bc

Isang Gabi sa Piling ni Bakla

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
HE
powerful
sweet
gxg
bisexual
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sumiping sa isang lalakin at bigyan ito ng anak. Yun na lang ang tanging pag-asa ni Basha upang mapagamot niya ang kanyang Ina. Dahil bigo siyang mahingan ng tulong ang kanyang tunay na ama. Kapalit ang mga kundisyon ay pumayag siya. Ngunit paano kung ang lalaking nakasiping at kailangan niyang bigyan ng anak ay isa palang bakla? Matangap niya kaya ito at kakayanin kaya niyang mawalay sa kanya ang kanyang anak kapalit ng buhay ng kanyang Ina?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BASHA Pabalik na ako sa kuwarto ni mama bitbit ang binili kong pagkain para sa tanghalian nang may marinig akong nag-uusap sa loob dahil naka-awang ang pinto nito. Napatigil ako sa akmang pagpasok sa loob. “Bakit hindi ka na lamang humingi ng tulong sa tunay na ama ni Basha? Edna, malala na ang kundisyon mo. Paano naman ang anak mo kung hahayaan mo na lamang na mamatay ka sa sakit mo sa puso.” Narinig kong suhestyon ni Ninang Emalyn kay Mama. “Hindi ganun kadali yun, Ema. May pamilya na si Arturo at nangako ako sa kanyang hindi ko na siya guguluhin pa. At isa pa, sinabi ko kay Basha na matagal nang patay ang kanyang ama. Masasaktan lamang ito kapag nalaman niya ang totoo–” katwiran ni mama sa kanya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mata ko hangang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Ang sabi niya sa akin ipinagbubuntis pa lamang niya ako nang mamatay si papa sa sakit tapos dumadalaw pa kami sa sementeryo sa puntod ng nagngangalang Isaac dahil doon daw nakalibing ang tatay ko tapos malalaman kong kasinungalingan lamang ang lahat? “At paano kapag nawala ka? Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan? Na iiwan mong mag-isa sa mundo ang anak mo? Edna, karapatan niyang malaman ang totoo. Malay mo yun ang sagot sa problema niyong mag-ina. Sigurado naman ako barya lamang kay Arturo ang pampagamot sa'yo. Kaya lumapit na tayo sa kanya. Para kay Basha, para makilala din niya ang tunay niyang ama.” Giit pa ni Ninang. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at binuksan ito. “B-basha…” Napa-angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang nag-aalala niyang mga tingin sa akin. “M-ma…totoo po ba ang lahat ng narinig ko? Totoo ba na hindi si Isaac ang tatay ko kundi ang lalaking nangangalang Arturo? Kung hindi si Isaac ang tatay ko sino siya? Sino yung palagi nating dinadalaw sa sementeryo?” Nagkatinginan sila ni Ninang Ema at napaupo ito sa upuan habang sapo ang noo. “A-anak–” “Gusto mo bang baunin habang buhay ang sekretong yan na ayaw mong malaman ko? Bakit? Bakit inilihim mo sa akin ang lahat? Bakit hindi mo ako hinayaan na makilala ang tunay kong ama? Ano ang dahilan mo?” May panunumbat na tanong ko sa kanya. Nagsimulang humikbi si mama, ayaw ko man siyang pilitin na sabihin sa akin ang totoo. Ngunit kung hindi ko gagawin ito hindi ko malalaman ang lahat. “Ma…please…kailangan kong malaman ang totoo.” Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nagpahid siya ng luha at muli siyang tumingin sa akin. “Dahil isa lamang akong mababang uri ng babaeng nagtatrabaho sa club para mabuhay…naging pansamantalang aliw lamang ako ng iyong ama. May sarili siyang pamilya anak…nagbunga ang isang gabi naming dalawa…at ikaw yun…si Isaac, kaibigan ko lamang siya na nasawi sa aksidente.” pagtatapat niya sa akin na hindi ko inasahan. Napatakip ako sa aking bibig. ‘Di ko akalain na naging babaeng bayaran ang aking mama. “Patawarin mo ako Basha…” Humihikbing sabi niya sa akin. Pati si Ninang ay nakiki-iyak na rin sa aming dalawa. “S-Saan ko po matatagpuan ang tunay kong ama? Sabihin niyo sa akin, kahit naging bunga pa ako ng panandaliang aliw ninyong dalawa. Siya pa rin ang tatay ko. At kailangan kong humingi ng tulong sa kanya para mapa-operahan kayo–” “Anak, di ka niya tutulungan kahit malaman pa niya na anak ka niya. Minsan na rin niya akong pinagtabuyan noong sanggol ko pa lamang nang dalhin kita sa kompanya nila dahil hindi siya naniniwala na anak namin ang dala-dala ko. Para tigilan ko siya binigyan niya ako ng limang milyon. Ngunit naubos ko ang lahat ng yun sa'yo dahil sa pabalik-balik natin sa hospital noong naging sakitin ka. Pati na rin sa pagpapalaki ko sayo. Kaya anak, huwag mo na lamang siyang puntahan.” Umiling ako sa kanya. “Hindi ma, kahit magmakaawa ako sa kanya. Gagawin ko…kahit hindi niya ako kilalanin na anak okay lang sa akin…pero hindi ko kayang hayaan ka na lamang na mamatay at wala akong gagawin para sa inyo. Ma, kailangan kita…ayokong maiwan mag-isa… Diba sabi ko sayo ipagpapatayo pa kita ng malaki at komportableng bahay? Yung hindi bahain at malayo sa ingay ng suidad. Tapos mamasyal tayo kahit saan mo gusto kapag naging maganda ang trabaho ko sa abroad? Diba babawi pa ako sa inyo? Kaya please…huwag kang sumuko…lumaban ka para sa akin. Para sa pangarap nating dalawa….” Napayakap ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Siya lamang ang meron ako at hindi sapat ang trabaho ko sa coffee shop para mapa-opera siya kaya kailangan kong humingi ng tulong kay Arturo. “Ada, kapag nalaman ito ng mama mo paniguradong magagalit siya.” Paalala sa akin ni Ninang nang kunin ko sa kanya ang buong pangalan ng aking ama at ang kompanya na sinasabi nitong pinagtatrabahuhan ng aking ama. “Ninang, nauunawaan ko po…pero alam niyo naman na mahal na mahal ko ang nanay ko. Kahit ibaba ko ang sarili ko basta mapa-opera ko lamang siya dahil gusto ko pa siyang makasama. Saka ko na iisipin ang galit ni mama. Sa ngayon kaligtasan niya muna ang priority ko.” Napabuntong hininga siya at niyakap niya ako. Nandito kami sa prayer room at mahimbing pa na natutulog si mama nang iwan namin siya. “Mag-iingat ka sa pagpunta mo sa Maynila. At tawagan mo ako kaagad ha?” Nangingilid ang luhang tumango ako sa kanya. Para ko na ring pangalawang ina si Ninang Ema. Pareho sila ni mama na walang asawa at may isang anak na binubuhay kaya bestfriend ko din ang kanyang anak na si Myla na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang casino sa maynila. Kinabukasan ay lumuwas na ako pa-Maynila. Hindi ako maaring magsayang ng oras at hintayin na lamang na atakihin ulit si mama dahil magiging dilikado na ito sa kanya. Tirik na ang araw nang marating ko ang Makati. Mga nagtataasang building ang bumungad sa akin. Nahirapan akong tuntunin ang address kaya nag-taxi na lamang ako. “Dito na po tayo.” Wika ng taxi driver. Inabot ko sa kanya ang bayad at bumaba na rin ako. Napatingala ako sa malaking building na magkadikit sa itsura nito halatang mayaman ang nagmamay-ari nito. Lumapit ako sa guard upang magtanong. “Sir, maari ko po bang maka-usap si Mr. Arturo Garcia? Nasa loob po ba siya?” Magalang na tanong ko. Sinenyasan niya ang isang lalaki at tumango ito sa kanya pagkatapos ay muling bumaling sa akin. “Ms? May appointment ka ba sa kanya?” “Po? Wala po eh, puwede po bang tawagan niyo na lamang po siya at sabihin niyo sa kanyang may naghahanap po sa kanyang anak.” Nagkatinginan silang muli ng isa pang guwardia at lumapit na ito sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin. Simpleng pantalon at puting t-shirt lamang ang suot ko. Kaya parang nahiya ako nang hagurin niya ako ng tingin. “Si Ma'am!” Napalingon ako nang umayos sila nang tindig at bumalik sa kanilang puwesto. “Good morning Ma'am Kristel.” Bati nila sa babaeng sobrang ganda na papasok sa loob ng building. Binalingan niya ako ng tingin at pagkatapos ay humarap siya sa mga guwardia. “Who's She?” Usisa niya sa mga ito. Napakamot sa ulo ang kausap niya “Hinahanap po si Sir Arthuro, anak daw po niya.” “What?” Bumaling siyang muli sa akin at hinagod din ako ng tingin. Napabuntong hininga ito at masamang tingin ang ipinukol sa akin pagkatapos ay hinarap niya ako. “Miss? Kung sino ka man, mabuti pang umalis ka na bago pa kita ipadampot sa pulis. Walang ibang anak ang daddy ko kundi ako lang.” Naiiling niya akong tinalikuran ngunit naging mabilis ako sa pagharang sa kanya. Hangang sa hinawakan na ako ng mga guwardia. “Gusto ko lamang maka-usap ang papa mo! Hindi ako mangugulo, hindi ko siya pipilitin na kilalanin niya ako basta tulungan lang niya ang mama ko. Si Edna Matabungkay, kilala niya ang mama ko! Maniwala ka sa akin, anak niya din ako!” Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong s@mpalin. “Anong palagay mo sa dad ko? Bangko? Hindi lang ikaw ang nagpupunta dito para magpakilalang anak niya sa labas. At isa lamang ang kailangan ninyong lahat. Pera! Mga mukha kayong pera at ginugulo niyo ang buhay namin! Kapag hindi ka pa rin umalis ipapadampot na kita sa mga pulis!” Singhal niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Malakas ako sa ibang bagay pero sa mga oras na ito parang gusto kong kainin na lamang ako ng lupa sa kahihiyan na ginagawa ko. Pero kailangan ko ang tulong ni Arturo! Napilitan akong umalis pansamantala dahil kapag tinutoo ng babaeng yun ang sinabi niya lalo kong hindi makikita si Arturo. Pinili kong maghintay sa hindi kalayuan. Malapit sa building. Kailangan kong ma-timingan ang paglabas ng aking ama. Hindi ako uuwi hanga't hindi ko dala ang kailangan kong pera!

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook