bc

Wake Up Terrence

book_age18+
1.3K
FOLLOW
5.4K
READ
love-triangle
arranged marriage
tragedy
comedy
twisted
sweet
bxg
humorous
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Gabriella bilang isang binata imbis na dalaga dahil sa impluwensya ng tatlong maton niyang mga kapatid na lalaki. Nakatira sila sa hacienda na pagmamay-ari ng mga Monteverde.

Isang araw nabalitaan niya ang pagdating ni Terrence Monteverde ang Apo ni Donya Clara Monteverde. Ang kababata niyang matagal nang umalis sa lugar nila. Naaksidente ito at isang taon ng hindi nagigising sa pagiging coma.

Hiniling ni Donya Clara na siya ang mag-alaga dito habang nagpapagaling ito.

Magising pa kaya si Terrence?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.  “Gabriella! Gumising ka na daw sabi ni Inay! Gabriella!” patuloy na katok ni kuya Juan sa pinto. Bigla kong naalala na ngayong araw iuuwi si sir Terrence. Ang apo ni Donya Clara. Naaksidente kasi ito at isang taon nang hindi gumigising. At nais ni Donya Clara na dito na lang sa rancho magpagaling si Sir Terrence. Malapit din kase dito ang doktor ng pamilya nila na pwedeng tumingin sa kanya araw-araw. Umaasa pa rin kasi si Donya Clara na magigising ang mahal niyang apo. Labin limang taon na mula nang umalis si Sir Terrence dito matapos mamatay ang kanyang ina sa malubhang karamdaman. Mas pinalala pa ang sakit nito ng malaman na may iba pang pamilya si Sir Flavio na ama naman ni Sir Terrence. Sabi ni Inay nagkaroon na daw ng lamat ang relasyon ng mag-ama kaya ipinadala na lamang ni Donya Clara ang apo sa abroad. Limang taon lang ako noon kaya wala akong halos maalala. Ngayon bente na ako at binata na din. Yung tatlong kuya ko pa lang ang pinapanganak, ay isa na ang pamilya namin sa tagapag-alaga ng malawak na lupain nila kaya malapit kami kina Donya Clara. Napakabait din nito sa mga tauhan niya sa rancho kaya simula nang nagkaisip ako ay tumutulong din ako sa hacienda kahit paapano, magaan dinang naging pamumuhay namin dito. Bukod sa ekta-ektaryang lupain na pagmamay-ari nila at daang-daan na mga kabayo at iba pang alagang hayop marami din silang pananim na mga  gulay at prutas.  “Gabriella!” “Gising na ako kuya!” Inis na sigaw ko kay kuya Juan, siya ang nakatatanda kong kapatid na sinundan naman nila kuya Emilio at kuya Andres. Masyado kasing makabayan ang aming mga magulang kaya puro kapangalan pa ng mga bayani ang ipinangalan sa aming magkakapatid, ako lang ang nag-iisang babae kaya over protected sila pagdating sa akin. At dahil may tatlong maton akong mga kapatid na-impluwensyahan na rin nila ako kaya siguro imbis na lumaki akong mahinhin at di makabasag pinggan na dalagang pilipina, ay lumaki akong bargas at binata gaya nila. Alam kong hindi ako titigilan ni kuya Juan kaya bumangon na lamang ako, sobrang ingay din kasi ng mga manok. Parang nagpapaligsahan pa sila at nagpapalakasan sa  pag tilaok. Ang sarap tuloy gilitan ng leeg at lagyan ng papaya pati na rin tanglad upang maging tinola sa malaking palayok. Pagbangon ko ay inayos ko na ang tulugan ko. Pangit daw kasi sa isang tao na hindi nagliligpit ng tinutulugan pagka gising hindi daw magiging successful. Anong connect? Sabi nila yun kaya nakagawian ko na rin. Nagbihis ako ng malaking t-shirt at maong na kupas, lagpas tuhod ito. Ipinuyod ko ang maiksi kong buhok bago ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko silang nagkakape sa kawayan na mesa sa labas ng bahay namin. “Anak magkape ka na, kailangan na natin dumiretso sa mansyon. Para maglinis.” Utos ni Inay. Hindi pa sumisikat ang araw pupunta na kami dun? Ang aga naman ata? “Nay, ang haba ng nguso ni Gabbi oh? Ayaw mo bang makita si Sir Terrence?” Natatawang wika ni kuya Andres. Kung makapagsalita naman siya akala mo ay mababati namin si sir Terrence at hindi nakaratay na dadalhin dito. Nalungkot kami noong mabalitaan namin ang nangyari sa kanya. Dahil naging kalaro ko rin siya noon kaso hindi ko na maalala limang taon kasi ang tanda niya sa akin. “Haist, kung makapagsumbong parang bata. Hindi bagay sa laki ng katawan mo kuya!” Nakasimangot kong sagot sa kanya. Kaagad akong kumuha ng mainit na pandesal at isinawsaw sa mainit na kape. “Mga anak kayo na ang bahala sa mga kabayo. Kailangan kasi kami sa mansyon ng Itay niyo sasama ko na din si Gabriella dahil yun ang bilin ni Donya Clara noong tumawag sa akin.” Wika ni Inay. Bakit kaya sinabi iyon ni Donya Clara? Pagkatapos kong magkape ay kinuha ko na ang sombrero ko at sumama na ako sa pag-alis nila Inay malapit lang naman ang mansyon aabutin ng sampung minuto kapag nilakad. Mag aalas-sais na ng umaga nang makarating kami sa Malaking mansyon ng mga Monteverde. Isa lang naman sila sa pinakamayaman sa buong laguna. Baka nga hindi lang dito dahil bukod sa pagiging abala ni Sir Flavio kasama ang anak niya sa pangalawang niyang asawa na si Sir Lawrence ay palagi din silang nasa labas ng bansa para sa kaliwa't-kanan na negosyo. Sana nga lang hindi pa uuwi si Sir Lawrence dahil sigurado akong kukulitin na naman ako noon. Matagal na kasi itong nanliligaw sa akin. Kaya lang hindi makapunta sa bahay namin dahil sa tatlong macho kong mga kapatid. Kahit anak siya ng may-ari ng hacienda ay takot parin siya sa mga iyon kaya ipinagpasalamat ko na rin. Dahil ayoko talagang mag-boyfriend, isa pa hindi ko sigurado kung lalaki ang hanap ko kasi hindi naman ako bakla. Pagkarating namin sa mansyon ay tinulungan ko si Inay sa paglilinis ng malaking kwarto yun daw kasi ang gagamitin ni Sir Terrence pagbalik niya dito. Kahit paano ay excited din ako makita siya kaya lang malungkot kasi walang nakakaalam kung gigising pa ba ito o hindi na. Halos mag alas-otso na ng umaga nang marinig namin na nagkakagulo ang iba pang kasambahay sa mansyon nasa labas na raw ang sasakyan at ambulansya kung saan nakaratay si Sir Terrence. Kaagad kaming bumaba ni Inay dahil tapos na rin kami sa paglilinis at pag-aayos ng magiging kwarto niya. Pumunta muna ako sa likuran para maglinis ng paa at kamay kailangan ko din maghilamos dahil puro alikabok na ang balat ko at hindi kaya nang pagpag lang. Makalipas ang ilang minuto ay hinanap ko na si Inay. Malawak kasi ang mansyon kaya bago ko pa nahanap si Inay ay nakaalis na rin ang ambulansya. “Gabbi! Kanina ka pa hinahanap ng Inay mo, saan ka ba nagsusuot?” Kunot noo na tanong ni Tanya. Kaibigan ko siya at kasambahay din ng mansyon magka-edad lang kaming dalawa. At anak din siya ng isa pang care taker ng hacienda. “Bakit daw?” Tanong ko habang nagpupunas ng maliit na bimpo sa kamay. “Hija andyan ka na pala.”  Napalingon ako sa kanan nang marinig ko ang pamilyar na boses. “Donya Clara!” Kaagad akong lumapit sa kanya at nagmano. Kahit kasi siya ang may-ari ng hacienda ay nakagawian na namin yun bilang respeto sa kanya. “Ano ka ba naman, ilang beses ko bang sasabihin sayo na Lola Clara na lang itawag mo sa akin.” Nakangiting wika niya. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong niyakap. Matagal na niyang sinasabi iyon kaso nahihiya ako dahil amo parin namin siya. “Ah, kase don—“ “Lola, Gabriella.” Pagtatama niya. “Nahihiya po kasi ako.” Nakayukong sambit ko sa kanya. “Okay lang yan hija, masasanay ka din.” Natatawang wika nito. Napakamot na lamang ako sa batok ko. “By the way kanina pa kita hinahanap halika.” Kunot noo akong napasunod sa kanya dahil hila-hila na niya ang kamay ko patungo sa kwarto na nilinisan namin ni Inay. Binuksan niya ang malaking pintuan at mabilis niya akong pinapasok sa loob. Unti-unting nabaling ang tingin ko sa nakahigang lalaki sa malaking kama. Maraming aparato sa tabi niya. At nang mapadako ang mata ko sa mukha niya ay napatulala ako. Kung may sleeping beauty may sleeping pogi na rin! “Si Terrence, simula ngayon gusto ko sanang ikaw na mag-alaga sa kanya Hija.” "Po?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook