APNI Part 1: Irano
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 13, 2019
Bxb Fantasy 2019
*******
Date: October 5, 1942
Malakas ang buhos ng ulan, habang abala kami sa aangat ng lambat sa mga nahuling isda. "Hila! Bilisan ninyo at ayan na ang malakas na bagyo!" ang sigaw ng aming bisor.
"Bakit naman kasi ngayon pa bumagyo! Putang ina!" ang reklamo ng aking kaibigang si Diego habang pilit na hinahatak ang malaking lambat na nag lalaman ng maraming isa.
Makalipas ang ilang minutong pag hila ay matagumpay naming naiahlon ang lambat kaya naman ganoon nalang ang saya ng mga kasamahan ko sa barko. Ibayong tuwa ang kanilang naramdaman dahil ito na ang pinaka maraming huli na naming naranasan makalipas ang ilang taong pag lalayag sa karagatan.
Habang nasa ganoong pag sasaya ang lahat ay isang malakas na kidlat ang tumama sa aming kinalalagyan dahilan para tumilapon ang aking mga kasamahan, nasira rin ang barko at nasunog ito.
Nag panic ang lahat, at kasabay aksidenteng pag tama ng kidlat ay ang pag laki ng alon sa karagatan, lalong sumama ang panahon at sinalpok kami ng paulit ulit hanggang sa tumaob ang barko at mahulog ang lahat sa delubyo ng karagatan.
Natagpuan ko ang aking katawan na inaanod, tinatangay at inululubog ng mala halimaw na alon sa iba't ibang direksyon. Noong mga sandaling iyon ay tinalaga ko na sa aking sarili ang aking nalalapit na katapusan.
Patuloy akong inululubog ng malakas na alon at kahit anong pag langoy ang aking gawin ay tila mahigpit ang pag kakayakap sa akin ni kamatayan. Hanggang sa hinila na ako ng pailalim ng karagatan. Tila may kung anong pwersa ang humatak sa akin sa ibaba at kasabay nito ang pagka patid ng aking hininga..
Nanatiling naka bukas ang aking mga mata, at nasa ganoong kawalan ako ng pag asa noong may tumamang kakaibang liwanag sa aking katawan. Ito ay nag mumula sa isang malaking bagay na nakalutang sa aking harapan na hindi ko lubos mailarawan, malaki ito, maraming ilaw, hugis tatsulok at nag kumikislap ang buong paligid..
Inabot ko ang liwanag na iyon hanggang sa unti unting pumikit ang aking mga mata..
Wala na aking natandaan pa..
Part 1: Irano
Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa pampang ng dagat. Masakit ang aking katawan at halos hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang talukap ng aking mata kaya't hirap na hirap akong dumilat.
Ramdam ko rin na maraming tao sa aking paligid, ang ilan ay tinatapik ng kahoy ang aking mukha. Bagamat hindi ko sila malinaw na masilayan. "Siguro ay siokoy iyan, malas daw iyan sabi ng matatanda." wika ng isang babae.
"Mother, paano magiging siokoy iyan e taong tao ang itsura. Saka may siokoy bang ganyang kagwapo?" ang sagot ng isa.
"Oo nga naman, kung ganyan ka gwapo ang mga siokoy ay baka chupain ko nalang sila lahat. Ano silipin nga natin kung daks iyan o jutay!" ang hirit nung isa tapos ay nag tawanan sila.
Nag panggap nalang ako na walang malay habang humahampas ang alon sa aking mukha. Halos malinaw pa rin sa aking ala-ala yung kaganapan kagabi kung saan lumubog ang aming barko dahil sa lakas ng bagyo doon sa gitna ng karagatan. Akala ko ay katapusan ko na ngunit maituturing na isang milagro ang aking pag kakaligtas.
"O, tabi kayo. Nandito na si kapitan." ang narinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Teka, wag niyo sabihin na type din kapitan itong boylet na ito?" ang tanong ng isa na hindi mo malaman kung babae lalaki ang boses.
"Gaga, hindi bakla si kapitan. Nandito siya para dalhin doon sa clinic ang lalaking iyan." ang sagot niya sabay hawak sa aking mukha, ipinaling paling niya ito. "Hoy wag mo hawakan at baka malason iyan sa kamay mo." pag pigil ng isa at narinig kong tinapik niya ang kamay nito. "Anong akala mo sa akin? Dikya? Bumalik na nga kayo sa mga trabaho ninyo. Mga baklang to." ang reklamo nung isa.
"O siya, mga kababayan mag sibalik na kayo sa inyong mga gawain, kami na lamang ng aking mga kagawad ang bahala sa lalaking ito." boses ng isang lalaki na may kagalang galang na tono.
Naramdaman kong ibuhat nila ang aking katawan at inilagay higaan. Dinala nila ako kung saan. At habang nasa ganoong posisyon ako ay unti unting nawala ang panlalabo at kirot sa aking mata kaya naman naidilat ko na ito ng maayos. "Oh hijo, gising kana pala." ang bungad sa akin ng isang lalaking nasa mid age.
"Nasaan ako?" ang tanong ko sa kanya habang hinihimas ang aking sumasakit na ulo.
"Nandito ka sa isla ng Doyama. Ako naman si Nicolas Baltazar ang kapitan o punong taga pamahala sa islang ito. At sila naman ang aking mga kagawad na tumulong sa iyo kanina." ang wika niya habang naka ngiti.
"Puro bakla." ang bulong ko habang nakatanaw sa mga lalaking naka make up sa labas.
"Ah e hijo, dito ka tumingin, nandito ang aking mga kagawad at wala diyan sa labas. Puro mga fans mo yung nandyan." ang natatawang wika ng kapitan
Tumingin ako sa kanila, blangko ang aking mukha, walang emosyon. Marahil ay sa p*******t ng aking katawan at ulo. Hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang aking paningin.
Tahimik..
Maya maya ay kumalam ang aking tiyan na narinig ng lahat, kaya nag katingnan sila at nag bitiw ng isang pigil na tawa. "Ikuha niyo ng pag kain ang ating panauhin, wala man lang naka isip sa inyo na dalhan siya ng tubig? Wala ba kayong ideya na baka ilang araw na siyang palutang lutang sa karagatan?" ang tanong ni kapitan.
"Eh wala kap, hindi na namin maiisip iyon dahil masyado siyang gwapo. Feeling ko maliligwak niya yung anak mong si Cyan na mayabang, batugan at babaero. Na feeling siya na ang pinaka gwapong nilalang dito sa isla." ang wika ng isang beki sa bintana.
"Naku wag niyo na idamay ang gago kong anak dito. Wala na talagang pag asang mag bago ang isang iyon. Kumuha na kayo ng pag kain, kawawa naman ang bisita natin. Anong pangalan mo hijo?"
"H-hindi ko alam sir." ang sagot ko na nakaramdam ng pag kalito sa aking sarili.
"Baka masyado ka lang napagod hijo, marahil ay matagal kang palutang lutang doon sa karagatan kaya halos nag mukha ka nang ermitanyo."
"Oo nga kap, pero tingnan mo naman, gwapo pa rin siya noh." ang sabad ng mga beki sa labas.
"Hoy mga beki, wag muna kayo makigulo dito. Baka mas malito yung tao e. Anyway hijo, wala ka bang natatandaan? Kailan ka ba pinanganak? Anong nangyari sa iyo doon sa gitna ng karagatan?" ang tanong ni Kap.
"Bumagyo at nasira yung aming barko, parang kagabi lang naganap ang lahat. Ipinangak ako noong Aug 1, 1922. 20 anyos ako noong mag trabaho sa barko at kahapon October 5, 1942 noong lumubog ito." ang wika ko naman.
"Teka, 1922 ka ipinanganak hijo? Tapos 1942 lumubog ang barko? Sigurado ka ba? Bakit ganoon? Hijo alam mo ba na 1996 na ngayon? Kung 1922 ka isinilang, dapat ay 74 years old kana ngayon. Medyo magulo yata ang mga salaysay mo. Oo nga't masyadong makapal ang bigote at balbas mo pero hindi ka mukhang matanda."
"Saka paano magiging matanda iyan e ang sarap sarap ng katawan. Parang gusto ko na nga siyang jakulin." ang sabad ng beki sa labas.
Tawanan sila..
"Tse, doon nga kayo mga chakang to, wag nyo takutin ang bisita natin." ang wika ng isang kadarating palang na beki, sabay kuha sa aking hinubad na basang jacket at sinuri itong mabuti.
Napatingin ako sa kanya at nag taka, hindi ko akalaing isa siyang bakla dahil masyadong malaki ang kanyang katawan. "Hijo, iyan si Tibursio ang aking katiwala doon sa bahay. Isang mahusay na mangingisda iyan at maninisid kaya ganyan kaganda ang kanyang katawan." wika ni Kap
Tumabi sa akin si Tibur at nag pa cute, kumurap kurap ito at pumadekwatro ang hita. "Gusto mo sisisirin kita pare?" ang tanong niya kaya naman dumistansiya ako sa kanyang pag kakaupo.
