bc

EMERALD

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.1K
READ
revenge
powerful
brave
self-improved
inspirational
drama
bxg
female lead
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

#Girl power / Ang pagiging CEO ng girl.

#yugtoWritingContest

#alltheyounggirlpower

Sa murang edad ni Emerald ay naranasan na niya ang lahat ng masasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Nawalan siya ng Ina at napunta siya sa pangangalaga sa kanyang Ama. Nalaman niya ang buong katotohanan sa ginawang pag-iwan sa kanila ng kanyang Ama. At pinilit niyang mamuhay kasama ang kanyang mapanakit na Madrasta na si Ingrid at kapatid sa Ama na si Cristine. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Noah. Ang bestfriend ng kanyang Ate at soon to be husband nito. Pinilit niyang pigilan ang umuusbong na pag-ibig niya para kay Noah. Pero nabigo siya dahil nalaman niyang gusto din pala siya nito.

Saan hahantong ang pag-ibig nila para sa isa't-isa kung nakatakda nang ikasal si Noah sa Ate niya? Paano kapag nalaman ng Ate niya ang tungkol sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga batang tuwang-tuwang naghahabulan sa gitna ng daan. Mga malulutong nilang tawanan ang dumadagdag sa ingay na aking nadaraanan. Hindi ko mapigilan ang maingit dahil hindi ko naranasan ang tumawa kagaya nila. Lalo na ang maglaro maghapon, madumihan ang damit at maputikan ang mga paa. Namulat kasi ako sa pagtulong kay Inay sa paghahanapbuhay. Kapapanganak pa lamang niya sa akin nang sumama si Itay sa amo niyang babae. Driver daw kasi ito sa Maynila kaya sila nagkakilala ng babaeng ipinalit kay Inay. Kaya hindi ko na siya nagisnan habang ako ay lumalaki at nagkakaisip. Hindi ko man halos maunawaan ang lahat pero malinaw na iniwanan niya kami ni Inay dahil hindi na niya kami mahal. Minsan tuloy naiisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na may Tatay. Yung may mag-aalaga sa amin ni Nanay at tutulong sa kanya sa hanapbuhay upang magkaroon kami ng pagkain sa araw-araw. Hindi na kasi nakapag-asawa si Inay. Sa edad kong labing apat ay ako na ang naging katuwang ni Inay sa paghahanapbuhay. Nagpasya na rin na ako na tumigil na rin sa pag-aaral dahil hindi kaya ni Inay na tustusan ang aking pag-aaral. Bukod kasi sa umaasa lang kami sa pagtitinda ng gulay na itinanim namin sa likod bahay patungo sa palengke ay sakitin pa si Inay. Ang pinaka-kinakatakutan ko sa lahat ay baka tuluyan nang bumigay ang katawan ni Inay at tuluyan niya akong iwanan. Alam ko may dinaramdam siyang sakit na tinitiis niya lang at ayaw ipakita sa akin na nahihirapan siya. Kaya sa abot ng aking kakayanan ay tinutulungan ko siyang kumita ng pera araw-araw sa maliit na paraan ay gusto kong matulungan siya na humaba pa ang kanyang buhay. Muli akong nagpatuloy sa paglakad, papauwi na kasi ako sa aming bahay. Kagagaling ko lamang sa paglalako ng tanim naming gulay sa kabilang barangay. Kahit masakit ang paa sa paglakad ay hindi ko ito iniinda dahil masaya ako at naubos ang lahat ng aking dala mula kaninang umaga. Kahit paano ay makakatulong ito para pambili namin ng bigas bukas ni Inay. At pambili na rin niya ng gamot na palagi niyang iniinom araw-araw. Gutom na rin kasi ako dahil naghati lang kami kanina sa kape at biscuit ni Inay. Sigurado akong nakaluto na rin siya ng tanghalian. Mas binilisan ko ang paglakad dahil tanaw ko na ang luma naming bahay. At masakit na rin ang init ng araw sa aking balat. Saka baka nag-aantay na rin siya sa akin. Sabi niya kasi kanina sabay daw kaming magtatanghalian at aantayin daw niya ako dahil magluluto daw siya ng masarap na ulam. Pero siguradong ginisang sardinas na may itlog lang yun dahil yun ang paborito naming dalawa ni Inay. “Inay! Inay!” Malakas na tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa kawayan at makipot naming tarangkahan. “Inay! Naubos po ang paninda ko gu—“ Napatda ako nang buksan ko ang manipis na kurtina papunta sa maliit naming kusina. Nagkalat ang kanin  sa lupa at nakabulagta si Inay habang hawak niya ang plato sa isang kamay. “Inay?” Kaagad kong binitawan ang dala kong basket upang lapitan siya. “Inay? Andito na ako, tumayo ka po diyan…” Sambit ko sa mahinang tinig. Pilit kong kinakalong ang kalahati ng katawan niya. Pilit ko siyang ibinabangon, ginigising at tinatapik pero kahit pagalaw at pagdilat ng mata ay hindi niya magawa. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Pilit kong pinipigilan ang aking nararamdaman. Imposibleng wala si Inay. Baka napagod lang siya kaya siya nakatulog. “Inay, baka madumihan yang damit niyo. Lumipat na lang po kayo sa papag. Tuluyang lumaglag ang ulo ni Inay sa aking maliit na braso. “Inay, tawaging ko lang po si Aling Liz. Hindi po kasi kita kayang buhatin.” Sambit ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang kanyang katawan sa lupa. Paisa-isang hakbang akong nagtungo sa bahay ni Aling Liz. Ang nag-iisang kapitbahay namin dito na kaibigan ni Inay. Mahihinang katok ang nagpabukas sa kawayan na pinto ni Aling Liz. “Emerald? Bakit ganyan ang mukha mo? Putlang –putla ka!” Nag-aalalang tanong niya sa akin. “A-aling Liz, pwede niyo po akong tumulangan dalhin si Inay sa hospital?” “Ha? Bakit? Anong nangyari sa Nanay mo? Tara!” Kaagad niyang sinara ang pinto at nagmamadaling isinuot ang kanyang tsinelas. Mabilis siyang naglakad patungo sa aming bahay. Nakasunod lang ako sa kanya. “Mila? Mila? Nasaan ka? Inaatake ka ba uli—“ Natigil ang paghakbang ko papasok sa pintuan nang hawiin ni Aling Liz ang kurtina papunta sa aming sala. “Mila! Jusko! Mila!” Napakapit ako sa gilid ng kawayan naming pintuan. Alam kong wala na si Inay. Tuluyan akong napaluhod dahil sa malakas na pagtangis ni Aling Liz. Habang patuloy na ginigising ang aking walang buhay na Nanay.   Ngunit ayaw parin tangapin ng aking sarili na tuluyan na niya akong iniwan kahit sunod-sunod nang napatakan ang aking mga luha. Nanginginig na tinakpan ko ang aking tenga at isinandal ko ang aking likod sa gilid ng pinto. Pilit kong inaalala ang mga ngiti ni Inay. Ang masasaya naming sandali noon. Kahit nahirapan kami sa araw-araw ay nakangiti parin naming sinasalubong ang bawat araw nang magkasama. “Anak? Alam mo ba kung bakit Emerald ang ipinangalan ko sayo?” Tanong ni Inay habang sinusuklay ng pudpud na suklay ang aking hangang beywang at kulay itim na buhok. “Bakit po Inay?” Nakangiting tanong ko sa kanya. “Dahil ang batong Emerald ay isa sa mahahalagang kayamanan. Minsan ay mas mahal pa siya sa diamante dahil mas mahirap siyang hanapin. Bukod doon napakaganda din niyang pagmasdan. Hindi man siya kasing tatag ng diamante ay mas maganda naman siya dito. Para sa akin ikaw ang nag-iisang kayaman ko sa mundong ito. At alam ko kahit gaano ka pa katatag, alam ko sa loob ng puso mo ay nasasaktan ka dahil sa nangyari sa atin. Pero kailangan mong maging matatag hindi lahat ng babaeng dumadaan sa pagsubok ay kayang magpakatatag kaya ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari. Magiging matatag ka. Para sa akin at para sa iyong sarili.” Mahabang bilin ni Inay. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. “Inay, kahit hindi niyo sabihin. Magiging matatag ako gaya niyo. Pero gusto ko nasa tabi ko kayo. Babantayan niyo ako parati ay syempre sabay nating aabutin ang pangarap natin kahit imposible dahil libre daw po ang mangarap.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Sa ngayon alam kong imposible pa ang lahat pero kapag lumaki na ako gagawin ko ang lahat para kay Inay. “Palagi kitang babantayan anak, kahit saan pa ako magpunta parati akong nasa puso mo. Mahal na mahal kita Emerald.” “Mahal din po kita Inay….” Mahal na mahal....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook