Chapter 1
AILEE
“Ano yang nasa braso mo?” Usisa ni Beth nang makita ang nakukulay kahel kong pasa sa braso. Ibinaba ko ang mangas ng puti kong long-sleeved upang takpan ito. Seryoso niya akong tinignan at hinagod pa mula ulo hangang paa. Ganito siya palagi kapag magkikita kami sa pagpasok sa school. Alam niya kasing palagi na lamang ganito ang nangyayari sa akin dahil halos araw-araw na ata akong nasasaktan ni Tiya at Tiyo.
“Wala ito nahulog lang ako sa hagdan—“
“Nahulog o hinulog?” Putol niya sa sasabihin ko. Mapait akong ngumiti sa kanya. “Hindi naman masakit, saka mawawala din ito.” Nakangiting sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Ilang beses na rin niya akong inalok na sa kanila na lamang tumira pero nahihiya ako dahil marami silang magkakapatid at kapos din sa buhay.
“I-report na kaya natin sa pulis yung Tita at Tito mo? Para naman makulong sila, mali ang ginagawa nilang pananakit sa’yo, Ailee.”
Mabilis akong umiling sa kanya. “Nalaman kasi nilang may itinatabi akong pera. Para kasi yun sa graduation ko. Saka hindi puwede yang iniisip mo, paano na ang mga pamangkin ko? Walang ibang kukupkop sa kanila Beth. Ayokong maging kagaya ko sila walang magulang. At isa pa, isang taon na lang naman makakatapos na ako ng kolehiyo. Kaunting tiis na lang Beth.” Paliwanag ko sa kanya. Malalim siyang napabuntong hininga. Alam kong naawa din siya sa akin. Nagtatrabaho ako sa gabi bilang waitress sa isang club at nag-aaral s aumaga. Dahil walang ibang susuporta sa akin kundi ang sarili ko lang.
“Hay, napakabuti mo talaga. Sana lang pagkatapos natin mag-aral. Magbago na ang takbo ng buhay mo. Kasi kapag hindi ko talaga natiis. Bahala nang magalit ka, isusumbong ko talaga sila sa pulis.” Nakangusong sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinila ko na siya patungo sa building kung saan ang start na klase namin.
Pagkatapos ng school ay umuwi na rin ako. Namili muna ako ng lulutuin para sa hapunan dahil baka late na naman si Tito umuwe. Pagbukas ko nang pintuan ay nadatnan kong magulo ang bahay.
“T-tita?”
Dahan-dahan kong inilapag ang pinamili kong ulam at pumasok ako sa kuwarto dahil baka nag-away lang sila ni Tito kaya nagkalat sa buong bahay. Ngunit nagulat ako nang may sumungab sa akin na dalawang lalaki.
“Sino kayo?! Tu-long!”
Nagpumiglas ako sa abot ng makakaya ko ngunit sadyang malakas silang dalawa.
“Tumahimik ka!” Singhal sa akin nang isa sa kanila. Sisigaw pa sana ako ngunit sinikmuraan ako ng isa sa kanila. Impit akong napahawak sa aking tiyan dahil sa sobrang sakit hanggang sa nanghina na rin ako at nawalan ng malay.
Nang magising ako ay nasa ibabaw na ako ng puting kama. Inilibot ko ang buong paligid at dahan-dahan akong bumaba kahit nanghihina. Alam kong may mangyayari sa akin na masama kaya kung nasaan man ako ngayon kailangan kong maka-alis dito. Ngunit akmang tatayo pa lamang ako ay bumukas na agad ang pintuan.
“Hi baby girl.” Nakangising sabi bungad sa akin ng lalaking nakabukas ang butones na polo maputi na ang buhok ngunit maskulado pa rin ang pangangatawan.
“Sino ka? Bakit ako nandito?”
Isinara niya ang pinto at sinalakay ng kaba ang aking dibdib nang marinig ko ang pag-locked nito.
“Huwag kang matakot, dapat magpasalamat ka sa tiyuhin mo dahil mapupunta ka sa mayaman na gaya ko. Kaya kong ibigay sayo ang lahat ng nais mo. Hindi mo na kailangan magtrabaho at mag-aral. Pero kapalit noon…”
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hangang paa kinilabutan ako sa tingin niya sa akin.
“Kailangan mo akong paligayahin kapag gusto ko.” Nakangising sabi niya sa akin. Umiling ako sa kanya at napa-atras ako nang lumapit siya sa akin.
“Huwag po…maawa kayo sa akin…” Humihikbing sabi ko sa kanya ngunit hindi ko siya makitaan ng konsensya.
“Huwag kang mag-alala sa una lang ang takot. Marami na rin akong kagaya mo na bata pa. Ngayon namumuhay silang parang prinsesa. Kaya huwag ka nang matakot…”
Nanginig ang katawan ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Wala pa siyang ginagawa pero parang hubo’t-hubad na ako sa harapan niya.
“Accept your faith hija, at hindi ka magsisisi.”
Akmang lalapitan niya ako pero mabilis akong pumatong sa kama at lumipat sa kabila. Kailangan kong makatakas dito kahit sa ano mang paraan!
“Ayoko nang naghahabol ng matagal kaya hanga’t may pasensya pa ako lumapit ka na sa akin.” Seryosong utos niya. Mabilis siyang tumuntong sa kama at kaagad niya akong sinungaban. Nagsisigaw at nagpupumiglas na ako dahil sa mahigpit na yakap niya sa akin.
“Bitawan mo ako!”
Sinimulan niyang dilaan ang leeg ko kaya lalo akong nagpumiglas sa malaking katawan niya hangang sa malakas na tinuhod ko ang pagkalalak* niya. Impit siyang napayuko at nabitawan niya ako. Wala na akong sinayang na sandali at tinakbo ko na ang pinto.
“B*tch! Bumalik ka dito!” Galit na sigaw niya sa akin. Humihingal na tumakbo ako sa hallway. Nag-hahanap nang puwedeng hingan ng tulong.
“Ayon! Hulihin niyo!”
Nanlaki ang mata ko nang may mga kalalakihang may dala ng armas ang dumuro sa akin. Hindi nila ako puwedeng mahuli! Nakakita ako ng hagdan pataas at walang pagdadalawang isip akong umakyat. Hingal na sinara ko ang pinto sa taas.
“Buksan mo ito!”
Napa-atras ako sa pinto nang sunod-sunod akong makarinig ng putok ng baril. Tumakbo ako palayo. Naghahanap ng puwedeng mapagtaguan ngunit walang ibang naririto bukod sa mga tangke ng tubig.
“Tigil!”
“Ahhh!”
Napatakip ako sa aking tenga dahil sa sunod-sunod na putok ng baril.
“Kapag hindi ka tumigil babarilin kita!” banta nila sa akin. Masaganang luha ang dumaloy sa aking pisngi. Nahuli na nila ako. At kapag hindi ako sumunod s autos nila siguradong higit pa sa kamatayan ang dadanasin ko sa matandang yun.
“Parang awa niyo na po…palayain niyo ako…”
Dumating ang lalaki na nakangiwi pa din dahil sa pagsipa ko sa kanyang baston.
“Suwail ka baby girl, malaking halaga ang binayad ko sa tiyuhin mo tapos tatakasan mo ako?”
Sinubukan niyang humakbang palapit kaya umatras ako.
“Huwag kang lalapit…hindi ako papayag sa gusto mo.” Wika ko sa kanya. Imbis na makinig ay lalo siyang humakbang papalapit sa akin kaya patuloy din ang pag-atras ko.
“Ubos na ang pasensya ko kaya lumapit ka na sa akin kung ayaw mong mas masaktan!” Singhal niya. Umiling ako sa kanya at tumingala sa kulay pulang buwan. Napakaganda nitong pagmasdan…ngayon nga pala ang gabi ng red bloody moon. Isa ito sa pinaka-hilig kong pag-aralan at gawin kapag malungkot ako. At ngayon na nasa bingit ako ng kamatayan. Pakiramdam ko kinakausap niya ako at pinapanatag.
“Hoy! Mahulog ka!” Narinig kong sabi niya sa akin. Wala sa sariling inapak ko ang aking dalawang paa sa isang hakbang na harang. Nasa pinakamataas akong gusali ngayon. Napapalibutan ng taong mga walang kaluluwa. Pakiramdam ko ligtas ako…sinasabi sa akin ng buwan na ililigtas niya ako…
“Miss!”
Inangat ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Inihanda ko ang aking sariling yakapin ang Liwanag ng kulay dugong buwan. Habang unti-unti kong inihihiga ang aking katawan sa kawalan. At hayaan na lamunin ako ng Liwanag nito kasabay ng pagtigil ng aking paghinga.
“Sinusumpa ko… sa susunod kong buhay…hindi na ako magiging mahina…bibigyan ko ng katarungan ang lahat ng kalupitan…at pagbabayarin ang mga taong masasama…” bulong ko sa aking sarili. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. At pinagmasdan ko ang natatanging ganda ng buwan.
“Paalam…”
--
Ingay sa paligid ang gumising sa akin. Mga mukha ng tao ang nakatingin ang bumungad sa akin.
“Patay na ba ako? Pero bakit wala akong maramdaman? Bakit nakikita ko sila? Kaluluwa na ba ako?” mahinang sambit ko.
“Tama ang hinala mo Prinsipe Devon. Isa lang siyang karaniwang mamayan at na walang matirhan kaya palaboy-laboy sa gubat…bukod doon…may matinding tama pa ata ito sa utak.” Narinig kong sabi ng lalaking nakatingin sa akin. Pinilit kong bumangon.
“Sino yung may tama sa utak? Ako ba?” Dinuro ko ang aking sarili.
“Ikaw nga, may iba pa bang mukhang palaboy dito?” sagot niya na ikinagulat ko.
“Naririnig mo ang isang kaluluwa? Kung ganun may third eye ka?” Bulalas ko na ikinalaglag ng panga niya.
“Tama na yan, Sanjo. Tulungan mo siyang makabangon upang madala sa pinakamalapit na mangagamot.”
Nalipat ang mga mata ko sa lalaking nakasakay sa kabayo. Matikas ang kanyang tindig na parang isang prinsipe. At hindi maitatangi ang taglay nitong kaguwapuhan. Ganito ba ang itsura ng mga anghel sa langit?
“Halika Miss, dadalhin ka namin sa mga mangagamot.”
Sinubukan niya akong itayo ngunit napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa aking dibdib.
“Prinsipe Devon! May malalim siyang sugat!”
Bumaba siya sa kabayo at humarap sa akin. Saka ko pa lamang mas napansin na mas guwapo siya sa malapitan. Matangos ang ilong at kulay abo ang kanyang mga mata. Makapal din ang kanyang kilay, makinis ang buong mukha at katamtaman ang kapal ng kanyang labi.
“Ikaw ba ang kamag-anak ni san pedro?” Maang na tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa tanong ko.
“Hindi ko kilala ang sinasabi mong san pedro. Pero mukhang malala ang sugat mo kaya sa kabayo ko na lang kita isasakay para makarating agad tayo sa mangagamot.” Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.
“Ano ba ang pangalan mo? Sino ang may gawa nito sayo? Saan ka nakatira?” Tanong niya sa akin.
“Pangalan? Hindi ko alam…nakalimutan ko…dahil siguro ito sa pagkahulog ko sa rooftop pero siguro may listahan si San pedro kaya sa kanya mo na lang itanong. May amnesia ata ako.”
Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko.
“Patungo ako ngayon sa emperyo ng Arezan upang ihatid ang aking regalo para kay Prinsesa Thana. Doon na lamang kita dadalhin dahil may magagaling silang mangangamot. At isa pa mukhang galing ka sa royal families dahil sa suot mong damit.”
Nagawa ko pang suyudin ang aking sarili at napansin kong kakakiba nga ito sa aking uniporme na suot ko noong nahulog ako sa rooftop. Kulay itim at hangang talampakan ang haba nito. Umalis siya sa harapan ko at sumakay sa malaki niyang kabayo. Emperyo? Arezan? Ano ang mga yun?
“Sumakay ka na.” wika niya. May dalawang lalaki na tumulong sa akin na makasampa at hinapit niya ang aking beywang.
“Marunong ka naman sigurong sumakay ng kabayo hindi ba?” Bulong niya sa aking tenga na ikinataas ng balahibo ko. Napalingon ako sa kanya at nagkatapat ang mukha naming dalawa. Halos isang dangkal din ata ang layo ng mukha namin at nakatingala ako sa kanya.
“Hindi pa…ikaw? Magaling ka bang mangabayo?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“Ay magaling yan si Prinsipe! Kung hindi mo naitatanong—‘’
“Sanjo…” Tawag niya dito at agad naman itong tumahimik.
“Ipagpatuloy ang paglalakbay!” Utos ni Sanjo sa kanila. Nagsimulang lumakad ang kabayo. Hindi ko alam kung nasaan kaming lugar. Ngunit imbis na ulap ay puro matataas na puno ng kahoy ang aming nadadaanan.
Bakit kaya? Bakit wala akong maalala tungkol sa pangalan ko? Pero tanda ko ang pagkahulog ko sa rooftop. Saka nasaang lugar ako? Bakit nararamdaman ko ang sugat ko? Masakit siya ngunit kaya ko naman. Bukod doon sobrang dumi din ng damit ko. Para akong nagpagulong-gulong sa putikan kaya siguro akala niya isa akong pulubi.
“Andito na tayo sa emperyo ng Arezan.” Sambit niya. Nagulat ako nang bumungad sa amin ang mataas na pader. Halos tatlong palapag ang taas nito. At nakikita ko din ang mga establishemento sa loob nito.
Bumukas ang malaking gate at may sumalubong sa amin na mga naka-itim na lalaki. Para silang mga Dracula. Nakahilera sila na parang nag-aantay sa tatangaping bisita.
“Ikinagagalak namin ang pagdating niyo Prinsipe Devon—”
Napatingin siya sa akin at nabura ang ngiti sa kanyang labi.
“Kilala mo siya?” Tanong ng lalaking nasa likuran ko.
“A-ah opo!”
Nagulat ako nang lumuhod silang lahat sa harapan namin.
“Prinsesa Thana, kanina pa po kayo hinahanap ng inyong Ama.” Nakayukong sabi niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala akong ibang makitang babae bukod sa akin.
“Ikaw si Prinsesa Thana?” Walang emosyon na tanong niya sa akin. Dinuro ko ang aking sarili.
“Ako? Hindi ah!” Depensa ko sa kanya.
“Nilinlang mo kami.” Pagdidiin pa niya. Umiling ako sa kanya.
“Hindi nga, ang kulit mo.” Angil ko sa kanya.
“Kung ganun…sino ka?”