Part 1
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
April 15, 2018
Patuloy na bumabagsak ang talulot ng mga bulaklak sa sanga ng punong kahoy kung saan ako naka higa. Pilit kong nilalaban ang sakit na dumadaloy sa aking kalamnan.
Patuloy ang pag tulo ng dugo sa aking dibdib habang ang aking kamay ay pilit na pinipigil ito. Damang dama ko ang mahigpit na yakap ni kamatay sa akin. Tila wala siyang balak na bumitiw hanggang hindi ito nag tatagumpay na kitilin ang aking hininga.
Sumasagi sa aking isipan kung isang malaking pag kakamali nga ba ang pumasok ako sa ganitong sitwasyon ngunit sa tingin ko ay huli na ang lahat para doon.
Tahimik..
Napatingin ako sa itaas ng puno kung saan may isang dahon na nalagas mula sa sanga nito.
Marahan itong bumagsak sa aking kinalalagyan at kasabay nito ang unti unting pag pikit ng aking mata..
Dito ay muli nag balik sa aking ala-ala kung paano nag simula ang lahat.
Hindi lahat ng tama ay masaya at hindi lahat ng masaya ay tama..
Part 1
Habang bumabagsak ang ulan sa kalangitan ay dahan dahan akong nag lakad sa tulay kung saan natatanaw ko ang palasyong dati kong tinitirhan. Damang dama ko ang init ng luha na dumadaloy sa aking mukha bagamat malamig ang pag buhos ng ulan. "Dito ko na tinatapos ang lahat..."ang bulong ko sa aking sarili at ipinikit ko ang aking mga mata..
Tahimik..
Nag padala ako sa ihip ng hangin hanggang sa unti unting bumagsak ang katawan ko pahulog sa tulay. Naramdaman ko nalang ang pag bulusok ng katawan ko pababa sa malalim na tubig at iyon na ang huling natandaan ko..
Damang dama ko ang pag kapatid ng aking hininga at kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon.
Hingal at pawis na pawis ang aking buong katawan.
Halos paulit ulit na nag babalik sa aking isipan ang eksenang iyon na pag talon ko sa ilog upang wakasan ang aking buhay. Maraming taon na ang lumipas ngunit patuloy pa akong minumulto ng nakaraan. At kahit anong gawin ko ay para itong isang anino na naka sunod sa akin.
Agad akong bumaba sa aking higaan at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Pag katapos noon ay nag tungo naman ako sa balkunahe ng aming munting tirahan upang mag pahangin.
Mula dito sa aming tirahan ay natatanaw ang mga ilaw sa palasyo na naroon pa sa malayong bundok. Halos ilang taon na rin ang lumipas mag buhat noong tumapak ako sa lugar na iyon. Isang magandang panaginip ngunit nag bago rin ang lahat sa hindi inaasahang pag kakataon. Sa mga nag daang taon ay pilit kong ibinalik sa normal ang aking buhay. Paki wari ko ba ay tumatakbo ako sa araw araw upang makatakas sa memoryang masasakit at nag dadala sa akin ng ibayong kalungkutan.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nahanap ko ang kaligayahan sa aking anak at sa aking asawa. Ngayon ay simple ang aming buhay, mayroon kaming maliit na sakahan na aming ginagamit upang masustentuhan ang pangangailangan ng aking pamilya, partikular ang aking anak.
"Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Beth noong makita akong naka tayo sa balkunahe
"Nag papahangin lang ako. Nasaan si Lucio?" ang tanong ko.
"Natutulog doon sa kanyang silid. Masaya nga ako at natutunan na niyang isulat ang kanyang pangalan." ang naka ngiting wika niya
Natawa rin ako. "Maganda ang pangalan ng ating anak. Ang Lucio ay isinunod sa pangalan ng iyong yumaong ama. At ang Yago naman ay galing sa isang malapit na kaibigan." ang tugon ko
"Lucio Yago, maganda. Kahit parati kong sinasabi na medyo mayabang ang dating." biro ni Beth sabay tawa.
Maya maya ay tumingin siya sa akin at niyakap ang aking braso. "Huwag kana mag isip ng kahit na ano. Kung may gumugulo sa iyong isipan ay maaari mo itong sabihin sa akin."
Niyakap ko siya at kapwa kami napatingin sa liwanag ng bundok sa di kalayuan. "Wala namang gumugulo sa akin. Maayos ang lahat." bulong ko habang naka lingkis ang kamay sa kanyang bewang.
Hindi pa rin nag babago si Beth, siya pa rin ang pinaka mabait, maalaga at walang kasawa sawang umuunawa sa akin sa lahat ng oras. Pangarap kong bigyan siya ng magandang buhay, pangarap kong palakihin ang aking anak ka kumpleto ang edukasyon upang makasigurado na magiging maayos ang buhay niya kahit dumating ng panahon na wala kami sa kanyang tabi. Iyon lang ang yaman na maaari kong ipamana sa kanya.
Alas 8 ng umaga noong ako ay magising, tanghali na ito kumpara dati na lumalabas ako ng bukid bago pa sumikat ang araw. Katulad ng dati ay ginising ako ng aking anak, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Ang kanyang ngiti ay ang nag sisilbing panimula para sa akin. Makita ko lang ito ay kumpleto na ang aking araw.
Tuwing umaga ay naka gawian ko na ang bumisita sa aming bukirin. Ang totoo noon ay namana lang ito ni Beth sa kanyang magulang at ito na rin ang nag taguyod sa amin. Halos lahat naman ng kababayan namin dito ay bukid lang din at ilang maliit na lupain ang ikinabubuhay. Kaya napaka halaga nito sa aming naninirahan dito.
"Uy, tinanghali yata tayo pareng Ned." ang bati ni Kenny, siya ang aming kapit bahay at pinsan ni Beth.
"Madalas kasi akong dinadalaw ng masamang ala-ala sa gabi kaya't hindi agad ako dinadalaw ng antok." sagot ko naman dahilan para matawa siya "Ang sagot diyan ay romansa sa iyong asawa. Siguro ay kinukulang lang sa niig." biro niya.
Tawanan..
"Sa palagay ko ay magiging maganda nanaman ang ating ani. Malayo pa ang tag ulan kaya't makasisigurado tayo na magiging maayos ang mga pananim." ang wika ni Kenny habang nag lalakad kami sa bukirin.
"Simula yata noong dumating ako sa bayang ito ay parating maganda ang ani. Wala pa akong karanasang sumablay ito." tugon ko na may halong pagka mangha.
"Syempre pare, alam mo naman na ang bayang ito ay ang may pinaka mayaman at pinaka matabang lupa sa buong bansa. Noong unang panahon daw kasi ay ginawa itong tambakan ng mga patay na tao at hayop ng mga malalapit na kaharian. Naagnas ang mga laman ng tao at naging mahusay na pataba ng lupa. Kaya nga ang pangalan ng lupaing ito ay "Balangkay" pinag halong "balangkas ng yaman" na galing sa mga "patay."
Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lupaing ito ng Balangkay. Basta ang alam ko lang ay inanod ako ng pag kakataon patungo dito noong mga panahon nag tangka akong takasan ang pag hahabol sa akin ng nakaraan. Mga ala alang paulit ulit na bumabalik sa aking isipan sa gabi kapag ako natutulog o kahit simpleng sandali lamang.
Tahimik..
Mahangin sa paligid, kahit naka suot ako ng damit na may mahabang manggas ay nanonoot pa rin ang lamig sa aking balat.
"Pare ayos ka lang ba?" tanong ni Kenny sabay abot sa akin ng tinatapay at kapeng inumin. "Almusal muna tayo."
"A-ayos lang ako. Salamat." naka ngiti kong tugon.
Palay, prutas at gulayan ang karaniwang makikita sa lupaing ito. At dahil malamig ang klima ay magandang mag patubo ng mga pananim dito. Iyon nga lang ay nagiging problema ang mga insekto at surot na sumisira sa mga dahon kaya naman todo bantay kami dito.
Maganda ang pamumuhay sa aming lupain, marami maaaring pasukan ng trabaho kaya't kapag tag ulan at nakatapos nang umani ay maaari kang mag negosyo o mamasukan sa mga ito.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay narinig ko nalang na may tumatawag sa aking pangalan. "Papa! Paaa!" ang wika nito.
"Aba, si Lucio! Sipag ah." ang natutuwang wika ni Kenny noong makita ang aking anak na may hawak na bote ng inumin at tinapay. Sa kanyang likuran ay ang mga pinsan ni Beth na mag babantay rin sa bukid.
"Oh bakit nandito ka? Alam ba ng mama mo na sumama ka sa kanila?" tanong ko habang sinasalubong ito.
"Naku, pinigilan na iyan ni Beth, ngunit talagang matigas ang ulo. Gusto niya ay mag bantay rin kasama mo." sagot ng pinsan ng aking may bahay.
Ngumuso ang aking anak na wari'y nag tatampo kaya naman ginusot ko ang kanyang buhok at kinandong ito sa aking mga hita. Humarap siya sa akin at ngumiti..
"Anak nakita mo ba ang maluwang na gulayang iyan? Balang araw ay ipamamana namin iyan sa iyo. Pero mas gusto ko na makapag tapos ka ng pag aaral at abutin mo ang nais mong abutin. Maging malaya sa pag abot ng iyong pangarap lalo na kung pasasayahin ka nito."
Humarap sa akin ni Lucio at ngumiti. "Ang sabi ni mama ay magiging doktor ako. Pero ayoko naman non, kasi gusto ko maging heneral sa palasyo." ang naka ngising wika nito sabay pakita sa kanyang laruang sundalo.
Natawa ako at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. "Kahit ano ang gusto mo anak. Basta nandito lang si papa na laging naka suporta sa iyo."
"Pero mahirap ang maging heneral dahil parating nasa panganib ang buhay mo. Handa ka ba doon?" singit ni Kenny dahilan para mapaisip ang bata "Hindi ko po alam." ang tugon niya dahilan para matawa ang mga tao sa aming paligid.
Napatingin ako sa malayong bundok kung saan naaninag ang palasyo nila Yago. Ito ang lugar kung saan naka tira dati.
Halos hindi pa rin naalis sa aking isipan ang bawat eksena habang masaya akong tumatakbo sa bulwagan ng palasyong iyon. Ngunit dahil masyado akong binalot ng matinding saya ay hindi ko na namalayan na ang aking tinatakbuhan pala ay puno na ng mga basag na baso.
Nag kasugat tuloy ako at kahit ilang taon na rin ang nakakalipas ay nananaliti pa rin ang lahat.
Itutuloy..