Part 1: Mga Nawawalang Tinig
“Tulungan mo ako, Narding. Alam kong ikaw lang ang makakapagligtas sa akin dito," ang boses na narinig ko habang payapang nakalutang sa madalim na alapaap.
"Sino ka ba? Kilala ba kita?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ako kilala ngunit batid ko kailangan mo ako. Hanapin mo ako Narding, bilisan mo bago pa mahuli ang lahat," ang sagot niya sa akin.
"Bakit pa? Tahimik na ang buhay ko, tahimik na ang lahat ngayon. Wala na ang banta sa kalawakan dahil wala na si Xeno Alpha," ang sagot ko patuloy kong hinahanap kung nasaan ang tinig na iyon.
"Narding, kahit wala na si Xeno Alpha ay malawak ang kalangitan, marami pang parating, marami pang mas malakas kaysa sa kalabang inaakalang pinakamalakas na. Libo libo ang kalawakan sa itaas at ang Solar System ay isa lamang dito. Ang ilan sa pinakamalakas na mandirigmang iyon ay darating dito upang sakupin kayo. Hindi sila titigil at ang banta ay magpapatuloy, wala itong katapusan Narding," ang sagot niya at dito ay nagbago ang paligid. Ang kalangitan ay muling nagliyab at namula na parang may digmaang nagaganap.
"Nasaan ka? Sabihin mo sa akin!" ang tugon ko sa kanya.
"Nandito ako.. nandito lang ako Narding," ang sagot niya kasabay nito ang isang malakas na pagsabog sa kalangitan, nasilaw ako at tinangay ng malakas na pwersa. Ang aking kalasag ay unti unting nagbitak at sumabog dahilan para mawalan ako ng lakas.
Mabilis na bumulusok ang aking katawan sa ere na parang isang kometang bumagsak mula sa kalawakan. Makalipas ang ilang sandali ay bumagsak ako sa malawak na karagatan at wala na akong naalala pa.
Kasabay ng aking pagsinghap ay ang pagbalikwas ko ng bangon sa higaan. Hingal na hingal ako at naliligo sa aking sariling pawis. Bumalikwas rin ng bangon si Bart at hinimas ang aking likuran.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito.
Tumango ako at habang nasa ganoong posisyon kami ay napatingin ako sa mahiwagang bato na nakapatong sa aking drawer, nagliliwanag ito ng husto at maya maya ay bigla ring nawala. Noong mga sandaling iyon ay napaisip ako kung bakit tila dinadalaw na naman ako ng masamang panaginip. Mga pangitaing kahit ilang beses kong iwasan ay nakasunod pa rin na parang isang makapit na sumpa.
Hudyat ba ito panibagong pagsubok sa aming buhay? O hudyat na naman ng bagong panganib na sa amin ay naghihintay?
****
NARDING POV
"Ayan si Narding noong pilantod pa siya, pero tingnan niyo naman ngayon diba? Isa na siyang transformational man na may strong advocacy na magugustuhan ni ante Anne Jakrajutatip!" ang hirit ni Cookie habang ipinapakita niya yung mga lumang larawan namin sa landlord ng apartment na naming tinitirhan.
"Oo nga naman, kung titingnan ay malaki talaga ang pinagbago ni Narding. Maayos na ang pangangatawan niya ngayon ay hindi na siya patpatin," ang wika ng matandang bisita.
"Alam mo kung bakit gramps? Dahil laging pinaiinom ng gatas si Narding at kung minsan ay pinaliliguan siya rin siya nito, super milk bath! At isang espeyal na gatas iyon mula kay Papa Bart!" ang malanding hirit nito dahilan para takpan ko ang kanyang bibig.
"Kung ganoon maganda pa lang pampakinis at pampa gwapo ang gatas na tinitinda ni Bartolome? Sige, sabihin mo sa kanya ay oorder ako ng gatas niya," ang wika ng matandang landlord.
"Ay wiz mwader wiz, exclusive lang kay Nardweng ang gatwas ni Papwa Bwart!" ang maarteng sagot ni Cookie kaya naman sinuksukan ko ang pandesal ang kanyang bibig para hindi na ito makapag salita. At ako na ang nakipag usap sa aming landlord.
"Naku lolo Elly wag kang nakikinig dito kay Cookie dahil kung ano anong kalokohan ang sinasabi niyan. Narito po ang bayad namin ngayong buwan at eto na rin yung advance namin sa susunod," ang sagot ko sabay abot ng pera sa kanya.
"Salamat hijo, nakakatuwa talaga itong kaibigan mong si Cookie, naalala ko tuloy ang kabataan ko," ang wika ng matanda.
"Kabataan? You mean vaklush ka rin lolo? Sabi na nga ba e, OOU ka rin," ang hirit naman ni Cookie.
"Anong OOU?" tanong ng matanda.
"One Of Us! Sabi nga nga ba lolo, isa ka ring sanggre!" hirit nito.
"Hindi ah, hindi ako vaklush. Ang ibig kong sabihin ay noong kabataan ko ay marami akong kaibigang mga nasa ikatlong lahi na masasayahin at parating nagpapangiti ng kapwa. O sya, pupuntahan ko pa yung isang apartment doon sa kabilang kanto. Maraming salamat sa inyo, Narding at Cookie," ang wika ng matanda habang nakangiti.
"Idamay ba si Lolo Elly sa kalokohan," ang wika ko naman kay Cookie.
"Alam mo my dear Narding, sobrang proud lang ako sa glow up mo. At sobrang proud lang ako sa mga narating natin, sa magandang back story na mayroon tayo. Biruin mo sampaguita vendor tayo noon na pakalat kalat sa kalsada kumakanta kanta ng Bituing walang ningning na parang si Sharon Cuneta. Tapos nakatira tayo noon sa madrasta natin mayroon dalawang halimaw na anak. Pero ngayon nandito na tayo sa pinaka maunlad na city at nakatira sa airconditioned na apartment. Ang saya sayang natin diba? Tapos mayroon ka pang gwapong lalaki na maraming malalaking sawa. You're such a very very lucky girl," ang hirit ni Cookie.
"Sira ka talaga, pero natutuwa ako dahil sa kabila ng maraming panganib, maraming digmaan at walang katapusang labanan na pinagdaanan natin ay buhay ka pa rin. Malay mo sa susunod na adventure natin ay matuluyan ka na," ang biro ko naman.
"Ay jusko, wag naman Narding! Ayoko pang mamatay! Wala pa akong lalaki diba? Hindi pa ako nakakatikim ng handsfree c*m habang tinotordyak ng malala. Saka ayoko na ng mga digmaan at labanan na iyan. Payapa na ang buhay natin ngayon at halos matagal na tayong nananahimik. Gusto mo pa ba ng adventure? Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong ganito na lang. Minsan nga ay itinatanong ko sa sarili ko kung mayroon bang bagong generation ng super heroes na darating? Wala bang mahanap si Gun ng bagong sibol ng baklitang magtatanggol sa Earth? Talagang sa atin na lang palagi ang responsibilities? Kasi feeling ko sagad na tayo, graduate na, quotabels na!"
Natahimik ako, kung ako ang tatanuningin ay parang ayoko na nga ng adventure, ayoko na rin ng labanan. Halos limang taon na ang nakalipas magbuhat noong matapos ang labanan sa buwan kung saan nakasagupa namin si Xeno Alpha. Iyon ang pinaka mahirap at pinakamagulong digmaan na aming naranasan at hanggang ngayon sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko pa rin ang lahat, katulad ng mga pagsabog, pagyanig at pati ang aking sariling pagkamatay. Ilang taon na rin pero hindi pa rin ako nakaka move on dahil ang takot at kaba sa aking dibdib ay nandito pa rin ito sa aking dibdib.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang madugong labanan na ang pinagdaanan ko mula kay Serapin, sa malagim na anino ni Gamal hanggang sa pinakamalakas na ama ng kalawakan na si Xeno Alpha. Halos lahat ng ito ay inilagay sa tiyak na panganib ang buhay ko at gayon rin ang mga kapanalig na tumutulong sa akin. Saksi ako sa hirap na pinagdaanan ng bawat isa, mula kay Jorel, Nai, Ace at Irano. Gayon pa man ay maswerte ang mundo dahil mayroong mga kagaya nila nagtatanggol dito. Ngunit ang tanong ay hanggang kailan namin kakayanin? Hanggang kailan kakayanin ng mahiwagang bato ng anghel?
Tahimik..
Napabuntong hininga ako..
Halos ilang taon na rin magbuhat noong huling beses kong makausap si Rashida, pakiramdam ko ay mag isa na lamang ako dahil wala akong gabay. Kapag nagpapalit ako ng anyo bilang si Super Nardo ay parang may kulang dahil hinahanap hanap ko ang tinig ng anghel o kaya ay ni Rashida.
Noong mga sandaling iyon ay naisip kong payapa na ang mundo pero ang aking isipan ay magulo pa rin. Hanggang ngayon ay balot pa rin ako ng takot at pangamba. Mga bagay na hindi ko maiwasan at hindi ko maiwaksi sa aking isipan.
"Nagbayad na nga pala ako ng upa dito sa apartment, saka nagbigay na rin ako ng advance. Kumusta ang work mo?" tanong ko kay Bart noong makauwi ito.
Si Bart ngayon ay nag t-trabaho bilang concierge sa isang five star hotel dito sa siyudad. Katulad ng dati ay nag p-part time pa rin siya bilang isang modelo. Dati pa rin ang anyo ni Bart, walang nagbabago at mas lumaki pa ang katawan niya ngayon dahil sa kaliwa't kanang pag wowork out. Maayos naman ang aming relasyon, bagamat hindi ito smooth sailing katulad ng iba. Simula noong matapos ang digmaan ay nagsama na rin kami ng tahimik at payapa. In short ay nabuhay kami ng normal at ngayon ay mas matutunan niyang kontrolin at itago ang kapangyarihan niya na nakuha kay Serapin at sa diyos nitong si Cura. Ordinaryong tao lamang kami kapag nasa labas, sino ba naman ang mag aakala na maraming beses na naming niligtas ang mundo.
Nitong nakalipas na taon ay dumaan ang relasyon namin ni Bart sa ilang pagsubok, ito ay may kinalaman sa pag-unlad ng aming mga sarili. Pero gayon pa man ay nandito pa rin kaming dalawa at magkasama sa iisang bubong, nagtutulungan na parang mag-asawa.
"Itabi mo na lang itong sahod ko, isama mo sa ipon natin o bumili ka ng gamit dito sa apartment. Nga pala, ano bang nangyari sa iyo kagabi? Nananaginip ka na naman ba ng hindi maganda? Okay na yung problema natin diba? Maayos na tayong dalawa? Ilang taon na rin at masaya ako dahil nandito pa rin tayong dalawa. Hindi ako bibitiw sa iyo, mahal na mahal kita. Huwag ka na magworry ha," tanong ni Bart sabay yakap sa akin.
Tumango ako, "don't worry dala lang siguro ito ng sobrang stress," ang sagot ko na lang. Paano ko ba sasabihin yung napanaginipan ko kagabi? Mas okay siguro na manahimik na lang muna ako kaysa magulo ko pa ang isipan nina Bart at Cookie.
"Halos ilang years ng payapa ang buhay natin. Magbuhat noon ay wala namang nangugulo diba? Huwag kang masyadong nag iisip ng kung anu-ano para di ka na stress," ang malambing na wika ni Bart sabay halik sa aking labi. Kinuha niya ang twalya at saka pumasok sa banyo para maligo. Samantalang ako naman ay naiwan lang na nakatayo sa harapan ng aking drawer. Maya maya ay kinuha ko ang bato at pinagmasdan ito mabuti.
"Hon, gusto mo bang magbakasyon muna tayo? Naisip ko lang na baka na s-stress ka na dito sa siyudad. Baka hinahanap hanap mo yung katahimikan doon sa probinsya?" tanong ni Bart sa akin habang abala ito sa pagsasabon ng kanyang katawan.
Nangiti ako, "ano ka ba hon, okay lang ako. Huwag mo nga akong alalahanin. Masarap magbakasyon sa probinsya pero paano naman yung mga work natin diba? Saka okay na sa akin yung nandito ka at kasama kita."
"Kung magsalita ka ay parang ang layo ng probinsya, kahit nga sa planet pluto kaya mong magpunta ng mabilis," ang natatawang wika ni Bart.
"Ikaw, wala ka bang nararamdamang kakaiba?" tanong ko sa kanya.
"Kakaiba katulad ng?"
"Yung kapangyarihan mo, maayos na ba ito? Sumagi ba sa isipan mo na magpalakas pa?" tanong ko ulit.
"Hmm, maayos naman ako. Alam mo malakas naman talaga itong kapangyarihan na nakuha ko kay Serapin. Kaso nga lang ay pang ilang salin na rin ito bago mapunta sa akin kaya hindi ganoon ka lawak. Kaya nga kinailangan kong gawan ng remedyo ang sarili ko para mas lumakas ako at mapakinabangan sa labanan. Gusto ko lang naman na maging maayos ang kalagayan ko at magkaroon ng bagong pwersang magagamit kung sakaling may dumating na kalaban na ka-level nina Yuxzi o Xeno Alpha. At iyon ang dahilan kaya’t mas pinili kong maging malakas, kahit na nag-ugat ito sa hindi pagkakaunawaan natin nitong nakalipas na taon. Sinunod ko lang naman ang mga sinabi ni Cura at isa pa ay natakot lamang ako na mawalan ng kapangayarihan ang binhi sa aking katawan at MAS lalong natatakot ako na iwanan kang nag-iisa dito,” ang paliwanag ni Bart na may halong lungkot sa mga mata.
"Lagi ka namang tumutulong sa akin, saka huwag na natin pag usapan yung tungkol sa nakaraan. Ako nga ang nagwoworry e, I mean sa sarili ko. Minsan napapaisip lang ako, paano kung may dumating na mas malakas na kalaban? Kaya ko pa kaya? Lalo't nararamdaman ko na yung bato ay parang nauubusan na rin ng enerhiya."
Lumapit sa akin si Bart habang nagpupunas ng matipunong katawan, "pakiramdam mo lang siguro iyon dahil nasanay kang nariyan si Rashida o yung Anghel na si Nardo bilang gabay mo. Kaya ngayon wala na sila ay parang nararamdaman mong humihina ka. Huwag kang mag-alala, narito naman ako para protektahan at gabayan ka lagi. At kung may kalabang dumating edi labanan natin at pagtulungan hanggang sa magtagumpay," ang nakangiting wika niya.
Noong mga sandaling iyon ay nakatahimik lang ako habang nakatanaw sa asul na kalangitan. Tama rin naman ang sinabi ng tinig na iyon sa aking panaginip, na ang kalawakan ay literal na walang katapusan kaya't ang posibilidad ay wala ring hanggan.
Inihahanda lang ba ako ng tinig na iyon sa mas malaking responsibilidad? O baka naman alam niyang napag iiwanan na ako at ang aking lakas ay hindi na sapat?