bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

book_age18+
3.2K
FOLLOW
14.5K
READ
billionaire
HE
decisive
bxb
gxg
serious
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagkamatay ng ama ni Cassandra, nawala sa kanya ang lahat. Baon pala ito sa pagkaka-utang sa banko kaya pati ang bahay na mahalaga sa kanya ay kailangan niyang lisanin. Matapos kaya ang paghihirap ni Cassandra kapag nakilala na niya si Tyron Dela Costa? Ang lalaking kabilang sa angkan ng mga Dela Costa na pinagkakautangan din ng kanyang ama? Pumayag kaya siyang maging alipin nito para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama?

Paano kung imbis na kabayaran ay mahulog ang loob ni Tyron sa kanya? Kayanin kaya ni Tyron na ipaglaban ang kanyang nararamdaman kung kasama sa mahigpit na batas ng kanilang angkan ang pagbabawal sa kanilang umibig nang hindi galing sa mayamang pamilya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (Pagkakautang)
CASSANDRA Hindi ma-ampat ang pagtulo ng aking luha habang pinagmamasdan ang unti-unting tinatakpan ng lapida ang libingan ni papa. Tuluyan na akong nawalan ng magulang. Bukod kay Yaya Berna ay wala nang natira sa akin. “Hija, tara na. Baka bumagsak na ang ulan. May bagyo pa naman na parating.” aya sa akin ni Yaya Berna pauwi. Kami na lang kasi ang naiwan dito sa puntod ng papa ko. Hinawakan niya ang balikat ko kaya nilingon ko siya. “Mauna na po kayo Yaya Bernaa, iwanan niyo muna akong mag-isa dito.Nais ko lang pong makasama pa si Papa ng matagal. Paki-usap po.” Na-aawa niya akong akong tinignan. Tinapik niya ang balikat ko at pinisil. “Sige, ma-uuna na ako sa’yo. Pero huwag kang magpapa-abot sa ulan baka ikaw naman ang magkasakit.” bilin niya. Tumango ako sa kanya at iniwanan na rin niya ako. Sobrang sakit pala talaga ang mawalan ng magulang. Siya na lang ang meron ako ngunit kinuha din siya ni Lord sa akin. Na-aksidente siya habang pauwi galing sa trabaho at hindi ko na siya inabutan ng buhay sa hospital. Iniwanan kami ni mama noong maliit pa ako kaya wala akong nakagisnan na ina. At ngayon tuluyan na akong na-ulila. Mag-isa na ako sa buhay at hindi ko alam kung paano na ako ngayon babangon. Sa edad kong nineteen ay magtatapos na sana ako ng pag-aaral ngunit hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ito ngayong wala na si papa. Nang matapos na ang lalaki sa pagsemento ay umalis na din ito. Nilapitan ko ang kanyang lapida at sinalat ang kanyang larawan. “P-Pa, kung nasaan ka man… Sana gabayan niyo ako palagi. Mahal na mahal kita papa…kahit mahirap…kahit hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa…kakayanin ko…para sa pangakong binitawan ko sa inyo noon…huwag po kayong mag-aalala…kaya ko…at kakayanin ko…po” Tuluyan na akong napahikbi. Nagsimulang bumuhos ang ambon at hindi ako nag-abala na sumilong. Pakiramdam ko sinasabayan ng langit ang pagluluksa ko at ang sakit na nararamdaman ko ngayon hangang sa tuluyang bumagsak ang ulan ay nanatili akong nasa harapan ng kanyang libingan. Sinasabayan ng aking pagluha ang malakas na buhos ng ulan. Nang bahagyang humupa ang ulan ay nagpaalam na ako sa kanya na umuwi. Ngunit pagkababa ko ng tricycle ay nagulat ako nang matanaw ang mga kalalakihan na isa-isa na nilang nilalabas ang mga gamit namin mula sa loob ng bahay. “Yaya Berna? Ano pong nangyayari?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Umiiyak na lumapit siya sa akin. “Kinukuha na ng bangko ang natitirang ari-arian na iniwan ng yung ama, Cassandra.” Humihikbing sabi niya sa akin. Lumapit sa amin ang isang lalaki na sa tingin ko siya ang namamahala ng ginagawang pag-bubuhat ng mga gamit namin. “Miss. Imperial, I’m sorry but nag-decide na ang bangko na ibenta sa iba ang bahay na ito. Tatlong buwan na ang binigay namin sa ama mo para mabayaran niya ang limang milyon na inutang niya sa banko kaya kailangan namin na kunin ang bahay na ito bilang kabayaran.” Nanlambot ang tuhod ko at muntik na akong bumagsak sa lupa. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Yaya Berna. “H-Hija, magpakatatag ka…” “L-limang milyon? Paano at saan ginamit ni papa ang ganun kalaking halaga yaya?” nanghihinang tanong ko sa kanya. Inabutan kami ng folder ng lalaki. “Nandiyan po ang lahat ng copy of documents mula sa ama niyo at sa banko. Katunayan na nakasanla ang bahay na ito at kailangan na namin itong kunin. Ang lahat ng mga important documents ay nasa amin na din. Pasensya na pero ginagawa lang namin ang trabaho namin.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya kami. Natapos na silang hakutin ang mga gamit namin palabas ng bahay at nilagyan na din nila ito ng malaking kandado bago sila nag-alisan. “Jusko! Bakit ba nangyayari ito?” bulalas ni Yaya Berna. Hindi ko na magawang umiyak pa sa pagkabigla. Wala akong kaalam-alam na may ganito na palang nangyayari. Paano nagkaroon ng ganun kalaking utang si papa? At saan na kami pupulutin ngayon? Na-upo ako sa nakalabas na upuan. Binasa ko ang kopya ng document na binigay sa akin. Mahalaga sa amin ang bahay na ito dahil dito ako lumaki. Dito ako nagka-isip. Marami akong ala-ala dito lalo na noong kasama ko pa sila Lola at Lolo. Pero ngayon…kailangan ko nang lisanin ang bahay na ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kinuha ko ang natitirang pera sa wallet ko at inabot ko ito kay yaya Berna. “A-ano ito?” nangingilid ang luha na tanong niya sa akin. “Yaya Berna, pasensya na po. Alam ko po hindi sapat ang halaga na ito para bayaran ko ang pagsisilbi niyo sa aming pamilya. Pero— masakit man sa akin, kailangan niyo na pong maghanap ng ibang mapagta-trabahuhan.” Pinigil ko ang aking luha dahil alam kong baka hindi siya pumayag sa hiling ko. Sampung taon din siyang nanilbihan sa pamilya namin at itinuring ko na rin siyang pangalawang ina. Kaya lang…ayoko siyang idamay sa hirap na nararanasan ko ngayon dahil may pamilya din siyang sinusuportahan. “Paano ka? Hindi—” “Please po…huwag niyo po akong alalahanin kaya ko po ito.” matatag na sagot ko pero sa loob-loob ko parang gusto ko nang sumigaw sa sakit na nararamdaman ko. “Hindi anak, sumama ka na lang sa akin sa Mindoro. Wala ka nang ibang mapupuntahan. Hindi ka pa sanay mamuhay ng mag-isa. Saka nangako ako sa ama mo bago siya malagutan ng hininga na aalagaan kita...” Lumuluhang sabi niya sa akin. Niyakap niya ako at tuluyan na rin akong napahikbi. Nang humupa na ang nararamdaman ko ay nag-desisyon kami na ibenta ang ibang gamit namin sa gilid ng daan. Maayos pa naman ang mga ito upang makalikom ng pera. Tinulungan ako ni Yaya Berna at laking pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya ako iniwan sa kabila ng lahat ng nangyayari sa amin. Umabot sa fifty thousand ang napagbintahan namin dahil na rin sa mga malalapit na kapitbahay na nagmagandang loob. Kasama na rin ang gamit ko na hindi ko na madadala pa. Sabi ni Yaya Berna doon ko na lang daw tapusin ang pag-aaral ko. Saka ako maghanap ng trabaho kapag nakatapos na ako. At sa tingin ko yun din ang mas makakabuti sa akin. Pagkatapos naming maibenta ang lahat ng natirang gamit namin ay binitbit na namin ang aming mga natirang gamit na puwede pa naming madala pa-uwi. Hindi ko maihakbang palayo ang mga paa ko dahil sa bahay na kailangan ko nang iwan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Ngunit kailangan kong bumangon para sa aking sarili. Para sa pangarap ko at para sa kinabukasan na naghihintay sa akin. Madaling araw na at lulan na kami ng ferry na magdadala sa amin sa Mindoro. Kahit pagod na pagod ay wala akong ganang matulog sa byahe. Maraming gumugulo sa isip ko sa mga oras na ito at masama din ang pakiramdam ko dahil siguro sa pagpapaulan ko kahapon. “Anak, kumain muna tayo ng noodles para mainitan din ang sikmura mo. Bumili din ako ng tinapay at kape.” Wika ni Yaya Berna sabay abot sa akin ng pagkain. Inilapag ko ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ayoko na siyang mag-alala pa dahil alam kong nalulungkot din siya sa nangyari sa pamilya namin. Kaya kinain ko ang mga binili niya. Umaga na nang dumaong ang bangka namin sa pantalan. Napatingin ako sa papasikat pa lamang na araw. Kay ganda nitong pagmasdan at parang pinapaalala sa akin na ito na ang simula ng panibago kong buhay. “Anak, halika na!” Tawag sa akin ni Yaya Berna, nasanay na ako dahil yun naman talaga ng tawag niya sa akin kahit noon pa. Isinakay niya ang iba naming gamit sa tricycle at sumakay na rin kami sa loob. Masarap na simoy ng hangin ang nalalanghap ko habang binabagtas namin ang tirahan ni Yaya Berna. Sana lamang pamayag ang asawa at anak niya na tumira muna ako doon pansamantala. Napakapit ako ng mahigpit nang biglang tumigil ang tricycle. Narinig ko pang nagmura ang driver at napatingin ako sa sasakyan na humarang sa harapan namin. “Anong meron?” tanong ni yaya sa driver. “Hindi ko ho alam eh, basta na lamang humarang ang van.” Sagot niya. Bumaba ang driver kaya bumaba na din kami dahil baka nahulog na yung bag namin na nakalagay sa bubungan nito. Nagbabaan din ang mga sakay ng van ngunit hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. “Anong kailangan niyo?” takot na tanong ni yaya nang bigwasan ng lalaking may hawak na baril ang driver ng tricycle kaya nabuwal ito sa semento at nawalan ng malay. “Huwag!” Sigaw ko sabay harang sa harapan ni Yaya nang tinutukan din siya ng isa pang lalaki. “Anak! Umalis ka diyan! Tumakbo ka na!” Sigaw niya sa akin pero umiling ako at kahit natatakot lakas loob kong hinarap ang mga lalaki. “Anong kasalanan namin sa inyo ha?!” Singhal ko sa kanila. “Ikaw ba si Cassandra Imperial?” Seryosong tanong ng lalaking kakababa lang din sa van. Humarang sa harapan ko si Yaya. “Hindi siya—” “Huwag kang maki-alam dito tanda!” gigil na sabi ng lalaki. Sa takot na paputukan niya si yaya ay hinila ko ito patungo sa likod ko. “Ako nga! Huwag niyo siyang sasaktan paki-usap...” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanila. Ibinaba nila ang baril. “Sumakay ka sa van, kung ayaw mong tuluyan ko ang matandang yan.” Nilingon ko si yaya. “Salamat po sa lahat…” Niyakap ko siya sa huling sandali. Hindi ko alam kung magkikita pa kaming dalawa. Pero sa tingin ko wala na akong choice kundi sumama sa kanila. Kaysa may madamay pa na ibang tao. “Cassandra…huwag kang sumama sa kanila.” “Okay lang po ako. Huwag niyo akong alalahanin.” nakangiting paalam ko sa kanya. Kaagad ko siyang tinalikuran. Mariin akong napapikit nang marinig ko pa ang pagtawag niya. “Sakay!” utos sa akin ng lalaking naka-itim. Kahit nanginginig ay nagawa kong sumakay sa van. Sinarado nila ang pinto at saka ko nilingon si yaya na umiiyak pa rin. “Mr. Dela Costa? Kasama na po namin siya. Pabalik na kami nang Maynila.” Narinig kong sabi ng lalaki na naka-upo sa unahan ng saksakyan. Sino ang lalaking tinutukoy niya? Anong kailangan niya sa akin? Nahilo ako sa mahabang oras na byahe namin. Hindi pa rin kasi maganda ang pakiramdam ko simula kahapon. Pinababa nila ako kanina at lumipat kami sa chopper. Kampante lang ako dahil kapag nagmatigas ako hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Kung may balak man silang saktan ako dapat kanina palamang ay ginawa na nila ngunit sa tingin ko may kailangan sa akin ang lalaking kausap kanina ng leader nila. Wala naman akong maalala na may atraso ako kahit kanino kaya hindi ko rin alam kung anong dahilan nila sa pagdukot sa akin. Nag-alala lang ako kay yaya siguradong labis na ang pag-alala noon sa akin. Ipinagpasalamat ko na lamang hindi nila ito sinaktan. Unti-unting bumaba ang chopper sa lupa at napansin kong malayo ito sa mga establishemento. May iisang bahay lang na nakatirik dito at mala-palasyo ang laki nito. Pagkalapag ng chopper ay ibinaba na nila ako. Sumunod ako sa kanila. Nang makarating na ako sa pinto ng malaking bahay ay pinagbuksan pa nila ako ng pinto. Ngunit hindi sila pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay isinara na nila ito. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng bahay. Parang walang ibang nakatira dito. Ano naman kaya ang gagawin ko sa bahay na ito? “Kanina ka pa hinihintay ni Sir Tyron.” seryosong sabi sa akin ng matanda na sa tingin ko ay lagpas sixty na ang edad. “S-sino pong Tyron?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Siya ang may-ari ng mansion na ito at lahat ng tao dito ay iginagalang siya. Mabuti pa sumunod ka na sa akin.” Tinalikuran niya ako. Marahan ang naging paghakbang ko habang inililibot ang aking paningin. Napakatahimik ng bahay na ito. Wala kayang ibang nakatira dito? At sino ang lalaking tinutukoy niya? Umakyat kami sa mataas na hagdan hangang makarating kami sa unang pintuan ng isang silid. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nag-aalangan akong pumasok sa loob. “Pumasok ka na.” utos niya sa akin. Wala akong nagawa kundi sundin siya. Pagpasok ko pa lamang ay nakatayong lalaki na nakatalikod sa gawi ko ang bumungad sa akin. Nakaharap siya ngayon sa salamin na bintana. “Ikaw ba ang nag-utos na dalhin ako dito? A-Anong kailangan mo sa akin?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Unti-unti niya akong nilingon at nakita ko ang kanyang seryosong mukha. Literal na nalaglag ang aking panga nang makita ko ang kabuohan ng mukha niya. Sandaling nagtama ang mata naming dalawa ngunit nauna din siyang nag-iwas ng tingin. “Nandito ka para magbayad ng utang ng iyong ama.” sagot niya sa akin. Hindi lang ang guwapo niyang mukha ang masarap titigan. Pati ang malalim na boses niya ay masarap ding pakingan. “T-teka? Utang?” bulalas ko nang tumatak sa isip ko ang una niyang sinabi. May kinuha siyang folder at inilagay sa ibabaw ng mesa. “Ikaw ang ginawang collateral ng yung ama upang mabayaran ang malaking pagkakautang niya sa Casino. At dahil patay na siya. Kailangan mong bayaran ang lahat ng inutang niya sa akin.” walang kangiti-ngiti na sabi niya sa akin. Unti-unti kong binuksan ang folder at nakita ko doon ang milyon din na halaga na inutang niya. May pirma pa ito at walang duda na pirma nga ito ni papa. “Ako? Pero hindi ko alam kung paano nagkaroon ng utang si papa ng ganito kalaking halaga. At paanong ginawa niya akong collateral para bayaran ang utang na ‘to?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ang alam ko engineer si papa sa isang five-star hotel sa Makati. Hindi kami kapos at sapat lang naman ang binibigay ni papa na pera sa akin. “May kasulatan diyan sa folder na kung hindi siya makakabayad ikaw ang anak niya ang magbabayad ng utang niya. Magta-trabaho ka dito sa poder ko bilang kapalit. At hindi mo pwedeng tangihan ang inaalok ko.” ma-authoridad na sabi niya sa akin. Walang emosyon ang kanyang mga mata at nakikita kong hindi siya marunong makisimpatya sa tao. Kakamatay lang ni Papa tapos nawala na sa akin ang lahat. At ngayon pati ang kalayaan kong mag-desisyon para mag-move on sa buhay at ipagpatuloy ang aking pag-aaral ay hindi ko na rin magagawa pa. “Puwede ko bang malaman kung bakit nagkaroon ng malaking utang si papa sa’yo?” nangingilid ang luhang tanong ko. Iniisip ko kasi ang future ko. Ano naman kaya ang trabahong ibibigay niya sa akin at paano ko mababayaran ang ganito kalaking halaga? Kahit ata habang buhay akong magtrabaho hindi ko mababayaran ang fifty million na utang niya. “Sugarol ang ama mo, marami siyang loan sa mga lending companies. Ginagamit niyang collateral ang bahay at mga lupang nabili niya hangang sa hindi na niya ito matubos pa. Bukod doon malaki din ang pagkakautang niya sa casino. Dumating sa point na pinagbabantaan ang kanyang buhay dahil sa mga utang niya kaya siya lumapit sa akin. Bilang isang negosyante hindi ko naman maaring tangihan ang alok niya. Kaya lang nangyari ang hindi inaasahan. Wala akong paki-alam kung nagluluksa ka pa rin sa pagkamatay ng ‘yong ama. Malaking halaga ang nawala sa akin at nandito ka para maging alipin ko sa ayaw at sa gusto mo. Maari ka nang lumabas.” Utos niya na ikinabagsak ng aking balikat. Hindi ko akalain na ganito siya kawalang puso. Magtataka pa ba ako? Sa tindig at postura niya, sa facial expression na ipinapakita niya sa akin at sa tono ng pananalita niya. Sila yung mga taong hindi marunong magpahalaga sa buhay ng isang tao. Lalo na kapag pera na ang usapan. “Bago ako umalis…puwede ko bang malaman kung hangang kailan ako maninilbihan dito? Hangang kailan mo ako sisingilin sa utang ng ama ko?” Seryosong tanong ko din sa kanya. Down na down na ako. Kung magmamaka-awa pa ako sa kanya. Pati ang natitirang respeto ko sa aking sarili ay mawawala na din. “Hanga’t gusto ko.” Walang gatol niyang sagot. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinalikuran ko na siya. Humakbang ako patungo sa pinto ngunit nang bubuksan ko na ito saka nagdilim ang paningin ko hangang sa nabitawan ko ang seradura at tuluyan akong bumagsak at nawalan ng malay. Nang magising ako ay nakahiga na ako sa hindi pamilyar na kuwarto na ako. Kulay puti ang ding-ding at may pandalawahan na kama. Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit kong bumangon. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. “Mabuti naman at gising ka na.” Bungad sa akin ng babaeng sa tingin ko ay kasing edad ko lang. “S-Sino ka?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ako? Just call me Rena. Kasambahay din ako dito. Pinagdalhan kita ng mainit na lugaw at gamot na rin. Mahigpit na bilin ni Sir Tyron na magpahinga ka muna at kapag magaling ka na saka ka magtrabaho.” Nakangiting sabi niya sa akin. May puso din naman pala ang lalaking yun. “Sige maiwan na kita ha—” “Teka sandali!” tawag ko sa kanya nang akmang aalis na siya. Nilingon niya ako at muli siyang lumapit sa akin. “Puwede ko bang malaman kung paano ako nakarating sa kuwarto na ito?” “Ah! Yun ba? Si Sir Tyron ang bumuhat sayo. Akala ko nga girlfriend ka ni sir eh kasi nag-alala talaga siya kanina tapos nakatitig pa siya sayo nang dalhin ka dito sa kuwarto mo.” Nakangising sabi niya sa akin. Ang hirap naman paniwalaan ng sinabi niya. Ibang Tyron kasi ang nakilala ko kanina. “Salamat Rena, ako nga pala si Cassandra. Puwede mo akong tawagin Cass.” pakilala ko. Inilahad ko ang kamay ko at tinangap naman niya ito. “Marami pa akong gagawin. Ubusin mo yung lugaw ha? Saka uminom ka din ng gamot sa lagnat.” Bilin pa niya bago niya ako iniwanan. Sinunod ko naman ang bilin niya kahit wala akong ganang kumain. Ininom ko rin ang gamot ko at nagpalit na rin ako nang uniporme. Dahil may nakita akong nakapatong sa ibabaw ng cabinet. Lumabas ako ng kuwarto ko at inilibot ko ang aking paningin. “Bakit ka lumabas ng kuwarto?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses niya. Sinuyod niya ako ng tingin dahil sa suot kong uniporme na kulay black at hangang tuhod ang haba. Nakasuot naman siya ng puting bathrobe.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
468.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook