bc

Fall in love with my Brother's Bestfriend

book_age16+
139
FOLLOW
1.1K
READ
HE
age gap
heir/heiress
sweet
bxb
gxg
mystery
bold
brilliant
loser
campus
highschool
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Niamh, sa edad na dose ay hindi na mapigilan ang kanyang puso sa pagtibok para sa bestfriend ng kanyang Kuya Ivan na si Marcus. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na iibig lamang siya sa iisang lalaki na walong taon ang tanda sa kanya. Ngunit paano kung may mangyari na hindi inaasahang makakapaghiwalay sa dalawa at sa muli nilang pagkikita ay nagbago na rin ang mga buhay at prioridad nilang dalawa? May puwang pa kaya sa puso ni Niamh ang magpatawad at patuloy na mahalin ang cold at possessive na si Marcus? At matangap kaya niya ang magiging lugar niya sa buhay nito kapag tinangap niya ang pag-ibig na inaalok nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.
NIAMH Paano ba malalaman kong love na ba talaga ang nararamdaman mo para sa isang tao? Paano ba malalaman kung siya talaga ang binigay ng diyos para makasama mo habang buhay? Sana meron ganun sa buhay. Sana may pulang tali talaga na visible sa ating mga mata at malaman natin kung nasaan ba ang kadugtong ng tali na yun para malaman natin kung siya ba talaga ang nakatadhana para sa atin. Kasi, sa mura kong edad, gusto kong malaman kung may pag-asa ba na maging kami ni Kuya Marcus ang bestfriend ng Kuya Ivan ko. Nasa grade six na ako at nasa college na siya. Maraming taon ang pagitan ng edad naming dalawa. Ngunit sa kabila ng maraming dahilan sigurado ako…sigurado akong nakita ko ang sarili kong mamahalin niya ako pagdating ng araw. “Kuya Ivan!!!” tawag ko sa kanya pagkarating ko sa bahay. Kakagaling ko lang sa school at hindi naging maganda ang buong araw ko dahil napahiya na naman ako sa klase. Paano kasi, zero na naman ako sa Math subject namin. Bakit kasi ang hirap-hirap pag-aralan ang subject na yun! Kapag hindi ako nakapasa sa third grading namin nextmonth siguradong mag-eemail si Teacher Fam kay mommy na nasa Canada at malalaman ni mommy ang mga bagsak na subjects ko. Paniguradong hindi na ako makakahingi kay mama ng pera pambayad sa mga parcels ko! Patakbo akong umakyat sa hagdan at tinungo ang kuwarto ni Kuya. Sigurado kasi ako na sa mga oras na ito at nasa bahay na siya dahil half day ang klase niya. At sigurado akong burlogs na naman yun at sarap na sarap ang tulog. “Kuya!!! Kuya!!!” Binuksan ko ang pinto ng kanyang kuwarto at nadatnan ko siyang nakahilata na naman sa malambot niyang kama. Nakatalukbong pa ito ng puting kumot kaya pala kahit para na kaming nasusunugan sa pagsigaw ko ay hindi niya ako marinig. Tulog mantika na naman siya. Ibinagsak ko ang mabigat kong bag at mabilis akong sumampa sa kama. “Kuya!!!I’m in danger. I need your brain. Please help me…betlog na naman ako sa math subject namin…ano bang gagawin ko? Maganda lang ako pero hindi kaya ng utak ko ang math problem…yung heart problem ko nga di ko kayang sagutin. HUHU tulungan mo na ako please?” pagda-drama ko sa tabi niya. Pero di niya ako kinikibo. “Kuya? Are you dead? Answer me!” nagpapadyak na ako sa tabi niya. Hangang sa nakita ko ang siko niya kaya hinila ko ang braso niya at inunan ko ang mabigat kong ulo. “Kuya…kapag hindi mo ako tinulungan maba-bangkrupt ako. Please? Help me!” Akmang tatangalin ko na ang nakatakip sa kanyang ulo nang bumukas ang pinto at bumungad si Kuya Ivan. Bumilog ang mata at labi ko nang makita ko siya. Bitbit ang maraming libro at nagtatakang nakatingin sa akin. “Ku-kuya?” Nilingon ko ang nasa tabi ko at ibinaba niya ang takip ng kanyang mukha. “What did you say? Heart problem?” nakangiting sabi niya sa akin. Nalunok ko ang aking dila at mabilis akong umalis sa kama. “Bakit ba ang ingay mo? Daig mo pa ang serena ng bombero sa lakas ng boses mo. Inabala mo pa si Kuya Marcus mo.” Wika ni Kuya pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi nasa lalaking naupo sa tabi ng kama at may pag-ayos pa ng kanyang buhok. “Its okay, Ivan. Ang cute talaga ng sister mo. Nagpapatulong siya sa math subject niya. Tulungan mo na, kawawa naman.” Wika niya kay Kuya Ivan. “Marami pa akong gagawin, Niamh. Kung gusto mo kay Kuya Marcus ka muna magpaturo.” Suhestion ni Kuya Ivan. Bumilis ang t***k ng puso ko. Kung kanina malakas at mabagal ngayon ay parang may tumatakbo ng mga kabayo sa dibdib ko at gusto nang kumala ng puso ko sa aking rib cage. “Puwede naman, madali lang naman ang math. Pero may kundisyon. Igawa mo ako ng minatamis na gatas. Yung ginawa mo noon para sa kuya mo? Gusto ko ulit matikman yun.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Yung alin po?” ulit ko. “Eh di yung ginawa niyo sa school na sa akin mo pinaubos. Gusto mo pa akong magka-diabetes mabuti na lang si Kuya Marcus mo ang umubos. Yung pastilias ba yun?” wika ni Kuya na ikina-awang ng aking labi. Natikman pala niya yun at nagustuhan din niya. “Okay po…” nahihiyang sabi ko sa kanya pagkatapos ay tipid akong ngumiti, dinampot ko ang bag ko at lumabas ng kuwarto ni Kuya. Pagdating ko sa kuwarto ko ay nagtatalon ako sa tuwa. Nag-dive pa ako sa ibabaw ng kama at nagpapadyak sa kilig. Parang may naglalarong kikiyo sa aking tiyan. Simula nang maging bestfriend siya ni Kuya Ivan ay naging crush ko na siya. Paano ba naman kasi. Bukod sa napaka-cute na niya palagi pa niya akong nginingitian at napakabait pa niya sa akin. Unlike Kuya Ivan na madalas akong sungitan. Nalaman ko din na varsity player din siya at pinakamatalino sa kanilang section. Kaya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya! “Niamh! Bababa na kami. Bilisan mo ha!” Napatigil ako sa pagpapadyak dahil katok ni Kuya Ivan. “Opo!” sagot ko sa kanya. Kaagad akong naligo dahil siguradong maasim na ang amoy ko. Pagkatapos ay nagpalit ako ng bestida na hangang tuhod ang haba na kulay pink at inilugay ko ang basa kong buhok. Naglagay ako ng pulbos at lip balm saka nagpaligo na rin ako ng pabango bago bumaba. Nadaanan ko sila sa sala pero dumerecho ako sa kusina at hinanda ko ang gagamitin kong sangkap sa pagawa ng pastillias. Isang lata ng condense milk at powder milk lang ang kinuha ko sa pantry at pagkatapos ay kumuha ako ng can opener. Hindi mabura ang ngiti sa aking labi dahil sa mangyayari mamaya. Sana lamang ay may matutunan ako sa pagtuturo niya sa akin at hindi ako tuluyang mainlab sa kanya. “Aray!” Napangiwi ako dahil sa sakit nang masugatan ako ng lata ng condense milk. “Niamh? What happen?” Kaagad niya akong nilapitan at kinuha ang kamay ko. “Bakit kasi hindi ka nagpatulong?” Dinala niya ako sa faucet at binuksan niya ang gripo. Hawak niya ang kamay ko at medyo may kalaliman ang naging sug@t ko dahil sa pagtulo ng dugo. “Okay ka lang?” Tumango ako sa kanya. Kinuha niya ang panyo at inilagay sa aking daliri. “Diyan ka lang kukuha ako ng band-aid sa bag ko.” Wika niya. Maya-maya pa ay bumalik na siya dala ang med kit. Kasama pa niya si Kuya. “Ano bang nangyari?” tanong ni Kuya. Itinuro ko ang lata ng gatas at siya na ang tumapos nito. “Sorry, dahil sa request ko nasugatan ka tuloy.” Sambit niya habang nililinisan ang sugat ko. “Putol ba?” tanong ni Kuya. “Hindi, maliit lang ito.” Nahihiyang sagot ko habang nakatingin kay Kuya Marcus. ‘ “Maliit lang pala eh! Malayo yan sa atay!” litanya ni Kuya. Nilingon siya ni Kuya Marcus “Bro, nasaktan na ang kapatid mo ganyan pa ang sasabihin mo.” Napakamot si Kuya Ivan sa patilya niya. “Sorry na, kasi naman hindi ka nag-iingat. Doon na nga lang ako. Kaya niyo na yan!” wika ni Kuya Ivan. Iniwan niya kaming dalawa sa kusina. “I’m sure masakit yan, lagyan mo ng gamot at bandage para mabilis gumaling. Ako na lang ang gagawa nito. Madali lang naman siguro ito.” Presenta niya at hinarap ang naiwan kong gawain. Tinuruan ko siya kung paano ginagawa ang pastillias habang walang sawa akong nakatingin sa maamo niyang mukha. Kung crush man ang nararamdaman ko sa kanya o love. Hindi ko alam. Basta ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon? Ang gagawing kong inspirasyon para maging karapat-dapat din ako sa isang katulad niya balang araw… "Okay na ba ito?" nakangiting tanong niya sa akin habang binibilot ang pastillias sa palad niya. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Halos isang dangkal na lamang ang layo niya sa akin. Napatingin ako sa natural na mapulang niyang labi. "Niamh, bata ka pa. Pag-aaral muna ang atupagin mo. Unahin mo ang math problem mo kaysa sa heart problem. Naintindihan mo?" mahinahon niyang tanong sa akin na nagbigay sa akin ng kasagutan.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook