Chapter 1: Mga Bagong Simula
The Soldier & I
Book 2
AiTenshi
June 6, 2018
Malakas ang pag buhos ng ulan, damang dama ko ang lamig na bumabalot sa aking buong katawan habang naka higa sa lupa kung saan ako inabutan ng matinding pang hihina. Nag hahalo ang tubig at ang dugo na dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko pa rin maigalaw ang aking braso at binti dahil paralisado pa rin ang mga ito.
Minsan ay sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na aking kinatatakutan, kahit anong pilit kong takasan ang mga bagay na iyon ay pilit pa ring yumayakap sa aking pag katao. Sana ay hindi nalang ako bumalik, sana ay namuhay nalang ako ng tahimik..
Patuloy kong hinahabol ang aking pag hinga batid kong anumang oras ay malalagot ito.
"Hinahanap rin kaya niya ako katulad ng pag hahanap ko sa kanya? O patuloy akong mag hihintay sa wala?" iyan ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan bago ko ipikit ang aking mga mata at damhin ang sakit na nanunuot sa aking dibdib.
Chapter 1: Mga Bagong Simula
Emcee: Mga kaibigan, nitong mga nakararaang taon, ang mundo ay dumaranas ng samu't saring pag subok. Nariyan ang kaliwa't kanang gerahan, mga terorismo, mga umusbong na iba't ibang kulto na nag hahasik ng maling paniniwala at ang pag kakaroon ng zombie outbreak sa mga bansang high tech. Ngunit sa kabila ng mga pag subok na ito ay nananatili pa rin tayong nakatayo dahil na rin sa tulong ng ating mga bayani sa Special Forces! Sila ang ating mga magigiting na taga pag tanggol at sila rin ang tagapag taguyod ng kapayaan sa buong daigdig. Mga kaibigan napaka swerte natin ngayong gabi dahil kasama natin ang 6th member ng SF unit. Ating palakpakan!!
GINOONG EMILIO "ED" DIEGO!!!
Standing ovation ang lahat..
Lumabas si Ed sa entablado suot ang kanyang unipormeng mala avengers..
Tuloy pa rin ang palakpak..
"Ayos lang ba si Ed?" tanong ko kay Bryan habang kapwa kami pumapalakpak.
"Oo naman. Tingnan mo nga babakla bakla iyang kaibigan mo pero 6th member na siya ng SF squad. Hanep!" ang wika ni Bryan habang pumipito pa.
"Natural pang 6th na siya dahil matagal na kaming resign. Nanatili lang siya doon sa SF unit dahil sa jowa niyang si Francis." ang tugon ko naman.
"Atleast successful pa rin ang love life niya. Tulad natin diba?" naka ngiti niya sagot. "Kaya huwag kana kabahan dahil tiyak na magiging maayos ang speech niyang si Emilio. Ibinigay mo ba yung gamot na pampatalino?" ang tanong niya
"Ah yung kulay asul na tableta ba? Yung galing sa Cambodia?" ang tanong ko
"Hindi, yung kulay pulang tableta iyon." wika ni Bryan sabay kuha ng dalawang bote sa kanyang bag. "Dalawang bote ito ng espesyal na tableta galing sa Cambodia, itong kulay Pula ay pampatalino, pampatalas ng isip at pampalakas ng dating. Itong kulay asul naman ay ginagamit ng mga stand up comedian upang maimpersonate nila ng maayos ang mga idolo nilang artista. Kapag ininom mo ito ay kusang lalabas sa iyong bibig ang tono at estilo ng pananalita ng mga paborito mong artista. Inoder lang ito ng kaibigan kong komedyante." ang paliwanag ni Bryan.
"Nakup! Patay! Iyang asul ang nilagok niya!" ang wika ko naman sabay tayo at nag plano na ako na pababain siya sa entablado ng mag simula itong mag salita.
"Isang malaking karangalan na maimbitihan ako sa isang espesyal na pag titipon ngayon gabi. Ako, sampu ng aking mga kasamahan sa SF unit ay nag papasalamat sa inyong taos pusong pag suporta at pananalig sa aming mga kakayahan. Kaming mga miyembro ng squad ay binibigay ang aming 100% sa bawat laban na aming kinakaharap. Kaya naman ang lahat ay napag tatagumpayan namin. Sa ngayon sigaw ng aming mga puso ay yeaahhh todo na to mga friendship! To the highest level na talaga! You know what i mean! Yeaahh!" ang wika nito dahil para mga taka ang mga tao.
"Hala, bakit naging si Ruffa Mae siya?" ang tanong ko
"Dahil nga ininom niya yung tabletang asul. Lalabas ang mag idolo niyang artista." ang wika ni Bryan.
Patuloy ang pag sasalita ni Ed at maya maya ay naging emosyonal naman ito. Hinawakan niya ang panyo at nag punas ng luha. "Alam nyo mga kaibigan, the last time i cry nilapitan ako ni Josh, ang sabi ni Josh, "mama please dont cry" lalo akong umiyak dahil nasasaktan na ako sa pag tapak niya sa paa ko. Lalo akong niyakap ni Josh at noong nakita ako ni Bimbs ay ikiss niya ako kaya mas lalo akong naging emosyonal dahil dalawa na silang naka tapak sa feet ko." ang wika naman niya sa tono ni Kris Aquino.
"Hala, na gago na. Nag tatawanan ang mga tao sa buong convention. Eh ano kaya kung buhatin mo na si Ed at ibaba dito?" ang tanong ko
"Yaan mo lang siya, paniguradong siya ang laman ng balita mamaya. Trending nanaman ang kaibigan mong may tama." natatawang sagot ni Bryan
"Wala namang tama si Ed no, nag mali lang siya inom ng tableta." pag tatanggol ko naman.
Patuloy pa rin si Ed sa pag sasalita naging si Ate Glow na ito, si Vilma, si Nora, si Maricel Soriano. "Nalulungkot ako dahil nag hiwalay na kami Luis no, pero masaya naman ako sa new career ko bilang judge ng PGT ang dami kong nakikitang acts at talent no, parang doobi doobi dapp dapp dapp, doobi doobi dipp dipp, doobi doobi dapp dapp, du dapp da dapp, bee-beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep, Sabi ng jeep, sabi ng jeep.”
Tawanan sa buong convention..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang nag kagulo sa likod ng bulwagan. "May bomba! Sasabog ang convention!" ang sigaw ng isang lalaki kaya naman ang tayuan ang mga taong nanonood at nag takbuhan mga ito.
"Wait! Ano ba, pag umalis kayo ma sasad ako. Sad na sad na talaga ako. Josh come here! nagagalit na si mommy. Bimby you look at them when you say hi! Bimby?!" ang tuloy na wika ni Ed habang ginagaya ang idolo niya si Kris. Wala siyang paki alam kung nag kakagulo na ang tao sa paligid.
Hinatak ako ni Bryan sa gilid ng convention at hinugot sa kanyang bag ang isang armalite. "May baon kang ganyan sa bag mo?" ang tanong ko
"Oo naman. Mayroon din ako mga bomba dito." sagot niya
"Eh bakit?! Quit na tayo diba? Resign na tayo sa ganyan. Bakit may dala ka pang pampasabog?!" tanong ko naman
"Pamproteksyon lamang ito. Ang lahat ay may karapatang maging ligtas." ang sagot naman niya.
"Sandali lang, kukunin ko si Ed. Kawawa naman siya baka sabugan siya!" ang sigaw ko sabay panik sa stage kung saan naroon si Ed na papaling paling ang ulo na parang si Kris Aquino.
"Hoy bakla tayo naaaaa! Umalis na tayo." ang sigaw ko sabay hatak dito.
"Josh? Ikaw ba yan? Ihug mo si mommy nasasad ako, nag alisan na sila." ang emosyonal na salita nito
"Hindi ako si Josh! Umalis na tayo dahil sasabog ang convention!" pag hatak ko pero hindi natinag si Ed kaya naman umakyat na si Bryan sa entablado.
"Bakit ayaw maalis ng sanib kay Ed?" tanong ko
"Susuntukin lang iyan para tumigil." ang sagot ni Bryan
"Susuntukin? Iyon ang antidote? Teka baka masaktan si Ed!"
PLAK!
Hindi pa ako sumasang ayon ay nasuntok na niya ito. Bumulagta si Ed na nawalan ng malay. "Edi tumigil siya. Hindi iyon ang antidote, inupakan ko lang siya para makatulog. Halika na ilabas na natin iyang kaibigan mong may bahog!" ang wika ni Bryan.
Agad naming hinila si Ed na parang isang botchang baboy at mabilis kaming lumabas sa fire exit. Takbong walang mula't ang aming ginawa habang karga karga ang aking kaibigan na noon ay wala pa ring malay.
"Bilisan natin!" ang sigaw ko naman at nasa ganoong posisyon kami noong biglang sumabog ang convention. Itinulak kami ni Bryan upang makalabas. Tumilapon ang kanyang katawan at sumadsad ito sa lupa.
"Bryaaaannnn!" ang sigaw ko at sa sobrang pag kataranta ay naihagis ko ang katawan ni Ed dahilan para mag kamalay ito.
"Arekup! Anong nangyari?" ang tanong ni Ed noong bumalik ang kanyang ulirat. Naka higa pa ito sa damuhan at naka pose na parang nirape.
Pero hindi ko siya pinansin..
Agad akong nag tatakbo sa kinaroroonan ni Bryan na noon ay nawalan ng malay. Mabuti na lamang at agad nag responde ng tulong ang mga otoridad pati na ang mga sundalong kaibigan niya kaya't agad itong nadala sa ospital. Ako naman ay halos hindi mapakali dahil sa labis pag aalala sa kanyang kalagayan.
"Hindi naman po sumabog ang buong convention. Mahinang klaseng bomba lamang ang ginamit kaya't kaunti lamang ang nasaktan. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente." ang wika ng isang pulis.
"Sino naman ang gagawa ng ganoong bagay?" tanong ko
"Sa ngayon ay nag iimbestiga pa ang mga otoridad. Sa tingin ko ay ang miyembro ng SF unit ang target nila dahil inilagay ang bomba sa mismo entablado." ang wika nito
"Ang sabi nung sumigaw ay nasa likod ang bomba?" pag tataka ko
"Peke lamang iyon sir, panlinlang." ang sagot niya.
"Kung ganoon ay talagang si Ed ang target nila? Eh bakit si Ed?" pag tataka ko
"Anong bakit ako? Wala na bang karapatang manganib ang buhay ko?" pag mamaktol nito habang naka higa sa sofa ng waiting area.
"Mr. Alandel Dela Rosa, gising na po si Mr. Turalba." ang entrada ng doktor
Dahilan para mabilis na bumalikwas ng bangon si Ed "ano ang lagay niya dok? May amnesia nanaman ba? Jusko yan na nga ba ang sinasabi ko nag ka amnesia nanaman! Jusko!" ang nag lulupasay na sigaw nito habang pagulong gulong sa sofa.
"Sir Ed, maayos naman po ang lagay ni Mr. Turalba nag tamo lamang siya ng kaunting gasgas." ang doktor.
"Wag ka ngang oa. Tayo na doon sa silid." pag hatak ko sa kanya
"Na carried away lang ako friend. Pero teka nag tataka talaga ako kung bakit ang sakit ng mukha ko. Para akong sinuntok kanina." ang wika nito.
"Wala ka ba talagang matandaan?"
"Wala nga e, hindi ko rin alam kung bakit ako nag kapasa sa mukha. Parang inupakan ng malakas. Bugbog oh." pag tataka niya
"Ah e, wala naman sumusuntok sayo. Ang nangyari ay bigla na lamang nag karoon ng kaguluhan doon at nawalan ka ng malay. Syempre dahil sasabog na ang buong convention ay pinilit kong buhatin ka palabas kaya tumama ang mukha mo sa haligi ng mga pader. Sorry ha. Nag worry lang talaga ako sayo." napapangiwi kong paliwanag.
"Siguro nga frend, pero salamat ha sobrang naappreciate ko yung ginawa mong pag ligtas sa akin. Alam mo naman ang dami na talagang nag babanta sa buhay ko."
"Sa buhay mo talaga?" ang tanong ko
"Okay fine, sa buhay ng SF unit!" pag mamaktol niya sabay bukas ng pintuan sa silid ni Bryan. Dito ay naabutan namin siya na kumakain ng ubas at mansanas habang nanonood ng balita sa telebisyon.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanyang sabay halik sa kanyang labi.
"Maayos na ko mahal ko. Nasaktan kasaktan ka ba?" ang tanong niya
"Hindi naman mahal ko." ang sagot ko sabay yakap sa kanya "nag alala talaga ako ng sobra." sagot ko at habang nasa ganoong pag lalambingan kami ay muli nanamang humirit ng kanta si Ed.
Kailangan koy ikez
Ditis sa lifesung kez
Kailangan kong ma maxifeel ang iyon jalik.
Ang needsung ko iketch ditis sa lifesung kezzzzzz!!! (birit)
Paano nang heart evangelista kong alone tonight.
(original song Kailangan ko'y ikaw)
"Tumahimik kana nga. Wala ka na bang ibang alam kantahin kundi iyan?" pag mamaktol ko naman sabay balibag ng unan dito.
"Ay! Wait muna ayan na yung balita! Excited na ko sa feedback nila sa speech ko! Kaso parang wala akong matandaan frend!" ang kinikilig na wika ni Ed
BREAKING NEWS:
Reporter: Nag karoon ng mga pag sabog sa iba't ibang parte ng bansa ngayong araw. Wala namang naibalitang namatay dahil mahinang kalidad lamang ang ginamit na pampasabog na wari'y tinatakot lamang ang publiko. Ayon sa mga otoridad ang mga ginamit na pampasabog ay mga paputok lamang na inilagay sa magandang container para mas lumakas ang impact nito. Gayon pa man ay pinapayuhan na mag ingat ang lahat dahil palala ng palala ang terorismo sa bansa.
Samantala, balitang pa-star naman tayo! Pinag kakaguluhan sa social media ngayon ang speech ng isa miyembro ng Special Force ng bansa dahil sa nakakatuwang content nito. Marami ang bumilib sa kanyang pang gagaya sa mga sikat na artista katulad ni Rufa Mae Quinto, Kris Aquino, Angel Locsin at ang mga batikang aktres katulad nila Maricel Soriano at Zsa zsa Padilla. Narito ang video footage na nirecord ng isang netizen.
Video Footge: Minsan lang kita Iibigin
Maricel: "Wag mo kong ma Teri Teri! Yung tanong ko ang sagutin mo. Are you f*****g my husband?" (gigil na gigil)
Zsa zsa: Minsan! (nanginginig ang baba)
Tawanan..
end of video footage
At iyan ang mga balita sa araw na ito. Ako po si Daisy Mae Lawit! Nag uulat.
Tahimik..
Natigilan si Ed sa pag sasalita at panandaliang napatulala ito. "Ayos ka lang ba Ed?" tanong ko
"Ginawa ko ba talaga iyon Adel?" ang tanong niya na parang hindi makapaniwala.
"Ah e oo." nag aalangan kong sagot. Batid kong galit siya o kaya ay nadismaya.
"Talaga?! Ang gandaaaa! Ang galing kooo! Perfect!! Gayang gaya no? Anyway hindi ko alam kung paano ko nagawa yon pero ang ganddaaaaa! Im sure sikat na ko nito sa social media! Dadami na ang followers ko! Famewhore activated!" ang sigaw niya
"May bahog talaga iyang kaibigan mo." ang bulong ni Bryan.
"Hayaan mo na. Pangarap niyang sumikat". ang bulong ko naman.
Dalawang taon matapos ang pag bibitiw namin ni Bryan bilang mga sundalo. Naging masaya ang aming pag sasama sa iisang bubong. Isang biyayang maituturing ang pag dating niya sa aking buhay kaya naman labis akong nagagalak dahil habang tumatagal ay patibay ng patibay ang aming relasyon.
Ngayon ay nag bukas ang panibagong yugto ng aming buhay bilang ordinaryong sibilyan. Batid kong maraming pang pag subok ang nag hihintay sa aming samahan. Gayon pa man ay mahigpit ang kapit ko sa kanyang kamay.
Hindi ako nag iisa.
Itutuloy..