bc

The Cursed Bride (FREE/ONGOING)

book_age16+
414
FOLLOW
3.9K
READ
HE
fated
arranged marriage
princess
gxg
pack
like
intro-logo
Blurb

Si Prinsesa Asya, Limang taon pa lamang siya nang isumpa siya. Lahat ng tao na makakakita ng kanyang mukha ay mamatay. Itinago siya ng kanyang ama sa loob ng palasyo ng Celestria Kingdom at nabuhay ng ilang taon na parang isang bilanggo. Ngunit nang tumuntong siya sa tamang edad ay ipinakasal siya sa iba't-ibang Prinsipe ng mga kaharian. Hindi para maging asawa kundi gamitin ang kanyang sumpa upang manakop ng kaharian. Nais kasi nitong pamunuan ang Emperyo ng Guenera.

Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ipinagkasundo siya sa Prinsipe ng Astral Kingdom na si Prinsipe Xenos. Ipinako ng kanyang ama na huli na ito at papalayain na siya nito kapag nasakop nila ang Astral Kingdom. Ngunit nagulat si Asya nang sabihin ni Xenos na alam niya ang sumpa nito. Kaya hindi natuloy ang kanyang plano. Si Xenos na kaya ang susi upang mapawalang bisa ang sumpa? At paano kung hindi pag-ibig kundi kamatayan ang maging kapalit nito?

chap-preview
Free preview
Unang kabanata
ASYA “Asya.” Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Lumapit siya sa akin at isinara ang pinto pagkatapos ay umupo ako sa gilid ng malambot na higaan upang pakingan kung ano man ang sasabihin niya. “Ama, anong ginagawa niyo dito?” usisa ko dahil minsan lang naman siya pumasok sa kuwarto ko. Ibinaba ko ang pulang tela sa aking mukha upang hindi niya ito makita.” “Nagpunta ako dito upang ipahayag sa’yo ang tungkol sa pag-iisang dibdib mo kay Xenos.” Bumaling ako ng tingin sa kanya kahit hindi niya malinaw na nakikita ang aking mukha. “Ama, ipapakasal niyo pa rin ako kahit alam niyong isinumpa ako? At sinong lalaki naman ang gusto niyong matapos ang buhay?” may hinanakit kong tanong sa kanya. Hindi lang ito ang unang beses na itinakda akong ikasal. Sa buong Emperyo ng Guenera ilang beses na akong ikinasal sa iba’t-ibang lalaki. Ngunit sa gabi ng pulo’t gata ay natatapos ang kanilang buhay. Hindi kasi nila mapigilan ang sarili na itaas ang tabing ng aking mukha. “Kaya nga kita ipapakasal anak, para matapos na ang paglusob sa atin ng Astral kingdom. Kapag namatay si Xenos wala nang tagapagmana ang Astral Kingdom at mas madali na natin silang matatalo sa digmaan. Napatayo ako at matapang na hinarap si ama. “Ipapakasal niyo ako para pumaslang ulit ng magiging hari? Ama, sandata ba ang turing mo sa akin? Anak mo ako, pero bakit parang kasangkapan lang ako kung ituring mo? Hindi mo ba naisip ang nararamdaman ko?” Tuluyang nagbagsakan ang aking luha dahil sa aking nalaman. Mataas ang ambisyon ng aking ama. Gusto niyang pamunuan ang Emperyo ng Guenera. Kaya iniisa-isa niya ang mga kaharian upang makamtan ito. “Anak, hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili kong layunin. Kapag tayo ang naghari sa buong Emperyo. Mas magagawa ko ang nais ko. Mas mahahanap natin ang babaeng dahilan ng sumpa sayo.” Paliwanag niya sa akin. Bumalik sa aking ala-ala ang araw na yun. Limang taong gulang pa lamang ako nang may isang babaeng nagbigay ng sumpa sa akin. Malaki ang galit niya sa aking amang hari. Simula noong araw na yun. Lahat ng taong makakakita sa aking mukha ay mamamatay. Babae man ito o lalaki walang pinipiling edad. Simula noong araw na yun ay itinago na ako ni ama at ina dito sa loob ng kaharian. Nabubuhay sa kadiliman. Nagagawa ko lang makalabas sa sekretong hardin dito sa loob ng palasyo kung saan ina-aliw ko ang aking sarili upang hindi ako matuluyan na masiraan ng bait. Kinakatakutan at pinandidirian sa pag-aakalang isa akong pangit na nilalang, na isa akong halimaw. Kahit ang sarili ko ay hindi ko puwedeng tignan dahil kahit ako ay maaring mamatay. Itinago ako ni ama sa lahat iilan lang ang nakaka-alam tungkol sa sumpa sa akin. Tanging malalapit lamang sa aking pamilya. Ipinatapon din ni ama ang lahat ng salamin sa buong kaharian. Ang puwede ko lang gawin ay haplusin ang aking mukha ngunit hindi ko naman ito puwedeng makita yun ay kasama sa sumpa ng mahiwagang babae na basta na lamang pumasok sa aming kaharian at bigyan ako ng ganitong sumpa sa hindi malamang dahilan. At sa loob ng labing-apat na taon ay nabuhay ako sa dilim at pagdurusa dahil sa isang sumpa na hangang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano makakawala. “Ama, hindi mo nga ako pinapahawak ng sandata upang makipaglaban. Ngunit ginagamit mo naman ang aking mukha upang matalo ang mga kalaban mo. Sana hayaan mo na lamang ako. Sana hayaan mo na lamang akong mamatay ng mag-isa dito sa madilim na mundong pinaranas mo sa akin. Ayoko na ama, ayoko nang may isang tao na namang mamatay dahil sa akin.” pagtanggi ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Asya, huli na ito. Pangako, kapag natalo natin ang Astral Kingdom hahayaan na kita sa kung ano man ang gagawin mo. Kahit lumabas ka pa ng palasyo at mabuhay ng malaya. Diba yun ang gusto mo?” “Ama…” hindi makapaniwalang sambit ko. Matagal ko nang hiniling sa kanya na gusto kong lumabas ng palasyo. Gusto kong maglakbay mag-isa. Gusto kong libutin ang mundo. Kapag nagawa ko na yun. Mamatay akong masaya. Yun ang pinakapangarap ko bago ako tuluyang mawala.” “Totoo ang sinasabi ko Asya. Kahit masakit sa akin bilang yong ama. Hahayaan kita sa nais mo. Ngunit ito ang huling hiling ko sa’yo anak. Pakasalan mo si Xenos at kapag namatay siya sa gabi ng yung kasal. Yun ang hudyat para matalo sa digmaan ang Astral Kingdom.” Paliwanag niya sa akin. Hindi ko kilala ang sinabi niyang Xenos. Pero naririnig ko ang pangalan niya kay ama kapag nag-uusap sila ni Kuya Silas. Isa daw kasi itong magiting na mandirigma. “Kung yun ang sa tingin niyo makakabuti sa ating kaharian. Wala na akong magagawa pa. Ngunit kailangan niyong tuparin ang pangako niyo ama na papalayain niyo na ako at hahayaan niyo akong maglakbay.” Nakita ko ang ngiti sa labi ni Ama. “Pangako anak, huli na ito.” Pagkatapos ng limang araw ay mabilis na naitakda ang pag-iisang dibdib naming dalawa. Kahit nasa loob ako ng aking silid dinig ko sa labas ang paghahanda nila sa magaganap na kasal ngayong araw. Habang ako ay nanatiling nakatingin sa damit pangkasal na aking isusuot mamaya. Gamit ang aking daliri ay inumpisahan kong lagyan ng kolorete ang aking labi at naglagay naman ako ng Pulbos sa mukha. Pagkatapos ay isinuot na nila sa akin ang damit pangkasal na abot sa aking talampakan ang haba. Special ang tela na ginamit dito at napapalibutan ito ng gintong desenyo. Tanging ako lang ata ang babaeng hindi masaya sa araw ng aking kasal. Dahil mamayang gabi isang buhay na naman ang mawawala. Nang sumapit ang alas-tres ng hapon ay ipinatawag na ako ni ama. Sa kabila ng pagiging prinsesa dito sa Celestria Kingdom ay batid ko pa din na maraming tao sa kaharian ang umiiwas sa akin. Tanging tagapaglingkod at pamilya ko lamang ang nakaka-usap ko ngunit lumalapit lang sila sa akin kapag may kailangan sila. Sa malawak at malaking bulwagan magaganap ang pag-iisang dibdib naming dalawa. Ngayon pa lamang namin makikita ang isa’t-isa. Para sa Astral Kingdom ang magaganap na kasal ay kasunduan sa dalawang malaking kaharian dito sa emperyo ngunit para kay ama. Paraan niya ito upang mas maging makapangyarihan sa lahat. Natigil ako sa pag-akyat sa sementong hagdanan pa-akyat sa entablado. Parang ayaw humakbang ng mga paa ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa itaas at naghihintay sa pagdating ko. Hindi gaya ng mga naunang lalaki na ipinakasal sa akin. Natatangi ang lalaking yun. Ang buong akala ko ay matanda na ito ngunit halata sa kanyang tindig ang nagsusumigaw nitong kakisigan. “Prinsesa Asya. Tayo na po.” wika ng aking tagapaglingkod na umaalalay sa akin. Nakakapanghinayang lamang sa kaharian ng astral ang mawalan ng susunod na magiging hari dahil sa aking ama. Ngunit wala na akong magagawa maraming tao ang umaasa na matatapos ang kasunduan na ito. Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib at isa-isang humakbang pa-akyat ng entablado na puno ng magagandang tela at bulaklak. Nanduon din si ama at ina na naghihintay sa pagdating ko. Hindi ko maramdaman ang mabining musika na tinutugtog dahil mas nararamdaman ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa unti-unti kong paglapit sa kanya. Bukod sa manipis na telang nakatakip sa aking mukha ay may tela pang nakabalot sa kalahati ng aking mukha kaya hindi nila nakikita ang buong mukha ko. Pero ako malinaw sa aking mga mata ang kanilang mga anyo. “May isa lamang akong hiling sa’yo. Natatangi ang kagandahan ng anak ko. Kaya nais ko sanang walang ibang makakita sa kanyang mukha, Prince Xenos.” narinig kong sambit ni ama. Yun din ang huling sinabi niya sa mga lalaking pinakasalan ko. Bumaling siya sa akin at hinagod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Nang makalapit ako ay inilahad niya ang kanyang kamay at dinala niya ako sa harapan nilang lahat. Sa harapan ng mga taong kapwa namin nasasakupan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook