bc

Alyas Kanto Boy (BXB)

book_age16+
2.6K
FOLLOW
15.0K
READ
friends to lovers
brave
self-improved
drama
comedy
bxb
mxb
bully
campus
mxm
like
intro-logo
Blurb

"Gusto kong malaman mo na walang kanto ang puso ko.. Ngunit maaari kang tumambay dito hanggang gusto mo." -Raul Robles

Ang kwentong ito ay tungkol kay Greg at kung paano niya makikilala ang pinakagwapong tambay sa balat ng lupa na ang pangalan ay Raul. Silang dalawa ay magkakaroon ng espesyal na samahan at parehong bubuo ng kanilang mga pangarap.

Ang "Alyas Kanto Boy" ay isa sa pinaka-kinakikiligang BXB romcom. At naging Top 1 sa PinoyBXB category.

chap-preview
Free preview
Part 1
Mula sa direksyon ng Ang Hari ng Angas at Ang Gwapong Gago   PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Kulay ng Pag ibig Presents   Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi March 1, 2015   "KUNG HINDI MO KO BIBIGYAN NG BENTE PESOS AY HINDI KITA PARARAANIN. Manigas ka dyan o kaya ay doon ka mag daan sa kabilang gilid kung saan may nakataling aso! Mabangis si Snow White at paniguradong lalapain ka noon. Kaya mamili ka, dito ka daan sa ligtas na lugar o doon ka kay Snow White na kakagatin ka sa pwet hanggang sa hindi kana makalakad? Syempre kung dito ka daraan kailangan may bayad, pambili ko ng isang kahang sigarilyo. Ano mag bibigay ka ba? Ayokong pinag hihintay ako. Dali naaaa!" Ito ang eksenang tumambad sa aking harapan habang hinaharang ng tambay sa kanto ang isang mag aaral sa high school habang palabas ito ng kanilang compound.   "Eh kuyang tambay wala naman akong pera. Baon ko lang ito oh. Saka may babayaran pa kong test paper mamaya. Pagagalitan ako ng titser ko pag di ako napag exam. Saka kuya araw araw mo naman akong hinaharang pwedeng utang nalang?" ang wika nung mag aaral at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pinag halong takot at pag aalala.   "Kung wala kang pera, doon ka mag daan sa kabilang gilid ng kalsada. Umikot ka doon sa eskinita para makasalubong yung asong si Snow white! Istorbo ka eh, geh alis na!" ang sagot naman ng tambay habang itinutulak ang batang mag aaral palayo sa kanya gamit ang face towel na pinamumunas nya ng pawis sa katawan.   "Kuya wag po! Masakit!!" ang iyak naman ng bata habang patuloy pa rin ang tambay sa pag hampas ng towel sa braso nito. Halos ilang minuto ko rin silang pinag mamasdan hanggang sa hindi na ako nakapag pigil, agad akong bumaba ng taxi at doon ay naki alam na ako sa eksenang pang aapi ng huthuterong tambay sa walang kamalay malay na bata.   Lumapit ako sa kanila at dumukot ako ng 20 pesos sa aking bulsa at ito ang iaabot ko sa tambay upang paraanin ang bata sa makipot na eskinitang kinatatayuan nito. One way lamang kasi ang daanan palabas kaya't walang ibang pamimilian ang kundi mag maka awa sa tambay na siya ay paraanin. "Tol, heto ang 20 pesos. Paraanin mo yung bata. Baka malate pa yan." ang wika ko naman sabay abot ng bente sa kanyang kamay.   Tumingin sa akin ang lalaki at pinag masdan nito ang aking suot na uniporme ngunit agad din niyang binawi. "Sige daan na! Pasalamat ka at may nag ligtas sa iyo ngayon." sabi nito at kumilos siya para umalis sa daraanan ng bata mag aaral sabay sabing "Haharangin ulit kita bukas at sa mga susunod pang araw. Patay kang bata ka sakin!" ang bulong nito kaya naman muli akong dumukot ng 200 piso at inabot sa kanya. "Tol huwag mong harangin yung bata. Heto ang pera, kung bente pesos isang araw ang kikikilin mo sa kanya, siguro naman ay ligtas na siya sa loob ng 10 araw." ang wika ko sabay hawak sa braso ng batang mag aaral at agad na isinakay ito sa taxi. Iniwan namin ang tambay na buyawa doon sa kanyang kinatatuyan habang hawak nito ang 220pesos na nakulimbat niya sa araw na iyon.   Iyan daw ang karaniwang eksena na nagaganap dito sa kanto ng Sitio Bagong Buhay, Bagong Pag-Asa Street, kung saan madalas na nakatambay ang tinaguriang "alyas kanto boy na si Raul Robles."   "Eh bakit kasi hindi ka lumalaban sa kanya o kaya ay nag susumbong sa pulis. Para hindi ka inaapi at inaabuso ng Raul na iyon." ang tanong ko sa batang 1st year high school na nag pakilalang si Gary.   "Minsan na po akong lumaban doon kuya, kaso lagi lamang niya akong pinag iinitan. Naisumbong na rin po namin iyon sa barangay ngunit agad din itong pinapaalis dahil ka brad niya yung mga tanod doon. At isa pa, kung lalabanan ko siya ay baka tirisin lamang ako non dahil sobrang laking tao nya, 6'2 ang taas at malaki pa ang katawan kasi ay batak sa trabaho. Ang tawag nga nya sa akin ay "kutong lupa." Bukod pa doon ay kilabot daw ito ng mga babae at bakla sa doon sa kanto kasi ay gwapo at malakas ang dating. Kaya kapag nakikipag away siya sa compound, kadalasan ay siya talaga ang kinakampihan dahil nag papa awa ito, parang isang tupang inapi samantalang kung nakikipag away siya ay parang isang mabangis na lobo." ang kwento ni Gary.   "Eh kung ganoon, wala nga tayong magagawa doon. Umiwas ka na lang o kaya ay gumising ng maaga upang hindi kana niya maabutan. O kaya naman ay hintayin mo nalang na lumaki ka at mag paganda ka ng katawan upang makaganti sa kanya." ang tanging naipayo ko sa batang si Gary habang bumababa ito ng taxi. Ewan, basta naawa lamang ako sa kanyang kalagayan kaya't tinulungan ko siya. Siya na ang bahalang mag salba sa sarili nya sa mga susunod na pag kakataon.   Part 1   Ako si Greg Anastacio, 22 taong gulang at kasalukuyang kumukuha ng kursong political science sa isang sikat ng unibersidad dito sa lungsod. May taas akong 5'10 at dahil nga tinatamad na akong ilarawan ang aking sarili, (hehe) mag rerely nalang ako sa sinasabi ng aking mga kaklase na kahawig ko raw ang artista si Derrick Monasterion. Hindi naman sa pag mamayabang ngunit siya na lamang ang tingnan nyo at parang nakita nyo na rin ako hehe.   Galing ako sa isang edukadong angkan, si papa ay isang abugado at si mama naman ay branch manager ng isang bangko. Solo lamang akong anak kaya naman masasabi kong sunod rin ako sa luho ngunit hindi naman ako materialistic na tao sapagkat simple bagay lang ay masaya na ako. Mabait ang aking mga magulang, palagi nilang sinusuportahan ang aking mga desisyon kaya naman hindi ko na rin itinago sa kanila ang aking tunay na pag katao. Isa akong descreet na bisexual ngunit hinding hindi mo ito mahahalata sa aking kilos dahil lalaki akong manamit at gumalaw. Mahilig din ako sa sports katulad ng lawn tennis at baseball. Ngunit kontrolado ko ang aking pag lalaro ng sports dahil madalas ay inaatake ako ng hika. Ewan ko ba naman, sa kabila ng magandang pangangatawan ko ay sadyang mahina yata ang aking resistensya pag dating sa sakit.   Sinuportahan nila mama at papa ang aking pag katao at kahit kailan ay hindi nila ipinaramdam sa akin na iiba ako. In fact, naging malapit din sa kanila ang aking dating kasintahan na si Myron bago ito pumanaw. Kasama ko silang nalungkot at lumuha noong mga sandaling iyon, nakiramay sila akin pag durusa at pang ngungulila hanggang sa muli akong marecover mula sa pag kakalugmok sa malungkot na bahaging iyon ng aking buhay.   Simula noong mawala ang aking dating kasintahan ay may pag kakataon na binabalot ako ng matinding lungkot, yung tipong bigla na lamang papatak ang iyong luha ng hindi mo namamalayan. Pero ganoong nga talaga siguro, walang madaling pag kabigo at lahat ng nilalang sa mundo ay dumaraan dito kaya't hindi lang ako nag iisa.   Muli kong ibinalik sa normal ang takbo ng aking buhay, iyon nga lang ay medyo naging bitter ako at nawalan ako ng bilib sa pag mamahal. Kaya naman ibinaling ko na lamang aking atensyon sa pag aaral ng mabuti. Sa katunayan isa akong outstanding student sa aming campus. President din ako ng aking itinayong organisasyon ang "Peace Maker Club" kung saan nag lalayong ituwid ang kaayusan at seguridad ng mga mag aaral sa aming unibersidad. Namamagitan kami sa gulo at away ng mga mag aaral kaya naman mag buhat noong itinayo ko ito ay marami nang mag aaral ang sumasali taon taon upang mag bigay ng kanilang serbisyo.   Sa ganito lamang umiikot ang aking buhay at ito rin ang tumulong sa akin upang mas maging mapag lingkod sa aking kapwa at iyon ang dahilan kung bakit nagawa kong tulungan yung batang binubully ng tambay doon sa kanto ng Sitio Bagong Buhay. Siguro ay natural na lamang sa akin ang tumulong lalo na sa mga naaapi dahil nga founder ako ng aming organisasyon.   Sa kasalukuyan, ako ay nasa 3rd year na at isang taon na lamang ay ipapasa ko na ang aking tungkulin bilang pinuno ng aming club. Ngunit ayos lang, dahil lagi naman akong bukas para sa mga pag babago sa aking buhay. Wala naman kasing permanente sa mundo kundi ang pag babago kaya't huminto ka man o sumabay sa agos nito ay mag tutuloy ang oras at mauubos ito.   " "WELCOME TO PEACE MAKER CLUB!! Simula ngayon ay sa inyo na naka salalay ang ika-aayos at ika-bubuti ng ating paaralan. Tayo ang mag sisilbing taga pag taguyod ng kapayapaan at kaayusan ng ating mga departamento. Kaya't mahalin natin ang ating mga tungkulin."   Palakpakan ang lahat..   "At ngayon ay maaari nyo nang kuhanin ang inyong mga t-shirt na nag papatunay na kayo ay miyembro ang ating organisasyon. Isuot nyo ito at dalhin ng mayroong pag mamalaki. Maraming salamat sa inyong pag dating." ang wika ko at isa isa kong kinamayan ang mga bagong miyembro ng club. Mas maraming ang sumali ngayon sa club kumpara noong nakaraang taon kaya malayo itong madisolve at magaya sa ibang mga club na nag kawalaan na sa pag dating ng panahon.   Matapos ang orientation ng mga bagong miyembro, agad nilang isinuot ang kanilang mga tshirt at buong pag mamalaki itong inirampa sa buong campus. Ako naman ay nag handa na upang umuwi. Habang nasa ganoong pag aayos ako ng aking mga gamit ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng aking office at doon ay bumulaga sa akin ang isang miyembro ng club at halatang balisa ito. "Pinuno! May nag rayot sa labas ng gate ng campus at mayroon dalawang miyembro ng club ang napinsala." ang bungad nito kaya naman agad akong nag tatakbo palabas ng aking silid at mabilis na nag tungo patungo sa gate at noon nga ay naabutan ko pa ang isang mag aaral na nakikipag bakbakan habang may hawak na tubo at inaawat na ito ng mga gwardya.   Sa kabilang parte naman ay may dalawang miyembro ng club ang naka bulagta. Agad kong binuhat ang isang knockout na miyembro at ang aking kasamahan naman ay binuhat ang isang nahihilo pa. "Ano bang nangyari?" ang tanong ko habang tumatawag ng medical team. "Pinuno, biglaan ang nangyari, bigla na lamang sumugod yung loko-lokong mag aaral dito na ang pangalan ay Shan Dave, may record talaga ang isang iyon sa guidance office bilang pinaka maraming ginawang pakikipag rayot dito sa loob ng campus. At ngayon naman pati itong mga bagong miyembro natin na sina Julian at Dante ay nadamay." paliwanag ng aking kasamahan habang sinusuri ang lagay ng mga bagong miyembro   "Teka nasaan na si Shan Dave ngayon?" tanong ko naman.   "Malamang ay umuwi na iyon doon sa compound nila sa Sitio Bagong Buhay Street. Maraming pag tataguan doon yon dahil kilala ang lugar na iyon sa mga drug adik at basagulerong tambay." sagot naman.   "Aba tingnan mo nga naman ang pag kakataon. Taga doon din yung tambay na si Raul na walang ginawa kundi mangupit at mang utak sa mga taong dumaraan." bulong ko sa aking sarili. Noong mga sandaling iyon ay halos abutin ako ng gabi sa loob ng clinic dahil hindi ko maiwan ang dalawang biktima ng rayot kaya naman hinintay ko munang maging maayos silang dalawa bago ko tuluyang lisanin ang paaralan. Pananagutan ko kasi ang ano mang bagay na mangyayari sa aking mga kasama dahil ako ang kanilang leader.   Alas 8 ng gabi noong mag pasya akong sumakay ng taxi upang umuwi. Ramdam na ramdam ko ang matinding pagod ng aking katawan dahil sa mag hapong gawain. Kaliwa't kanan ang meeting sa mga kinabibilangan kong oraganisasyon at sumabay pa nga ang insidenteng pag kaka bubog ng aking dalawang kasamahan. "Kapag sinuswerte nga naman." pag mamaktol ko sa aking sarili.   