Part 1: Si Malik
Ang Alamat ni Prinsipe Malik
AiTenshi
January 19, 2015
Proloque:
"Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa alamat ng isang mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat? Ang halimaw na ito ay sinasabing pinaka makapangyarihang likha na nabubuhay sa anyong tubig at dahil dito siya ang itinuturing na prinsipe ng lahat ng mga naninirahan doon. Mapa isda, balyena, pating at iba pang yamang tubig ay kanyang pag aari. Siya rin ang itinuturong dahilan ng mga aksidente at trahedya sa gitna ng karagatan. Ang mga lumubog na barko at mga nawawalang sasakyang pang hipapawid ay isinisisi din sa kanyang taglay na kapangyarihan. Pinaniniwalaang siya ay naka tira sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan ang pinaka palatandaan nito ay ang hugis tatsulok na ibabaw ng tubig at ito ang tinawag na "Bermuda Triangle."
Isang ito natatanging nilalang na kalahating tao at kalahating dragon ang katawan. Para itong isang sirena ngunit ang kanyang buntot ay binatay sa isang dragon na may matutulis na pangil at mahahabang kuko. Pangit ito at talagang kinatatakutan ng lahat. Sinasabing kumain ito ng karne ng mga hayop sa ilalim ng dagat ngunit mas paborito nya ang karne ng tao dahil kakaiba daw ang lasa at amoy nito kaya naman ang lahat ng mortal na naliligaw ng gitna ng karagatan ay kanyang binibiktima at ginagawang pang himagas.
Ayon sa mga libro at iba pang dokumento, marami na daw ang na ka kita sa nilalang na ito dahil may may mangilan-ngilang imahe ng hindi maipaliwanag na nilalang ang nahahagip ng kanilang mga kamera kaya naman mas lalo pang nabubuhay ang haka haka tungkol sa alamat ni Malik."
Part 1: Si Malik
"VERY GOOD Mr. Yuzon!! Halatang inaral mo ang bawat detalye ng iyong research tungkol sa mga Mythical Creatures. Mabuti na lamang at na iiba ang prinesinta mo ngayong hapon, hindi katulad ng mga kaklase mo na puro Bampira, Aswang, Kapre at pati ni Undin ay isinama na rin nila. My God! Kailan pa naging Mythical Creature ang Undin ng shake rattle ang roll?! At kanina sa kabilang section ay may nabasa ako na labis kong ikinagalit. Sino ang nag lagay ng pangalan ko sa listahan ng mga halimaw na nabuhay noong sinaunang panahon?! Kapag nalaman kong isa sa inyo ang ang lagay doon ay paniguradong ibabagsak ko kayong lahat!! Sige Mr. Yuzon continue!!" ang sigaw ni Misis Gaviola habang isa isang binabasa ang aming research paper
Muli kong ipinag patuloy ang aking pag rereport "Ayun nga, mas kinatatakutan si Malik dahil sa kanyang anyo at taglay na kapangyarihan. Ang mga buhawi, tsunami, pag apaw o pag babaw ng karagatan ay sinasabing siya ang may kagagawan at hindi lang iyon dahil pati ang trahedyang pag wash out sa ibat ibang lugar sa mundo ay isinisisi rin sa kanya. Kung ako ang inyong tatanungin, mabangis na halimaw itong si Malik dahil sakop nya ang tubig sa buong mundo. Sa aking palagay ay mas kinatatakutan ito kaysa sa mga bambira o higante."
"Pero ang tanong ko lang sa iyo Mr. Miguel Yuzon, naniniwala ka ba kay Malik? Alam mo marami na rin ang akong nasabang artikulo sa mga pahayagan, magasin or even sa mga internet blogsites, lahat sila ay talagang naniniwala sa existence ng nilalang na si Malik." paliwanag ng aming guro.
"Siguro po ay maaari ko na ring paniwalaan, wala namang mawawala sa akin kung sakali mang isipin ko na totoo ang bagay na ito. At isa pa ay napakalawak na ng ating mundo, walang nakaka alam kung ano ang nakahimlay sa dako pa roon. May nga scientific theory na nag papatunay ng existence ng isang bagay, katulad ng mga aliens sa kalawakan na ayon sa Ancient Austronaut theory ay binisita tayo ng mga ito noong mga sinaunang panahon pa at tumulong sila sa pag hubog ng ating kasaysayan. Ang mga hightechnology machines ay ipinag kaloob daw ng mga aliens sa sinaunang tao upang hubugin ang kanilang kaalaman tungkol sa high standard of living. Kung ang iba’t ibang teorya ang pag babasehan paniguradong may isang aklat ng kasulatan ang nag sasaad ng existence ng isang bagay at kasama na rito si Malik. Kaya ngayon ay sasabihin ko na naniniwala ako sa kanya NGUNIT ayoko siyang makita, dahil takot ako."
Tawanan ang buong klase..
"Tahimik!! Very Good Mr. Yuzon. Please take your seat." wika ng aming guro habang binabawal ang mga natatawanan kong kaklase.
Ako si Miguel Yuzon, 20 taong gulang at kasalukuyang kumukuha ng Kursong Biology. 5’8 ang aking taas at maayos naman ang aking pangangatawan, hindi payat at hindi rin naman ganoon kataba. Sinasabi ng aking mga kaklase na gwapo daw ako at hindi na pag mamayabang pero sinasabi nilang kahawig ko raw ang artistang si Mark Nueman ng TV5. Kaya naman marami babae ang humahanga sa akin sa loob at labas ng aming paaralan.
Marahil ay nag tataka kayo kung bakit tungkol sa mga "mythical creatures" ang aming pinag aaralan bagamat "biology" nga aking kurso. Ang totoo nun ay parte ito ng aming activity na alamin kung nabubuhay ang mga ganitong uri ng nilalang sa dako pa roon. Biology is the study of life kaya naman kahit na anong topic na may kinalaman sa buhay ay aming sinasaliksik at pinag aaralan. Bukod pa rito ay member din ako ng swimming team ng aming campus kaya naman masasabi kong nagiging abala ako kapag tumatapak ako sa gate ng aming paaralan.
Galing ako sa isang mayamang pamilya. Nag iisang anak lamang ako dahil nag karoon ng diperensya sa obaryo ang aking ina matapos akong ipanganak. Bakit kami naging mayaman? Ang aking ama ay isang marine engineer at ngayon ay kasalukuyan siyang naka destino sa barko bilang isang kapitan at ang aking ina naman ay isang marine biologist na kasalukuyang nag tatrabaho sa isang sikat na research laboratory bilang tagpag saliksik (syempre naman lol). Kung di nyo naitatanong, masyadong naakit ang aking mga magulang kulay at anyo ng tubig kaya naman hindi na nakapag tataka na tatlo ang swimming pool sa aming bahay. Isa sa harapan, isa likod bahay at isa loob kung nasaan naroroon ang banyo. At ito marahil ang dahilan kung bakit ako natutong lumangoy.
Alas 8 ng gabi noong makauwi ako ng bahay. Agad akong sinalubong ni mama upang sabihin na pauwi na raw ang aking ama galing sa pag lalayag ng barko. Anim na buwan din itong pumapalaot sa dagat kaya’t madalang itong maka uwi dito sa kanyang pamilya. Ngunit sa kabila nito ay naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong para sa akin rin lahat ng kanilang mga sakripisyo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naging kapitan ng barko ang aking ama kung gayong malayo ito sa kursong pinag tapusan nya ang marine engineer. Kung sabagay parehong may kinalaman iyon sa tubig ngunit kahit anong isip ang aking gawin ay malayo pa rin talaga ito.
"Iyan ang itanong mo sa iyong abnormal na ama. Ewan ko ba naman sa kanya kung paano siya naging kapitan ng isang barko, basta ang alam ko lang ay isinalba nya ang buhay ng dating may ari ng cruise line na iyon at ngayon ay naging kapitan na siya nito." paliwanag ni mama at pati siya ay halatang gulong gulo rin.
Kung sabagay, minsan nga na itinanong ko kay papa kung bakit iyon ang naging trabaho nya ang tangi lamang niyang isinagot sa akin ay "Kasi genius ako!" kaya’t mag buhat noon ay hindi na ako nag tanong pa. Mabait naman talaga si papa may mga oras lang talaga na weirdo ito at wala kang makukuhang matinong kasagutan mula sa kanya. Pero ang sabi ni mama sa akin ay doon daw ako kumuha ng anyo sa aking ama dahil noong kabataan daw nito ay halos magkaroon ng giyera ang mag kababaihan upang makamit lamang matamis na "OO" nito. At talagang babae pa ang nanligaw dito.
"Hindi ko naman tipo ang iyong ama, nag kataon lang na mag kaklase kami noong kolehiyo at pareho kaming genius kaya naman nag karoon kami ng masalimuot na hidwaan at tagisan ng talino. Lagi kaming mag kalaban sa lahat ng subjects at pati sa sports ay karibal din nya ako. Hanggang sa naakit siya sa akin at iyon na nga! niligawan nya ako." ang kwento ni mama at halos matawa ito sa kanyang mga sinasabi.
"Edi Wow!" ang sagot ko naman at ipinag patuloy ko ang pag hahanda ng hapunan. Nakakatuwa lamang isipin na nag click ang sa relasyon ni mama at papa dahil kung iyong iisipin ay halos mag karibal sila sa lahat ng bagay. Mula noong kolehiyo at pati ang kurso at eskwelahang papasukan ko ay pinag awayan din nila. Ganoon sila katindi pag dating sa decision making.
Ipinag patuloy ko ang aking ginagawang pag aayos ng lamesa hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay bumulaga na nga si papa sa pinto ng aming bahay. "Surprise!" ang sabi nito habang dala ang kanyang mga maleta. "Papa! Welcome back, kumusta naman ang karagatan?" tanong ko naman. "Ayos naman anak, ganoon pa rin, nakaka hilo at nakaka inip." sagot naman ni papa habang niyayakap ang aking ina. "Mamaya na ang kumustahan, kumain na muna tayo at baka uminit ang sabaw." wika naman ni mama.
Marami kaming pinag usapan sa hapag kainan at halos hindi na matapos tapos ang kwento ni papa tungkol sa kanilang pag lalayag. Paulit ulit ang kanyang pag bibida hanggang sa halos makabisa na namin ito ni mama. Kinamusta rin nya ang aking pag aaral, kung ano daw ba ang balak ko pag katapos ko sa kolehiyo kaya naman sumagot ako at sinabing "masyado pang matagal iyon kaya’t pag iisipan ko muna."
Matapos ang hapunan ay binuksan ni papa ang isang kahon na kayang dala mula sa barko, nag lalaman daw ito ng mga inipon niyang pasalubong para sa amin. Isang malaking kahon ito na ang nasa loob ay mga chocolate, damit, sapatos, gadget at ibang kagamitan para sa akin. Mayroon din siyang regalo para kay mama at iyon ay mga alahas, gawa ito sa ibat ibang kulay na perlas mula sa ilalim ng dagat. Ngunit sa lahat ng magarbong pasalubong na ito ay mayroong isang bagay na nakapukaw sa aking atensyon, isang maliit na kahon ito na halos may katagalan na rin ang anyo dahil sa mga kalawang nito. Dahil sa pag tataka, agad kong kinuha ang lumang kahon at patagong dinala ito sa aking silid kasama ng mga bagong damit at gadget na ibinigay sa akin ni papa.
Pansalamanta kong itinago ang lumang kahon sa aking cabinet at nag pasya na akong umupo sa harap ng aking study table para ituloy ang research ko tungkol sa halimaw na si Malik. Kumuha rin ang akong 1/4 na illustration board at doon ay iginuhit ko ang itsura nito. Sinumalan kong iguhit ang kanyang mukha na nababalutan ng maraming kaliskis, ang maskulado nyang katawan na puro hasang at syempre high light ng kanyang anyo wala iba kundi ang kanyang mahabang buntot na gawa sa dragon. Nakaka kilabot ang kinalabas ng aking guhit, para itong isang halimaw ka laban ng isang super hero at napansin ko rin na kamukha pala ito ni Purungga ang dragon sa planet Nemic doon sa anime na Dragon Ball Z. "Perfect Migz! Perfect!" ang sigaw ko sa aking sarili habang kinukulayan ko ang tubig sa paligid ng halimaw hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na ito.
Iniwan ko ang aking iginuhit sa ibabaw ng aking study table at nag pasya na akong mahiga sa aking kama upang mag pahinga.
tahimik..
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at laking gulat ko nang biglang na lamang mahulog ang aking iginuhit na larawan sa sahig. Kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang pulutin ito nang biglang may lumabas na isang kamay mula sa larawan at mabilis na hinablot nito ang aking leeg dahilan para mag dugo ito.
itutuloy..