bc

The Governor's Adopted Sister

book_age18+
18.0K
FOLLOW
109.8K
READ
HE
age gap
fated
brave
stepbrother
sweet
bxb
gxg
city
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Kinse anyos pa lamang si Isabella nang maulila siya. Kasamang namatay ang kanyang mga magulang at bunsong kapatid nang matupok ang barong-barong nilang tirahan sa squater. Naawa sa kanya ang asawa ng governador dahil kamamatay lang din ng anak nito na kasing edad lang ni Isabella kaya kinukop niya ito at itinuring na parang tunay na anak. Ngunit nang tumuntong siya sa pamamahay nito ay nakilala niya si Esrael. Ang panganay na anak nitong lalaki na walong taon ang agwat sa kanya. Pinigilan niyang mahulog ang loob niya dito dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng mga magulang nito. At itinago niya ang kanyang nararamdaman sa kabila nang pagiging caring, malambing at palaging nandiyan para sa kanya. Si Esrael, simula pagkabata naging sunod-sunoran sa kanyang mga magulang. Tinalikuran niya ang pangarap niyang maging piloto dahil kailangan niyang hawakan ang winery business ng pamilya. Ngunit nang matapos ang termino ng kanyang ama sa pagiging governador ay siya naman ang pinilit nitong tumakbo. Wala siyang nagawa kundin sundin ang yapak nito. Nang manalo siya sa pagiging governador ay nalaman din niya ang plano ng kanyang papa na pulitikal marriage sa pagitan nila ng anak ng mayor kaya nagsimula siyang suwayin ang mga ito. Malaman kaya ni Esrael ang lihim na pagmamahal sa kanya ni Isabella? At kayanin kaya ni Isabella na mapunta sa iba ang lalaking una niyang inibig dahil lamang sa pagiging adopted daughter niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Apoy
ISABELLA Hindi ma-ampat ang pagtulo ng aking luha habang pinapanuod ang mga bombero sa paglabas-masok sa maliit na eskinita para ma-apula ang apoy na ngayon ay tumutupok na sa dikit-dikit na kabahayan. Nasa dulo kasi ang bahay namin at sa katabing bahay daw naming nag-umpisa ang sunog. Sinubukan kong pumasok para mapuntahan sila inay at itay, pati na rin ang ang bunso kong kapatid ngunit naging mabilis ang pagkalat ng apoy. Nasugatan pa ang braso ko dahil pinilit kong makapasok sa eskinita. Kung hindi ako hinila ng isang residente siguradong nadaganan na ako ng mga kahoy na nagbabagsakan dahil sa nangagalit na apoy. At kung hindi ako pumunta sa kaklase ko para kunin ang note book ko na hiniram niya kasama sana nila ako ngayon na hindi na nakalabas sa sunog. Halos anim na oras din ang lumipas bago tuluyang na-apula ang apoy. Tumambad sa amin ang malawak na lupa na noon ay puno ng mga bahay na ngayon ay naging abo na. Isa-isang inilabas ang mga sunog na bangkay. At ikinalat ito sa daan. Nanginginig na nilapitan ko sila at napahagulgol na lamang ako ng tuluyan. Lagpas sampu ang namatay sa sunog at kabilang dito ang aking pamilya. At ngayon, mabigat ang dibdib na pinagmamasdan ko sila habang isa-isa silang inililibing dito sa sementeryo. “Kawawa naman siya, ang bata pa niya para maulila.” narinig kong sabi nang mga nakipaglibing sa amin. Naubos na ang aking mga luha dahil sa gabi-gabing pag-iyak. Sobrang sakit…sa mura kong edad naranasan ko ang lahat ng ‘to. Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. Hindi ko na sila makikita pang muli. Masakit man ay kailangan kong tangapin dahil na rin sa mga payo ng mga taong tumulong sa akin. “Hija, simula ngayon sa amin ka na titira.” nakangiting sabi ni Mrs. Montefalco. Asawa siya ng gobernador namin at simula sa hospital hangang sa libing ng mga nasunugan ay sila ang gumastos. Nang matapos ang libing ay isinama na nila ako sa kanila. Wala akong choice dahil wala rin akong mapuntahan pa. “Who’s she?” tanong ng binatang nasa harapan ko at kinikilatis ako mula ulo hangang paa kaya napayuko ako. "Esrael, I’d like you to meet Isabella. Simula ngayon, dito na siya titira sa bahay bilang sister mo kaya be good to her, okay?" bilin pa ni Mrs. Montefalco. Pagkatapos ay inaya na niya akong umakyat sa taas upang ipakita sa akin ang magiging kuwarto ko. "Isabella, dating kuwarto ito ni Dreya. Ngayon ikaw na ang bahalang gumamit nito. Sa tingin ko naman magkasing katawan lang kayo. Kaya paniguradong kakasya din sa'yo ang mga damit na hindi pa niya nasusuot." nakangiting sabi niya sa akin. Sa tingin ko naman ay bukal talaga sa loob niya ang pagpapatuloy niya sa akin dito sa bahay nila. "Nasaan na po si Dreya?" usisa ko. Kinuha niya ang larawan na nakapatong sa ibabaw ng kabinet at nangingilid ang luhang hinaplos ito. "W-Wala na siya, she died because of cancer." Napatingin ako sa family picture nila na nakasabit sa dingding. Napakabata pa rin niya para kunin ng diyos. Nararamdaman ko ang pangungulila niya sa kanyang anak dahil niyakap pa niya ang picture nito. Pinunasan niya ang kanyang luha at kinuha ang lahat ng natira pa nitong pictures sa kuwarto ko. Maya-maya pa ay iniwan na niya akong makapag-pahinga ako dahil ilang araw at gabi na rin na hindi maayos ang tulog ko. Ngunit na-isipan kong lumabas ng kuwarto upang tanungin si Mrs. Montefalco. "Ano? Nasisiraan ka na ba Leticia? Balak mong ampunin nang tuluyan ang batang yun?" narinig kong pag-uusap sa ibaba. Sumilip ako at nakita ko si governor at ang asawa niya pati na rin ang binata na sumalubong sa amin kanina. "Why not Juancho? Wala na siyang pamilya. Naawa ako sa kalagayan niya dahil napagdaanan ko din ang mawalan ng mahal sa buhay. Mukha naman siyang mabait at napakagandang bata pa." may diin niyang sagot kay Governor Juancho. "Ma, kung inampon niyo lang siya para mapalitan ang pangungulila niyo kay Dreya. Hindi mo puwedeng palitan ang kapatid ko ng kung sino lang.” wika naman ng lalaking anak niya. Tumayo si Mrs. Leticia "Kahit ano pang sabihin niyo. Itutuloy ko ang pag-ampon sa kanya at ituturing ko siyang galing sa akin!” Kaagad akong bumalik sa room ko dahil umakyat na siyang muli sa hagdan. Malinaw naman sa akin na ayaw nila sa akin. At si Mrs. Montefalco lang ang gusto na tumira ako dito. Kaso wala na akong ibang mapupuntahan pa. Kaya kahit maging kasambahay nila ay hindi ko tatangihan. Basta may bahay lang akong masisilungan at hindi ako magugutom. Naupo ako sa malambot na kama. Hindi ko alam kung anong klaseng anak si Dreya. Pero wala akong balak na palitan siya sa kanyang pamilya kahit na halos magkasing edad lang kami. Dahil alam ko kung saan ako nangaling. Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang lalaking anak nila. Sa tingin ko may lima o sampung taon ang agwat naming dalawa dahil binatang-binata na ito kung titignan. “Pinapabigay ni mama.” wika niya sabay abot sa akin ng dalawang malaking paper bag. “M-maraming salamat po ku-ya.” nahihiya at nauutal na sabi ko. “Kuya? Hindi mo ako kapatid.” Pagtatama niya sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang aking paghikbi at nagbago ang expression ng kanyang mukha. “A-ah, I mean…sige kung gusto mo yun na lang itawag mo sa akin. Huwag ka ng umiyak. Okay?” Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto. Akala ko magagalit siya sa akin nang tuluyan pero pumayag rin siyang tawagin ko siyang kuya. Kahit ayaw niya akong maging kapatid. Mabilis na lumipas ang limang buwan. Unti-unti ko na ring natangap ang bago kong pamilya. Dahil tuluyan na akong inampon ni Mama Leticia. Hindi na rin ako laging umiiyak dahil naging maayos naman ang trato nila sa akin. Kahit si Papa Juancho ay naging mabuti din sa akin. Lalo na si kuya Esrael. Napakabait niya, Walong taon lang pala ang agwat naming dalawa at nag-aaral na siya sa pagma-manage ng negosyo nila. Ako naman ay bumalik sa pag-aaral. Inilipat nila ako sa pribadong skwelahan. Naging maginhawa ang buhay ko dahil sa pag-ampon sa akin ni Mama Letecia. “What are you doing here?” kunot ang noo na tanong ni Kuya Esrael nang pumasok ako sa kanyang opisina. “Kuya pinagdalhan kita ng masarap na kape.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Dahan-dahan kong ipinatong ang tasa sa ibabaw ng table niya at naupo ako sa upuan na nasa harapan niya. “Hindi naman nakakagising ang kape mo. Lalo pa akong ina-antok.” Napatawa ako sa reklamo niya. Palagi kasi ako ang nagtitimpla ng kape niya lalo na kapag kailangan niyang magpuyat. Minsan sinasamahan ko din siya dito sa office at dito na rin ako nag-aaral kaya lamang nakakatulog ako at minsan nagigising na lamang ako buhat-buhat na niya ako upang dalhin sa kuwarto ko. “Kuya, diba pangarap mong magpalipad ng eroplano? Bakit hindi mo sabihin kay papa?” usisa ko habang pinagmamasdan ang maliit na model ng eroplano sa ibabaw ng table niya. Paborito daw niya itong laruan kasi ibinigay ito sa kanya ni papa noong hindi pa ito tumatakbong gobernador. “It’s too late Isabella. I tried to talk to dad pero ayaw niya talaga akong maging piloto. Saka, sino pa ba ibang aasahan niya sa negosyo namin kundi ako na lang diba?” tugon niya. Nalulungkot ako para sa kanya. Pangarap niyang maging piloto pero kailangan niyang pag-aralan ang wine business nila. Bukod sa hekta-hektaryang taniman ng grapes na may iba’t-ibang variety. Ay tumutulong din siyang gumawa ng wine at isa sila sa exporter ng wine sa ibang bansa. Hindi nga ako makapaniwala na maaring mabuhay ang ganung prutas dito. “Maiba tayo, gusto mong tikman ang ginawa kong wine?” nakangiting tanong niya. Excited naman akong tumango sa kanya. The last time na tumikim ako ng wine ay noong new year’s eve at isang glass lang yun pero nagustuhan ko ang lasa dahil hindi siya ganun katapang. Tumayo siya at lumapit sa glass na cabinet kung saan naroon ang mga bote ng wine. Kumuha siya ng isa at isinalin sa wine glass. “Wow! Ang ganda ng color at mukhang masarap.” excited na bulalas ko habang pinapa-ikot pa niya ang baso. Inabot niya ito sa akin at kaagad kong ininom. “Teka huwag mong ubusin!” Pigil niya nang parang tubig ko itong inubos hangang sa huling patak. Napadila pa ako sa aking labi. “Ginawa mong tubig yung wine.” litanya niya sabay agaw sa akin ng baso. “Masarap kuya! Ikaw ang gumawa niyan?” Nagsalin din siya sa parehong baso at inubos din niya. “Oo, mas masarap kapag suwabe lang kaya lang mataas ang alcohol content nito kaya tama na ang isang kalahating baso okay?” Tumango ako sa kanya. May hinanap siya sa ibabaw ng table niya pero hindi niya ito makita. “Nasaan na ba yung—diyan ka muna may kukunin lang ako sa kuwarto ko.” bilin niya sa akin at lumabas muna siya. Iniwanan niya akong mag-isa dito sa office. Naupo ako sa upuan para hintayin siya ngunit natutukso akong tikman ulit ang wine na siya mismo ang gumawa. “Hindi naman siguro magagalit si kuya kung tumikim pa ako ng isang baso.” kumbinsi ko sa sarili at muli akong uminom. Kahit mataas ang alcohol content ay banayad pa rin siya sa lalamunan at talagang nagustuhan ko ang lasa nito. Pagkatapos kong makadalawa ay naupo na ulit ako sa upuan. Sakto naman na pumasok si Kuya. “Hindi ka pa ba matutulog? Maghahating gabi na ah?” “Wala namang pasok bukas. Okay lang na magpuyat ako.” nakangisi kong sabi sa kanya. Palagi kaming na-iiwan ni Kuya dito dahil palaging umaalis sila mama at papa. Kaya mas naging malapit kami sa isa’t-isa. Inangat niya ang bote at seryoso niya akong tinignan. “Don’t tell me uminom ka ulit? Halos maubos mo na yung isang bote.” saway niya sa akin. “Sorry na po, kasi naman ang sarap ng alak na yan.” nakanguso kong sabi sa kanya. “Hay, ikaw talaga! Ang tigas ng ulo mo.” Ibinalik niya ito sa cabinet at muling nagtipa sa laptop niya. Nagsimulang mag-init ang katawan ko kahit malamig naman dito. “Kuya, anong pakiramdam ng nalalasing?” tanong ko sa kanya. “Bakit mo naman naitanong?” seryosong sabi niya na hindi ako tinatapunan ng tingin dahil abala siya sa ginagawa niya. “Para kang nakalutang sa ulap. Minsan hindi mo alam na nakakagawa ka na pala ng mali dahil malakas ang loob mo. I think it depends sa tao kung paano nila dadalhin ang sarili kapag lasing.” paliwanag niya sa akin. Sumandal ako sa upuan at tumingala sa kisame. “Wala lang, noong nabubuhay kasi si Itay palagi din siyang lasing kapag umuuwi. Kaya palagi silang nag-aaway ni inay. Minsan umaabot sa puntong sinasaktan na siya nito. Kahit ako napagbuhatan na rin niya ng kamay. Kaya kapag lasing siya palagi akong pinapaalis ni inay. Ayaw niya kasing nandoon ako kapag nag-aaway sila. A-ayaw niyang makita ko siyang sinasaktan…” Namalayan ko na lamang ang pagtulo ng aking luha dahil naalala ko na naman ang tagpong ‘yon. Pinahid ko ang aking luha at mabigat ang katawan na tumayo. “Matutulog na pala ako…goodnight—” Nabitin ang paalam ko sa kanya nang yakapin niya ako. “K-kuya…” “Ssshhh…don’t ask me why am I doing this. Pero nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka.” sambit niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Dahil ngayon lang ako nakahanap ng taong mapaglalabasan ng nararamdaman ko. Nakatulong din siguro ang alak dahil lumakas ang loob kong i-kuwento sa kanya ang naging buhay ko noon. “I promise…habang nandito ka sa tabi ko. Wala nang ibang mananakit sa’yo. Ipagtatangol kita kahit kanino…Isabella.” Pinahid niya ang aking luha sa pisngi at hinawakan ko ang kamay niya. “Maraming salamat kuya…” nakangiting sabi ko. Muli niya akong niyakap at pagkatapos ay hinatid pa niya ako sa kuwarto ko. “Matulog ka na okay? Ipapasyal kita bukas sa farm.” wika niya. “Talaga?” Tumango siya at inayos ang aking kumot. “Goodnight kuya…I love you…” nakangiting sabi ko na ikina-awang ng kanyang labi. “M-mahal mo ako?” “Oo, kayo ni mama at papa. Mahal ko kayo. Salamat kasi palagi kang nasa tabi ko. Kaya mahal na mahal kita…” dagdag ko pa. Hangang sa tuluyan na ring bumigat ang talukap ng mata ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook