bc

The Vampire's Bride (FREE/COMPLETED)

book_age18+
1.8K
FOLLOW
5.5K
READ
dark
HE
powerful
bxb
gxg
vampire
highschool
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pangungulit ng mga kaibigan ni Serene na magpunta sa isang 17th century na bahay na nakatayo sa malayong bundok ay napilitan siyang sumama sa mga ito upang mag-ghost hunting. Mahilig kasi ang kaniyang mga kaibigan sa mga kakaibang nilalang at kwento kaya palagi silang nagpupunta sa mga lugar na hunted at kabilang dito ang lumang mansyon ng huling lahi ng vampira. Ngunit sa pagdating nila doon ay makakakuha si Serene ng bagay na magbubuklod sa kanila ni Lazarus. Ang natutulog na vampirang nag-iintay sa babaeng muling bubuhay sa kanyang kapangyarihan bilang isang makapangyarihang bampira.

Ano ang gagawin ni Serene kapag nalaman niya na ang mysteriosong lalaki na panay ang sunod sa kanya ay isa palang bampira? At paano niya tatangapin ang sinabi nitong siya ang nakatadhana nitong maging vampire’s bride?

chap-preview
Free preview
The Vampire's mansion
“Sige na kasi Serene! Pumayag ka na! Total nasa huling taon na tayo sa kolehiyo diba? Bibihira na tayong magkikita pagka-graduate natin. Huli na ito promise!” Pangungulit ni Kakai sa akin habang bumubuntot sa akin patungong library. “Sinabi mo na rin ‘yan last time na nang pumunta tayo sa lumang sementeryo diba? Tapos sinapian pa si klay dahil sa ginawa natin tapos ito na naman? Bakit hindi na lang tayo mag-focus sa pag-aaral? Ikaw na rin ang maysabi na huling taon na natin sa kolehiyo kaya dapat lang na sa pag-aaral nating ibuhos ang oras natin. Hindi sa mga ganyang bagay.” Inis na sabi ni Serene sa kaibigan. Nang magsimula ang pagkakaibigan nilang anim ay nagsimula na rin silang gumawa ng mga nakakatakot na bagay. Pumapasok sa lumang skwelahan at nagpapalipas ng magdamag. Pumupunta sa mga sikat na hunted house. Sa mga sementeryo at kumakausap ng mga taong nakakakita ng multo. At ngayon gusto naman nilang puntahan ang isang 17th century na bahay na pinaniniwalaang tinirhan ng pamilya ng mga bampira. “Last na talaga ito. Pagbigyan mo na kami. Alam mo naman na kulang ang barkada kapag wala ka diba? And besides, pagkagraduate natin pupunta na ako sa Switzerland. Hindi ko na kayo makakasama.” Pangungunsensiya pa ni Kakai sa kanya. Tumigil sa paglakad si Serene at napabuntong hininga na lamang dahil sa kakulitan ng kanyang kaibigan. “Sige na, sasama na ako pero last na talaga ‘to okay? Kapag kinulit mo ulit ako sa susunod hindi na talaga ako sasama kahit kaladkarin niyo pa ako.” “Really? Sasama ka na?!” Excited na tanong nito. Tumango si Serene sa kanya at iniwan na siya sa labas ng library. Dumukot ng phone si Kakai at sinabi sa ibang barkada pa nila na nakumbinsi na niya si Serene. Tatlong araw ang nakalipas ay nag-iimpake na ng dadalhin si Serene. Susunduin siya ng mga kaibigan niya sa bahay upang sabay-sabay na sila patungong Dolores Quezon kung nasaan ang tinaguriang devil mountain. Hindi na niya kinailangan pang magpa-alam sa kanyang mga magulang dahil wala rin namang paki-alam ang mga ito at palagi na lamang busy sa negosyo nila kaya malaya siyang gawin ang gusto niya. Nagsuot siya ng maong short black na t-shirt at itim na rubber shoes. Itinali niya pataas ang kanyang buhok at kumuha siya ng itim na cap para hindi siya masunog sa araw dahil kailangan pa nilang umakyat ng bundok ng dalawang araw bago marating ang Devil mountain sa San Cristobal. Nang marinig niya ang sunod-sunod na busina ay kinuha na niya ang malaking backpack niya at sling bag na lagayan ng kanyang mamahaling camera. “Serene!” Excited na salubong sa kanya ng kanyang mga kaibigan na sina Kakai, Martin, Lea, Klay at Larry. “May dala na kaming pagkain kaya huwag ka ng magdala.” Nakangiting sabi ni Martin sa kanya. “Junk foods lang ang dala ko sinabi naman ni Kakai na siya na ang bahala sa pagkain ko.” Sagot ni Serene sa kanila. Pagkatapos at tinulungan na siya ng dalawang lalaki na ilagay sa likuran ang dala niyang gamit. Pagkatapos ay naupo na siya sa loob katabi si Kakai na panay ang picture dahil ipopost daw niya ang gala nila ngayong araw. Minsan tuloy ang tingin sa kanila ng mga kaklase nila ay mga wierdo dahil sa kakaibang hilig nilang magkakaibigan. At natatakot din na makipagkaibigan sa kanila ang iba dahil baka mahawa sa kalokohan na ginagawa nila. “Guys! Ngiti naman diyan! Lalagyan ko ito ng magandang caption!” Pangungulit ni Kakai sa mga kaibigan. Napilitan na ngumiti si Serene pero napahikab siya dahil sa antok kaya yun ang nakuhanan ng camera. “Putik ang ganda mo palang humikab Serene, kita na ang Devil mountain na pupuntahan natin!” Litanya ni Kakai dahil sa laki ng pagkakahikab niya at kita na pati ang ngala-ngala. “Buruhin mo yan!” Inis na sabi ni Serene sa kanya. “Oo na! Alam mo naman na ayaw kong sirain ang credibilidad mo.” Natatawang sabi ni Kakai sabay bura sa larawan. Pagkatapos ng kainan, kuwentuhan tawanan nila sa van ay nakarating din sila sa paanan ng bundok. Inihabilin nila nag van sa barangay na nakakasakop sa lugar at nag-umpisa na silang mag-hike. “Nakakapagtaka lang…bakit sa bundok nakatayo ang mansyon na yun? Saka uso na ba ang mga kotse noong 17th century? Ano yun naglalakad sila patungo sa bayan para makapamili ng pagkain?” Nagtatakang tanong ni Lea. “Mga vampire nga ang nakatira doon kaya hindi sila napunta siya suidad para hindi sila mahuli.” Si Larry ang sumagot. “Kinakabahan ako baka may nakatira pang vampire doon tapos kagatin tayong lahat sa leeg at sipsipin ang mga dugo natin!” Sabat naman ni Klay. “Okay lang kung kamukha ni Cha Eun Woo. Magpapakagat pa ako!” kinikilig na sambit ng baklang si Lea na ikinatawa ng lahat. Ilang oras pa ang nakalipas ay inabot na sila ng dilim sa paglalakad kaya nag set-up na sila ng malaking tent para magpalipas ng gabi. Inaasahan nilang makakarating sila bukas ng gabi sa vampire mansyon. Kinabukasan pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nagpatuloy sila sa pag-akyat sa bundok. Ilang ilog at matatarik na daan na rin ang dinaanan nila. Hangang malapit ng magtakip silim ay tanaw na nila ang sinasabing hunted mansyon ng devils mountain. “Wow! Ang laki pala talaga niya! Nakaka-excite!” Hingal at bulalas ni Kakai. “Hangang dito na lang ang paghatid ko sa inyo. Alam niyo naman siguro ang daan pabalik diba?” Paalam ng tour guide na naghatid sa kanila. “Sige po salamat.” Wika ni Serene. Pagdating nila sa gate ay saktong lubog na ang araw. Kinuha nila ang kanilang mga dalang flashlights. “Anong gagawin mo diyan?” Nagtatakang tanong ni Serene nang humugot si Martin nang patalim sa kanyang bag. “Maige nang handa para incase na may makita tayong vampire hindi sila makalapit.” Nakangiting sagot ni Martin. “”Uu nga! Ako din may dala!” Itinaas ni klay ang dala niyang maliit na iron cross. Pero natawa sila nang maglagay si Kakai ng kwentas na bawang. “Bakit? Malay niyo hindi bampira kundi aswang ang nakatira dito eh di safe pa rin ako!” Litanya ni Kakai sa kanila. Nagpicture muna sila gamit ang camera ni Serene bago sila pumasok sa sira at kalawangin na gate. Dahil sa kalumaan nito ay kusa na itong nalaglag sa lupa. Liwanag ng malaking buwan ang nagtatanglaw sa kanila papasok sa loob ng hunted mansyon. “Sa tingin ko walang multo dito. Wala akong nararamdaman na negatibong presensya.” Sambit ng may third eye na si Klay. “Same, nakakatakot lang siya tignan sa labas pero wala namang kakaiba. Mas nakakatakot pa yung sa lumang sementeryo.” Dagdag pa ni Serene na paminsan-minsan ay nakakakita at nakakaramdam din ng multo. Isa ito sa abilidad niya na na-discover niya noong five years old pa lamang siya. Pareho sila ni Klay nang kakayanan kaya nabuo ang barkda nila. “Siguro ang ganda nito noong buhay pa ang mga nakatira dito. Dahil talagang matibay ang materyales na ginamit kaya’t hangang ngayon ay hindi pa rin nasisira ang mga bricks na ginamit sa pagpapatayo nito.” “Tama ka diyan Larry, siguro natatakot ang iba na pumasok dito dahil completo pa rin ang mga antique na gamit may mga lumang larawan din na nakasabit sa dingding.” Wika naman ni Kakai. Nilapitan nila ang lumang larawan isang babae at lalaking nakasuot ng pang-espaniang kasuotan ang makikita sa larawan. Ang babae ay may kalong na batang lalaki at seryoso itong nakaupo habang nakatingin sa kumukuha ng larawan. Akmang tatalikuran na sana nila ito pero bigla itong nahulog na ikinagulat nilang lahat nagsigawan sila at nagtatakbo. Nagkahiwa-hiwalay sila dahil sa takot. “Hoy! Nasaan na kayo!” Sigaw ni Serene. Ngunit kahit saan niya itutok ang lente ng flash light ay wala siyang makita. Namalayan na lamang niyang nasa loob na pala siya ng isang lumang kuwarto. At naagaw ng atensyon niya ang isang lumang box na nakalagay sa ibabaw ng isang mesa. Nagkaroon siya ng kuryusidad na buksan ito. At nakita niya ang isang singsing na yare sa ginto at may kulay pulang bulaklak na desenyo. Itinayo niya ang flashlight at sinubukan na isuot ang singsing sa kanyang kamay. “Ang ganda.” Nakangiting sambit niya. Habang pinagmamasdan sa kamay niya. Para itong sinukat sa daliri niya. Akmang huhubarin na sana niya ito ngunit ginulat siya ng kanyang mga kaibigan na pumasok sa pinto. “Letche kayo! Gusto niyo ba akong atakihin dito?!” Singhal niya sa mga ito na lalong nagtawanan. “Sorry na Serene, may nakita kaming hagdan pababa sa banda roon tara tignan natin!” Wika naman ni Kakai sabay hila sa kanyang braso. “Sandale, may ibaba–” “Kailangan na nating puntahan yun! Para makalabas na tayo!” Pamimilit pa nito. Hindi na niya nagawang ibalik ang singsing sa box dahil sa mabilis na paghila sa kanya ng kanyang mga kaibigan. May nakita silang makipot na hagdan pababa sa ground floor at bumungad sa kanila ang parang isang libingan. “I think we need to get out of here now.” Seryosong sabi ni Larry. “Why?” Nagtatakang tanong ni Kakai sa kanya. “Baka diyan nakalibing ang mga vampire.” Dagdag pa nito. “Eh ano naman? Hindi naman siguro sila babangon at mangangat diba?” Lumapit si Serene sa nitcho na nasa gitna. Sinubukan niyang basahin ang nakasulat dito ngunit hindi niya ito mabasa. Tatlong nitcho ang nakita nila at iba ang hugis nito. Parang kabaong ni drakula ang bampirang napapanuod lang sa mga pelikula. “Astig ito! Tara mag-selfie!” Aya ni Kakai kinuha niya ang camera at itinayo ito sa harapan ng nitcho. Naupo sila sa mga nitcho. Ngunit lumakas ang hangin ang hangin at natumba ang camera na ikinagulat ni Kakai. “Oh my god! My camera!” Kaagad niya itong nilapitan at tinignan kung gumagana pa ito pero hindi na ito nagbukas pa. “Kinuha ni Klay ang aparato niyang pang-detect ng bad spirit dahil nagtataka siya kung bakit nagkaroon ng hangin samantalang nasa basement sila ng mansyon. “Lets go na guys, hindi na maganda ang pakiramdam ko.” Wika ni Serene. Sunod-sunod ang pagalaw ng meter na aparato hangang sa naging red na ang kulay nito. Ibig sabihin ay may makalas at negative energy na nakapalibot sa kanila. Tamihik silang nagkatinginan hangang sa…. “AHHHH!” “Wahhhh! Nagtakbuhan sila pa-akyat at palabas ng mansyon. Hingal silang lahat nang makalabas na sila sa gate. “Naramdaman niyo ba ang naramdaman ko?” Namumutla na tanong ni Martin. “Nakakatakot! Pati ata bulbul ko tumuwid dahil sa takot!” Dagdag pa ni Kakai. “Sabi ko naman kasi sa inyo umalis na tayo eh tapos nag-picture pa tayo!” Hingal na sabi ni Serene. Saka niya naalala ang singsing sa kamay niya. Sinubukan niya itong tangalin muli ngunit hindi na niya ito mahubad. “Mabuti pa lumayo na tayo sa lugar na ito baka sundan pa tayo ng mga masasamang spirito. At humanap tayo ng lugar kung saan makakapagpalipas ng gabi.” Wika ni Lea. Kaagad silang umalis dahil sa naramdaman nilang takot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook