bc

Ang Tadhana ni Narding BOOK 2 (FANTASY BXB)

book_age16+
518
FOLLOW
1.8K
READ
adventure
time-travel
comedy
bxb
mystery
multiverse
another world
supernatural
alien contact
like
intro-logo
Blurb

Muli nating samahan si Narding sa kanyang pag lipad patungo sa hamon ng mapag larong tadhana. Kasabay ng muli pagbubukas ng kanyang aklat ay ang pag sibol rin ng mga bagong pag subok at bagong kalaban na hahatol sa kanyang katatagan.

"Hawakan mo ang bato.. At isabog mo ang apoy ng pag asa sa buong sanlibutan."

Si Super Nardo ang male version ng iconic pinay superhero na si Darna. Muli siyang haharap sa panibagong pagsubok na may kinalaman sa paghubog ng bagong sibilasyon at bagong mundo.

chap-preview
Free preview
Part 1: Payapang Lupain
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi Sep 24, 2018 Malamig ang hangin na bumabalot sa aking buong katawan habang naka lutang sa labas ng kalawakan. Parang kanina lamang ay natutulog ako ngayon ay narito nanaman ang isang pangitaing paulit ulit bumabalik sa aking panaginip. Isang malagim na katapusan kung saan ang buong mundo ay kakainin walang hanggang kadiliman. Ang lahat binabalot ng kamatayan at wala akong magawa kundi ang pag masdan ito mula sa malayo. Habang unti unting gumagapang ang kadiliman sa mundo ay may isang imahe ng lalaking may pakpak ang nakatayo sa itaas nito. Nag liliwanag ang kanyang mata habang ang kanyang katawan ay unti unting nag lalaho. "Narding.." ang wika nito at doon ay bigla na lamang nabasag ang kalasag sa aking katawan at mabilis akong bumulusok pa ibaba sa kalangitan.. Damang dama ko ang aking pag bagsak habang pilit na naka tingin sa kulay pulang kalangitan na wari'y lumuluha ng dugo. Mabilis ang aking pag bagsak hanggang sa bumulusok ako sa ilalim ng karagatan. Nawalan ako ang lakas para kumilos, para bang namamanhid ang aking buong katawan sa hindi malamang kadahilanan. Isang malalim na pag hinga ang aking ginawa kasabay noon ang pag balikwas ko ng nang bangon sa aking higaan. Damang dama ko pa rin ang pagod at panlalamig ng aking katawan, agad kong tinungo ang aking kabinet at kinuha ang maliit na baul na nag lalaman ng mahiwagang bato. Tahimik.. Wala pa ring kislap ito at wala akong maramdamang kapangyarihan, parang naging isang ordinaryong puting bato lamang ito na walang halaga at naka kalat lamang sa lupa. Hindi ko man lubos maunawaan ang aking panaginip ngunit batid kong hudyat ito na muling babalutin ng kadiliman ang buong mundo. Paano ko maipag tatanggol ang sanlibutan kung hindi ko na taglay ang kapangyarihan ni Super Nardo? Part 1: Payapang Lupain "Hoy Narding, gising. Bakit umuungol ka? Nag sesex ba kayo ni Bart sa panaginip mo?" ang wika ni Cookie habang inuuga ang aking katawan. "Aray, dahan dahan naman ang pag uga, nahihilo ako." reklamo ko naman habang bumangon. "Napanaginipan ko na naman yung misteryosong lalaking may pakpak habang nakatayo sa mundong binabalot ng matinding kadiliman. Halos gabi gabi ay dinadalaw niya ako sa aking panaginip." "Alam mo pinsan stress ka lang at masyado kang nag iisip. Alam kong hinahanap hanap mo pa rin ang buhay ng pagiging si Super Nardo pero wala na ito. Yung batong nilulunok mo ay naging ordinaryong bato na lamang na parang kinulayan ng water color na puti. Kasi naman alam mo nang humihina ang kapangyarihan mo ay nakipag sabayan ka pa doon sa ibang hero para buhatin itong mundo hano. Sana ipinaubaya mo nalang ang pag salba doon sa Panget na super hero at doon kila Jorel." reklamo ni Cookie At doon ay nag balik sa akin ang eksenang pag lipad ko sa labas ng kalawakan upang tulungan sina Jorel at iba pa sa pag buhat ng mundo upang hindi ito mawala sa balanse. FLASH BACK Habang lumilipad ako palabas kalawakan ay nakasalubong ko pa si Jorel. Mabilis ang kanyang pag lipad ngunit ako naman bumagal na parang mas natatalo ako ng malakas na ihip ng hangin. Pero gayon pa