Chapter 1
Lhira POV
Nagising ako sa malakas na tunog na nagmumula sa aking cellphone. Bihira akong mag-silent ng phone dahil may mga importante akong calls na ina-antay. Napansin kong mataas na ang araw dahil tumatagos na ang init sa kulay puting kurtina sa loob ng aking kwarto. Pero pakiramdam ko ay hindi pa ako gaanong nakakatulog nang maayos dahil napuyat ako kagabi. Kaagad kong inabot ang phone sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng aking kama.
“Hello, Sino to?” Kunot noo kong tanong sa kabilang linya.
“Lhira, Good morning! Nagising ba kita? I’m sorry.”
“Thea, ang aga mo naman tumawag. Bakit?”
“Cousin, can you do me a favor please? Pupunta kami today with my friends sa Palawan. Can you please ikaw na ang sumipot sa set-up ni dad na blind date for me?”
“Ano?!”
Napaupo ako sa kama dahil sa narinig ko mula sa kanya.
“Magpapangap ka lang naman bilang ako, matagal na kasi akong kinukulit ni Dad about doon. Please?” Paki-usap ni Thea.
Magkapatid ang ama namin sa Ina kaya malapit kami sa isa't-isa pero ang ama ni Thea na si Tito Raymond ang CEO at may pinakamalaking shares sa kompanya na pag mamay-ari ng namayapa na naming lolo. Si Thea din ay panganay na anak ni tito at may kapatid pa itong lalaki na nasa high school, kaya happy go lucky lang ito sa buhay. Halos mag dugtong ang aking kilay sa gusto niyang gawin ko.
“Nasisiraan ka na ba Thea? Bakit ako? Bakit hindi mo na lang sabihin kay Tito Raymond na hindi ka pwede?” Naiinis na wika ko sa kanya.
“Kung pwede lang Lhira, biglaan kasi ang sinabi ni dad. Masyado din daw busy yung makakadate ko dahil anak siya nang isang business man Lhira. Sige na, pumayag ka na naman kahit ngayon lang please?” Pagmamakaawa niya. Malalim ang buntong hininga ko bago ko siya sagutin.
“Thea, pag nalaman to ni tito Raymond na ako ang pumunta sa blind date imbis na ikaw, baka magalit pa ito sa’yo at madamay pa ako!” Angal ko sa kanya.
“Naku, wag kang mag-alala nasa states si Dad kanina lang umalis one week ata siya doon. Kaya sige na pumayag ka nang makipag substitute please?”
“Eh pano kung malaman ng ka-blind date ko mamaya na hindi ako si Thea Morales? Paano kung alam na pala niya ang itsura mo?” Kunot noong tanong ko ulit sa kanya.
“Imposible yan cousin dahil hindi pa nga kami nagkikita diba? Kaya nga blind date eh.” Katwiran niya sa akin. Mukhang wala na talaga akong lusot kay Thea ayaw ko sanang pumayag pero makulit talaga ito at gusto lagi ang nasusunod.
“Sige, pero ngayon lang to ha!?” Pagpayag ko narinig ko pa ang impit na sigaw niya sa kabilang linya.
“Salamat Lhira! I love you na talaga! By the way mag-ayos ka ha?” Hirit pa n’ya.
“Haist! Alam mo naman hindi pa ako nakikipag blind date diba?” Reklamo ko sa kanya sa sobrang inis.
“Lhira please, ngayon lang sige na ha?” Pilit niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at napakamot sa ulo ko.
“Naku! kung hindi lang kita mahal hindi talaga ako papayag!” Nakangusong sagot ko sa kanya mukhang hindi ko na talaga siya mahi-hindian pa sa pakiusap niya.
“Talaga!? Thank you so much! I love you!”
Tuwang tuwa ang bruha kong pinsan.
“Oo na! Love you din. Bahala na mamaya mag-ingat ka sa palawan at wag mong kalimutan ang pasalubong ko.”
“No problem Lhira, I promise pag-uwi ko pupuntahan agad kita sa bahay n’yo. Message ko sayo ang pangalan ng restaurant at ang eksaktong oras, tatawagan din kita mamaya pagkatapos nang date n’yo okay?” Paalala niya bago binaba ang tawag.
Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi magpangap bilang Thea. Sigurado kasi ako na blind date lang ang mangyayari ilang beses na rin sinet-up si Thea ni Tito Raymond pero pagkatapos n’yang makipag date ay hindi na siya interesado dito. Kaya sigurado ako na kaya lang ako ang pinaharap ni Thea dahil hindi na naman siya interesado sa nahanap ng kanyang papa na makadate niya.
Hapon na at wala akong choice kundi sundin ang pinsan ko. Agad kong hinanda ang sarili at pumili nang above the knee halter neck na backless dress na bigay sa akin ni Thea noon. At sinuot ko ang high-heels stiletto shoes ko na bihira kong suotin dahil hindi ako sanay. Pangangatawan ko na ang magpangap kailangan kong maging si Thea for a night. Alam ko din ang taste ni Thea pagdating sa fashion trend pero hindi ako mahilig gayahin ito. Simpleng pants at t-shirt pati rubber shoes ay sapat na sa akin. Kaya minsan na din akong napagkakamalang alalay niya pag lumalabas kaming dalawa. Pero ngayon nagbihis talaga ako at nag-ayos para hindi naman ako mapahiya sa ka-blind date ko. Naglagay narin ako ng manipis na make up at nilugay ko lang ang lagpas balikat kong buhok. Saktong six na ng gabi at madilim na sa paligid nang dumating ako sa isang mamahaling French restaurant sa Makati.
“Miss, reservation for Thea Morales?” Tanong ko sa nag a-assist ng guest’s sa restaurant.
“This way Ma’am.” Agad n’ya akong dinala sa tapat ng isang private room.
“Thank you.” Paalam ko sa kanya.
“Welcome.”
Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napansin ko ang isang lalaki na naka-upo. Maputi makinis ang balat at clean cut ang kanyang buhok mas umangat pa ang itsura nito dahil sa suot na dark suit at amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Dumako ang kanyang tingin sa akin.
“Hi, Good evening.” Nahihiyang bati ko sa kanya. Bumilis din ang t***k ng puso ko dahil na rin siguro sa kaba na aking nararamdaman. Tumayo s’ya at lumapit sa akin.
“Good evening, Miss Thea Morales. I'm Miguel Martinez”
Inilahad niya ang kamay niya sa akin at agad akong nakipag shake hands sa kanya inalalayan niya din akong umupo sa tapat niya.
“Thank you.”
“What do you want to eat?” Tanong niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagka-ilang.
“Ikaw na ang bahala Mr. Martinez.” Nakangiti kong sabi. Ang totoo wala talaga akong idea sa hinahain sa ganitong lugar kaya hinayaan ko na lang na siya ang mag-order.
“So, how are you?” Wika niya ng matapos na s’yang magorder. Sinaid pa n’ya ang wine sa glass n’ya.
“I’m good.” Maikling sagot ko. Hindi pa rin kasi ako mapakali, hindi ko naman kasi alam kung ano ang ginagawa sa blind date.
“Do you want something to drink?”
“No, I'm okay. Water na lang siguro. Mahina kasi ang tolerance ko sa alak.” Sabi ko.
Tandang tanda ko pa noong sinama ako ni Thea sa isang party. At pinilit niya akong painumin ng brandy halos pagapang na akong nakauwi kaya nagalit ang strikto kong Papa.
Maya-maya pa ay dumating na ang green vegie pasta at French toast garlic bread na inorder niya. Mabuti na lamang at lip tint ang nilagay ko sa labi ko. Kaya hindi mawawala kahit kumain pa ako. Makalipas ng ilang minuto ay tapos na kaming kumain.
“By the way. I'm glad too meet you Miss. Morales. Curious lang ako kung bakit pinipilit ni papa at nang papa mo na magdate tayo. To tell you honestly kung may plano man silang ipakasal tayo hindi ako papayag sa ganung set-up.” Nakangiti n’yang sabi sa akin palagay ko ay hindi magandang sabihin n’ya ‘yon sa akin.
“Ano?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Narinig ko naman talaga, gusto ko lang ipaulit. Pero ngumiti lang s’ya sa akin. Napasinghap ako sa hangin dahil sa pigil na inis ko sa kanya.
“Hindi ko din alam, Mr. Martinez at wala pa din akong balak na mag-asawa. Pinagbigyan ko lang naman si Papa dahil masyado na n’ya akong kinukulit.” Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya.
Napahawak nalang ako sa hita ko, para abutin ang paa kong namamaltos na sa high- heels sandal na suot ko. Hindi ko napansin yung cleavage ko dahil sa pagyuko.
“Please don't do that Miss Morales. Hindi ako basta-basta nalang naakit sa isang babae.” Wika niya. Napataas ang kilay ko sa mga sinabi niya. Nangaakit? Sino? Ako ? Wow! So hindi lang siya sarcastic magsalita! Napansin ko na may kiss mark siya sa leeg at napailing ako. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kanya.
“Tsk! Hindi ka nga kagaya ng ibang lalaki Mr. Martinez, I agree with you. Dahil walang matinong lalaki ang makikipag blind date ng may kiss mark pa sa leeg. You forgot to wash it before going here.” Napahawak naman ito sa leeg niya at tinignan kung totoo nga ang sinasabi ko nakita kong nagulat din s’ya base sa reaction ng kanyang mukha.
“s**t!”
Narinig kong may binulong siya pero hindi ko naintindihan kung ano.
“It’s not what you think Miss. Morales. I was just---"
“No need to explain. Besides this is the end of our conversation. I have to go.” Mabilis akong tumayo at iniwan s’ya sa loob. Pigil ang inis ko sa kanya dahil first time kong makipagdate. Sa isang kagaya pa niya mayabang na feeling pa at hindi lang yun may kiss mark pa palatandaan na mahilig din sa mga babae. Mabuti nalang at hindi si Thea ang pumunta. Kung hindi siya ang makakaranas nang pambabastos na ‘yon. Nakanguso akong umuwi ng bahay. Nag half bath muna ako at nagbihis nang terno pajama nang tumunog ang cellphone ko.
“Lhira, nakauwi ka na ba? What happen to your date? Gwapo ba?” Agad na tanong ni Thea. Habang magka vedio call kami.
“Naku! Mabuti na lang at hindi ikaw ang pumunta Thea!” Sumbong ko sa kanya habang nilalagyan ko nang ointment ang aking sakong dahil sa paltos nito.
“Yung Miguel na yun ay may pagkamanyak! Akalain mong may kiss mark pa siya sa leeg na nakipagkita sa kin!?” Inis na wika ko sa kanya. Naalala ko na naman ang tagpong ‘yon kanina.
“What?! Oh, I can't imagine how you handle that rude guy Lhira. But still, thank you so much! I know you did your best.” Hindi ko alam kung matutuwa ako sa papuri niya o maiinis.
“By the way, I have to sleep na Thea. Puntahan mo nalang ako dito sa bahay pag kauwi mo at hindi ko pa nakakalimutan ang sinabing mong pasalubong.” Paalala ko sa kanya.
“Oo na Lhira, makakalimutan ko ba naman yun? Sige bye!” Napabuntong hininga nalang ako ayoko nang isipin ang mga nangyari sakin ngayong araw. Humiga na rin ako sa kama at tuluyan na akong iginupo ng antok.
Miguel POV
Sa dami nang magagandang babae na nakadate ko. S’ya lang ang tanging babae na basta na lang ako iniwan sa restaurant. Isa pa, hindi rin naman siya ganon ka- sophisticated kagaya ng ibang mga babae na nakilala ko. Bakit ba kasi pinipilit ako ni dad na makipag blind date sa babaeng yun?
“How's your date hijo?” Biglang sulpot ni Papa sa likod ko habang umiinom ako ng black coffee sa veranda.
“I told you, She’s very beautiful.”
“How did you know that papa? She is just a simple girl for me. Mas marami pang magaganda akong kilala kaysa kanya.” Katwiran ko kay papa.
“Oh! Don't say that Miguel. She is going to be your fiancé.” Kunot noo akong napatingin sa kanya.
“What? What are you talking about dad?”
Nagulat ako sa sinabi ni Papa dahil alam naman niyang wala pa akong balak mag-asawa. Tapos ngayon he is telling me na may fiancé na ako?
“Miguel, your old enough to get married, be a man to accept it.” Seryosong sagot n’ya sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Dahil wala namang problema sa kompanya.
“But dad, I don't like her!”
Mataman n’ya akong tinignan.
“When I married your Mom, we don't like each others too Miguel. But as the years goes by, we learned to love and take care of each other. I know you would become a good husband and a father too Miguel. I've never doubting you my Son" Mahinahon na paliwanag ni Papa habang tinatapik ang likod ko. Mataas ang respeto ko sa kanyang hindi lang bilang Ama, He is also a good provider and a role model to every married man. Kahit maagang pumanaw ang aming ina ni kuya Michael. Hindi siya kailan man nagpakita nang kahinaan sa amin ni Kuya. Nagawa ng aking Papa ang magtagumpay sa kabila nang matinding paghihirap na pinagdaanan namin bago maitayo at magtagumapay ang Martinez Corporation.