PROLOGUE
Isang tawag mula kay Mr. Carpio ang nagpatalon sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog.
Ayon sa kanya ilang kilometro lang ang layo ng condo unit ko sa nagaganap na hostage taking sa lumang abandon building.
Kahit suot-suot ko parin ang ternong hello kitting pajamas ko, walang toothbrush, walang hilamos at sabog ang lagpas balikat kong buhok ay dumiresto na agad ako sa crime scene na bitbit lang ang isang pocket knife. Mahalaga ang bawat buhay ng tao. Kaya wala dapat sinasayang na oras.
Base sa ulat na natangap ko. Sa rooftop ng lumang building dinala ng lalaki ang isang babae. May hawak itong baril.
Pagkarating ko sa scene nakita ko agad ang nagaganap dahil sa di kalayuan ay marami ng tao ang kumukuha ng video. Mula sa rooftop ng lumang tatlong palapag na abandoned building at pilit kumakawala ang biktima mula sa suspek ngunit nakatutok sa kanya ang baril nito. Habang nasa baba naman ng building ay may mga pulis na nag-aabang at nakalatag na rin ang inflatable air bed kung sakaling mahulog ang biktima.
"Ano pong nangyayari dito?" Tanong ko sa isang matabang babae na nakikiusyoso sa nagaganap na hostage.
"Ay naku ineng, nakikita mo ba yun?" Sabay turo sa rooftop kung nasaan ang hostage taker at ang victim.
"Bakit daw po siya nang hohostage ,may hiningi po ba siya?" Sunod kong tanong.
"Nahulihan siya ng droga pero nakatakas siya tapos umabot na sila dito sa paghahabol sa lalaking yan basta na lang tinutukan ng baril ang babae at dinala sa rooftop." Paliwanag ng Ale.
"Sige po salamat" Agad akong tumungo sa likod na bahagi ng building. Pero may mga pulis na din na naka standby umiikot ulit ako nagbabakasaling may mahahanap akong daan.
Napansin ko ang isang emergency exit sa ikalawang palapag, May bakal na hagdan ito na hihilahin pababa para maka-akyat. Bumwelo agad ako sabay apak sa pader at higit sa hagdan. Napalingon pa ko sa paligid kung may nakapansin ngunit abala sila sa nangyayare
habang patuloy na kinakausap ng pulis ang hostage taker.
Buti na lang at bukas ang pinto, dumeretso na ko sa 3rd floor patungo sa rooftop. May mga pulis din doon pero mukhang ni-lock niya ang pinto.
Nagtago ako sa pader nang mapansin ko ang lubid sa bintana patungo sa itaas. Hinila ko ito at nang matiyak na matibay ay umakyat na ko. Sineswerte naman at nasa likod ako nila kaya di ako napansin.
Nakita kung tinakpan niya nang malalaking kahoy ang pintuan ng exit kaya siguro nahihirapan din silang buksan ang pinto.Umiiyak na ang biktima sa takot habang nakatutuk pa rin ang dulo nang baril sa ulo nito.
Kung lalapitan ko siya, isang maling hakbang kulang siguradong papuputukan niya agad ako ng baril. Nag-isip ako ng mas epektibong paraan.
"Pakakawalan ko ang babaeng to! Hayaan niyo lang akong makatakas!" Sigaw ng hostage taker.
Nasisiraan na ba siya? Sa dami ng pulis na naka-abang siguradong hindi na siya makakarating pa ng presinto ng buhay kung manlalaban pa siya.
Napalingon sakin ang babae kaya agad ko siyang sinenyasan na tumahimik. Nakakatawa naman at uma-ayon sakin ang tadhana nang biglang humangin ng malakas.
Napuwing pa ata ang ugok kaya lumuwag ang pagkakahawak niya sa biktima. Eto ang naging hudyat ko para malakas na hilahin ang biktima sabay sipa pataas ng baril at sinalo ko agad. Nilagay ko sa pajama ko ang baril habang ang babae naman ay nagtatago.
"Sino ka! Paano ka naka-akyat dito?!" Nagtatakang tanong nang hostage taker.
"Hoy miss bumaba ka diyan!" Sigaw ng mga pulis lalong silang nagkagulo.
"Alam mo ba? Ang sarap-sarap pa ng tulog pero kailangan kong bumangon dahil sayo" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Wag kang mangi-alam dito Miss. Kung ayaw mong madamay!" Banta ng lalaki, Habang hinahanap ang baril. Kung saan ito bumagsak.
"Bro alam kong hindi ka talaga pumapatay ng tao at tulak ka lang ng droga. Pero tingin mo ba bubuhayin ka pa nang mga yan? Isipin mo ang pamilya mo, pwede ka pang magbago." Mahinahon na paliwanag ko sa kanya.
"Sino ka ba! Bakit ka ba nangingi-alam dito gusto mo bang unahin na kita? " Banta niya sa akin.
"Pag nalaman mo kung sino ako lalong hindi ka na mabubuhay" Seryosong wika ko sa kanya sabay labas ng baril mula sa likod ko at tinutok ko sa kanya.
"Paano napunta sayo yan!" Galit na wika ng lalaki.
"Hulaan mo," Nakangiting kong sabi sa kanya.
"Ang dami mong sinasabi !" Agad niyang sinunggaban ang baril kaya nag-aagawan kami.
"Alam mo sumuko ka nalang. Dahil wala pa kong umagahan kaya baka di kita matansiya,. Matuluyan pa kita" Para na kaming naglalaro dito kaya mas lalo akong naiinis.
"Eh di kumain ka ng bala!" Sabay malakas na hinigit sakin ang baril. Ibinigay ko naman ng kusa kaya bumagsak tuloy siya.
Tumalsik sa paanan ko ang baril kaya sinipa ko ito at nahulog sa baba ng building.
"Sumuko ka na, wala ka nang kawala" Sabi ko sabay talikod.
Nakita kong inaalis na ng babae ang harang sa pinto. Kaya pinuntahan ko siya. Nagulat nalang kami nang makarinig kami ng putok ng baril at kasabay nun ang pagdaloy ng dugo sa tagiliran ko.
Lumingon ako at nakita kong nakangisi pa ang ugok. Bwiset! May reserba pa talaga siya. Nakita kong bumubwelo ulit siya kaya mabilis kong nilabas ang pocket knife at inasinta siya. Mabilis na tumama sa tiyan ng lalaki ang pocket knife ko.
Sinugod ko na rin siya at binigyan ng flying kick. Kaya tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Sh*t! Hindi ako pwedeng maabutan dito ng mga pulis. Dahil unti-unti na ding nabubuksan ang exit door.
"Ate may tama ka po, ang daming dugo!" Sabi ng babae sa akin.
"Wag kang mag-alala okay lang ako. Please intayin mo muna ako makatakas bago mo tuluyang buksan ang exit door." Paki-usap ko sa kanya. Tumango siya sa sinabi ko. Kahit hirap ako dahil sa tama ng baril ko sa tagiliran nagawa kong makababa ng building mula sa inakyatan ko kanina. Tinignan ko muna ang paligid kung may makakapansin sa akin. Mabuti nalang at abala sila sa kakatingin sa building. Lumusot ako sa maliit na eskinita hawak-hawak ang tagiliran ko. Hanggang makalabas ako sa kalsada. Napatukod ang kamay ko sa pulang kotse na nakaparada sa daan. Napansin ko din ang lalaking naka-earphone sa driver seat na nakatingin sa akin. Pinilit kong maglakad kahit sobrang sakit na nang nararamdaman ko pakiramdam ko mamatay na ako.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero tuluyan nang nagdilim ang paningin ko ang tanging naalala ko na lang nang mga oras na yun ay ang pagbukas ng pintuan ng driver. At tuluyan na akong nawalan nang malay.