Hi Thank you sa pagbisita sa aking dreame page! Enjoy reading! Please follow me on my FB page. proserfina_stories for more stories. May VIP group din po ako. Just PM me on my FB JONAVY A. CABONCE
Sumiping sa isang lalakin at bigyan ito ng anak. Yun na lang ang tanging pag-asa ni Basha upang mapagamot niya ang kanyang Ina. Dahil bigo siyang mahingan ng tulong ang kanyang tunay na ama. Kapalit ang mga kundisyon ay pumayag siya. Ngunit paano kung ang lalaking nakasiping at kailangan niyang bigyan ng anak ay isa palang bakla? Matangap niya kaya ito at kakayanin kaya niyang mawalay sa kanya ang kanyang anak kapalit ng buhay ng kanyang Ina?
Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine.
Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Kinse anyos pa lamang si Isabella nang maulila siya. Kasamang namatay ang kanyang mga magulang at bunsong kapatid nang matupok ang barong-barong nilang tirahan sa squater. Naawa sa kanya ang asawa ng governador dahil kamamatay lang din ng anak nito na kasing edad lang ni Isabella kaya kinukop niya ito at itinuring na parang tunay na anak. Ngunit nang tumuntong siya sa pamamahay nito ay nakilala niya si Esrael. Ang panganay na anak nitong lalaki na walong taon ang agwat sa kanya. Pinigilan niyang mahulog ang loob niya dito dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng mga magulang nito. At itinago niya ang kanyang nararamdaman sa kabila nang pagiging caring, malambing at palaging nandiyan para sa kanya. Si Esrael, simula pagkabata naging sunod-sunoran sa kanyang mga magulang. Tinalikuran niya ang pangarap niyang maging piloto dahil kailangan niyang hawakan ang winery business ng pamilya. Ngunit nang matapos ang termino ng kanyang ama sa pagiging governador ay siya naman ang pinilit nitong tumakbo. Wala siyang nagawa kundin sundin ang yapak nito. Nang manalo siya sa pagiging governador ay nalaman din niya ang plano ng kanyang papa na pulitikal marriage sa pagitan nila ng anak ng mayor kaya nagsimula siyang suwayin ang mga ito. Malaman kaya ni Esrael ang lihim na pagmamahal sa kanya ni Isabella? At kayanin kaya ni Isabella na mapunta sa iba ang lalaking una niyang inibig dahil lamang sa pagiging adopted daughter niya?
Si Niamh, sa edad na dose ay hindi na mapigilan ang kanyang puso sa pagtibok para sa bestfriend ng kanyang Kuya Ivan na si Marcus. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na iibig lamang siya sa iisang lalaki na walong taon ang tanda sa kanya. Ngunit paano kung may mangyari na hindi inaasahang makakapaghiwalay sa dalawa at sa muli nilang pagkikita ay nagbago na rin ang mga buhay at prioridad nilang dalawa? May puwang pa kaya sa puso ni Niamh ang magpatawad at patuloy na mahalin ang cold at possessive na si Marcus? At matangap kaya niya ang magiging lugar niya sa buhay nito kapag tinangap niya ang pag-ibig na inaalok nito sa kanya?
Dahil sa isang mahalagang misyon. Pumasok si Sol bilang isang maid ng mga Ruzzo. Upang hulihin si Walton Ruzzo ang lalaking hinihinalang Mafia ng Tajso. Upang magampanan ang misyon kinailangan niyang magbalat-kayo bilang si Marikit ang babaeng nuknukan ng pangit na galing pa sa malayong probinsya. Sa pagpasok niya sa mansyon ay makikilala niya ang kambal na si Leandro at Lorenzo. Pamangkin ni Walton Ruzzo na nakatira sa mansyon. Sila ang dalawang lalaking magpapabilis ng tibok ng kanyang puso ngunit sa unang kita pa lamang ni Lorenzo sa kanya ay mainit na ang dugo nito sa kanya at nakatikim kaagad si Marikit ng kalupitan mula kay Lorenzo. Kabaliktiran naman ni Leandro na maayos ang pakikitungo sa kanya nito.
Matagalan kaya ni Sol ang ugali ng kambal? Paano kung malaman niyang siya pala ang babaeng matagal nang hinahanap ng mga ito? Magbago kaya ang nararamdaman niya kapag nalaman niyang ang mga ito pala ay mafia?
Si Prinsesa Asya, Limang taon pa lamang siya nang isumpa siya. Lahat ng tao na makakakita ng kanyang mukha ay mamatay. Itinago siya ng kanyang ama sa loob ng palasyo ng Celestria Kingdom at nabuhay ng ilang taon na parang isang bilanggo. Ngunit nang tumuntong siya sa tamang edad ay ipinakasal siya sa iba't-ibang Prinsipe ng mga kaharian. Hindi para maging asawa kundi gamitin ang kanyang sumpa upang manakop ng kaharian. Nais kasi nitong pamunuan ang Emperyo ng Guenera.
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ipinagkasundo siya sa Prinsipe ng Astral Kingdom na si Prinsipe Xenos. Ipinako ng kanyang ama na huli na ito at papalayain na siya nito kapag nasakop nila ang Astral Kingdom. Ngunit nagulat si Asya nang sabihin ni Xenos na alam niya ang sumpa nito. Kaya hindi natuloy ang kanyang plano. Si Xenos na kaya ang susi upang mapawalang bisa ang sumpa? At paano kung hindi pag-ibig kundi kamatayan ang maging kapalit nito?
Hi Guys! Sana magustuhan niyo ang mga short Horror stories ko. Free niyo lang itong mababasa. Kung gusto niyong mabasa ang iba ko pang akda ay sumali na kayo sa VIP GROUP ko. Or follows niyo ako sa Fb page ko. Jonavy A. Cabonce.
Anim na taon ang ginugol ni Maya sa Singapore at magtrabaho bilang OFW upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang nag-iisang kapatid at pati na rin ng kanyang nobyo. Ngunit hindi niya inasahan ang dadatnan niya pagbalik ng Pilipinas. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kanyang kapatid at boyfriend. Nasaktan siya ng sobra dahil umasa siyang matutuloy na ang kasal sana nilang dalawa ni Mark. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpo ang landas nila ni Felip nang iligtas siya nito mula sa mga lalaking may masamang balak sa kanya. Ano kaya ang magiging papel ni Maya sa buhay ni Felip?
Sa edad na trenta naniniwala pa rin si Dahlia na darating ang lalaking nakatadhana sa kanya. Kaya hindi siya naghanap ng pag-ibig at inintay ang tamang lalaki na gugustuhin niyang makasama sa kanyang buhay.
Ngunit nang dahil sa pambubully ng kanyang mga kaibigan na nagsipag-asawa na ay napilitan siyang magpunta sa isang club upang lumandi ng lalaking unang makakapansin at magbibigay ng motibo sa kanya.
Ngunit nang dahil sa labis na kalasingan ay nagising na lamang siya sa bisig ng lalaking may anim na pandesal sa tiyan at nang tignan niya ang mukha nito ay ganun na lamang ang pagkadismaya niya nang makilala ang lalaking pumitas ng kanyang bulaklak. Si Eros na simula pagkabata pa lamang ay sinumpa na niyang hinding-hindi niya magugustuhan kahit kailan.
Matunaw kaya ang galit na matagal na niyang dala-dala dahil sa nangyari sa kanila? O hanap-hanapin niya ang init ng isang gabi sa piling nito?
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Cassandra, nawala sa kanya ang lahat. Baon pala ito sa pagkaka-utang sa banko kaya pati ang bahay na mahalaga sa kanya ay kailangan niyang lisanin. Matapos kaya ang paghihirap ni Cassandra kapag nakilala na niya si Tyron Dela Costa? Ang lalaking kabilang sa angkan ng mga Dela Costa na pinagkakautangan din ng kanyang ama? Pumayag kaya siyang maging alipin nito para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama?
Paano kung imbis na kabayaran ay mahulog ang loob ni Tyron sa kanya? Kayanin kaya ni Tyron na ipaglaban ang kanyang nararamdaman kung kasama sa mahigpit na batas ng kanilang angkan ang pagbabawal sa kanilang umibig nang hindi galing sa mayamang pamilya?
Maagang naulila si Ailee dahil sa pagkamatay ng nanay niya matapos siyang ipanganak. Wala din siyang kinilalang ama dahil matapos mabuntis ng kanyang ina ay iniwan na sila nito. Simula noon ay ang tiyahin na niya ang kumupkop sa kanya at nagpalaki. Ngunit nang magkaroon na ng sariling asawa ang kanyang tiyahin ay nagsimula ang kalbaryo sa buhay niya. Nag-iba din ang pakikitungo nito sa kanya lalo na nang magkaroon ito ng mga anak. Kaya habang lumalaki siya sa poder ng mga ito ay panunumbat, pagpapahirap at pananakit ang dinanas niya sa mga ito. Sa kabila noon ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Ginawa niya ang lahat para mapagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral dahil nais niyang makatapos, nang sa ganun ay mabalik niya ang utang na loob na palaging isinusumbat ng mga ito sa kanya.
Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil may balak pala ang tiyuhin niyang ibenta siya sa isang matandang mayaman na mahilig sa magaganda at batang babae. Kapalit ang malaking halaga. Tumakas siya sa hotel na pinagdalhan sa kanya hanggang mapunta siya sa rooftop ng hotel ngunit nahabol pa rin siya ng mga tauhan nito. Sa takot na maaring gawin nito sa kanya ay nagpasya siyang tapusin na ang kanyang buhay.
Nang magising siya ay nasa hindi pamilyar na lugar na siya. At laking gulat niya dahil, nagising siya hindi bilang si Ailee kundi bilang si Thana. Ang napakagandang prinsesa ng mga bampira na hinahangan ng mga tapat na tagasunod at kinakatakutan ng mga kalaban dahil sa walang awa nitong pagpaslang at walang emosyon nitong pagkatao. Makabalik pa kaya siya sa tunay niyang katawan? Paano kung ipakilala siya sa magiging kanyang kabiyak na si Devon? Prinsipe ng Vampira sa malayong emperyo. Mahulog kaya ang loob nila sa isa’t-isa kung alam niyang halimaw ang tingin nito sa kanya?
Prinsesa Priya the last princess of Mandan tribe na. Isa sa pinakamalayong tribo sa bundok ng Pilipinas. Maganda, matapang, tuso at pinangarap na mamuno sa kanilang tribo upang pumalit sa kanyang amang datu. Ngunit nang dahil sa kanilang kultura ay pagtatagpuin sila ng tadhana ni Fernan de la Costa. Isang mayamang billionaryong pilit na tinatakasan ang sakit ng mawalan ng minamahal.
Magawa kayang makalimutan ni Fernan si Lalaine?
Magawa kayang talikuran ni Prinsesa Priya ang kanyang pangarap dahil sa estrangherong gagawin ang lahat upang kanyang maging kabiyak?
Si Luna Murray isang Rank 1 assassin agent na inatasan ng TAJSO upang maging bodyguard ni Forrest Revillia. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi masangkot sa gulo, mangolekta ng babae at maging sakit ng ulo ng kanyang amang senador. Kailangan ni Luna na kumuha ng impormasyon tungkol sa kanyang ama upang mapatunayan kung sangkot nga ito sa illegal na mga transaction at corruption. Kaya kahit naubusan na siya ng pasensya sa kapilyuhan ni Forrest ay nagawa niyang magtiis upang mapagtagumpayan ang kanyang misyon. Ngunit dahil sa taglay na charisma ni Forrest mahuhulog ang kanyang loob sa lalaking alam niyang hindi kayang magmahal at manatiling tapat sa isang babae lamang kaya gagawin niya ang lahat ng paraan upang hindi ipagtapat kay Forrest ang kanyang nararamdaman. Ngunit paano kung ipakita nito na kaya niyang magbago? Maniwala kaya si Luna sa kanya? Pagbigyan niya kaya ang puso niyang magmahal? At paano kung malaman ni Luna ang secreto na tinatago ni Forrest sa kanya? Mas pipiliin ba niyang iwan na lamang ito ng walang paalam o tapusin ang misyon na kanyang inumpisahan.
Dahil sa pangungulit ng mga kaibigan ni Serene na magpunta sa isang 17th century na bahay na nakatayo sa malayong bundok ay napilitan siyang sumama sa mga ito upang mag-ghost hunting. Mahilig kasi ang kaniyang mga kaibigan sa mga kakaibang nilalang at kwento kaya palagi silang nagpupunta sa mga lugar na hunted at kabilang dito ang lumang mansyon ng huling lahi ng vampira. Ngunit sa pagdating nila doon ay makakakuha si Serene ng bagay na magbubuklod sa kanila ni Lazarus. Ang natutulog na vampirang nag-iintay sa babaeng muling bubuhay sa kanyang kapangyarihan bilang isang makapangyarihang bampira.
Ano ang gagawin ni Serene kapag nalaman niya na ang mysteriosong lalaki na panay ang sunod sa kanya ay isa palang bampira? At paano niya tatangapin ang sinabi nitong siya ang nakatadhana nitong maging vampire’s bride?
Dahil sa isang malagim na aksidente ay nagising si Gael na wala ng maalala kahit pangalan niya mas nagpahirap sa kanyang sitwasyon dahil nagmistulang estranghero ang nakilala niyang pamilya. Hindi niya alam kung paano magiging Ina sa kanyang dalawang anak at hindi rin niya alam kung paano maging isang asawa kay Kendric?
Ngunit paano kung sa hindi inaasahan pagkakataon ay unti-unting bumalik ang kanyang alaala at malaman niya na kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi sa kanya ni Kendric? Magagawa niya kayang iwan ito pati na rin ang dalawa nitong anak na napamahal na sa kanya? Malaman kaya niya ang totoong nangyari sa kanya? At makabalik pa kaya siya sa kanyang tunay na pamilyang naniwalang patay na siya at ang tunay niya palang pangalan ay Nara?
Dahil sa pag-imbita kay Thiago na pumunta sa isang illegal na Auction kung saan nagbebenta ang isang sindikato ng isang babaeng berhen ay nakilala niya si Keyla. Ang unang babaeng bumihag sa kanya. Ang babae binili niya kapalit ng isang daang million. Isa kasi ito sa inihain sa Auction nabihag agad siya sa ganda ng katawan at mala-dyosa nitong mukha. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala itong alagad ng isang secretong organization na tinatawag na Trial and justice secret organization or TAJSO. At layunin nitong iligpit at humuli ng mga taong may illegal na gawain. At ang pakay nito ay patayin ang isa sa mga bumibili ng babae sa Auction. Kitang-kita niya kung paano ito tumalon mula sa stage habang tangan ang baril mula sa security na inagawan niya. Kahit string bikini at kulay pulang lace na gown lamang ang suot nito. Ay walang kahirap-hirap nitong napatay ang kalaban. Sinubukan niya itong pigilan sa tangkang pag-alis ngunit nagdatingan ang mga pulis at maski siya ay hinuli. At hindi niya makakalimutan ang huling ginawa nito.
Makita pa kaya niya ulit si Keyla? At maitatago kaya niya ang kanyang pagkatao bilang isang makapangyarihang MAFIA?
Dahil sa aksidente nawalan ang magulang ni Mia. Napilitan siyang lumipat sa malaki at lumang bahay na ipinamana pa sa kanila ng kanyang Lolo Tasyo dahil na-remata ng bangko ang property na tinitirhan nilang pamilya kaya kinailangan din niyang lumipat ng school sa bicol para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kasama niya ang kanyang Yaya Sabel na nag-alaga sa kanya at natitirang nagmamalasakit sa kanya. Ngunit nang unang tungtong pa lamang niya sa malaking mansyon ay may iba na siyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay may iba silang kasama na hindi nila nakikita. Nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya kahit saan siyang parte ng bahay magpunta.
Bunga lang kaya ito ng malikot niyang imahinasyon? O bunga ng lungkot sa pagkawala ng kanyang mga magulang? Paano kung habang tumatagal ay hindi na lamang niya ito basta nararamdaman at magising na lamang siya isang gabi dahil sa init ng yakap na hatid nito sa kanya?
Maging bodyguard ng presidente. Ito ang naging misyon ni Lhiriya Martinez o mas kilala sa tawag na police captain Riya. Malaki ang naging banta sa buhay ng pa-upo pa lamang na bagong presidente kaya inatasan siya ng ng TAJSO organization na siya ang napili nilang maging mahigpit na bantay ng presidente. Habang hindi pa mahanap ang mga taong nasa likod ng tangkang pagpatay sa kanya. Kakayanin kaya ni Riya na protektahan ang pinakamahalang tao sa bansa dahil sa pagsulputan ng kaliwa't-kanan na kalaban nito?
Paano kung sa pag-protekta niya dito ay mahulog ang loob niya sa binatang presidente na si Alixander Rodriquez?
Tatlong taon ng kasal si Silvia at Max. Ngunit hindi parin sila nabibiyayaan ng anak dahil dalawang beses na rin na nakunan si Silvia. Itinuon ni Max ang atensyon niya sa negosyo at nakalimutan na niya ang kanyang obligasyon sa kanyang asawa na naging dahilan sa panlalamig nila sa isa’t-isa. Pero may mas susubok pa pala sa kanilang dalawa. Dahil sa isang kasinungalingan at plano ni Ava na ex-girlfriend ni Max ay nagawa niyang paghiwalayin ang dalawa. Maibabalik pa kaya ni Max si Silvia kapag nalaman niya ang totoong ginawa ni Ava? Kung may bagong nagmamay-ari na sa puso nito?
Maagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan ang kanyang anak. Nang makatapos siya sa kolehiyo ay pinangarap niyang magtrabaho sa kompaniya ni Bernard Villegas. Isang gwapo at mayaman na bachelor at palaging laman ng pahayagan at social media sites.
Dahil sa tulong ng kanyangTiya ay nagawa niyang makapasok sa kompaniya, naging personal niya itong secretarya ngunit may isang sekreto siyang malalaman tungkol kay Bernard at mas pipiliin niyang lumayo dito kaysa malaman nito ang totoo..
#Girl power / Ang pagiging CEO ng girl.
#yugtoWritingContest
#alltheyounggirlpower
Sa murang edad ni Emerald ay naranasan na niya ang lahat ng masasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Nawalan siya ng Ina at napunta siya sa pangangalaga sa kanyang Ama. Nalaman niya ang buong katotohanan sa ginawang pag-iwan sa kanila ng kanyang Ama. At pinilit niyang mamuhay kasama ang kanyang mapanakit na Madrasta na si Ingrid at kapatid sa Ama na si Cristine. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Noah. Ang bestfriend ng kanyang Ate at soon to be husband nito. Pinilit niyang pigilan ang umuusbong na pag-ibig niya para kay Noah. Pero nabigo siya dahil nalaman niyang gusto din pala siya nito.
Saan hahantong ang pag-ibig nila para sa isa't-isa kung nakatakda nang ikasal si Noah sa Ate niya? Paano kapag nalaman ng Ate niya ang tungkol sa kanilang dalawa?
Pinalaki si Tamara na bihasa sa pakikipaglaban upang protektahan ang 'Yao Clan' Isa sa pinakamayamang angkan sa buong pilipinas. Ngunit nanatiling sekreto ang kanilang yaman dahil sa illegal nangagaling ang mga ito. Kahit anong iutos sa kanya ng Yao Family ay sinusunod ito ng walang kahit na ano mang pag-aalinlangan. kahit ang pumatay lalo na kung kalaban ng kanilang pamilya. Ngunit iba ang paraan niya para lansihin ang kalaban dahil ginagamit niya ang kanyang ganda at alindog para mahulog ito sa kanyang bitag Kakaiba din ang paraan niya sa pagpatay dahil madalas niyang gamitin ay matalim na armas dahil mas sanay siya sa malapitang laban. At walang kahirap-hirap at emosyon niya itong naisasakatuparan. Ngunit paano kung kabilang sa kanyang misyon ang hanapin at patayin ang lalaking lihim na tinutuklas ang yaman ng Pamilya Yao? At paano kong hindi pagpatay kundi pag-ibig ang matagpuan niya dito? Kakayanin kaya niyang patayin si Nathan? Para maisakatuparan ang sinumpaan niyang tungkulin sa mayamang pamilya? O tatalikuran niya ang mga ito kapalit ng pag-ibig niya para kay Nathan?
********************
Hi mga MAHALS???
Salamat sa pagsuporta sa Undercover agent Alixane...
At sana suportaha niyo din ang sequel na ito. Ang story ng Cold assasin na si Tamara at ang Broken hearted na si Nathan..... Hindi ko maipapangako ang daily update dahil kailangan ko ng time and research para magawa ang storya na ito ng maganda sa abot ng aking emahinasyon...at makakaya. please
follow me on Fb page 'Proserfina' For the update
thankyou????
Dahil sa isang aksidente hindi lang pamilya niya ang nawala kundi pati na rin ang kanyang paningin.
Napunta siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin at tiyuhin. Ngunit hindi niya akalain na ipapahamak lang siya ng mga ito.
Sa di inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Inigo Ramirez....Ang lalaking billionaryong handang gawin ang lahat makakita lang siyang muli
Lumaki si Gabriella bilang isang binata imbis na dalaga dahil sa impluwensya ng tatlong maton niyang mga kapatid na lalaki. Nakatira sila sa hacienda na pagmamay-ari ng mga Monteverde.
Isang araw nabalitaan niya ang pagdating ni Terrence Monteverde ang Apo ni Donya Clara Monteverde. Ang kababata niyang matagal nang umalis sa lugar nila. Naaksidente ito at isang taon ng hindi nagigising sa pagiging coma.
Hiniling ni Donya Clara na siya ang mag-alaga dito habang nagpapagaling ito.
Magising pa kaya si Terrence?
Dahil sa isang pagkukunwari nagkakilala si Miguel at Lhira. Nahulog ang loob nila sa isa't-isa ngunit nang dahil sa isang kasunduan ay nalaman ni Miguel na ang babaeng iniibig niya ay hindi pala ang babaeng nakatakda niyang pakasalan at nagpapangap lang pala ito dahil sa pakiusap ng kanyang pinsan na si Thea. Ngunit bago pa niya malaman ang katotohan ay isang trahedya ang naganap sa pamilya ni Miguel. Sinumpa niyang gaganti sa lalaking naging dahilan ng pagkasawi ng kanyang pamilya. Ngunit nang malaman niya na si Lhira pala ay anak ng lalaking kumitil sa mga mahal niya sa buhay ay mas nangibabaw ang galit sa kanya.
Mapatawad pa kaya ni Miguel si Lhira? Mapatawad pa kaya niya ang ama nito na naging dahilan upang mawala sa kanya ang masaya niyang pamilya? Saan hahantong ang paghihiganti ng pusong punong-puno ng galit?
Lumaki si Angela mula sa bahay ampunan dahil sangol pa lamang siya nang iwan siya ng kanyang mga magulang.
Simula nang magkaisip siya ay si Donya Cynthia na ang nagpaaral sa kanya. At nagbigay ng lahat ng pangangailangan niya hangang sa mag collehiyo siya.
Ngunit isang araw ay nalaman na lamang niyang gusto siyang ampunin ni Donya Cynthia upang ipakasal sa nag-iisa nitong apo na si Rafael.
Matangap kaya ng binata si Angela upang maging asawa? Paano kung bumalik ang kasintahan ni Rafael na dalawang taon nang nang-iwan sa kanya ng walang dahilan?
Kaya bang panindigan ni Rafael ang sapilitang kasal?
Simple lang naman ang pangarap ni Zana. Ang magkaroon ng simpleng buhay kasama ang taong magmamahal sa kanya. Lumaki siya sa kalinga ng kanyang tita. Dahil bata pa lang siya ng maghiwalay ang kanyang mga magulang at ngkaroon na rin ng kani-kanilang pamilya. Pinangako niya sa sarili. Na ibibigay niya lang ang kanyang sarili sa lalaking kanyang mamahalin. Hangang sa makilala niya si Apollo. Sa maiksing panahon ng pagiging magkarelasyon nilang dalawa ay nagproposed na agad ito ng kasal sa kanya. Magagawa niya kayang matupad ang pangako niya sa sarili? Paano kung umeksena sa buhay nila si Tallie? Ang sampung taon na nitong bestfriend?
Si alixane ay isang secret agent mula sa underground secret forces na nagtrain kasama ang U.S forces sa hidden training field sa Michigan. Para tumutulong sa mga awtoridad na sugpuin ang krimen na lumalaganap sa ibat ibang lugar sa pilipinas at sa ibang bansa. Pero napilitan siyang umuwi dahil sa isang misyon ang eexposed ang billionaryo at maimpluwensiyang druglord na si Gustavo May ari din siya nang isang kilalang university for boys kung saan siya ang tumatakbong presidente ng skwelahan at ginagamit niya hindi lang ang mga guro kundi pati ang ibang kabataan para i distibute ang droga sa mga bigtime pushers sa ibat ibang lugar.
Para magawa ang misyon kailangan niyang pumasok sa unibersidad at magpangap bilang isang lalaki at i fake ang kanyang identity. Kasama niya sa mission si brian na isang pulis at bagohan sa pagiging agents. At papasok din sa university makakasama niya din ito sa dorm.
Magtagumpay kaya sila sa misyon? paanu kung umeksena sa buhay niya si nathan na nagaaral din sa universidad. At ang lihim na pagkatao nito.
AUTHOR: Proserfina
Halos pagsakluban ng langit at lupa ang buhay ni Camilla. Dahil namatay sa sakit ang kanyang ina. Ang nagiisa niyang pamilya. Maraming utang ang iniwan nito sa kanya. Lalo pa siyang nabaon sa utang para lang maipalibing ang kanyang ina. Halos gawin niyang umaga ang gabi para maghanap buhay at kumita ng perang ipapambayad sa mga utang na iniwan ng kanyang ina. Bukod doon hindi rin siya nakapagtapos ng highschool kaya wala siyang mahanap na permanenteng trabaho.
Hangang sa dumating sa puntong napagod na siyang huminga.
Sa di inaasahang pagkakataon nakilala niya si Ella ang babaeng gustong takasan ang buhay niya sa piling ng lalaking pinakasalan niya na si Steven. Pumayag kaya siyang maging impostor na asawa. Kapalit ang malaking halaga para makatakas sa lupang kinasasadlakan niya? Malalaman kaya ni Steven na hindi si Ella ang kasama niya gayong iisa ang itsura nilang dalawa?
Aside sa pagmemerge nang kompaniya ni Julyen at Riko. Pinilit din sila sa isang fixed marriage. Wala silang magawa kundi sundin ang mga ito. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nila ay nagkasundo si Julyen at Riko na pumayag sa kasunduan at pagkatapos nang isang taon tatapusin nila ang kasal at mag-file ng annulment dahil may kanya-kanya din silang minamahal na hinihintay.
Magawa kaya nilang hiwalayan ang isa't -isa after 365 days?