Chapter 1
Third person's POV
“Tamara!”
Bumukas ang pinto ng malaking silid na punong-puno ng ibat-ibang uri ng patalim ang iba ay nakalagay sa glass cabinet at ang iba naman ay nakapatong sa built-in display shelves sa loob ng kwarto. Sa pinaghalong kulay na puti at itim na disenyo ay hindi mo aakalain na babae ang nagmamay-ari ng silid. Napa-ilag si Leandro sa matalas na patalim na mabilis ibinato sa kanya ni Tamara. Namutla siya nang makita niya ang pagbaon ng kutsilyo sa pintuan lumusot pa ang dulo nito sa likod. Kaya napalunok siyang tinignan ito. Muli niyang binuksan ang pinto para sumilip sa loob.
“Are you Crazy?! Muntik mo na akong mapa—"
Napatda siya nang makita niya si Tamara suot ang kulay itim na satin dress halos dalawang dangkal lang ang haba nito mula sa kanyang tuhod pataas. Nakalugay ang mahaba at ash-gray niyang buhok. Makapal ang kulay pulang lipstick at ang walang katulad niyang mga mata na kahit sino sigurong lalaki ang tignan niya ay maakit na halikan siya.
“Who told you to enter my room?” Malamig na wika ni Tamara. Habang mataman niyang tinitignan ang matalas na patalim sa kanyang kamay. Lumiliwanag pa ang dulo ng talim nito kapag natatamaan ng ilaw na mula sa maliit na chandelier. Lumapit siya kay Tamara ng ilang hakbang.
“Gagawin mo ba talaga ang utos ni Dad? Delikado si Aragon, Tamara ako na bahala sa kanya kayang-kaya siya ng mga tauhan ko.”
Sumilay ang ngiti niya sa labi. At inilipat ang kanyang tingin kay Leandro.
“Ilang tauhan ang kakailanganin mo para mapatay si Aragon?” Walang emosyon na tanong niya dito.
“Lima? Sampu? Bahala na! Basta hindi ikaw ang pupunta sa bar na yun. Wala akong paki-alam kahit ilan ang tauhan ko ang kailangang tumapos sa matandang iyon, wag lang ikaw Tamara. Ayokong mapahamak ka, malupit ang matandang iyon.” Giit ni Leandro. Matagal na siyang may gusto kay Tamara. Isa siya sa tagapagmana ng Yao Clan. Ngunit hindi niya makuha ang puso ng dalaga dahil nanatili itong malamig sa kanya at ang tungkulin ni Tamara ay protektahan lahat ng nagtatangkang kumalaban sa Yao family.
Dahan-dahang humakbang si Tamara palapit kay Leandro. Bawat paghakbang nito ay ang pag bigat ng paghinga naman ni Leandro. Hinaplos niya ang malapad nitong dibdib at itinaas ni Tamara ang kanyang tingin kay Leandro. Napa-awang ang labi ni Leandro dahil sa init na kanyang nararamdaman sa pagtama ng kanilang mga mata. Idinikit pa ni Tamara ang kanyang katawan kay Leandro at hinaplos ang kanyang labi ng mahaba at kulay itim niyang kuko. Nanigas sa kinatatayuan niya si Leandro at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.
“Hindi mo na kailangang gawin yun, Sir Leandro.” Mahinang sambit ni Tamara habang pinaglalaruan ng kanyang hintuturo ang labi nito.
“Isang hiwa sa leeg ni Aragon, ay sapat na para tuluyan ko siyang ihatid sa impyerno. Alam mong madali lang sa akin ang bagay na yun. At binabalaan kita, wag ka na ulit papasok sa kwarto ko kung ayaw mong lumipad lahat ng patalim ko sa katawan mo.” Mahinang bulong ni Tamara sa tenga niya. Nakangiti pa itong inilayo ang pagdikit ng kanilang katawan at tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Naiwan niyang nakatigalgal si Leandro dahil sa ginawang iyon ni Tamara.
Makalipas ang ilang segundo ay hinabol na niya ulit ito.
“Tamara! Tamara!”
Napamura si Leandro dahil hindi na niya ito makita. Bigla na lamang itong naglaho sa pasilyo.
“Leandro!”
Napalingon siya nang marinig niya ang malakas na boses ng kanyang Papa. Humakbang ito palapit sa kanya.
“Balak mo na naman ba siyang pigilan sa inutos ko sa kanya?” Ma-autoridad na tanong nito.
“Pa, delikado si Aragon, bakit si Tamara pa ang inutusan niyo marami kayong tauhan. Bakit siya pa?!” Galit na sigaw ni Leandro sa kanyang Ama. Tumalim ang tingin nito sa kanya.
“Malinis gumawa si Tamara, hindi kagaya ng mga tauhan natin mahihirapan silang makalapit kay Aragon.”
“Kaya si Tamara ang pinain niyo? Alam niyo naman na mahalaga siya sa akin diba?!”
Sampung taong gulang pa lamang si Tamara at labing-dalawang taong gulang pa lamang si Leandro ay nagustuhan na niya ito. Dahil minsang niligtas ni Tamara ang buhay niya sa makamandag na ahas matapos na batuhin niya ito ng matulis na patalim sa ulo kaya namatay agad ang ahas. Dumalaw kasi sila sa hacienda nila sa probinsya at duon sila unang nagkakilala ni Tamara. Mula noon ay isinama na si Tamara ng kaniyang ama pabalik ng maynila at pinagsanay pa ito sa paghawak ng patalim.
Naging matagumpay ang kanyang ama sa paghasa kay Tamara sa edad nitong bente singko ay bihasa na ito sa ibat-ibang uri ng patalim. Ito din ang ginagamit niya tuwing may inuutos ang kanyang ama.
“Leandro, hanga't hindi mo nakukuha ang puso ni Tamara. Mananatili siya sa kanyang tungkulin na protektahan ang pamilyang ito.”
“Pero Dad? Bakit hindi mo na lang siya ipilit na ipakasal sa akin? Kayang-kaya mong gawin yun? Saka ko gagawin ang lahat para mahalin niya ako.”
Tumalikod ang kanyang ama. At nagpatuloy sa paglakad palayo sa kanya.
"Hindi mo pwedeng pilitin ang mga tapat nating tauhan sa hindi nila gusto Leandro, dahil magiging dahilan iyon upang maging traydor sila sa atin at pag nangyari yun. Kamatayan ang magiging kapalit kaya kung gusto mo talaga si Tamara. Mas mainam na kunin mo ang loob niya."
Tuluyan nang naglaho ang kanyang ama. Dahil tumawid ito sa kabilang mansion.
“Wag kang mag-alala Dad, makukuha ko si Tamara. Sa ayaw at gusto niya." Bulong ni Leandro sa sarili.
Alas-dose na ng gabi at inabot na naman ng madaling araw si Nathan sa loob ng VIP bar sa Makati. Nagce-celebrate sila ni Raul dahil pagkatapos ng tatlong taon niyang pagsasanay upang maging Undercover agent ay pwede na siyang humawak ng mabigat na kaso. Pumasok siya sa organization dahil kay Alixane. Akala niya ay madali niya itong makakalimutan ngunit ilang taon na ang lumipas hindi pa rin niya ito makalimutan. Puno siya ng pagsisisi dahil isinuko niya ang pagmamahal niya para dito. Alam niyang masaya na si Alixane at si Brian. Samantalang siya ay patuloy parin sa pagdurusa dahil sa mga ito. Kaya itinuon niya ang kanyang sarili upang magtraining at palakasin ang kanyang physical na kakayanan para mapagtagumpayan niya ang kanyang layunin. Mas pinili niyang maging bahagi ng Organization kaysa manahin ang negosyo ng kanyang ama. Dahil ayaw niyang mapunta sa kanya ang pinaghirapan nito na galing sa masama. Kaya mas pinili niyang kumita ng sariling pera.
“Tama na yan Nathan, umuwi na tayo.” Pag-aya ni Raul. Siya ang naging sandalan ni Nathan habang nagtra-training sa Organization. Hindi niya alam kung totoo ngang may gusto si Raul kay Alixane, ang alam niya lang hangang ngayon masakit parin para sa kanya ang mga nangyari sa kanila ni Xane. Gusto niyang saktan ang kanyang sarili dahil hindi niya kayang tumingin sa ibang babae. Halos lahat sila pare-pareho lang sa paningin niya hindi kagaya ni Xane. Kakaiba siya at especial. Kung pwede nga lang niyang bawiin ito kay Brian ginawa na niya.
Inubos niya ang lamang alak sa baso bago bumaling kay Raul. Ngunit biglang may babaeng humarang pumagitna sa kanila.
“Bloody Mary, please.” Wika ng babae.
Sabay silang napatingin ni Raul sa babae at amoy na amoy ni Nathan ang kakaiba nitong pabango na parang pinaghalong oriental flowers at vanilla extract. Kakaiba din ang hatid ng kanyang amoy kay Nathan. Pinagmasdan niya mula ulo hangang paa at masasabi niyang bukod sa bango ay napakaganda din ng kanyang katawan.
Maya-maya pa ay inabot na sa kanya ng bartender ang inorder niyang cocktail drink. Kinuha niya ito nagtama ang mata ni Nathan at Tamara.
“Don’t stare at me too much. I hate it.” Wika ng babae.
Napatda si Nathan sa narinig mula sa babae. Sinundan niya ito ng tingin. Hangang sa bumanga ito sa isang may edad na lalaki. Natapon ang lady's drink na dala nito sa dark suit ng lalaki.
“I’m sorry,” Mabilis na pinunasan ni Tamara ang dibdib ni Aragon at mas hinagod pa niya ito. Habang mapang-akit niya itong tinitignan ang mata nito upang magawa niya ang kanyang pakay.
“It’s okay Ms. Beautiful, are you with someone?” Halos isang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila dahil idinikit pa ni Tamara ang kanyang sarili kay Aragon na labis namang ikinatuwa nito.
“No, but if you buy me a drink you can take me anywhere you want.” Mapang-akit niyang sagot.
“I can buy you a whole resto bar, sweetie.” Nakangising wika ni Aragon at inikot niya ang kanyang braso sa beywang ni Tamara. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ni Aragon.
“I just want one glass baby.” Bulong niya dito. Tumaas lahat ng balahibo ni Aragon sa katawan. At hulog na hulog na siya sa kamandag ni Tamara.
“Okay let’s go, aside from that I will take you to heaven sweetie.” Wika ni Aragon sabay hila kay Tamara palabas ng resto bar.
Akala ni Nathan ay may kakaiba lang sa babaeng nakita nila ngunit nagkamali siya dahil halata namang target pala ng babaeng yun ay mayayamang parokyano sa bar. Kumunot ang ulo niya dahil nakita niya kung paano ang ginawa nitong pang-aakit sa may edad na lalaki bago ito tuluyang isama palabas.
"Kakaiba na talaga ang mga babae ngayon, Nathan. Biro mo denedma tayong dalawa dahil sa matandang iyon? Sayang ang ganda pa naman niya at ang bango. Hindi niya ba nakita kong gaano tayo kagandang lalaki?"
Nabaling ang tingin ni Nathan kay Raul. At napilitan siyang tumango dito pero hindi parin niya maalis sa kanyang isipan ang mga mata at labi ng babae kanina. Pakiramdam niya ay naiwan ang amoy nito sa ilong niya.
Samantala nasa loob na ng kotse si Tamara at Aragon. "Sweetie san mo gusto pumunta?" Nakangising tanong ni Aragon kay Tamara habang hinihimas nito ang maputi niyang hita.
"Pwede bang sa bakanteng lupa mo itigil ang kotse? I want to experience here in your expensive car baby." Tinignan niya ito ng mapang-akit na tingin. Kaya lalo itong nasabik sa kanya.
"I like it too sweetie." Nakangising sambit ni Aragon. Kaagad niyang inutos sa driver na ihanap sila ng bakanteng lupa na malayo sa kabahayan. Maya-maya pa ay tumigil na rin ang kotse sa may bakanteng lupa at doon ipinark ng driver ang kotse. Kaagad pinababa ni Aragon ang driver at pinalayo ang isa pang kotse lulan ang apat na bodyguard niya.
Kaagad na sumampa si Tamara sa kandungan ni Aragon. Ramdam na ramdam niya ang kahandaan ng matandang mahilig sa gagawin niyang pagpapaligaya dito. Sabik na sabik si Aragon na halikan ang leeg niya. Habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang puwet at ang isa naman ay nakahawak sa kanyang dibdib at minamasahe ito.
"You smell so nice sweetie." Mahinang sambit nito habang paulit-ulit ito sa paghalik sa kanyang leeg.
"Really? You too I want you inside of me baby." Sinadya niyang gawing mas seductive ang boses niya para mas mawala ito sa katinuan at matuon lang ang isip sa kanya. Naging mas agresibo itong kumilos mabilis na hinila ang kapirasong tela na nagtatakip ng kanyang kaselanan at inihagis iyon sa kung saan. Pati na rin ang kanyang bra ay mabilis na nakalas nito. Pagkatapos ay dahan-dahang kinalas ni Tamara ang butones ng pantalon ni Aragon pati na rin ang zipper nito.
"Oh! Sweety hindi na ako makapag-intay! Ride on Me!" Buong pananabik na wika ni Aragon.
"Don't worry baby I will take to hell faster." Bulong ni Tamara sa tenga nito.
Napatigil ito sa paglamas sa kanyang dibdib at paghalik sa kanyang leeg. Ngunit bago pa siya makakilos ay naging kulay pula ang bintana ng kotse dahil sa pagtalsik ng dugo mula sa leeg ni Aragon. Gamit ang matalas na bagay ang nagawa niyang tapusin ito.
"I hope you enjoy baby..." Nakangising bulong ni Tamara habang hawak-hawak pa ni Aragon ang kanyang leeg sa walang tigil na pagsirit ng dugo mula rito.
Mabilis siyang bumaba sa kotse at dumaan sa kabilang bahagi para hindi makita ng mga tauhan ni Aragon.
Kaagad siyang tumawag kay Mang Dindo na kanyang driver. Malayo na siya kung saan niya tinapos ang buhay ni Aragon. Kinuha niya ang suit ni Aragon upang itakip sa katawan niyang punong-puno ng dugo. At wala sa sariling naglakad sa gilid ng kalsada.
Samanta ay binabagtas na nila ang Nathan at Raul ang pauwi sa kanila tutuluyan nang may mapansin siyang naglalakad sa gilid ng ng kalsada. Biglang napa-preno si Nathan kaya sumubsob si Raul sa unahan.
"Ano ba Nathan! Lasing ka ba?!" Singhal ni Raul ngunit hindi siya nito pinansin sa halip ay napako ang atensyon niya sa babae habang papalapit iyon sa kotse niya.
"Bakit ka ba Kasi—“
Napatigil siya sa pagsasalita nang dumako din ang tingin niya sa harapan ng wind shield sa kotse na sinasakyan nila.
"F*ck! It's her!"