Habang nasa ganoong pag iisip ako ay biglang huminto ang taxi na aking sinasakyan. Matrapik kasi sa daan at eksaktong sa kanto pa Sitio Bagong Buhay natapat kung saan madalas nakatambay ang "kanto boy" na si Raul Robles. Tila may nag udyok na iikot ko pa ang aking mata sa gawi pa roon at doon nga ay nakita ko ang tambay na hawak sa leeg ang batang high school na iniligtas ko noong nakakaraang araw. "Si Gary!" ang sigaw ko sa aking isip sabay baba sa taxi na aking sinasakyan.   Palapit palang ako sa kanilang kinatutuyan ay naririnig ko na agad ang boses ni Raul na galit na galit habang nakahawak sa leeg ng bata. "Ikaw kutong lupa ka, bulag ka ba? Titingin ka sa nilalakaran mo para hindi mo ako nababangga! Titirisin kita ngayon gago kang tiyanak ka!" ang gigil na gigil na wika nito.   "Bitiwan mo ko! Kapre kaaaaa! Isusumbong kita kay nanay!!" sigaw naman ni Gary habang pilit na kumakawala sa kanyang pag kakahawak. "Edi mag sumbong ka sa nanay mong bakulaw! Pag uuntugin ko pa kayong dalawa!" sagot naman ni Raul habang ang isang kamay ay abala sa pag batok sa ulo ng bata kaya naman doon na ako pumasok sa eksena.   "Brad, sandali, ano bang problema? Bitiwan mo yung bata at nasasaktan na ito." bungad ko.   Napatingin si Raul sa akin at lalong umasim ang mukha nito. "Hoy b***t! Huwag kang maki alam dito! Problema ko to! Tangna Epal!!" sagot naman nito na patuloy pa rin sa pag sakal kay Gary. "Kawawa yung bata kaya bitiwan mo na siya. Pag usapan natin to! Ano bang kailangan mo sa kanya?" tanong ko   "Eh tatanga tanga tong kutong lupa to. Mag lalakad lang masasagi pa ko. Nalaglag tuloy yung sigarilyo ko!"   "Bitiwan mo na si Gary, babayaran ko nalang yung sigarilyo mong nahulog sa lupa." sabi ko at dumukot ako ng 100 pesos para iabot dito bilang kabayaran sa isang pirasong sigarilyong nahulog sa lupa. "Heto ang pera, bumili ka nalang ng sigarilyo. Ibalato mo na sakin tong bata."   Tila na paisip ito at bigla na lamang inihagis si Gary na parang isang laruan sa aking harapan dahilan upang masalampak ito sa lupa. Lumapit ito sa akin at doon nga ay napag masdan ko ng malapitan ang kanyang anyo. Kagaya ng sinabi ni Gary sa akin, matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Putok ang dibdib, bilugan ang braso, wala taba tiyan at talaga naman naka hapit ang suot niyang itim na sando sa magandang katawan na nililok sa perpektong hugis. Ang kanyang mata ay medyo singkit, matangos ang ilong, mapula ang mga labi bagamat magulo ang kanyang buhok na parang hindi nag susuklay at hinahawi hawi lamang ng kanyang kamay. Sa madaling salita ay hindi maipag kakailang "gwapo" talaga ito. Walang duda!     Lumapit sa akin si Raul at kinuha nito ang pera sa aking kamay "anong pangalan mo pare?" tanong niya.   "Greg, Ako si Greg. Anastascio" ang sagot ko naman.   Nag bitiw ito ng matamis na ngiti kaya naman mas lalong pang lumabas ang kagwapuhan niyang taglay. "Salamat Greg ha." ang wika nito sabay haplos sa aking mukha kaya naman labis ako binalot ng matinding kilig at tila huminto ang aking mundo. Ngunit ilang sandali lang ay bigla akong nagising sa aking imahinasyon noong maramdaman ko ang pag landing ng kanyang kamao sa aking mukha dahilan para masalampak ako sa lupa. "Yan ang pasasalamat ko sayo. Tang ina mo!" ang galit na salita nito at inilagay ang pera sa kanyang bulsa. "Sa susunod na makita ko ang mukha mo ay dudugurin ko yan hanggang sa hindi kana makilala pa!"   Ito ang ika lawang beses na nag harap kami ng tambay na si Raul ang tinagurian "kanto boy" ng kanilang compound. At mukhang sa pag kakataong ito ay hinding hindi ko malilimutan ang sandaling nag krus ang aming landas.   Itutuloy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
634.2K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

The Sex Web

read
153.7K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

NINONG III

read
391.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
36.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
280.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook