bc

The Impostor Wife

book_age18+
7.1K
FOLLOW
29.4K
READ
sensitive
drama
bxg
female lead
realistic earth
poor to rich
virgin
wife
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang buhay ni Camilla. Dahil namatay sa sakit ang kanyang ina. Ang nagiisa niyang pamilya. Maraming utang ang iniwan nito sa kanya. Lalo pa siyang nabaon sa utang para lang maipalibing ang kanyang ina. Halos gawin niyang umaga ang gabi para maghanap buhay at kumita ng perang ipapambayad sa mga utang na iniwan ng kanyang ina. Bukod doon hindi rin siya nakapagtapos ng highschool kaya wala siyang mahanap na permanenteng trabaho.

Hangang sa dumating sa puntong napagod na siyang huminga.

Sa di inaasahang pagkakataon nakilala niya si Ella ang babaeng gustong takasan ang buhay niya sa piling ng lalaking pinakasalan niya na si Steven. Pumayag kaya siyang maging impostor na asawa. Kapalit ang malaking halaga para makatakas sa lupang kinasasadlakan niya? Malalaman kaya ni Steven na hindi si Ella ang kasama niya gayong iisa ang itsura nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Camilla's POV “Utang na naman?!” Mula sa maliit na bintana ng tindahan ni Aling Imang, bumaba ang tingin ko sa lupa. “Camilla, alam mo ba kung gaano na kahaba ang utang niyo sa tindahan ko?!” Saglit siyang umalis sa tapat ko. Wari ko’y may hinahanap siyang bagay sa baba ng kanyang tindahan. “Oh ayan!” Nagulat na lamang ako nang tumama sa mukha ko ang isang notebook. “Lahat ng nakalista diyan ay utang niyo! Letcheng buhay to! Hindi na nga umiikot ang puhuan sa maliit kong tindahan puro utang pa!” Nangilid ang mga luhang pinulot ko ang notebook sa lupa. Nanlalabo ang mga matang tinignan ko ang bawat pahina ng utang namin kay Aling Imang. Mariin akong napapikit nang makita ang halaga ng utang namin. Dalawampung libo? Saan ko naman hahagilapin ang ganong kalaking halaga? Dalawang linggo na simula nang mamatay si Inay. Inatake ito sa puso habang nagsasampay ng mga damit na nilabhan niya. Hindi ko man lang siya nadala sa ospital. Kahit noong may mga oras na nahihirapan siyang huminga dahil kapos kami sa pera. Tanging inaasahan namin ang kakarampot na kita ni Inay sa paglalabada sa mga kapitbahay. Habang ako naman ay nanahe ng basahan para maibenta sa mga tsuper sa kalsada para matulungan siya. At pandagdag sa pangastos namin sa araw-araw. Isang taon lang sa high school ang natapos ko. At wala akong mahanap na matinong trabaho. Paminsan-minsan ay tumutulong akong magtinda sa palengke ng isda. Kapag mahina ang benta o di kaya ay walang bagong tabas ang maliit na kompaniyang hinihingian ko ng basahan. Ngunit hindi pa rin ‘yon sapat para sa aming dalawa dahil naging sakitin si Inay. At kulang pa sa pambili ng gamot ang kinikita naming dalawa. Hindi nga kami nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Lalo na ngayon, sa edad kong labing siyam ay tuluyan na niya akong iniwan. Tuluyan na akong naulila. At tuluyan na rin akong nawalan ng pag-asa na maka-ahon sa hirap. Dahil sa tambak na utang ko sa pagpapalibing sa kanya. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Mang Cario, may-ari ng puneraria na huhulugan ko ang pinampalibing kay Inay. Dahil walang-wala akong naitatabing pera. At hindi din sapat ang limos mula sa kapitbahay dahil nasa mahirap na pamayanan lang kami nakatira. “Kaylan mo balak bayaran ang utang mo Camilla?” Bakas sa mukha ni Aling Imang ang pagka-inis. “Pasensiya na po Aling Imang, wala pa po kasi akong kita ngayong araw. Maghahanap pa po ako ng pagkakakitaan.” Nakayukong sagot ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang mahina niyang mura. Wala akong nagawa kundi umalis sa tindahan ni Aling Imang. Dahil baka lalo siyang magalit kung pipilitin ko siyang pautangin ako ng isang kilong bigas. Balak ko sanang magsaing kahit isang takal at hahaluan ko ng kamote para malamanan ang aking sikmura sa maghapon dahil pupunta ako sa bayan. Pagkarating ko sa barong-barong namin ay napaupo ako sa matigas na papag. Sinilip ko ang laman ng aking bulsa. Napapikit ako dahil kahit pamasahe papunta sa bayan ay hindi aabot ang natitira kong barya. Inay anong gagawin ko? Paano na ako ngayon? Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para makayanan ang lahat ng hirap na pinagdadaanan ko. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng ito. Naramdaman ko na lamang ang masaganang luha na pilit kumakawala sa aking mga mata. Nag-umpisa akong maglakad papuntang bayan kahit tirik na ang araw. Dalawang pirasong kamote ang baon-baon ko sa paglalakad. Dahil kung kakainin ko ito ng agahan mas lalo akong magugutom mamayang hapunan. Hindi ko pa kasi sigurado kong may kikitain ba ako ngayong araw sa pagtitinda ng basahan sa palengke. Pinahid ko ang butil-butil na pawis sa mukha ko dahil sa sobrang init. Nang biglang may tumigil na karo sa aking tabi. “Camilla?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. “Mang Cario?” “Saan ka pupunta? Bakit ka naglalakad? Sumakay ka na dito.” Alok niya sa akin. Gusto ko sana siyang tangihan ngunit malayo pa ang bayan sa tingin ko ay sampung minuto pa ang lalakarin ko bago makarating doon. “Pupunta po ako ng bayan.” Magalang na sagot ko sa kanya. “Tamang-tama, doon din ako pupunta. Sa Puneraria sumabay kana sa akin.” Wika niya. “Sige po.” Umikot ako sa kabila para sumakay sa unahan. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil palagi siyang sumusulyap sa akin. Lumang bestida ang suot ko na lagpas tuhod. Pinasadahan niya ako ng tingin. Kaya mas lalo akong nailang sa kanya. “Manong Cario, pasensya na po kayo baka hindi po ako makapaghulog ngayon buwan sa utang ko sa pagpapalibing kay Inay.” Nahihiyang wika ko sa kanya. “Wag mo nang intindihin yun Camilla, alam ko namang wala kang pagkukuhanan ng pambayad sa akin.” Napatingin ako sa kanya. Nakita kong sumungaw ang ngiti sa mga labi niya. “Pwede ko namang burahin ang utang mo sa akin eh.” “Po?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Oo, buburahin ko ang utang mo sa puneraria ko kung papayag ka.” Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Inihinto niya ang karo sa isang bakanteng lupa na walang mga bahay. Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang palad sa ibabaw ng hita ko. Habang nakangisi siyang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng matinding kilabot sa ginawa niya lalo na nang pilit na inaabot niya ang gitna ng aking mga hita. "Mang Cario!" Hindi ko na napigilan ang sigawan siya. "Isang beses lang naman Camilla. Tapos wala ka ng utang sa akin." Pamimilit niya habang pilit kong tinatangal ang kanyang kamay. "Hindi po!" Pilit ko siyang itinulak at mabilis na lumipad ang kamay ko sa kanyang pisngi. Nakita kong nagdilim ang paningin niya kaya lalo akong natakot sa pwede niyang gawin sa akin. Bababa na sana ako ng bigla niyang hinablot ang aking damit kaya agad na napunit ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook