bc

Ang Tadhana ni Narding (FANTASY BXB)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
6.4K
READ
time-travel
friends to lovers
drama
comedy
bxb
mxb
another world
superpower
supernatural
mxm
like
intro-logo
Blurb

Ang "Ang Tadhana ni Narding" ay ang BXB version ng sikat na pinay superhero ni Mars Ravelo na si "DARNA".

chap-preview
Free preview
Part 1: Ang Kanto ni Bart
PAUNAWA:   "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."     Author's Note: Ang kwento ito ay kathang isip ko lamang bilang isang manunulat. Ito ang ibinatay ko lamang sa kwento ang isang sikat na Superhero na ang pangalan ay Darna. Katha ito ni Mars Revelo isa sa pinaka hinahangaan kong manunulat sa larangan ng pinoy fantasy.                     Ang totoo noon ay matagal na akong taga hanga ni Darna, bago ako manalo ng regional champion sa poster making noong high school ay si Darna muna ang unang natutunang iguhit ng aking mga kamay. At ngayong natututo akong mag sulat, nais ko gumawa ng aking sariling version ng kanyang imahe. Bagamat hinamon lamang ako na gawin ng kwento ito, nais ko pa rin itong lagyan ng aking tatak bilang writer ng BXB.   Maraming Salamat po..   ****************   Ang Tadhana ni Narding AiTenshi October 16, 2016   "Takbo Narding!! Bilisan mo!! Malapit kana sa finish line!!!" ang sigaw ng mga tao habang patuloy sa pag tawag sa aking pangalan.   Halos kilala na rin ako ng nakararami dahil isa akong sikat na manlalaro ng track and field at iba pang paligsahan sa pag takbo sa aming lungsod. Ibayong lakas ng loob ang aking nararamdaman sa tuwing naririnig kong isinisigaw nila ang aking pangalan kaya naman mas lalo pa akong ginagahan ang aking ginagawang pag takbo ng mabilis.   "Narding!!!! Go Narding!!!! Narding!!!" ang patuloy nilang pag sigaw kaya naman mas lalo pang lumundag ang aking puso sa sobrang tuwa.   Leading ako, malaki ang aking agwat sa kalaban dahilan para mas mag hiwayan ang mga taong manonood. Mula sa aking kinalalagyan ay natatanaw ko na ang finish line na siyang mag dedeklara sa aking napipintong tagumpay.   Patuloy pa rin ang pag sigaw nila sa aking pangalan kaya mas dinoble ko pa ang bilis ng aking pag takbo hanggang sa marating ko ang linya at ang dilaw na telang naputol sa aking katawan hudyat ng aking pagkapanalo.   Bumagsak ang confetti mula sa itaas.   Wala na akong narinig kundi ang hiyawan ng mga taong nag bubunyi sa aking tagumpay. Para itong musika sa aking pandinig lalo na noong i-announce ang aking pangalan bilang kampeon. "Congratulations Narding!!!" ang sigaw ang host.   "Narding!!!!! Ang husay mo!!!!! Mabuhay kaaaa!" sigaw naman ng mga sumusuporta sa akin noong itaas ko sa ere ang aking tropeyo.   Nag patuloy sila sa pag bati sa aking pagka panalo.   "Narding!! Narding!! Naaaaarding!!! Puyenta kaaa bumangon kana  dyan!! Tanghali naaaaa!" ang narinig ko sigaw ng aking madrasta dahilan para agad matapos ang aking panaginip at malaglag ako sa katre na aking higaan.   "Nardeenggg!! Ano ba?!!! Itutumba kita dyan kapag hindi ka pa bumaba dito!!"   "Nandyan na po maaa! Sandali lang!!" sagot ko naman habang bumabangon mula sa pag pakaka subsob sa sahig.   Kasabay ng pag tilaok ng manok sa aming bakuran ay siya ring pag putak ng bibig ng aking madrasta. Basta iyan lagi ang eksenang gumigising sa mga kapitbahay na daig pa ang alarm clock na otomatikong naka set pag sapit ng bukang liwayway.   Part 1: Ang Kanto ni Bart   Natawagin niyo na lamang ako sa pangalang Narding, 19 anyos ako at kasalukuyang naninirahan sa isang squatters area dito sa lungsod. Ako ay may taas na 5'6, payat ang pangangatawan at may kaitimang taglay. Bernard ang aking tunay na pangalan, isinunod ito sa pangalan ng aking ama na kasalukuyang namamasada bilang isang padyak driver doon sa aming kanto. 4th year high school lamang ang natapos ko at hindi na ako naka tungtong ng kolehiyo dahil sa hirap ng aming buhay kaya naman mas pinili ko na lamang na tumulong sa aking magulang para mas makaraos kami sa araw araw.   7 taong gulang ako noong pumanaw ang aking tunay na ina. At para maibisan ang kalungkutan ay muling nag asawa ang aking ama at siya ang tumayong aking madrasta  bagamat may kasamaan talaga ang ugali nito ay pilit ko pa rin siyang pinapakisamahan ng mabuti. Lalong lalo na yung anak niyang kambal na kasing edad ko rin, sina Angelo at Angelito. Hindi sila tunay na anak ni papa basta buy one take two ang nangyari, hindi naman kasi niya alam na may anak yung babaeng ibabahay niya. Madali lang naman silang makilala, si Angelo yung mapayat at si Angelito naman yung matabang version. Ang mag kapareho lang sa kanila ay ang kanilang ugali, manang manang sa ina, daig pa yung dalawang step sisters ni Cinderella.   "Narding ano ba?! Bumangon kana! Mag dilig kana ang halaman, mag lampaso ng sahig at mag linis ng sasakyan! Mag bebenta ka pa ng Dyaryo!!!" ang sigaw ng aking madrasta.   "Maa, sandali lang.. Saka wala naman po tayong sasakyan ahh." sagot ko naman.   "Yung sasakyan ng kapit bahay ang linis mo! Ano ba?! Labas naaa!" ang sigaw nito habang kinakalampag ang dingding ng aking silid.   "Bilisan mo naman kasi Narding, maaga ka kasing matutulog para hindi ka tinatanghali ng gising." ang wika ni Cookie. Pinsan ko siya, katulad ko ay maaga rin siyang naulila sa magulang kaya naman inampon na lang siya ni papa para daw may katulong siya sa pamamasada. Hindi naman kasi niya inaakala na lalaking dalaga itong si Cookie bagamat maselan ang katawan.   "Oy Narding tumayo kana dyan. Baka abutin pa tayo ng pasko dito noh." pag aapura nito.   "Teka lang, nasaan yung mga gamit ko? Bakit inalis mo dito sa tabi ko?" tanong ko.   "Oo nga pala, sandali lang. Nirepair ko kasi itong salamin mo sa mata dahil sira na. At saka itong saklay mo may damage na rin." ang wika nito sabay abot sa aking gamit. "Gaano ba kahirap sa iyo ang kumilos ng walang salamin?" pang uusisa nito.   "May nakikita naman ako, kaso nga lang ay malabong malabo ito. At isa pa ay masakit sa ulo ang sikat ng araw. Salamat nga pala sa pag aayos ng mga gamit ko." naka ngiti kong sagot at doon ay inalalayan nya ako upang maka tayo ng maayos.   Matagal na rin akong lumalakad ng may tatlong paa, bata palang ako noong mag karoon ng diperensya ang aking binti at mula noon ay hindi na ako naka tayo ng maayos. Sa pag lipas ng mga taon ay naka sanayan ko na rin ang ganitong estado ko sa buhay. Ang pag takbo ko ng mabilis habang sumasabay sa ihip ng hangin ay tanging sa panaginip ko na lamang nararanasan. At kapag dumilat na ang aking mga mata ay balik nanaman sa normal ang lahat. Mag hihintay nanaman ako ng gabi upang makatulog at managinip ulit ng mga bagay na hindi ko nagagawa sa totoong buhay.   "Oh heto ang ibenta mo Cookie, mga dyaryo. At heto naman ang sayo Narding mga sampaguita. Bagay saiyo iyan dahil pilantod ka at tiyak na kakaawaan ka ng mga tao doon sa simbahan. Wala akong paki kung paano mo ibebenta ang mga iyan, kahit mag ala Sharon Cuneta ka sa bituing walang ningning ay bahala ka basta ayusin mo ang pag lalako. Maliwanag? Bilang ko iyan kaya huwag kayong mag kakamaling bumawas." ang paulit ulit na bilin ng aking madrasta kaya naman halos kabisado na namin ito.   "Sino nag sabing hindi tayo maaaring bumawas? Di naman siya marunong mag bilang no." ang pag mamaktol ni Cookie habang nag lalakad kami patungo sa palengke.   "Hayaan mo nalang siya. Paulit ulit lang naman ang sinasabi niya pero sa hapon ay nakaka bawas pa rin naman tayo pambili ng miryenda." sagot ko naman habang patuloy sa  pag lalakad.   "Correct ka dyan. Teka huwag tayo diyan mag daan sa kanto dahil delikado." wika ni Cookie sabay pigil sa akin.   "Delikado? Bakit naman? Araw araw naman tayong nag daraan dyan ah." ang pag tataka ko.   "Basta. Iba na ang sitwasyon ngayon. Dito na tayo mag daan sa highway. Mahabang lakaran pero safe naman. At isa pa ay makulimlim naman kaya't hindi na lulutong iyang balat mo. Sunog na kasi eh." ang tatawang biro nito   "Wow, puti mo kasi eh." sagot ko naman. "Teka ano bang meron sa kanto na iyon? Bakit bawal dumaan?"   "Dahil doon nakatambay si Bart. Galit sa mga bakla iyon. Ilang beki na rin ang sumabog ang mukha dahil sa kamao niya. Wag tayong dadaan don cousin dahil hindi pa handang maging punching bag ang beauty ko." ang natatakot na salita nito   "Ang galit sa bakla ay bakla rin. Kung hindi tunay na maton iyang Bart na yan, malamang bakla iyan na nag tatago sa malaki niyang katawan." sagot ko naman.   "Excuse me, hindi bakla si Bart. Napaka gwapo niya, matangkad, bilugan ang braso, putok ang dibdib, matangos ang ilong, mapula ang mga labi kahit nag yoyosi. At isa pa maraming nag papa kamatay makita lang ang alindog niya." pag tatanggol nito.   "Oh edi pumunta ka don. At mag pa bugbog sa kanya." pang aasar ko naman. "At isa pa, sa panahon ngayon ay mas lalaki pa sa tunay na lalaki ang mga bakla. Nag kalat sila sa gym at sa mga fitness center. Kaya malamang kapederasyon iyang si Bart mo."   "Siguro, pero hindi ko naman siya maradar. Hindi ko maamoy na malansa siya. Basta ang nanaamoy ko lang ay yung pawis niyang mabango at ang nararadar ko lang ay yung ngiti niyang pamatay. Pak Ganern! Pak pak Ganern!" ang pag tataka nito habang napapa isip pero hanep naman humapas ang kanyang bewang   "Tamo nag isip ka rin. Basta ang galit sa bakla ay bakla rin." tugon ko habang natatawa.   Ipinag patuloy namin ang pag lalaro ng dyaryo at sampaguita sa mga tao sa simbahan at kalsada. Madali naman namin itong  nauubos dahil may mga suki kami na araw araw bumibili kaya naman may extrang oras pa kami para mag libot. May mga araw din naman na matumal, depende sa lagay ng panahon, lalo't napapadalas ang pag buhos ng ulan. Ewan ko ba naman, parang ito yata ang lugar na hindi nasisikatan ng araw. Halos matagal tagal na ring makulimlim dito at palaging umuulan, madalas tuloy ang pag baha at pag apaw ng tubig sa ilog.   "Mabuti nalang at maaga tayo naka ubos ngayon. Mabuti nalang mahusay ako sa sales talk." masayang wika ni Cookie habang lumalakad kami pauwi.   "At mabuti nalang din dahil dito tayo nag daan sa eskinita. Mas mapapadali ang pag uwi natin sa bahay." ang masaya ko ring tugon.   "Eskinita? Hindi ba ang labas nito ay iyong kanto kung saan naka tambay si Bart?" ang tanong naman nito.   "Aba e malay ko. Maraming lusutan itong eskinitang ito. Bakit ba kasi takot na takot ka e wala naman tayong ginagawang masama sa kanya? Kung talagang mainit ang dugo nya sa mga bakla, malamang bakla rin sya. Sure na iyon!” tugon ko naman.   “Excuse me, hindi bakla si Bart. Napaka gwapo niya, matangkad, bilugan ang braso, putok ang dibdib, matangos ang ilong, mapula ang mga labi kahit nag yoyosi. At isa pa maraming nag papa kamatay makita lang ang alindog niya” ang pag uulit nanaman nya ng deskripsyon kay Bart.   “Eh parang inulit mo lang yung mga sinasabi mo” asar kong tugon.   “Ganoon talaga cousin, fix na yon, kahit yung mga beki doon sa parke ay iyon din ang linya. Ginagaya ko lang.” ang paliwanag nito.   “Ah wala akong paki doon, wala naman tayong ginagawang masama kaya wag tayo matakot. Kung sasaktan nya tayo malamang ay naka singhot ng katol iyan” wika ko sabay hakbang pasulong.   "Kahit na nga ba walang ginagawa, basta bawal ang bakla sa lugar na ito." ang boses ng lalaki sa aming likuran kaya naman agad kaming humarap dito. "Ngii, s-si B-Bart. Iyan nga si Bart yung matangkad, gwapo, maganda ang katawan…" nauutal na bulong ni Cookie.   “Heh! Tumigil ka na nga! Paulit ulit ka eh” pag mamaktol ko sabay siko sa tagiliran nito.   “Arekup, eh kasi automatic na nga yon, naka rekta na..” ang pag tatanggol nito sa kanyang sarili.   Ito pala si Bart, naka suot ng sirang maong na pantalon, lumang damit na ginupit ang manggas para maging sleeveless. Tama nga naman si Cookie, gwapo nga ito at nakaka akit ang mukha. Matangkad at maganda ang katawan, halatang batak sa gym dahil sa bilog ng kanyang mga braso. Naka ngisi ito habang nag papalagutok ng buto sa kamao. Sa kanyang tabi ay mga kabarkada niyang sunog baga na madalas ding nasasangkot sa gulo.   "Wala naman kaming ginagawa sa inyo. Saka sinong bakla? Walang bakla dito mga pare!" ang tanong ni Cookie na parang biglang lumaki at naging maton ang boses.   Nag tawanan ang mga loko..   "Bakit ba naman kasi ang spaghetti strap kapa ng damit. Okay na sana e." ang bulong ko naman.   "Eh sino ba naman kasi ang nag sabi na dito tayo mag daan? Hindi naman pang boxing ang ganda ko." ang inis na bulong din nito.   Patuloy pa rin sa tawanan ang mga mokong at maya maya ay nag simula nang kumilos palapit sa amin si Bart. Naka ngising aso ito at talagang bakas sa mukha ang pamemerwisyo ng kapwa. "Ayaw na ayaw namin ng mga bakla dito. Lalo ako, galit ako sa mga baklang mahihilig kumendeng at walang ginawa kunding mang gamit ng mga kapwa nila may lawit. Ang dapat sa inyo ay tinuturuan ng leksyon para mag tanda." ang naka ngiting demonyong salita nito habang sinusuntok ang palad.   "Ano naman ang mapapala nyo sa isang pilay na katulad ko? At isa pa ay hindi naman ako bakla para idamay nyo." tanong ko naman.   "Walang pwera pwera, kaya pasensyahan nalang." ang sagot din ni Bart   "Talaga naman palang mga gago kayo eh. Subukan nyong isayad ang daliri nyo sa aming mga balat, sisigaw ako at paniguradong darating ang mga mag tatanggol sa amin!" hirit ni Cookie.   "May kaalyansa ka? Sino naman ang mga iyon? Mainam iyan kasi, mas marami mas masaya." tugon ni Bart.   "Marami akong kaalyansa, sila Pink Ranger, si Sailor Venus, si Sailor Mercury, si Card Captor Sakura, mga Power puff girls at ang mga Winx." ang sagot ni Cookie.   Napaka kamot ng ulo si Bart "Putangna ginagago mo ba ko ha?" ang galit na sigaw nito sabay lakad patungo sa amin.   “Hindi ako nanloloko, pati ang Magic Knight darating para rumesbak!” ang wika ni Cookie habang pinag papawisan ng malapot.   “Tangina bakla, pawis na pawis ka. Wag mo kaming gagaguhin dahil babasagin ko ang mukha mo.  Loko ka.” gigil na salita ni Bart habang patuloy sa pag lapit sa amin, samantalang kami naman ay paatras.   Maya maya ay tumingin sa akin si Cookie at may dinukot ito sa kanyang bag. "Takbo Narding!!" ang sigaw nito sabay balibag ng umuusok na bagay sa aming harapan.   Hindi na kami nag aksaya ng oras, agad kaming nag tatakbo palayo sa mga lokong tambay. Mahirap sa akin ang tumakbo dahil masakit ito sa braso at sa paa kaya naman inalalayan pa rin ako ni Cookie at hindi pinabayaan. "Ano ba yung bagay na binalibag mo sa kanila?" ang tanong ko naman.   "Tear gas iyon, nakuha ko doon sa padyak ng papa mo noong isang araw. Itinabi ko lang sa bag ko bilang pang proteksyon." ang sagot nito habang patuloy pa rin kami sa pag takbo.   Halos mapatid ang aming mga hininga sa pag takbo. Ilang beses na rin akong muntik madapa at ma subsob sa lupa dahil sa hindi nagiging balanse ang aking katawan at iyon nga ang dahilan para maabutan kami ng grupo ni Bart. "Tatakas pa kayo ha. Lagot  kayo sakin ngayon!" ang gigil na salita nito sabay sipa kay Cookie at ako naman ay inalisan ng saklay upang direktang matumba sa lupa.   Nag tatawanan sila at pinag katuwaan lamang kami bago saktan.   Ilang suntok sa mukha at sa katawan ang inabot ni Cookie at ako naman ay sinipa sipa hanggang sa masubsob sa lupa. Talaga palang walang puso itong si Bart dahil lahat ng matripan nila ay kanilang ginagawa kahit makasakit pa ito ng iba. At bago sila tuluyang umalis ay kinuha pa yung mga napag lakuan namin ng sampaguita at dyaryo.   "Sabi sayo eh, wag tayong dadaan don dahil tiyak na masisira ang beauty naten." pag iyak ni Cookie habang pumapasok sa loob ng bahay.   "Hindi naman tayo direktang dumaan doon. Nag kataon lang na konektado ang eskinita na iyon sa pugad nila Bart. Ang sakit tuloy ng katawan ko." tugon ko   "Hindi lang iyon dahil tiyak na sermon ang aabutin natin kay stepmother kapag nalaman niyang nakuha ang perang pinag bilhan ng ating mga paninda."   "May naitabi akong pera doon sa aking silid. Iyon nalang muna ang iabono natin sa mga nawalang pera. Kailangan mabawi natin kay Bart iyong mga pinag bilhan natin."   "Naku cousin, kalimutan mo na ang tungkol doon. Malamang pinang totoma na nila yung perang pinag hirapan natin. Alam mo naman ang mga iyon, doon lang sila nabubuhay." ang wika ni Cookie habang inihihiga ang masakit na katawan sa papag.   Kinahapunan..   "Aba aba.. bakit kulang itong pinag bilhan nyo? Saan nyo dinala mga panget?!!" ang galit na tanong ng madrasta.   "Iyon nga po yung totoo, nabiktima kami doon sa kanto. Kinuha yung pera namin." sagot ko naman.   "Naku maa, hindi totoo iyan. Malamang ibinigay lang ni pilantod at ni Cookie monster yung pera doon sa mga lalaki sa kanto." ang sabad naman ni Angelito.   "At bakit naman namin gagawin iyon? Hindi namin magagawa iyon sa bagay na pinag hirapan namin. Mana pa kung kikiluhin kita at ilalagay sa batcha para ipamigay sa mahihirap ang karne mo ay gagawin ko!" ang depensa ni Cookie.   "Abaaa, sumasagot sila ma, mabuti pa ikulong mo sila doon sa attic kasama ng mga daga at ipis. Bagay sa kanila iyan." sagot naman ni Angelo.   "Gaga wala tayong attic. Shrek!" ang sagot naman ni Cookie habang patuloy sa pag bara sa kambal.   "Hoy hoy! Itigil nyo ang pang aapi sa mga anak ko! Sige pumasok na kayo sa kwarto! Walang hapunan para sa inyo. Mga panget!" ang sigaw ng madrasta.   Edi ayun nga ang set up, mas minabuti namin na mag timpi nalang at iwaksi ang mga galit sa aming sarili. Ewan, nakasanayan na rin namin na ganito ang sitwasyon at kahit naman hindi kami pinapakain ng hapunan ay lumalabas pa rin kami ni Cookie para kumain sa malapit na kainan kaya bale wala rin ang parusa ni madrasta at ng dalawang anak niyang anghel sa pangalan ngunit impakto naman sa ugali.   Ito ang buhay ko dito sa aming lugar, simple ngunit mahirap kung hindi ka marunong dumiskarte at lumaban. Simula noong mamatay si mama ay wala na akong ibang naging sandigan kundi ang aking sarili kaya madapa man ako o masilat sa pinaka malalim na bangin, wala ibang pamimilian kundi ang bumangon at lumaban.  Iyan ang mga bagay na natutunan ko mag buhat noong mawala ang aking kakayahang makalakad ng maayos at maka kita ng mas mabuti.   Ako si Narding..   At ito ang aking kwento..   itutuloy..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
634.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.5K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook