bc

365 Day's RULE

book_age18+
2.1K
FOLLOW
7.3K
READ
contract marriage
drama
bxg
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Aside sa pagmemerge nang kompaniya ni Julyen at Riko. Pinilit din sila sa isang fixed marriage. Wala silang magawa kundi sundin ang mga ito. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nila ay nagkasundo si Julyen at Riko na pumayag sa kasunduan at pagkatapos nang isang taon tatapusin nila ang kasal at mag-file ng annulment dahil may kanya-kanya din silang minamahal na hinihintay.

Magawa kaya nilang hiwalayan ang isa't -isa after 365 days?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
"Mom, Dad I know importante sa inyo ang ating kompanya. Hindi paba sapat ang pagmemerge ng company natin sa kanila? Bakit kailangan niyo pa akong ibenta sa pamilya nila?!" Galit na tanong ni Julyen sa kaniyang mga magulang. Alam niyang mataas ang ambisyon ng mga ito, kaya pati siya ginawang collateral para sa ikabubuti nang kanilang kompanya. "Julyen hindi lang ito para sa kompanya. Nasa tamang edad ka na para magpakasal. We just find you a good husband." Sagot nang kanyang Mama. Hindi na siya nakapagpigil pa. "Mom, I'll never marry that man. He is totally stranger to me. And besides may boyfriend na ako si Louie and I want him to be my future husband as well. Ano na lang sasabihin niya pag nalaman niyang ipapakasal niyo ko sa iba!” Galit na nagwalk-out si Julyen palabas ng pinto mula sa loob ng opisina sa bahay ng kanyang papa. "Julyen!" Tawag ng kanyang papa. Pero di na siya nilingon nito. Kaagad na pumasok si Julyen sa kwarto at ini-locked ang pinto. Kinuha ang cellphone niya sa bag para tawagan si Louie. Halos limang buwan na silang makarelasyon ni Louie nakilala nila ang isa’t-isa nang makita niya ito sa isang musical play na tumutugtug ng piano. At ipinakilala sila ng common friend nila. Hanggang sa tuluyan nang nanligaw si Louie kay Julyen at sinagot naman niya ito. Dahil sa ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya. Hindi niya pa ito napapakilala nang maayos sa kanyang mga magulang kaya hindi open ang relasyon nila sa mga magulang ni Julyen. Kinakabahang denial ni Julyen ang number ni Louie hindi niya kasi alam ang sasabihin sa niya. "Hello Louie? Are you busy? Pwede ba tayong magkita? I have something to tell you." Tanong niya dito. "I'm sorry Julyen, I’m busy right now because we are preparing for concert tomorrow. What is it? Can you tell me now?" Saad niya. Bumuntong hininga si Julyen. "No, it is important okay? What time ka uuwi? Pupuntahan kita sa condo mo?" Tanong ni Julyen. "Siguro mamayang alas- nuebe ng gabi pagkatapos namin sa practice" "Sige a-antayin kita sa condo Louie" "Okay." Maiksing sagot ni Louie. Kaagad siyang nagtungo sa banyo para mag shower. After twenty minutes ay natapos na siya at nagbihis ng casual dress na old rose ang kulay at pair ng white sandals. Pagkatapos ay kinuha niya ang susi ng kanyang sports car na nakalagay sa kanyang drawer. Nagpasya siyang dumaan muna sa supermarket para bumili nang pwedeng lutuin na dinner nila ni Louie. Pagdating niya sa supermarket ay agad siyang namili nang mga paboritong dish ni Louie kagaya nang grilled salmon at mix buttered veggies. Bumili din siya ng bottled of Bollinger Champagne. May dalawang oras pa siya para mai-prepare ang foods bago dumating si Louie. Umiinom muna siya ng isang baso ng champagne habang nag-aantay, makalipas ang dalawang oras ay narinig niyang tumunog ang doorbell kaya agad niyang pinag-buksan ito. "Julyen! Kanina ka pa?" Hinalikan siya ni Louie sa labi bago tuluyang pumasok sa pinto ng condo. "Oo babe, Nakapagluto na rin ako ng dinner kaya sabay na tayong kumain." Sagot niya dito. Nagpaalam muna si Louie na magpapalit ng damit sa kwarto maya-maya ay bumaba na rin ito. "Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin ngayon ah?" Nagtatakang tanong ni Louie sa kanya. "Kumain muna tayo mamaya ko na sasabihin sayo ang lahat" Wika niya kay Louie. Kaya nag-umpisa na silang kumain nang tahimik. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin sila. Si Julyen na rin ang nagligpit ng pinagkainan nila. Nagpapahinga naman si Louie sa sofa. Pagkatapos niyang maghugas ay kumuha na ulit siya ng champagne at inabutan din niya si Louie. "Louie, magpakasal na tayo. Kahit sa huwes, okay lang sakin basta ang importante makasal tayo as soon as possible." Seryosong wika ni Julyen kay Louie. Nagulat naman ito sa kanya at hindi inasahan na sasabihin ‘yon ni Julyen. "Julyen? May nangyari ba? I know hindi ka mag de-decide ng ganyan kung walang nangyari? Kasi alam mo naman ang sitwasyon natin diba?" Sagot ni Louie. Bumuntong hininga muna si Julyen bago ulit magsalita. "My parent’s are forcing me to get married." "What!" Bulalas ni Louie. "They want me to marry Riko. The son of their new business partner aside from merging our company nag-decide din silang ipakasal kami." Nangingilid ang luha na sinabi ni Julyen. "What?! Then anong sinabi mo sa kanila?" Di makapaniwalang tanong niya. "I told them. I don't want to marry him. Because I already have you. But I know my parent's Louie even if I say no. They won't listen to Me. That's why I’m asking you please marry Me." Pagma-makaawa ni Julyen. "Pero hindi pa ito ang tamang time para sa ating dalawa Julyen." Sagot ni Louie. "But I love you Louie!" "I love you too! Alam mo yan Julyen. But I don’t want to lose my chances to have better future as well. Kaya ko ginagawa ang lahat ng ito para din sa atin. After one month pupunta ako ng France for classical music concerto and I don't know how long I will stay there." Sabi ni Louie at tumayo siya mula sa pagkaka-upo. "What! So paano ako? Ha-hayaan mo na lang ba akong makasal sa iba?" Naiiyak na sabi ni Julyen. Tumayo din siya at hinarap si Louie. "Of course not! That's why kumbinsihin mo sila. I know makikinig sila sayo. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanila Julyen. Dahil wala akong maipagmamalaki. Hindi ako pinanganak na mayaman gaya mo. But I promise after the concert in France. I will be back for you. And I will talk to them." Pangako ni Louie at niyakap siya nito. "Sshhh, Don't cry Julyen please." Alo niya dito. Habang hinahaplos ang likod ni Julyen. Pero patuloy lang sa paghikbi si Julyen. "Louie, I can't do it," Paos niyang sambit. "I'm sorry Julyen, dahil wala akong magawa para sayo. But please, try again to convince them and tell them how you really feel. Gabi na baka hinahanap ka na ng parent's mo. At mas lalo pa silang magalit pag late ka na uuwi." Paalala ni Louie. Walang magawa si Julyen kundi umuwi kahit na gusto niyang mag stay para makasama si Louie. Alam niyang hindi ito papayag dahil nire-respeto siya nito at ayaw din ni Louie na may mangyari sa kanilang dalawa. Hindi na rin siya nagpahatid dahil kaya naman niyang mag-drive. Hinalikan niya muna si Louie sa labi bago siya tuluyang sumakay sa kotse. Habang nagma-maneho siya pauwi ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ng kanyang mga magulang. Nag-iisip siya kung paano niya iiwasan na makasal sa ‘di niya kilala. Nang pa-paliko na siya sa subdivision nawalan siya ng control sa manibela at nasagi niya ang side mirror ng kasalubong niyang kotse. Inihinto niya sa tabi ang kanyang saksakyan dahil tumigil din ang kanyang nabangga at bumaba sila pareho. Nilapitan siya ng isang nakakunot ang noo na lalaki. Matangad ito halos singkit ang mga mata gwapo, halata ding maskulado ito. At ang suot ay dark polo-shirt na damit. Nakablack pants at black shoes. Lumapit agad ito sa kanya. "Ms.! Maliwanag naman ang daan bakit mo ko binanga? Wala ka bang magawa sa buhay mo!?" Galit na sabi sa kanya ng lalaki. "Hmm, kaya pala. Alam mo bang bawal mag-drive ang lasing Ms.? Eh kung hindi lang side mirror ko ang napuruhan mo? Gusto mo bang tumawag pa ako ng pulis para ipahuli ka?" Inis na wika nito sa kanya. "Manong, amoy alcohol lang ako pero hindi ako lasing kasi kung lasing ako, eh di sana hindi na ako nakarating dito ng buhay. At isa pa twenty minutes na akong nagda-drive nawalan lang ako ng control sa manibela. At kung gusto mong tumawag ng pulis go! I won't stop you." Naiinis na sagot niya dito. "Magkano ba itong kotse mo? At bibilhin ko na?" Dag-dag pa niya. Nanliit naman ang mata ng lalaki dahil sa sinabi ni Julyen. "Tsk! Crazy girl!" Kaagad na tumalikod ang lalaki at lumakad palayo sa kanya bumalik na ito sa kotse niya at pinaharurot ang sasakyan. "Sino yun Bro?" Tanong ng kanyang kaibigan na si Rod na kasama niya sa kotse. "My fiancé!" Sagot niya dito. Habang mahigpit na nakahawak sa kanyang manibela. "What?" Gulat na sagot ni Rod. Kagagaling lang kasi nila sa bahay nila Julyen. Para magdala ng kakailanganing papeles ng kompanya. Nakita niya ang malaking portrait ni Julyen sa bahay kaya nakilala niya agad ito. Pero di niya nagawang makapagkilala dahil sa inis niya dito. Hindi niya akalain ganong babae ang ipapakasal sa kanya ng kanyang mga magulang. Dahil iba ang sinabi nito sa kaniya. Alam niyang hindi siya makakahindi sa kanyang mga magulang. Kaya nagpasya siyang pumunta sa bahay nila Julyen para sana makilala niya rin ito at saka siya iisip ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Dahil may girlfriend siya at nangako siya dito na gagawa siya ng paraan para di matuloy ang kasal. "Naku Bro, I think your in big trouble. Mukhang hindi mo siya basta-basta mapapasunod sa gusto mo ah? Paano na si Mari? Naku alam mo naman kung gaano ka sensitive yun diba?" Paalala ni Rod. "Don't worry pag hindi naging succesful ang plano ko. May nakahanda pa akong ibang plano." Nakangiti niyang sagot dito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook