dito ay nakilala niya si Rael na Prinsipe ng Blood Sucker kingdom.
Si Prinsipe Rael ay mayabang, mataas ang pride, malaki ang bilib sa sarili at magaspang ang ugali. Ininsulto niya ang pagkatao ni Enchong pati na ring ang mga magulang nito dahilan para suntukin niya ang Prinsipe ng tatlong beses sa mukha. Wala siyang kamalay-malay na ang pagsuntok sa mukha ng isang dugong bughaw ay isang "marriage proposal".
Dito na magsisimula ang nakakalikig na bangayan at kakaibang samahan nina Enchong at Rael bilang mag-asawa. Sila ay haharap sa mahabang paglalakbay para talunin ang kalabang si Egidio at protektahan ang buong mundo Kailun laban sa mga nanakop.
Ang "Mr.Genius X Mr. Blood Sucker" ay top 8 local best seller dito sa dreame. At Top sa Pinoy Fantasy BXB category.
Siya si Bogart Linsangan, ang “Alyas Pogi” ng Compound Bagong Buhay, Bagong Pag-asa Street. Siya ang leader ng mga alyas sa compound na iyon. Pero paano nga ba siya babaguhin ng pag mamahal?
Mula sa pagiging basag ulo, mayabang at patapon ay matatagpuan niya ang tunay na pagmamahal sa hindi inaasahang tao.
"Kailangan nating tanggapin na tayong mga tao ay may limitasyon rin. Ang Diyos lamang ang may kakayahang gawin ang lahat ng bagay."
Si Hans ay isang “ghost singer” sa likod ng sikat na celebrity na si Amir. Dahil siya ay mataba at hindi masyadong kaaya-aya ang mukha ay minabuti na lamang na itago siya sa likod ng entablado at maging boses sa likod isang matinee idol na walang talent. Si Hans ay nakaranas ng bullying, parati siyang pinagtatawanan ng lahat sa kanyang paligid, at marami rin mga taong nananakit sa kanya. At ang pinakamasaklap na pangyayari ay ang saktan at gamitin ng taong hinahangaan at minamahal para lamang sa kanyang sariling ambisyon.
Nawala si Hans at iniwan ang pagiging isang ghost singer. Siya sumailalim sa plastic surgery upang baguhin ang kanyang pagkatao. At makalipas ang dalawang taon ay bumalik siya para kuhanin ang “kinang” na ipinagkait sa kanya.
"Gusto kong malaman mo na walang kanto ang puso ko.. Ngunit maaari kang tumambay dito hanggang gusto mo." -Raul Robles
Ang kwentong ito ay tungkol kay Greg at kung paano niya makikilala ang pinakagwapong tambay sa balat ng lupa na ang pangalan ay Raul. Silang dalawa ay magkakaroon ng espesyal na samahan at parehong bubuo ng kanilang mga pangarap.
Ang "Alyas Kanto Boy" ay isa sa pinaka-kinakikiligang BXB romcom. At naging Top 1 sa PinoyBXB category.
Muling haharap sina Adel at Bryan sa kanilang pinaka bagong misyon. Ngunit ano ang kanilang pipiliin? Ang tahimik na buhay kasama ang kanilang anak o bumalik sa tungkulin para gampanan ang pagiging miyembro ng special unit task force at makipag laban sa mga bagong kaaway.
Samahan natin sina Sergeant Bryan Turalba Jr at si Alandel Dela Rosa sa kanilang pag tuklas sa naiibang mukha ng pag ibig. Sana ay kapulutan nyo sila ng aral at inspirasyon sa pag harap nila sa hamon ng buhay. Ito ay isang BXB story sana ay maunawaan mo ang nilalaman ng kwentong ito. Salamat po.