man ay mas itinodo ko pa ang gamit ng aking kapangyarihan upang makahabol. Pag dating ko sa labas ng kalawakan ay nakita ko Jorel at si Super Panget na binubuhat ng mundo, itinutulak nila ito paitaas upang hindi mawala sa balanse. Hindi na ako nag dalawang isip, nag liyab ang aking katawan at tinutulungan ko sa pag angat ang dalawang super hero. Noong mga sandaling iyon ay parang unti unting nauubos ang aking lakas. Humihina ang liwanag sa aking katawan at ang akala ko ay hindi ko kakayanin. Mabuti na lamang dahil dumating si Ace ang batang Mecha at tumulong ito sa pag hila. Nag tagumpay sa aming adhikain. Dito ay nag desisyon kaming bumalik na sa aming lupain at habang lumilipad ako pabalik ay biglang nabasag ang aking kalasag at mabilis akong bumulusok pabagsak sa lupa. Mula noong mga sandaling iyon, ang mahiwagang bato ay namatay at nawalan ng kinang. Hindi ko na nagamit pa ang kapangyarihan nito. End of Flash back (Mababasa ang kabuuang scene na ito sa libro ng Super Panget) "So nag flash back ka ulit kaya ka natahimik diba? Nakita mo na? Sana pinaubaya mo nalang sa kanila yung pag pasan ng daigdig. Hayan tuloy naluz valdez ang beauty ni super nardo. Waley na.." ang wika ni Cookie "Kung wala ako doon ay hindi rin sila nag tagumpay. Malaki rin ang kapangyarihang naiambag ko. Hindi ko naman alam na may limitasyon pala ang kapangyarihan ng bato, kung alam ko lang edi sana ay tinipid ko ito." hirit ko naman. "Hoy Nardeng, Cooke! Kakain naaa! Baka sabihin ng tatay mo ay hindi ko kayo inaasikaso!! Bilisan nyo kilos!!" ang sigaw ng aking madrasta sa ibaba "Halika na nga, tumatawag na yung halimaw sa banga. Trying hard talaga maging mabait iyang step mother mo. Pero hindi na siya katulad ng dati na mukhang pera at ginagamit tayo sa pag titinda." wika ni Cookie "Nardeng bilisan mo! Ano ba iyan kung kailan nawala ang pagiging pilantod mo ay saka ka pa bumagal na parang isang pagong. Yang si Cooke talagang mabagal kumilos iyan dahil feeling maganda pero hindi naman talaga. Kayo talagang dalawa napaka bagal ninyong kumilos!!" ang sigaw pa niya kaya nag takip nalang kami ng tainga Maraming nag bago sa mga nakalipas na taon. Matagal tagal na rin mag buhat noong makipag sagupaan ako kay Serapin at sa iba pang dayuhan mula sa ibang daigdig. Ang lahat ay parang kahapon lang naganap kaya't paulit ulit itong nag babalik sa aking isipan na parang isang makapit na sumpa. Sa mga nag daang panahon ay wala akong tigil sa pag salba ng buhay ng iba, wala rin ako halos pahinga sa pakikipag laban at pag bubuwis ng buhay para sa sangkatauhan. Gumaan lamang ng kaunti ang aking trabaho bilang isang super hero noong dumating si Super Panget o si Nai na naging kaibigan ko na rin katulad ni Jorel. Ako, si Cookie at Bart ay nakapag tapos ng pag aaral. Kami ni Cookie ay nag ttrabaho sa isang hotel, ako ay bilang front desk at siya naman ay sa creative group na nag hahandle ng mga events, dahil nag karoon kami ng maayos na trabaho ay naging maayos ang aming tirahan at gayon rin ang aming pamilya kaya naman nabago rin ang pakikitungo ng aking madrasta, kung dati ay parang alipin kaming ituring ngayon ay bumait na siya ngunit may pagka mean pa rin. Si Bart naman ay nag ttrabaho bilang isang modelo at halos ilang taon na rin kaming mag kasintahan. Noong una ay ipinag bawal kay Super Nardo ang umibig ngunit nasira ko ang patakarang iyon, marahil isa iyon sa dahilan kung bakit humina ang aking kapangyarihan. Pero hindi naman lingid sa aking kaalaman na ang pag mamahal rin ang nag papanalo sa akin sa maraming laban dahil sa inspirasyon at lakas na ibinibigay nito. "Dati kapag dumaraan tayo dito sa kanto ni Bart ay hinahabol tayo ng mga tambay at binubugbog ngayon ay napaka boring na, tahimik ang buong paligid at walang nag tatangkang gumahasa sa akin. Kaya imposible iyang nasa panaginip mo dahil payapa ang buong mundo. Salamat nalang at mayroon tayong local na avengers no." ang wika ni Cookie habang nag lalakad kami "Diba ang panaginip ay madalas minsan lamang? At kapag nagising ka ay may pag kakataon na hindi mo na maalala ito. Pero yung panaginip ko ay kakaiba dahil halos gabi gabi ko itong nakikita, walang mintis. At kapag naman nagising ako ay tandang tanda ko pa rin ang bawat detalye sa panaginip na iyon." tugon ko naman "Alam mo pinsan stress lang iyan at marahil ay epekto iyan ng pag kawala ng kapangyarihan ng bato. Hayaan mo mamaya ay itetext ko si Bart at sasabihin ko na tabihan ka niya para mag s*x nalang kayo buong mag damag at huwag na kayo matulog. Walang tulog edi walang panaginip." ang wika ni Cookie sabay hatak sa akin sa loob ng taxi. "Saan po tayo mga boss?" tanong ng driver "Dyan sa Sossie Hotel, ang hotel ng mga susyal." ang wika ni Cookie sabay kuha sa kanyang face powder at nag lipstick pa ito yung kulay violet. Ako naman ay napatingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang maunlad at payapang siyudad, parang walang bakas ng trahedya o digmaang naganap dito bagamat ang batid kong nasa isip pa rin ng bawat isa ang masalimuot na panaginip na iyon. Tahimik. Nasa ganoong pag mamasid ako ng bigla na lamang magdilim ang buong paligid na parang natakpan ng kung anong bagay ang araw, gumapang ang kadiliman sa mga gusali at isa isang naagnas ang mga ito na parang mga abo. "Lahat ng madaanan ng dilim ay nagiging luma, naagnas at nagiging abo na lamang!" ang sigaw ko sa aking isipan sabay tingin kay Cookie. "Anong nangyayari?!" ang tanong ko ngunit laking gulat ko ng wala na si Cookie sa aking tabi, wala na rin ang driver ng taxi. Agad akong bumaba sa sasakyan at dito ay nakita kong burado ang buong paligid na para bang ginunaw ng hindi maipaliwanag na bagay. Patuloy sa pag usad ang kadiliman kaya naman nag tatakbo ako palayo dito. "Tulong!! Tulungan ninyo ako!" ang sigaw ko ngunit wala nang kahit ano sa paligid. Ito ang unang pag kakataon na binalot ako ng matinding takot dahil batid kong wala akong makakapitan, wala na ang bato, wala na akong kapangyarihan. Patuloy akong tumakbo hanggang sa isiksik ko ang aking sarili sa awang ng isang pader ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin sa pag ka gunaw ang buong siyudad. Mahangin, ang lahat ay nag liliparan at nagiging abo. Ilang dipa na lang ay malapit na rin akong kainin ng kadiliman kaya naman ipinikit ko na lang aking mata at kasabay noon ang isang malakas na liwanag na tumama sa aking harapan. Nag liliwanag ito ng husto at sinangga ng kanyang kulay gintong liwanag ang kadiliman. Nag laban ang kanilang liwanag.. "Kumapit ka sa akin Narding. Ang mundong ito ay pa gunaw na." ang boses ng liwanag. Pamilyar ito sa akin. "Ikaw ba iyan? Nardo? Ikaw ba ang anghel na si Nardo?" tanong ko "Wala na tayong oras Narding, kumapit ka sa akin. Bilisan mo." ang sagot niya kaya naman agad akong humawak sa kanyang balikat at kapwa kami nilukuban ng kulay gintong liwanag. Nilabanan ng liwanag na iyon ang kadiliman hanggang sa maramdaman kong lumipad kami patungo sa itaas. "Saan tayo pupunta?" ang tanong ko "Sa lugar kung saan ang simula ang lahat Narding. Ikaw ay nahaharap sa isang mabigat na tungkulin. At iyon ay mag sisimula na ngayon." ang wika niya at doon kitang kita ko kung paano naging abo ang buong mundo. Para itong papel na sinilaban at unti unting kumalat ang labi sa hangin. Nag wika ang anghel "Narding, iyan ang hinaharap, iyan ang hangganan ng buhay sa inyong mundo. Ito ay magaganap isang taon mula ngayon." Itutuloy..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Brother's Wife [GxG]

read
89.2K
bc

NINONG II

read
634.2K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

NINONG III

read
391.1K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.3K
bc

BAYAW

read
76.3K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook