Part 1: Tag-araw
The Soldier And I
Book 3
July 27, 2020
AiTenshi
Location: Z Island
Mataas ang sikat ng araw, kakaibang init ang nanunuot sa aming mga katawan, kasabay nito ang malalakas na pagsabog sa paligid na habang lumalaon ay nagiging isang magandang musika sa aming pandinig.
"Takbo mga bes! Ayan na sila!! Ayoko ng ganitong eksena! Ayoko talaga ng ganitong klaseng scene! Kung pwede ko lang i-skip ang chapter na to sa buhay ko ay ginawa ko na! Run! Isang maling moves? Tigok!" ang sigaw ni Ed habang nag kakandarapa sa pag takbo palayo sa mga kalaban.
"Bilisan niyo ang pag takbo, ang asinta ay sa ulo! Bawal mag mintis! Masyadong mabilis ang kalaban kaya't kailangan mag focus. Pataas na ng pataas anga raw kaya mas lalo silang nagiging agresibo!" ang sigaw ni Agaton sabay kalabit sa gatilyo ng kanyang baril.
"Paano mag f-focus e ibang level na itong mga kalaban natin. Okay sana kung ganoon lang sa walking dead kaso hindi e. Galing yata ito sa Busan o sa Peninsula!" ang sagot ni Ed sabay akyat sa ibabaw ng sirang bus kung saan ako naka pwesto para umasinta hawak aking sniper rifle. “Ed, huwag kang magulo, hindi ako makapag focus!” ang sigaw ko naman.
"Frend, umalis na tayo dito! Hindi pang train to Busan ang beauty ko at lalong hindi pang zombie land. Mula sa Civil War sa Syria, napunta tayo sa Metal War sa Heat Island. Ngayon naman nandito tayo sa Z Island na apektado ng kung ano epidemya! Ayoko na talaga!!" ang sigaw ni Ed at habang nasa ganoong pag mamaktol ay bigla nalang siyang hinila ng isang lalaking infected at mabilis kinagat ito sa binti.
Pati ako ay nagulat at nataranta rin!
"Ed!! s**t! Nakagat si Ed!!" ang sigaw ko sabay saksak sa ulo ng infected na babaeng bangkay na umaakyat sa bus para atakihin kami.
"s**t! Sabi ko mag focus kayo! Bakit hindi kayo naka alerto!" ang sigaw ni Agaton habang bumabaril.
Agad namang romesponde si Bryan hawak ang palakol sa kanyang kamay. "Argh! Ayokong mamatay! Ayokong pumanget katulad nila! Ayokong maging cast ng walking dead! I don’t wanna die!" ang pag iyak ni Ed habang naka bulagta ito.
"Shhh, hindi ka mamatay. Kailangan mo lang tiisin ang sakit para maisalba ka." ang wika ni Byran sabay tawag kay Francis sa kabilang bus.
Nag tatakbo si Francis at mabilis na lumundag patungo sa amin. "Bilisan niyo bago pa kumalat ang virus! Ayoko pang matigbak! May anak ako mga besh!" sigaw ni Ed na parang mamatay na sa takot halos nag hahalo na sipon at luha sa kanyang mukha.
"Alalayan mo si Ed, ako na bahala sa paa niya!" ang utos ni Bryan kay Francis kaya naman agad nitong hinawakan si Ed at pinakalma ito. "Relax, magiging maayos rin ang lahat." ang wika ni Francis.
"Teka, ano bang gagawin mo?" tanong ko kay Bryan.
Tumingin siya sa akin ng seryoso at pinakita ang palakol. "Huwag mo sabihing? Ayokong makita!" ang tugon.
"Tama ka, wala ibang paraan kundi ang putulin ang apektadong parte ng katawan niya bago pa kumalat ang virus!" ang sagot ni Bry.
"What? Teka, ayoko! Palakol talaga? Ang retro niyo ha! Hindi ko kaya, ngayon palang ay naiihi na ako sa salawal! Please! Wala bang ibang paraan?" pag atungal nito
"Walang ibang paraan, kesa mamatay at maging isa sa kanila! Titiisin mo ang sakit dahil wala na tayong oras!" ang sagot ni Bryan sabay taas ng palakol!
"Heto naaaa!"
"Aarrghhhh!" ang umaalingawngaw na sigaw ni Ed na halos rinig sa buong isla dahilan para mag liparan ang mga ibon sa puno at mag sipag alisan ito.
Ito ang misyon na babago sa takbo ng aming mga buhay..
Part 1: Tag Araw
Ang mga nag daang misyon sa buhay namin ay masasabi kong parang isang libro na puno puno ng aksyon, emosyon at pinag halo halong damdamin. Mula sa aking pag pasok sa Special task force at sumabak isang civil war sa Syria. Hanggang sa muling kumatok ang kapalaran at dalhin kami sa agos ng buhay patungo sa isang Metal War sa Heat Island kung saan ang lahat ay ginawang mapaminsalang bakal. Limang taon na rin ang nakalilipas mag buhat noong mangyari ang aming mga kakaibang misyon. Ngayon kami ay nakayakap sa aming mapayapang buhay na malayo sa kaguluhan at kapahamakan.
Tila isang mahabang panaginip ang mga pangyayari noong mga nakaraang taon, may pag kakataong nag babalik ito sa aking isipan kaya kadalasan ay natatahimik nalang ako at napapa tulala ng ilang saglit.
Matapos ang kasal namin ni Bryan ay inayos na rin namin ang opisyal na dokumento para sa pangangalaga kay Angelo at para maging ganap akong magulang sa kanya. Lalo't ngayon ay nag aaral na ito at puro kalokohan ang ginagawa sa paaralan.
"Oh bakit ganyan ang itsura mo, ayos ka lang ba?" tanong ni Bryan noong pumasok ako sa aming silid. Nadatnan ko itong nag bibihis ng boxer at sando. Ang kanyang uniporme ay tinambak lang sa kung saan na parang isang ahas na nag hunos sa sahig, “Hoy, Turalba ilang beses ko bang sasabihin na yung mga pinag hubaran mo ng damit ay ilalagay mo sa laundry basket.” ang sermon ko habang pinupulot ang mga ito. “Tsk, kainit ng ulo mo, ano bang problema?” tanong niya.
Umupo ako sa kama at inalis ang aking uniporme sa opisina. "Matalino si Angelo, nasa top 2 pa rin ito. Ang problema lang ay parating may dalang laruang baril sa bag, may mga kutsilyo, granada at mga bomba. Kahit laruan lang ang mga ito mukha pa ring totoo at natatakot yung mga teachers niya. Ang mga laruan daw ng anak mo ay puro deadly at nakiki usap sila na huwag masyadong iexpose si Angelo sa mga gawain ng army."
Natawa si Bryan. "Natural maeexpose yung bata, yung lolo niya retired commander ng Army, tayong dalawa ay dating High Rank Specialist sa SF task force unit. Syempre ay nag i-idolized yung bata kaya ginagawa niya ito. At isa pa ay nabasa mo ba yung assignment niya? Ang gusto niya ay maging katulad ni Daddy Bryan.” ang naka ngising wika nito sabay tabi sa akin.
"Ah basta, bago pumasok si Angelo ay ichecheck mo yung mga bulsa ng bag niya dahil manang mana ito sa ugali mo. Ibinilin ko na rin kay mama na huwag pag dadalhin ng laruan yung bata sa school. Di bale sana kung mga laruang kotse o eroplano ang dala niya. Puro mga pellet gun, shut gun at may pekeng army knife pa." ang wika ko sabay tayo sa kama at agad akong kumuha ng towel para maligo.
"8 years old palang yung bata, natural ipag mamalaki niya sa mga kalaro niya yung mga gamit niya, ang mamahal kaya ng bili ko sa mga iyon." ang wika ni Bryan habang naka tayo sa pinto ng banyo at pinanood akong mag kukos ng sabon sa katawan.
Humarap ako sa kanya. "Kaya nga next time puro educational na laruan ang bibilhin ko, yung mga puzzles, yung mga crosswords, yung mga quiz bee at mga riddle para mas lalong mahasa ang utak niya. At huwag mo na rin siyang panonoorin ng mga gerahan sa pelikula. Kukuha ako ng mga educational na palabas para iyon nalang ang panoorin niya."
"Bibigyan mo lang ng sakit ng ulo at frustrations yung anak natin hayaan mo siyang mag laro kasama ng ibang bata. Saka babe, kakain ka nga ng marami, hindi masyadong maganda yung mapayat. Para kang thai actor na parating binubugbog sa pelikula. Tapos wala na rin akong makagat sayo, pati yung gawi dito ay umimpis na rin. " ang wika nito sabay tapik sa aking pwet.
"Sira, doon ka na nga, baka mabasa iyang damit mo."
Ang normal na buhay namin ni Bryan sa loob ng limang taon. Ako ay nag tatrabaho sa isang banko bilang isang branch manager at si Bryan naman ay nag ttraining nalang ng mga pabagong sundalo sa kampo kapalit ni papa. Sa nakalipas na mga taon wala kaming ginagawa kundi ang maging masaya, walang panganib, walang gera, walang barilan at walang mga bagay na sumusubok sa aming katatagan. Ang mga nag daang misyon ay napapanaginipan ko pa sa gabi, nariyan yung hinahabol ako ng maraming robot, mga malalaking metal na gumugulong sa lupa at narirnig ko pa rin ang malalakas na pag yanig. Ang Heat Island ay parang isang bangungot at ayoko na itong maulit pa.
Ngayon ay nag eenjoy kami sa tag araw kung saan panandalian kaming binigyan ng bakasyon para mailibot si Angelo sa iba't ibang lugar. Gusto namin na ibigay sa kanya ang lahat ng ligaya bilang isang bata kaya't kahit sa ibang bansa ay dumadayo kami para libutin ang mga amusement park doon. Gusto naming ipakita ang ganda ng mundo na minsan ipinag laban namin gamit ang aming mga tapang kakayahan. Ang nakakatuwa ay kilala ang pangalang Allandel Dela Rosa, Bryan Turalba at Emilio Diego sa ibat ibang bansa lalo na sa mga task force na umiidolo sa amin bilang miyembro ng SF unit.
"Syempre naman, bongga ang tingin sa atin ng ibang mga government sa different countries. Hindi naman kasi biro ang mga misyon na pinag daanan natin no. Lalo yung last mission natin sa Metal War, jusko hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Kaya nga lumalagay na ako sa tahimik kasama ng baby Dragon ko. Ang gusto ko nalang ngayon ay ibigay ang the best para sa kanya, maging isang ulirang ina at ama para naman maipag malaki niya ako sa mga opening speech niya kapag naging beauty queen na siya." ang hirit ni Ed sabay tapik sa kamay ni Angelo. "Huwag kang mag laro, sagutin mo yang mga questions. Hindi na kita itu-tutor kapag matigas ang ulo mo.” suway nito sa aking anak dahilan para matawa ako.
"Gelo, makinig ka kay Ninong Ed mo, mamaya kana mag laro. Ang hirap kumuha ng mag tuturo sa iyo dahil wala nang bakanteng tutor doon sa mga schools. Mabuti nga nandyan si ninong Ed mo na mahal na mahal ka." ang suway ko sabay kuha ng laruang sniper na kanyang hawak. "Kaya nga ayoko na ring sumabak sa SF unit, mag recruit na sila ng ibang member, mahusay naman si Agaton at Jack, tiyak na mas magiging magilas ang task force sa kanila."
"Dapat lang no, saka ako ay isang full time mother and father na ngayon. Alam mo naman matapos iire ni Sherrie Gil, yung anak niya ay ibinigay na sa akin. Ang gaga hindi na bumalik, sumama na raw sa Hapon at tumira doon sa ibang bansa."
"Sabi na nga ba, noong nag karoon ka ng amenesia dati ay kung sino sinong babaeng ikinakama mo. Nag bunga tuloy ito. Nakita pa nga kita doon sa kwarto mo, daig mo pa yung pornstar kung humataw ka doon sa babae mong iniuwi. Proud na proud tuloy ang tatay mo noong mga oras na iyon, kulang nalang ay ifilm ang ginagawa niyo at ibenta ito sa bangketa" ang wika ko na may halong pang aasar.
"Aarrgh! Stop ayoko ng marinig iyan dahil baka di nanaman ako maka kain. Sa tuwing naiisip kong kumain at tumuhog ako ng kauri ay parang nalalason ako at nawawalan ako ng ganang mabuhay." ang pag iyak ni Ed
"Sira, mag pasalamat ka dahil sa pangyayari iyon ay nag karoon ka ng kasama sa buhay. Basta kung anong maitutulong para sa anak mong si Quinn ay sabihin mo lang sa akin."
Naiyak si Ed. "Si Quinn, pag laki niya ay magiging ganap siyang beauty queen. Hindi mag tatagal ay tatawagin siyang Queen Quinn. Ngayon palang ay nagiging emotional na ako kapag naiisip kong siya na ang katuparan sa aking mga pangarap."
"Basta huwag mong pilitin yung anak mo sa mga bagay na ayaw niyang gawin. Kung ano ang ikaliligaya niya ay dapat suportahan mo iyan. Iyan ang essence ng pagiging isang magulang." ang wika ko.
"Kung sa bagay tama ka doon frend, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may anak na ako." ang sagot ni Ed at habang nasa ganoong posisyon ito ay biglang may dumikit na bala ng laruang baril sa kanyang noo. "Bullesye! Tapos na po ninong!" ang wika ni Angelo.
"Arekup, manang mana ka talaga sa tatay mong si Bryan, pareho kayong pilyo. Kung hindi ka lang cute baka tiniris na kita." ang gigil na hirit ni Ed.
Pinaka maganda ang sikat ng araw kapag tag araw. Para itong isang bahagi ng aming buhay kung saan ang mga kaganapan ay punong puno ng kasiyahan. Tuwing sumusulyap ako sa kalangitan ay mas lalo kong naappreciate ang ganda ng mundo, ngayon ko pa lamang ninamnam ang sarap ng mabuhay ng mapayapa at walang pangambang anumang oras ay mag wawakas ito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim..
Tahimik..
Noong imulat ko ang aking mga mata ay napansin kong nag iba na ang paligid. Naging madilim na ito, malakas ang hangin at ang lahat ay naging magulo na. Agad akong tumayo para hanapin sila Ed at Angelo pero wala na sila paligid. "Ed! Gelo!!" ang sigaw ko habang tumatakbo.
Ang mga lamesa, ang mga silya ay nag liliparan sa lakas ng hangin.
Maya maya ay nag simula nang yumanig ang paligid at noong mapatingala ako ay kakaibang ingay na ng mga pag sabog ang aking narinig at nakita.
Daan daang eroplano ng task force ang nag liliparan sa kalangitan at mayroon silang kalaban doon sa himpapawid. Ang sasakyang hugis plato na kakaiba ang anyo..
Naging magulo ang buong kalangitan hanggang nag bagsakan sa paligid ang mga nawasak na parte ng mga sasakyang nag liliparan mula sa itaas! Ang mga ito ay tumama sa aming bahay, sa labas ng tarangkahan at ang pinaka malaking parte ay nakita kong bumabagsak sa aking itaas ilang diba nalang ang layo!
Nanlaki ang aking mga mata, gustuhin ko mang tumakbo at sumigaw ay hindi ko na nagawa dahil nanigas na ang aking mga paa sa lupang aking kinatatayuan..
Kumabog ng malakas ang aking dibdib at kasabay nito ang pag tama ng bala ng laruang baril sa aking noo dahilan para magising ako mapabangon mula sa silya.
"Papa, tapos na po ako mag study." wika ni Gelo.
Ako naman ay nahinga nalang ng malalim at napatingin kay Ed na parang natatakot. "Ano nanaman arte iyan frend? Kanina pa naiinip itong anak mo, dalhin mo na daw siya sa kampo dahil tuturuan siyang humawak ng rifle gun ng papa niya. Ayos ka lang ba?"
Tumango ako. "Oo, ayos lang ako. Nanaginip lang ako ng masama." ang tugon ko sabay sandal sa silya at dito ay napatingin nalang ako sa kulay asul na kalangitan habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib.
Itutuloy..