"Pansensiya kana hijo kung marami ang bakla dito sa isla, alam mo naman malapit tayo sa karagatan kaya't ang lahat ay nagiging isang sirena. Ang mga bakla dito ay mahuhusay lumangoy at magagaling na mandaragat. Iyon lamang ang maipag mamalaki ko tungkol sa kanila." wika ni Kap
"Eh kap, yung ganda namin? Hindi mo ba pwedeng ipag malaki?" protesta ng isang beki sa bintana.
"Saka nalang kapag napatunayan na sa korte ang sinasabi mong ganda." sagot ng kapitan.
Tawanan nanaman sila.
"Kap, alam ko na kung anong namesung ng ombreng iyan. Tingnan nyo may naka sulat na pangalan sa jacket niya. "Irano" ang naka lagay." wika ni Tibur sabay bigay ng jacket sa kapitan at kapwa nila ito sinuri. "Oo nga, siguro ay tatawagin ka muna namin sa pangalang Irano hanggang hindi pa bumabalik ang iyong ala-ala." wika ni Kap na akin namang sinang ayunan.
"Oy mga bakla, Irano ang pangalan!" ang wika ni Tibur
"Ay! Bongga! Halika binyagan na natin siya!" ang sagot ng mga ito.
"Huwag na, di naman kayo magaganda. Mahihina ang babaihan powers niyo." ang wika ni Tibur sabay kuha sa kabibeng nasa lamesa at pinag tatapat ito sa mga beki sa bintana. "Kita nyo na? Walang masense na awra ang kabibe, meaning wala kayong ganda!" ang maaarteng wika ni Tibur sabay kuha sa plato at inilagay doon ang aking pag kain. "Kumain ka muna papa Irano, hayaan mo mamaya ay gugupitan kita, aahitin ko lahat ng buhok mo sa katawan, im sure makapal na rin ang buhok mo sa baba katulad ng buhok mo sa kili-kili. Ako ang bahala diyan day! Kumain kang mabuti at mamaya ikaw naman nag kakainin ko." ang wika nito dahilan para katukan siya ni Kapitan.
"Ganito na lamang, kung wala kang mauuwian ay maaari kang tumuloy sa aking tahanan. May mga lumang damit doon ang anak kong si Cyan, siguradong kasya iyon sa iyo dahil parang mag kasing edad lang kayo. Pag katapos mong kumain ay maaari kanang hinatid ni Tibur doon."
"Aba e bakit sa inyo Kap? Pwede namang sa amin siya tumira!" ang reklamo ng mga beki sa bintana.
Rumampa si Tibur sa kanilang harapan at hinawi ang kanyang buhok, bagamat semi bald ang kanyang gupit. "Ganda lang talaga mga sissy, hindi ako makapaniwala na napapaligiran ako ng mga gwapong lalaki sa bahay. Baka mabaliw ako kapag nag tabi na sina Cyan at Irano. Baka hindi ko kayanin ang alindog nila." ang maarteng salita nito na parang naloloka kaya naman hinablot siya ng mga beki sa bintana ay pinag kukurot. "Swapang ka baklaaa!" ang inis nilang tugon.
"Oy tama na iyan, mag si balik na kayo doon sa mga trabaho ninyo. Ikaw naman Tibur ay samahan mo si Irano pauwi sa bahay, bigyan siya ng damit na malinis at ihanda mo ang bakanteng kwarto doon para sa kanya. Kailangan niyang mag pahinga dahil galing siya sa isang mahabang pag lalakbay."
"Yes kap. Gusto mo ba paliguan ko na rin siya?" ang tanong nito
"Batid kong ilang araw na siyang palutang lutang sa karagatan, sa tingin ko ay masyado nang babad ang kanyang katawan doon. Bigyan mo na lamang siya ng gamot, maayos na kumot at unan para siya makapag pahinga."
At dahil wala naman akong ibang pamimilian ay nag desisyon na rin akong tanggapin ang alok ni Kapitan. Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang aking isipan sa mga bagay na hindi ko lubos na maunawaan.
Sa tuwing tumitingin ako sa karagatan ay tila ba may kakaibang pakiramdam ang nangingibabaw sa aking kaibuturan. Marami akong katanungan na nais kong hanapan ng kasagutan, batid kong darating din ang panahon na maliliwanagan ko ito. At sa pag dating ng arawa na iyon, sana ay handa na ako.
Itutuloy..