bc

Ang Sumpa ni Ibarra (BXB FANTASY)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
6.7K
READ
adventure
time-travel
inspirational
fairy
twisted
mystery
magical world
another world
supernatural
mxm
like
intro-logo
Blurb

"Ibarra, kahit isumpa mo ako ng paulit ulit ay tatanggapin ko. Bakit? Dahil para sa akin, ang iyong sumpa ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. "

Gumising si Leo Lagdameo na halos palugi na ang negosyong ibinigay ng kanyang ama. Paano nalang ang ang pag nanais niyang maging mabango sa paningin ng kanyang ama? Kailangan niyang may mapatunayan dito kaya naman pumasok sa kanyang isipan na kumuha ng mga troso at materyales sa pinaka magandang Bundok sa kanilang lugar na kung tawagin ay Hiraya. Alam naman ng lahat sa lugar na iyon na ito ay mahiwaga at pinamumugaran ng iba’t ibang elemento, ngunit si Leo ay sadyang matigas ang ulo kaya’t hindi pa rin ito napigilan sa kanyang nais. Ang paniniwala sa mga ganoong bagay ay isang malaking kabaliwan para sa kanya at walang makapipigil sa kanyang pag nanasa na makuha ang kanyang nais.

Dinala ni Leo ang mga kanyang tauhan sa Bundok ng Hiraya, noong una ay normal naman ang lahat, mataas ang sikat ng araw, maganda at kaakit akit ang paligid. Ngunit ang napag tataka ay tila paulit ulit na lamang ang kanilang nakikita hanggang sa matakot na ang kanyang mga tauhan sa paniniwalang sila ay na eengkanto na. Ngunit hindi ito sapat para maniwala si Leo, patuloy pa rin siyang nakipag sapalaran hanggang sa pag pasok sa pinaka gitna ng Bundok ay naka kita na sila ng mga kakaibang nilalang katulad ng higanteng sawa, malalaking ibon, mga nag lilipang asul paru paro na nag liliwang ang mga pakpak at kung ano ano pa. Ang lahat ay binulag ng matinding ilusyon hanggang sa matagpuan ni Leo ang kanyang sarili na nag iisa na lamang sa naturang bundok na iyon.

Si Ibarra ang tumulong kay Leo upang makalabas sa mahiwagang lupain ng Hiraya, ngunit sa kanyang pag labas ay hindi na normal ang lahat dahil dito na magaganap ang pangyayaring gugulo sa takbo ng kaniyang buhay. Dito mabubuksan ang mga misteryo at sikreto ng kanyang nakaraan. Ang pag tapak ba niya sa bundok na iyon ay isang biyaya? O isang malaking sumpa?

chap-preview
Free preview
Part 1: Ang Bundok ng Hiraya
Ang Sumpa ni Ibarra Ai_Tenshi Aug 15, 2020 "Pero boss, hindi na natin maaaring ituloy ang operasyon doon sa itaas ng bundok dahil kulang na tayo sa mga tauhan. Ang ilan sa kanila ay umuwi na sa kani-kanilang probinsya dahil lubhang mapanganib daw ang mga trabaho dito sa hacienda," wika ni Eman ang aking katiwala sa negosyo. Ramdam ko ang takot sa kanyang pag sasalita, mabilis ito at nauutal. "Ano naman daw ang dahilan ng pag alis nila?" tanong ko habang abala sa pag susuri ng mga papeles at iba pang dokumentong nakatambak s lamesa. "Eh Boss, alam kong nakakatawa pero iyon talaga ang dahilan. Maraming mga bagay na hindi basta basta maipaliwanag. Katulad na lamang ng mga engkanto at kung ano anong kababalaghan na nakakasagupa namin sa lugar na iyon. Delikado boss, maniwala ka. Pag tumapak ka sa lugar na iyon ay para bang hihilahin ka nito patungo sa pinaka malayong parte at parang hindi kana makakabalik pa." "Engkanto? Kababalaghan? Tangina ke tatanda niyo na naniniwala pa kayo doon? Year 2000 na ngayon, lahat ay high tech na, utak nyo na lamang ang hindi! Humanap kayo ng mga tauhan at palitan ang mga walang bayag na umalis sa kanilang trabaho. Ayoko na marinig ang tungkol sa mga walang kwentang dahilan na iyan. O baka naman yung gagong iyon ay nag ddrugs? Nakataggap ako ng report mula sa isang empleyado na yung grupo daw nila Abog ay tumitira ng ipinag babawal na gamot? Baka naman pati ikaw ay ganoon rin Eman? Alam niyo kapag lutang at sabog ang mga isipan ninyo ay talagang halusinasyon ang kababagsakan ninyo. Kung ayaw nila ay hayaan niyo sila, maraming may kailangan ng trabaho dito, simple gawain lamang diba? hindi naman mabigat ang trabaho para alisan at katamaran ninyo." Hindi naka imik si Eman, para itong binusalan ng kung anong bagay sa bibig. "Opo boss. Pasensya na, pero hindi ako nag ddrugs at naniniwala ako sa mga bagay na hindi maipaliwanag na iyon." Napabuntong hininga ako "Ayos lang. Kumuha kayo ng tig iisang baril sa kamalig. Barilin nyo ang lahat ng mga engkanto, diablo o lamang lupa sa bundok na iyon at ituloy nyo ang ating operasyon! Isipin ninyo ang pamilya ninyo kapag nagutom ang mga ito. Kung papairalin ninyo ang ganyang pag iisip ay baka pare-parehong mamuti ang mga mata natin sa matinding kalam ng sikmura. Sige na, gawin ang dapat gawin." "Sige po boss," sagot ni Eman na mayroong pag aalinlangan pa rin. Napabuntong hininga pa ito bago lumabas sa aking opisina. "Engkanto?  kalokohan," ang bulong ko sa aking sarili at kasabay noon ang pag tayo sa aking upuan. Lumakad ako sa harap ng bintana at pinag masdan ang naturang bundok ng kayamanan. Ang lugar na babago sa takbo ng aking buhay. Part 1: Ang bundok Hiraya Ako si Leo Lagdameo, 25 na taong gulang. May taas na 5'8 at mayroong magandang pangangatawan. Nag tapos ako sa kursong psychology sa ibang bansa ngunit hindi ko naman nagamit ito dahil na rin sa kagustuhan ng aking ama na patakbuhin ang kanyang negosyo dito sa probinsya kaya naman wala akong nagawa kundi ang sundin ito. Ang aking ama ay isang sindikato, yumaman kami sa pamamagitan ng pag angkat at pag bili ng ipinag babawal na halamang gamot, pakikipag sabwatan sa mga terorista at pag patay kapalit ng malaking halaga ay ninegosyo na rin nila. Iyan ang dahilan kung bakit naging marangya ang aming pamumuhay, ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakahiga pa rin kami sa pera. Ang negosyong ipinasa sa akin ni papa ay pagawaan ng mga muwebles, mamahaling furniture at mga nililok na imahe gamit ang mga puno. Sa amin nag mumula ang magaganda at dekalidad ng lumber na siyang ginagamit sa pag tatayo ng mga bahay at kung ano ano pa. Marangal at maayos ang negosyong ito, iyon nga lang ay ilegal ang pag putol ng mga puno sa kabundukan dahil ang ilan sa mga ito ay nakakalbo na. Ngunit wala akong paki alam doon, ang negosyo ay negosyo kaya't walang personalan, ang lahat ng ito ginagawa ko para sa aking anak na si Tobi na ngayon ay 5 na taong gulang na. 20 years old ako noong makadisgrasya ako ng babae dala ng kapusukan habang nasa kalagitnaan ng pag aaral. At matapos itong manganak ay iniwan na lamang sakin ang bata na parang isang kuting at hindi muling nag pakita pa. Ang usap usapan ng kanyang mga kaanak ay natakot daw itong maging parte ng pamilya ko dahil na rin sa reputasyon ng aking ama bilang isang sindikato. Umalis siya at nag tungo sa ibang bansa para makalayo. Kinuha ko ang bata, at dahil nga sa may kaya naman ang aking pamilya ay nag pasya na lamang sina mama na alagaan ito habang ako ay nag aaral naman sa kolehiyo hanggang sa makapag tapos. Mabait na bata si Tob, malambing at mahilig mag basa ng mga libro, lahat ng luho ay ibinigay ko sa kanya dahil nais kong punan ang pag kukulang ng isang kanyang ina sa paraang alam ko bagamat may pag kakataon na nag hahanap ito at mas nagiging matanong tungkol sa kanyang pinag mulan ay naririto naman ako upang alalayan siya sa kanyang pag laki. Hindi ko rin maitatanggi na para kaming pinag biyak na bunga, halos kamukha ko si Tob noong bata pa ako. Iyon nga lang ay wala akong masyadong matandaan sa aking kamusmusan. "Mukhang mainit yata ang ulo mo Leo," tanong manang Bering habang pinag hahain ako ng almusal. 58 anyos si manang at siya ang tumayong nanay ko dito sa hacienda. Siya rin kasi ang nag palaki sa akin kaya't malapit ako sa kanya higit pa sa aking tunay na magulang. "May maliit na problema lamang doon sa mga tao ko. Ang lahat ay nag umuuwi dahil hindi raw ligtas ang umakyat sa bundok ng Hiraya upang kumuha ng troso. Halos nakaka 40 katao na ang nawawala sa akin. Lintik talaga! Ang hindi ko matanggap ay ang mga kabaliwan nila. Kaya nga sumagi sa isip ko na ipadrug test yung mga tauhan ko baka naman naka tira ng kung ano kaya nagiging malikot na ang isipan nila," reklamo ko sabay sindi ng sigarilyo binuga ko ang usok nito na kumalat sa paligid. "Sana ay nakinig ka lamang sa mga tauhan mo. May mga bagay lamang talaga na mahirap ipaliwanag kaya't hindi natin sila masisisi. At isa pa ay itigil mo na ang pag hitit ng sigarilyo dahil baka gayahin iyan ng anak mo.Yung mga upos ng sigarilyo mo ay pinag lalaruan ni Tob ay yung iba ay sinisindihan niya para hititin, iyang anak kung anong makita sa iyo ay siyang ginagawa rin niya," wika ni manang Bering sabay kuha ng yosi sa aking bibig. "Mga bagay na mahirap ipaliwanag? Katulad ng ano? Engkanto? Lamang lupa? Mga aswang at tikbalang na naninirahan sa bundok na iyon? C'mon manang Bering, walang ganoon sa mundo dahil ang lahat ng iyon ay kathang isip lamang. Kwentong barbero na pinag pasa pasahan hanggang sa lumala at paniwalaan ng lahat. Alam mo ba kung ano ang meron sa bundok na iyon? Walang iba kundi pera, maraming maraming pera dahil sa maraming puno at magagandang kalidad ng kahoy na nandoon, kapag nakuha natin ang mga iyon ay tiyak na hihiga nanaman tayo sa kwarta," sagot ko naman. "Leo, hindi ka dapat nag sasalita ng ganyan, may tainga ang bundok Hiraya, tiyak na naririnig tayo ng mga nilalang na nakatira doon. Bata pa lamang ako ay marami na akong kwentong naririnig mula sa mga mamayan sa aming bayan, ang bundok ng Hiraya ay pinamumugaran ng mga Engkantado at Engkantada na siya nag poprotekta sa buong kabundukan. Maging ang aking yumaong asawa ay naging saksi sa mga ito noong maka kita siya ng isang gintong palasyo sa gitna ng kagubatan, kumikinang ito at nag liliwanag ngunit noong matamaan ito ng liwanag na nag mumula sa buwan ay bigla lamang itong nag laho sa kawalan. May mga mangangaso rin ang nag kkwento ng kanilang mga nasaksihan sa pusod nito, ayon sa kanila ay mayroon daw mga higanteng sawa, aso, ibon at paniki ang madalas na nakikita roon at ang ilan naman ay nakaka kita ng magandang babae o gwapong lalaki na nag lalakad at nang aakit ng mga dayuhan. Walang mawawala kung maniniwala ka Leo. At isa pa kaya napakakaganda ng mga puno at troso doon ay dahil protekdo ito, mga tirahan ang mga iyan ng kung anong naroon sa kawalan," ang salaysay ni Manang Bering na may halong pag aalala at paninindigan sa mga sinasabi. "Gintong palasyo? Higanteng aso, sawa at ibon? Inirerespeto ko ang paniniwala ng lahat at wala akong balak kontrahin ang mga ito. Sadya lamang na hindi ako mabilis maniwala sa mga sabi sabi. Wala akong paki alam sa mga lamang lupa na naroroon sa bundok na iyon dahil ang mahalaga sa akin ay mapabuti ang aking negosyo dahil maraming mangagawa ang nangngailangan ng pang suporta sa kanilang mga pamilya. Walang takot o kaba kapag kumakalam na tiyan na ang pinag uusapan," sagot ko naman dahilan para mapataas ang kilay ni manang Bering. "Ibang iba kana talaga Leo, malaki na ang pinag bago mo buhat noong bata ka pa. Noon ay halos ayaw mong matulog hanggang hindi mo naririnig ang kwento ko. Ngayon naman ay kulang na lamang ay takpan mo ang iyong tenga sa tuwing ako ay mag bibida," pag tatampo nito. "Manang Bering, huwag ka naman mag tampo, sadyang nag babago lamang ang aking pananaw sa mga bagay bagay kaya't hindi na ako katulad ng dati. Bata pa ako noon at wala pang sariling desisyon ngayon ay iba na. Ngunit nandyan naman si Tob para makinig sa iyo mas makulit pa nga sa akin iyon," sagot ko sabay akbay dito na may halong panunuyo. "Mabuti na nga lang dahil nandyan si Tob kahit papaano ay may nakakausap ako. Kung wala siya malamang ay nag resign na ako." pag mamaktol pa nito dahilan para matawa ako. "Siya ang makulit na bersyon mo kaya't hindi ako nag sasawang alagaan ito sa lahat ng pag kakataon, medyo may kapilyuhan nga lang na taglay ngunit nakaka dagdag naman iyon sa kanyang ka -cutetan." "Syempre naman, saan pa nga mag mamana iyon kundi sa akin lang din," pag yayabang ko naman. Tawanan. Matapos ang kumain, agad akong nag tungo sa labas ng bakuran kung saan naroroon ang ilan sa aking mga natitirang tauhan, lahat sila ay nag rereklamo dahil sa kakulangan ng tao upang makatulong sa pag gawa sa operasyon doon sa bundok ng Hiraya. Halos kalahati kasi sa aking mga mang gagawa ay umalis na lamang at bumalik sa kani kanilang probinsya dahil sa halo halong dahilan na kahit kailan ay hindi ko naman pinaniwalaan. "Mga duwag! Walang mga bayag! Higanteng ahas? Higanteng ibon? Putang ina! Lahat ba kayo ay naka singhot ng droga? Baka naman lihim kayong kumukuha ng shabu doon sa mga tauhan ni papa kaya't ganyan ang pinag sasabi ninyo?" galit kong tanong. "Hindi sir, nakita ng mga mata namin kung paano pumalupot yung higanteng sawa doon sa punong pinuputol namin. Noong pinaulanan namin ito ng baril ay bigla na lamang naging isang malaking ibon at lumipad sa kalangitan. Hindi po kami nag s-shabu sir Leo. Sadyang kakaiba lamang po ang bundok na iyon. Hindi maitatanggi na magagandang kalidad ng punong kahoy ang nandoon ngunit may mga nag babantay dito na hindi natin kayang ipaliwanag," sagot nanaman ni Eman na hindi maitago ang matinding takot. "Sa tingin nyo ba ay maniniwala ako sa mga pinag sasabi nyo? Mga guni guni nyo lamang iyon, kadalasan kung ano ang iniisip ninyo ay iyon ang nakikita ang inyong mga mata. Projection! Iyan ang tawag sa nang yayari sa inyo. Kapag inisip nyong makakakita kayo ng multo ay talagang makakita kayo dahil makapang yarihan ang isipan ng tao. Huwag kung ano ano ang inyong iniisip para hindi kayo nakaka kita ng kung ano ano. Ang isipin ninyo ay ang kinabukasan ng inyong mga pamilya. Kung makukuha natin ang magagandang kalidad ng punong kahoy na naroon ay makakagawa rin tayo ng mga magaganda produkto at iyon ay maibebenta natin ng mahal. Ituloy nyo ang operasyon at tinitiyak ko sa inyo na hihiga sa pera ang inyong mga asawa at anak. Tapang at tibay ng loob! Iyan ang mahalaga mga gung gong!" matigas kong pangaral. Tahimik. Hindi nakasagot ang aking mga tauhan, lahat sila ay tila nag dadalawang isip, alam kong malaki ang pangangailangan ng mga ito kaya't nakatitiyak akong hindi nila magagawang lumisan. Maayos naman ang pasahod ko sa kanila at kahit na kailan ay hindi ako pumalya sa pag bibigay ng bonus. "Isipin ninyo ang mawawala sa inyo. Humanap kayo ng mga bagong tauhan at ituloy ang operasyon sa bundok ng Hiraya. Kuhanin nyo ang pinaka mamagandang kalidad ng punong kahoy na inyong makita. Kung may problema ay tawagan nyo agad ako," wika ko sabay pasok sa loob ng aking opisina. "Masyado ka na yatang nagiging matigas Leo, ang mga salitang binibitawan mo ay nakakapanindig balahibo. Wala akong naalalang itinuro ko sayo ang bagay na iyon," wika ni Manang Bering habang buhat ang aking anak na natutulog. "Manang Bering kailangan kong sabihin iyon sa kanila upang sila ay magising sa katotohanan. Trabaho lamang, walang personalan. Ang negosyo ay negosyo kaya't ginagawa ko ang lahat upang hindi madisappoint sa akin si papa. Para ito sa kinabukasan natin, para sa kinabukasan ng aking anak," sagot ko naman sabay kuha kay Tob mula sa kanyang pag kaka karga. "Basta Leo, malaki kana kaya't sana ay matuto kang makinig sa babala ng iba. Nag alala lamang ako sa mga bagay na nais mong mangyari," tugon ni manang Bering ngunit hindi naman ako sumagot at ipinag patuloy ko na lamang ang pag karga sa aking anak. Ang totoo nun ay walang puwang ang mga ganoong imposibleng bagay sa aking isipan dahil mas nangingibabaw sa akin ang pag nanais na mapatunayan sa aking ama na ako ay may ibubuga pag papatakbo ng negosyo. Una pa lang naman ay wala na siyang bilib sa akin dahil hindi ako sumunod sa kanyang yapak bilang isang sindikato at mas pinili ko na lamang na ikubli ang aking sarili sa liblib na haciendang ito at mabuhay ng marangal. Malayo sa kanilang kinagawian. Si mama lamang ang pumilit kay papa na ibigay sa akin ang negosyong ito, inabot din ng ilang buwang pag dedesisyon bago ito naging tuluyang naging akin kaya't hindi ko maaaring biguin si mama dahil sa kanyang ibayong pag titiwala. Sa kabilang banda ay nais ko ring may mapatunayan sa kanila kaya't ganoon na lamang ang pag nanais kong kunin ang likas na yaman sa bundok ng Hiraya. Nasa ganoong pag iisip ako noong mapadako ang aking tingin sa bintana kung nasaan matatanaw mo ang naturang bundok. Kulay berde ito at halatang hitik na hitik sa mga punong kahoy. Habang pinag mamasdan ko ito ay tila mas lalo akong naakit sa taglay nitong yabong kaya't hindi ko mapigilan ang labis na pang gigigil sa naturang bundok. Ilang minuto rin ako sa ganoong pag mamasid hanggang sa umihip ang malakas na hangin mula sa labas ng bintana dahilan para mag liparan ang mga puting kurtina na naka kabit dito at kasabay nito ang pag sabog ng mga papel mula sa sahig ng silid. Ito yung mga bandpaper na kinuha ni Tob sa aking opisina para sulatan kung ano ano. Mahilig kasi mag aral ang aking anak kaya't hindi nakapag tataka na makakaipon ng ganitong karaming kalat. Marahan kong inihiga sa kama si Tob na noo'y mahimbing pa ring natutulog. Agad kong pinulot isa isa ang mga nag kalat na papel sa bawat sulok ng silid. Tahimik.. Patuloy pa rin ang pag hangin ng malakas.. Habang pinupulot ko ang mga papel ay gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil kapansin pansin ang husay ng aking anak sa pag sulat at pag guhit ng iba't ibang imahe. Para sa 5 taong gulang na bata, ang pag guhit ng mga imahe ng robot, bahay at eroplano ay nakakamangha na kaya naman ibayong tuwa ang aking naramdaman. Patuloy ako sa ganoong posisyon hanggang sa may isang papel ang hinangin sa aking mga paa, kapansin pansin ang larawang naka guhit dito kung saan may isang bata at may isang lalaking naka akay sa kanya, nasa likod nila ang isang bundok na pamilyar sa akin ang hugis. Maya maya ay muli nanamang hinangin ang ibang iginuhit ni Tob at doon ay isa isa kong nakita ang mga imahe sa bawat papel. Sa ibang larawan, makikita ang imahe ng isang batang natutulog sa habang may nakatayong lalaki sa gilid ng kanyang kama. Sa ibang papel naman ay nakaguhit ang imahe ng isang lalaki na may hawak na prutas habang naka upo sa sanga ng puno, mayroon ding larawan ng isang batang naka kapit sa isang lalaki habang lumalakad sila sa itaas ng bundok. Kakaiba ang mga larawang ito kaya naman napakunot na lamang ang aking noo. Ang nakapag tataka ay mag kakamukha lamang ang imahe ng lalaki sa