bc

Yes, Mr. President

book_age18+
6.5K
FOLLOW
33.3K
READ
spy/agent
powerful
brave
police
bxg
office/work place
royal
bodyguard
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Maging bodyguard ng presidente. Ito ang naging misyon ni Lhiriya Martinez o mas kilala sa tawag na police captain Riya. Malaki ang naging banta sa buhay ng pa-upo pa lamang na bagong presidente kaya inatasan siya ng ng TAJSO organization na siya ang napili nilang maging mahigpit na bantay ng presidente. Habang hindi pa mahanap ang mga taong nasa likod ng tangkang pagpatay sa kanya. Kakayanin kaya ni Riya na protektahan ang pinakamahalang tao sa bansa dahil sa pagsulputan ng kaliwa't-kanan na kalaban nito?

Paano kung sa pag-protekta niya dito ay mahulog ang loob niya sa binatang presidente na si Alixander Rodriquez?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
RIYA Kanina pa ako hindi mapakali at pabalik-balik sa office ni Daddy. Nagdadalawang isip kasi akong katukin siya dahil sa pakay ko sa kanya. Kapag hindi pumayag si Daddy na dagdagan ang allowance ko siguradong malalagot na naman ako kay kila Joanna. Akala ko pa naman matatapos na ang kalbaryo ko sa kanila kapag naka-graduate na kami ng high school. Pero hindi ko inaasahan na sa parehong university din pala kami papasok. At magkapareho pa kami ng kurso na kinuha. Dalawang linggo pa lamang nang mag-umpisa ang school year. At sa araw-araw na pumapasok ako sa school ay puro pambu-bully na naman ang ginagawa nila sa akin. Hindi ko kayang lumaban sa kanila dahil bukod sa may mga boyfriend silang sangano na mga siga din sa school kilala talaga silang magba-barkada na palaging gumagawa ng gulo. Kaya ayaw ng ibang mga studyante ang makabanga o tumingin man lang sa kanila dahil kapag natipuhan ka nila paniguradong magiging impyerno ang buhay mo. Kagaya ng nararanasan ko ngayon sa kamay nila. Kung pwede lang na lumipat ng school ay ginawa ko na para lamang maka-iwas sa kanila. Kaya lang, baka pag sinabi ko kay Mommy at Daddy na lilipat ako, mag-usisa sila sa akin. Lalo pa’t napapansin na nila ang pagiging tahimik ko nitong mga nakaraang araw. Simula nang pagtripan ulit ako ng magba-barkadang yun ay palagi na akong natatakot. Ayoko naman sabihin sa kakambal ko na si Miguelito ang tungkol sa pambu-bully nila dahil sigurado akong mas lalong gugulo ang lahat. Lalo pa’t abala siya sa kurso niyang criminology. Masyadong mainitin din ang ulo noon kaya baka lalo lamang kaming magkaproblema kapag nalaman niya ang nangyayari sa akin sa university. Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ang pinto. Nasa tabi kasi ako at nag-iisip kung papasok ba ako sa loob. “Lhiriya? Anong ginagawa mo diyan? May kailangan ka ba? Bakit hindi ka pumasok?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Pinilit kong ngumiti sa harapan niya. “Dad…a… kasi po…” Alam ko naman na barya lang kay Daddy ang hihingiin kong allowance. Ang ikinakatakot ko ay ang magsinungaling ulit sa kanya. “Ano yun? Sabihin mo na para makapag-pahinga na tayo at maaga pa tayo bukas.” Wika ni Dad sa akin. Suminghap ako at nag-ipon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang pakay ko. “D-Dad, pwede po bang dagdagan niyo ang allowance ko? Marami po kasi kaming project sa school baka kulangin po yung allowance ko. Kahit ngayon lang po. Titipirin ko na lang promise.” Nakataas pa ang kanang kamay ko nang sabihin ko yun. Para maniwala siya sa akin. I feel bad, dahil napipilitan akong gawin ang ganito kasamang bagay sa parents ko. Masyado kasing mabait si Daddy at si Mommy kaya hindi nila deserve na magkaroon ng anak na gaya ko. Pero kapag hindi ko ito ginawa baka hindi lang bugbog ang aabutin ko sa mga barkada ni Joanna. Baka turuan din nila ako ng mga masasamang bagay kagaya ng maglasing, manigarilyo at mag-droga. Palagi ko kasing nakikita yun sa kanila lalo na kapag nagpupulong na sila sa tambayan nila. “Yun lang ba? Oo naman anak. Basta make sure na pagbubutihan mo ang pag-aaral mo okay?” “Talaga Dad? Thank you po. I love you.” Napayakap ako sa beywang ni Daddy. Hinaplos niya ang buhok ko. Kaya mahal na mahal siya ni Mommy kasi napakabuti at responsable Daddy sa amin. Ma-suwerte na sana ako sa buhay ko kung hindi lang ako pumasok sa gulong ito. Alam ko naman na hindi tatangi si Daddy. Alam kasi nila ni Mommy na pinagbubuti ko talaga ang pag-aaral ko kaya nga naging salutatorian pa ako nang maka-graduate na ako ng high school. “Bukas ko na ibibigay anak. Magpahinga ka na anak at gabi na.” Wika ni Daddy bago ako humiwalay ng yakap sa kanya. Kinintalan niya ako ng halik sa noo pagkatapos ay nagtungo na siya sa kwarto nila. Tinanaw ko na lamang ang papalayong likod ni Daddy. “Sorry Daddy, sorry Mommy. Kung natatakot man akong labanan sila. I know mahina akong babae. Ayoko lang makadagdag sa isipin niyo lalo pa’t palagi kayong masaya ni Mommy.” Mahinang bulong ko sa aking sarili. Kinabukasan ay sabay-sabay kaming nag-almusal. Papasok din kasi si Daddy sa company. Sabay naman kami ni Miguelito sa kotse niya pag pasok sa university. Pero kapag uwian ay sinusundo ako ng family driver namin dahil magkaiba kami ng oras ng uwi ng kambal ko. “Kumusta ang school anak? Dami mo na bang bagong kaibigan?” Nakangiting tanong ni Mommy. Ininom ko ang natitirang gatas sa baso bago ako bumaling sa kanya. “Yes po Mommy, marami na po akong kaibigan. Saka ang babait nila sa akin.” Masayang sagot ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganun, kapag may problema ka sa school sabihin mo sa amin ni Daddy mo okay?” Paalala pa niya. Sa loob ko gustong-gusto ko na sabihin sa kanila. Pero ayoko nang dumagdag ng alalahanin pa. “Ang lalaki na ng anak natin mahal. Namimiss ko na magkaroon ng baby. Sundan na kaya natin sila.” Pag-iiba ng usapan ni Daddy na ikinatawa naman ni Mommy. “Puro ka kalokohan Miguel.” Sabi ni Mommy sa kanya. “Daddy magkakaroon ulit ng baby si Mommy? Paano po kami?” Singit naman ni Ivan na eight years old at nasa elementary palang. “Oo nga Daddy! Baby pa rin naman po kami ah?” Nakanguso naman na sabi ni Mathew. Ang pinakabata ‘kong kapatid na nasa daycare palang. Malapit lang ang school nila dito kaya si Mommy ang naghahatid sa kanila. “Naku! Nagtampo na naman ang mga babies ko. Syempre baby ko kayong lahat. Wag niyo na lang pansinin ang sinabi ni Daddy okay?” Nakangiting sabi ni Mommy sa amin. Hinaplos pa niya ang buhok ni Ivan at ngumiti din ito sa kanya. Pati si Miguelito na palaging seryoso sa buhay ay napangiti na rin. Ganito sa aming pamilya. Masaya lang parang walang problema. Never pa namin nakikitang nag-aaway sila Mommy at Daddy. Siguro hindi lang nila pinapakita sa amin. Kaya feeling namin hindi sila nag-aaway. Palagi kasi silang okay, ganun siguro talaga kapag mahal ang isa’t-isa. Sabagay hindi naman kami aabot sa apat kung hindi sila nagmamahalan ni Mommy. Gaya ng sinabi ni Daddy inabot niya sa akin ang dagdag na allowance ko bago siya nagpaalam na papasok na sa opisina. Nagpaalam na rin ako kay Mommy at ganun din ang kambal ko. “Bakit ka nanghingi kay Daddy ng allowance? Ubos mo na ang binibigay niya sayo monthly?” Tanong ni Miguelito nang makapasok na kami sa kotse. “M-May project kasi kami sa school baka kulangin ang allowance ko kapag yun ang ginamit ko.” Pagdadahilan ko sa kanya. Binuhay na niya ang makina ng kotse. “Ganun ba? Magastos ka siguro, ako kasi kalahati lang ang nagagalaw ko sa allowance ko. At yung kalahati nadadagdag ko sa savings ko.” “Iba naman kasi ang babae, saka mauubos din yang allowance mo lalo na kapag nagka-girlfriend ka na.” “Girlfriend? Wala pa nga akong nakikita sa school na pwede ko maging girlfriend at isa pa focus ako sa abs ko at sa kurso ko. Kaya ikaw, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil may kompanya kang mamanahin.” Nakangiting sabi niya sa akin. Sinabi na rin yun ni Miguelito kay Daddy na ayaw niyang hawakan ang negosyo nito. Kaya ako business management ang kinuha ko para makatulong kila Daddy. Hindi na lamang ako nagsalita dahil baka marami pa siyang usisain sa akin. Wala pang twenty minutes ay nasa gate na kami ng saint mary college. Ipinarada niya ang kotse sa parking lot. Pagkatapos ay bumaba na ako at nagpaalam sa kanya. Papasok na ako sa hallway nang may makasabay akong babae. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya. Napakaganda kasi niya at napaka-sexy din. Nakasuot siya ng maong skinny pants at fitted na blouse. Mataas ang suot niyang stiletto. Lahat na ata ng confidence ay inako na niya. Nagulat ako nang bumaling siya ng tingin sa akin. Kulay brown ang mga mata niya at mahaba ang kanyang pilik. Matangos din ang kanyang ilong at manipis ang kulay ng nasa kanyang labi. “Hi.” Nakangiting bati niya sa akin. “H-Hello.” Nahihiya bati ko din sa kanya. “Alam mo ba kung saan yun I.T building? Ngayon pa lang kasi ako papasok eh.” Magalang na tanong niya sa akin. Kabaliktaran ng itsura niya sa kung paano siya mahinhin na magsalita. “I.T building? Doon yun sa katabi ng B.A” Turo ko sa kanya. “Ah ganun ba? Salamat, ako nga pala si Nara. Ikaw? Anong name mo? Sa I.T ka din ba?” Tanong niya ulit habang naglalakad kami papunta doon. “Hindi, sa B.A ako katabi ng IT building. Ako nga pala si Lhiriya.” Pakilala ko sa kanya. Inabot niya ang kamay ko para makipag shake hands kami. Natigil ang masaya naming pag-uusap nang makita ko sila Joanna at ang mga tropa nito. “Bestie! Kanina ka pa namin ini-intay!” Tawag niya sa akin. Napahinto ako sa paglakad kaya nilingon ako ni Nara. “What’s wrong?” Kunot noo na tanong niya sa akin tumigil din pala siya sa paglakad. Tawag pa lang ni Joanna parang may dagang naghahabulan na sa dibdib ko. “A-Ah… wala mauna ka na sa building mo.” Mahinang sambit ko sa kanya. “Why? You look scared.” Usisa pa niya. “Bestie!” Inakbayan ako ni Joanna at pinisil pa ang baba ko. Sumenyas ako sa kanya na mauna na siyang umalis pero nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa amin. “Oh! And who is she? New friend mo? Mukhang masaya din siya kalaro ah.” Lumapit sa kanya ang tatlong kasama ni Joanna at inikutan siya. Bigla akong kinabahan dahil baka mapagtripan din siya ng barkada nila at mangyari din sa kanya ang nangyari sa akin. “Maganda ka, pero ako pa rin ang queen ng university na ito.” Nakangising sabi ni Joanna. Sumilay ang ngiti sa labi ni Nara. Kaya sinenyasan ko siya na umalis na lang. “Madam, amoy yayamanin din ang isang ito. Malaki ang magiging pakinabang natin dito.” Wika ni Miles habang nilalaro ang brown na buhok ni Nara. Tapos na! Kapag hindi pa siya umalis panigura— “Ah!” Nanlaki ang mata ko nang pilipitin ni Nara ang daliri ni Miles kaya napasigaw ito. “Ilayo mo yang madumi mong kamay sa mabangong buhok ko kung ayaw mong putulin ko yan.” Banta niya dito. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Mahinhin niya akong kinakausap kanina pero ngayon nagngangalit ang mga mata niyang binabantaan si Miles. Hindi man lang siya natakot sa kanila. Marahas niyang binitawan ang daliri nito. Bumitaw sa akin si Joanna at lumapit ito sa kanya. “How dare you!” Akmang sasampalin niya si Nara pero mabilis nitong nahawakan ang kamay niya. “Ni hindi ko nga pinapadapuan sa insekto itong maganda ‘kong mukha tapos sasampalin ng mabaho at madumi mong kamay?” Nakataas ang kilay niyang sabi kay Joanna na ikinatawa naman nito. “Magaling! Ganyan ang gusto ko! Matapang na babae! Hindi mo pa kasi ako kilala. Pero kapag nakilala mo kung sino ako. Siguradong luluhod ka sa akin.” Nagsukatan sila ng matalim na tingin sa isa’t-isa. “Diyos lang ang niluluhuran. Hindi ka diyos!” Tinabig niya ang kamay nito. May kinuha siya sa sling bag niya at ini-spray sa kamay niya. Saka niya pinunasan ng panyo. “Huh! Matapang ka diba? Excited na akong durugin yang kamay mo. At bangasan yang mukha mo. Pumunta ka mamayang hapon sa bilyaran nasa labas lang ng university na ito. Kapag hindi ka dumating alam mo na ang mangyayari sa kaibigan mo.” Banta niya. Sunod-sunod akong umiling sa kanya. Paniguradong gagawin din nila kay Nara ang ginawa nila noon sa isang transfer student na lumaban din sa kanila. “Darating ako.” Sagot niya na ikinagulat ko. Bumaling siya ng tingin sa akin at matamis na ngumiti. “Nice meeting you. See you later!” Paalam niya sa akin. Kinawayan pa niya ako bago niya kami talikuran. Hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan na ako ni Joanna. “Matapang yung bago mong kaibigan. Tignan ko lang kung hangang saan ang tapang niya kapag basag na yang mukha niya mamaya.” Banta ni Joanna. Sana lang ay hindi dumating si Nara kung hindi mapapahamak pa siya nang dahil sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook