Chapter 1
Rylee’s POV
Napatakip ako ng tenga nang marinig ko ang pagbagsak ng mga gamit sa labas sala. Siguro ay lasing na naman si Tito na umuwi sa kaya nag-aaway na naman sila ni Tita ngayon. Palagi na lamang kasing lasing si Tito. Habang si Tita lang ang nagtatrabaho sa kanilang dalawa hindi ko tuloy maiwasan na hindi maawa kay Tita. Dahil kahit ganoon ang asawa niya hindi pa rin niya ito magawang iwan. Umaabot na nga sa puntong pinagbubuhatan pa siya ng kamay pero kinabukasan, parang wala lang nangyari. Sanay na ba siya sa bawat pananakit ni Tito sa kanya? Oh talagang mahal na mahal niya ito kaya hindi niya magawang paalisin ito?
Hindi ko tuloy maiwasan ang mahiya dahil dagdag pa ako sa gastos ng pamilya nila. Kung hindi lang ako nabulag sa aksidente. At kung hindi lang namatay sila Mommy at Daddy baka masaya pa akong nabubuhay ngayon. Baka hindi nababalot ng kadiliman ang buhay ko. Limang taon na rin mula ng aksidente. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun. Masaya kaming binabagtas ang daan pauwi sa aming bahay. Kagagaling lang namin sa hotel kung saan idinaos ang 18th birthday ko. Napakasaya ko noon dahil naging maganda ang aking celebrasyon at isa pa pumayag na si Dad na magdesisyon ako para sa aking sarili dahil malaki na rin naman ako. Ngunit sa gitna ng paglalakbay namin pauwi ay sinalubong kami ng truck. Bumangga ang kotse namin na naging dahilan ng pagkamatay nila Mommy at daddy. Tandang-tanda ko pa kung gaano kabilis ang paglipat ni Mommy sa likuran ko upang mahigpit niya akong mayakap. Pero sa bilis at lakas ng impact ng kotse namin ay nawalan parin ng saysay ang pagprotekta sa akin ni Mommy dahil tumilapon ako sa likuran ng sasakyan at pinasok ng bubog ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na nangyari ang alam ko lang ay nawalan na agad ako ng malay at nagising akong wala ng paningin.
Naging sariwa ang lahat sa aking alaala kahit limang taon na ang lumipas. Patuloy pa rin akong dinadalaw ng masamang panaginip patuloy na bumabalik sa aking isip ang mga nangyari noon. Parang kahapon lang masayang-masaya ako habang isinasayaw ako ni Dad at proud na proud sa akin dahil lumaki akong isang mabuting anak. Ngunit ngayon, hindi ko na nakikita ang hinaharap. Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin. Punong-puno ako ng pangarap noon. Pero ngayon, kasamang naglaho ang pangarap ko sa pagkawala nila Mommy at Daddy pati na rin ng aking paningin.
“Ano ba talagang nangyayari sayo! Bakit ka ba nagagalit?! Natalo kana naman ba sa sugal!” Galit na sigaw ni Tita Magda kay Tito Fermin. Sigurado akong natalo na naman ito sa sugal. Simula noong namatay sila Mommy at Daddy ay lumipat na ako sa kanila. Ang alam ko binenta na nila Tito at Tita ang malaki naming bahay. Engineer ang Daddy ko sa sikat na Five star hotel kaya maluwag ang pamumuhay namin. Ngunit nang mawala sila ay tuluyan ng nawala ang pinaghirapang ipatayo namin na bahay. Ang alam ko ay pinambayad yun ni Tito sa mga natira namin na utang at pinangastos nila sa pampalibing kila Mommy at Daddy. Malaki din ang nagastos namin sa ospital dahil tatlo kaming nasa ICU. Hindi na nga nila ako napa-operahan dahil ubos na ang perang naiwan ng mga magulang ko.
Tinangap ko na lamang ang kapalaran ko dahil wala naman akong magagawa siguro may plano pa ang diyos sa akin kaya imbis na pasamahin niya ako kila Mommy at Daddy ay binigyan niya pa ako ng chance na mabuhay. Ngunit ano naman ang magagawa ng bulag na tulad ko?
Nagulat ako nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto.
“Tita?” Sambit ko. Narinig ko kasi ang impit na iyak niya. Siya lang naman ang nag-iisang kapatid ni Mommy.
“Rylee, pwede mo ba kaming tulungan ng Tito mo?” Paos na tanong niya sa akin. Kahit hindi ko siya nakikita sigurado akong umiiyak siya at nahihirapan siya. Bigla tuloy akong kinabahan kung anong klaseng tulong ang sinasabi niya sa isang bulag na gaya ko.
“Ano po yun?” Tanong ko.
“May kasalanan kasi ang Tito mo sa amo niya.”
“Po? Hindi ko po kayo maintindihan.” Wika ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko.
“Rylee makinig ka sa akin. Madali lang naman ang gagawin mo. Uupo kalang sa tabi ng Amo ni Tito Fermin mo. Wala kang ibang gagawin. Sasamahan mo lang siya.”
“Ayoko po Tita…..” Naiiyak na wika ko sa kanya. Nilukuban ako ng takot. Bakit ko gagawin yun? Uuwi po ako sa tabi ng Amo ni Tito? Tapos ano?
“Wag kang mag-alala Rylee sasamahan naman kita.” Sabat naman ni Tito.
“No! Ayoko po Tito.” Tanggi ko. Hindi ko alam kung anong plano ni Tito at Tita pero masama na agad ang kutob ko. Hindi nga ako naglalabas ng bahay mula ng i-uwi nila ako dito tapos itatabi nila ako sa lalaking hindi ko kilala at Amo pa ni Tito? Hindi ko alam kung ano ang trabaho ni Tito ang alam ko lang kung hindi siya palaging lasing kapag umuuwi ay palagi naman silang nagtatalo dahil sa sugal.
“Wag ka ng magmatigas pa Rylee. Kapag hindi mo ako sinunod mapapahamak tayong lahat! Uupo ka lang naman sa tabi niya sasamahan mo lang siya! Nabaon ako sa utang kay Mr. Ramos. At yun ang gusto niyang kapalit samahan mo lamang siya.” Galit na singhal niya sa akin.
“Tito? Hindi ko nga po kilala ang sinasabi niyong Mr. Ramos. Saka bakit naman po gusto niya akong makatabi? Ano naman po ang pag-uusapan namin?”
Umiiyak na ako sa harapan nila dahil natatakot akong pilitin niya ako.
“Magda, kausapin mo yang pamangkin mo! Hanggang mamayang gabi na lang ang palugit ni Mr. Ramos sa akin. Kapag hindi ko siya nadala doon siguradong tatadtarin nila ng bala ang bahay natin!” Sigaw ni Tito na lalong nagpalala ng nararamdaman kong takot nanginig ang aking mga kamay. Naramdaman ko ang paghawak ni Tita sa kamay ko.
“Rylee, alam ko hindi maganda ang pinapagawa ng Tito mo. Pero sinigurado naman niya sa akin na walang mangyayari sayo. Dahil hindi ka niya iiwan at isa pa hindi na daw mauulit ang pagsusugal niya. Ito lang ang gustong kapalit ni Mr. Ramos ang makasama ka. Pumayag ka na Rylee. Ngayong gabi lang naman.” Paki-usap niya sa akin.
“Tita natatakot po ako. Wala akong paningin, paano ko mapo-protektahan ang sarili ko? Nangako ka sa libingan ni Mommy na hindi mo ako pababayaan diba?” Humihikbing tanong ko sa kanya baka sa ganung paraan ay maawa sila sa akin at hindi nila ipagawa ang gusto nilang gawin ko.
“Kaya ka nga pupunta doon Rylee. Dahil pag-nagalit si Mr. Ramos. Hindi lang kami ang mapapahawak pati na rin ikaw.”
Nanlumo ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko wala na talaga akong magagawa pa kundi ang sumunod.
“Magda, matagal pa ba yan? Dumating na ang sundo namin. Pagbihisan mo na siya.” Giit ni Tito. Naramdaman kong may hinagis sa kanyang paper bag si Tito. Siguro yun ang bihisan na sinasabi niya.
“Rylee, ngayon lang ako hihingi ng tulong sa’yo. Pagkatapos nito hindi ka na ulit guguluhin pa ng Tito mo pangako yan.” Narinig ko ang pagsingot ni Tita kahit hindi niya sabihin alam ko nag-aalala din siya para sa akin ngunit wala siyang magawa.
“Wag kang mag-alala Rylee. Uuwi ka ng buo, gusto ka lang makasama ng Amo ko at makausap. Pagkatapos ay uuwi na agad tayo.”
Dahil sa paki-usap ni Tita at pamimilit ni Tito hindi ko na nagawang tumutol pa. Pero sinisigurado kong kapag may tangka silang masama sa akin. Lalaban ako sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaan maging kahinaan ko ang pagiging bulag ko kahit ikamatay ko pa.
Kahit hindi ko nakikita ang damit na gustong ipasuot sa akin ni Tita alam kong malaswa ito dahil ramdam na ramdan ko ang hangin na dumadampi sa likuran ko at pati na rin sa mga hita ko. Panay din ang taas ng neckline ko dahil wala man lang akong suot na bra at ang tanging sumusuporta lamang sa aking dibdib ay ang makapal na pading ng damit.
“Tita…. Natatakot po ako.” Naiiyak na sabi ko sa kanya matapos niya akong ayusan. Kung mag-uusap lang kami bakit kailangan kong magbihis ng ganito? Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong tagusan na ang kaluluwa ko sa suot ko. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito kahit nga noong nakakakita pa ako hindi ako mahilig sa ganitong damit mas gusto ko ang conservative dress lalo na pag pumupunta kami sa church ni Mommy. Tapos ngayon ganito na ang pinapasuot nila sa akin?
“Wag kang mag-alala Rylee. Kapag may nangyari sa’yong masama hindi ko mapapatawad ang Tito mo. Kaya please, lakasan mo ang loob mo okay?”
Wala na akong nagawa kundi lumabas ng kwarto suot ang malaswang damit na ito. Mabuti na lamang at flat lang ang sandal ko dahil paniguradong hindi magiging maayos ang lakad ko sa pagkailang. Hindi ko naman kasi kailangan ng may takong at hindi rin ako mahilig doon dahil five six naman ang height ko kaya hindi rin ako mahilig bumili ng ganun noong nakakakita pa ako.
Naramdaman ko ang panibagong kamay na humawak sa akin. Kaya mabilis kong hinila ang kamay ko.
“Rylee ako ‘to, inaalalayan lang kitang pumasok sa kotse.” Wika niya. Hinawakan niya ako ulit at hindi na ako muling pumalag pa. Kahit ngayong lang kailangan kong mag-tiwala kay Tito. Kailangan kong labanan ang takot na nararamdaman ko. At panatilihin ang presence of mind ko dahil kapag nag-panic ako sigurado akong hindi rin yun makakatulong sa akin or worse baka mas mapahamak pa ako. Kahit wala akong paningin ay ramdam kong mamahalin ang kotse sinasakyan ko nasa tabi ko lang si Tito dahil naramdaman at naamoy ko siya ng pumasok siya sa kotse. Mabango at malamig sa loob kaya alam kong hindi ordinaryong kotse ang sinasakyan namin.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming bumabayahe basta ang alam ko ay malapit ng maghating gabi dahil pasado alas-otso na kanina nang umalis kami sa bahay. Habang tumatagal ako sa loob ay lalo lamang akong inaataki ng kaba sa dibdib. Sino ba namang matinong babae ang lalabas ng ganitong oras?
Kahit may kaya ang pamilya namin ay hindi ko naranasan ang maki-party. Dahil sunod-sunuran ako sa mga magulang ko. Never ko silang sinuway dahil alam kong tama sila sa pagpapalaki sa akin. Pero ngayon, wala na sila hindi ko alam kong paano parin ako magiging mabuting anak para sa kanila kung ang malupit na mundo ay hindi ko man lang makikita.
Tumigil ang kotseng sinasakyan namin. Siguro ay narito na kami sa lugar na sinasabi ni Tito. Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa kaliwa ko. Maya-maya pa ay kasunod na ang pintuan ko.
“Tayo na Rylee, inaantay na tayo ni Mr. Ramos. Kinuha niya ang kamay ko at tuluyan akong bumaba. Inalalayan niya ako narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan ng kotse.
“Tito, nasaan po tayo? Bakit po may naririnig akong malakas na tugtog?” Kinakabahan kong tanong sa kanya. Nanigas ang binti ko ay parang ayoko ng humakbang pa.
“Tito, nangako ka po kay Tita na hindi ako mo ako ipapahamak diba?” Nangingilid ang luha ko. Natatakot ako, alam ko ang mga ganitong lugar. Kahit hindi ko nakikita kung ano ang nangyayari sa paligid alam kong nasa labas kami ng bar. Karamihan sa nagpupunta dito ay naghahanap ng aliw o di naman kaya nagpapakalasing.
“Rylee wag kang mag-alala isang oras lang tayo dito mamaya din ay uuwi na tayo. Gusto ka lang makilala ng boss ko.” Paliwanag niya sa akin. Sabay hawak ulit sa kamay ko. Hinila niya ako upang humakbang papasok sa lugar na nai-ingayan ako. Habang alam kong malapit lang kami dahil lalong lumalakas ang ingay at lalo kong naririnig ang ingay ng mga tao.
“Si Mr. Ramos?” Narinig kong tanong ni Tito.
“Nasa loob kanina niya pa inaantay ang pulutan niya.” Sagot ng lalaki. At sinundan pa ito ng nakakatakot na tawa. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko gusto akong ibenta ni Tito sa kanyang amo.
“Relax ka lang Rylee, ako ang bahala sa’yo.” Wika pa ni Tito. Ilang hakbang lang ay lalong lumakas ang ingay sa paligid. At amoy na amoy ko ang iba’t-ibang uri ng pabango. Amoy ko din ang mga usok sa paligid kaya napaubo ako. Nabitawan ni Tito ang kamay ko dahil itinakip ko yun sa aking bibig. Hangang sa nagulat na lamang ako dahil may taong bumanga sa akin.
“Ms. pwede bang tumingin ka sa dadaanan mo?” Rinig kong wika ng Lalaki. Kahit hindi ko siya nakikita sigurado akong malaking tao siya at sigurado akong sa dibdib niya ako bumanga.
“Rylee, tara na!” Narinig kong tawag ni Tito. Pagkatapos ay hinawakan ulit ang kamay ko saka ako hinila.
Gustuhin ko man ang tumakbo at lumayo sa lugar na ito alam kong hindi ko magagawa yun. Ang magagawa ko lang sa ngayon ay magtiwala kay Tito.
“Boss nandito na kami!” Narinig kong sabi ni Tito.
“Maige naman at dumating ka.”
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ng Amo ni Tito. Boses matanda kasi ito at ma-authoridad.
“Maupo kayo.” Dagdag pa niya. Inalalayan ako ni Tito. Kinapa ko ang malambot na upuan at saka ako umupo.
“Boss, ipinaalam ko lang siya sa asawa ko pero kailangan ko din siyang i-uwi mamaya.” Narinig kong sabi ni Tito.
Gusto ko ng maiyak dahil hindi ako komportable sa kung nasan man ako ngayon. Nakatulala lang ako at pina-pakiramdaman ang tao sa paligid ko.
“Fermin, Fermin kilala mo naman ako diba? Alam mo ang gusto at ayaw ko. Ayokong masira ang buong gabi ko. Kaya ako ang magde-desisyon kung ano ang gusto kong gawin sa magandang babaeng nasa tabi ko.” Wika niya na lalong nagpalakas ng kabog sa dibdib ko nakakakilabot ang mga sinabi niya at ramdam kong may nakatitig na sa akin.
Nagulat ako nang may magaspang na kamay na humihimas sa binti ko.
“Tito!” Sigaw ko pero hindi ko na narinig ang boses niya. Ako na mismo ang kumuha ng kamay na yun at buong lakas ko siyang tinulak.
“Mr. Ramos! Kumusta!” Natigil ang pagbabadya ng luha ko nang may marinig akong nagsalita.
“Mr. Santillian, ikaw pala. Bakit may kailangan ka ba?” Tanong niya sa lalaki. Sumiksik pa ako sa sulok dahil nararamdam ko parin ang labis na takot at ang mga kamay ng matandang yun sa binti ko.
“Type kasi ng kaibigan ko yang babaeng kasama niyo. Pwede bang amin na lamang siya? Papalitan ko kahit ilang babae pa ang gusto mo.” Wika ng lalaking kausap ni Mr. Ramos hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang babae. Pero wala na akong paki-alam ang gusto ko lamang ay makauwi na dahil nanginginig na ako sa takot. Narinig ko ang pagtawa ng malakas ni Mr. Ramos.
“Akala ko ako lamang ang mahilig sa hidden beauty. Marunong din palang tumingin ang kaibigan mo. Pero pasensiya na, balak ko kasi siyang ikulong sa aking palasyo.”
Nagulat na lamang ako nang biglang may umakbay sa akin at biglang humila ng kamay ko kasabay ng malutong na mura ni Mr. Ramos.