larawan at ganoon din ang hugis na bundok na animo higanteng bersyon ng chocolate hills. Halatang may katagalan na ang papel siguro ay matagal na ito iginuhit ng aking anak at hindi ko lamang ito napapansin dahil abala ako sa negosyo.Inipon ko ang lahat ng larawan at muli itong itinabi sa cabinet kung saan naroon ang iba pang libro ni Tob. May isang parte sa aking isipan ang naguguluhan bagamat pilit ko itong pinakakalma. Kinagabihan, habang kumakain nag karoon ako ng pag kakataong makausap si Tob tungkol sa mga larawan na kanyang iginuhit. "Kaibigan ko po yun papa, ang sabi nya babantayan nya ako palagi para hindi ako mapahamak." ang wika ni Tob habang punong puno ng pag kain ng bibig. "Eh sino naman yung kaibigan mo na iyon? Bakit parang mas matanda yata sa iyo iyon?" pang uusisa ko. "Old na sya papa, sabi nya sakin he is 100 years old na pero he look young just like you. Saka mabait po sya papa. Lagi nya akong binabantayan sa pag tulog ko at kapag nasa school ako," ang tugon na may halong pag papa cute. "Bakit hindi mo naman yata sa akin pinapakilala itong 100 years old na friend mo? Sige ka baka mag tampo si papa nyan," pag sakay ko naman bagamat hindi ako naniniwala. "Eh kasi ayaw nya mag pakita sa iyo, bad ka daw kasi papa. Sinisira mo daw ang mga puno doon sa mga bundok," ang sagot nito dahilan para mapakunot ang noo ko. "Leo, huwag mo na patulan iyang si Tob dahil bata lamang iyan. Alam mo naman ang gayang edad, nag kakaroon ng imaginary friend. Marahil ay gawa gawa lamang niya ang mga iyon," ang sabad naman ni Manang Bering kaya naman tumigil na rin ako sa pag tatanong at hinayaan itong kumain ng kumain. Sa pag lipas ng mga araw ay nag pasya akong obserbahan ang mga kilos ni Tob, hindi ko na rin ito inapatulog sa kanyang silid dahil nais kong makasigurado magiging maayos lamang ang kalagayan nito sa bawat oras. Hindi ako naniniwala sa mga imaginary friend nya ngunit bakit may isang parte sa aking isipan na nag aalala sa mga bagay na hindi naman talaga dapat. Nakaka praning kasi lalo nakikitang ko nag sasalita si Tob mag isa o kaya ay laging naka tingin sa balkunahe ng aming silid na parang may pinag mamasdan tao dito. Halos palaging ganito ang eksenang nadadatnan ko ay Tob sa tuwing iniiwan ko itong mag isa kaya naman labis akong nababahala. Gumawa na rin ako ng paraan upang malibang ito sa ibang bagay, binibili ko ito ng laruan o kahit anong luho na kanyang naisin upang matuon sa ibang bagay ang kanyang atensyon ngunit panandaliang solusyon lamang ang ibinibigay nito dahil pag sapit ng dilim ay bumabalik nanaman siya sa dati. Sa pag daan ng mga linggo ay tila mas malaki pang pag subok ang aking kinaharap noong makatanggap ng balita sa akin mga tauhan tungkol sa estado ng aking negosyo. "Ser Leo, naubos na po ang ating mga troso sa gusali, wala na rin daw maibigay ang ilan sa ating mga supplier. Nanganganib po na mahinto ang ating operasyon hanggang sa susunod na linggo dahil sa kakulangan sa produksyon," nangangambang wika ni Eman. "Bakit hindi kayo kumuha sa bundok ng Hiraya, naroon ang sagot sa ating mga problema." "Hindi po sapat ang ating mga tauhan. Mukhang magiging mahirap po kung kapos tayo sa bilang." "Isama ninyo ang ibang mangagawa sa gusali. Bukas na bukas rin ay aakyat tayo sa bundok Hiraya kung upang kumuha ng mga troso. Ihanda ninyo ang ating mga kagamitan ngayon din," ang utos kaya naman isa isang nag si kilos ang mga ito. Habang nasa ganoong posisyon ay napatingin ako sa labas bintana kung saan matatanaw ang naturang bundok ng Hiraya. Maigi ko itong pinag masdan at doon isinumpa ko sa aking sarili na makukuha ko ang aking nais at walang sino man ang makakahadlang sa akin. itutuloy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wandering One

read
21.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.5K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

NINONG III

read
391.1K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

NINONG II

read
634.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook