Story By Alexandra Wang
author-avatar

Alexandra Wang

ABOUTquote
Good day, everyone. I\'m Alexandra Wang, an aspiring Filipina writer hailed from Quezon City. Please bear with me if I always write overly dramatic stories. I hope we can all be friends!
bc
Save Me From Inferno
Updated at Jan 8, 2024, 22:28
Halos ibigay ni Alonzo ang buong buhay, puri, dangal, at pag-ibig niya para kay Thalia, ang kinikilala niyang asawa. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagsusumikap na makuha ang loob nito, wala iyong epekto sa babae. Para kay Thalia, isa lang siya sa daang mga lalaking pagsasawaan nito. Madali siyang palitan. Hindi niya iyon iniinda. Para sa kanya, handa siyang magpakaalipin para sa pagmamahal nito. Tiniis niya ang pinaghalong sakit at sarap na ibinibigay ni Thalia sa kanya. Tiniis niya ang lambing at panibugho nitong tila siya palagi ang pinagbubuntungan. Mahal niya ang babae. At kahit na katumbas man ng kanyang pagmamahal ay ang pagtitiis sa pagka-sadista nito, gagawin niya. Ngunit tunay na mapaglaro ang tadhana, lalo na nang makilala niya si Teresa, isa sa mga bagong katulong na kinuha ni Thalia para sa kanilang mansyon. Pinigilan ni Alonzo na mahulog sa mga ngiti nito, o sa malambing at maalalahanin nitong tinig. Pinigilan niya ang sarili na mangialam sa gulo ng buhay ng dalaga. Ngunit paano niya pa ba pipigilan ang puso niya, kung unti-unti na itong nakukuha ng bagong kasambahay nila? At ang nakapagtataka, hindi man lang tumutol si Thalia nang malaman nitong may iba pang laman ang puso niya. Bagkus ay may isa itong hiling sa kanya. Isang hiling na magpapabago sa kanyang buhay. Sabi nila, ang relasyon ay para sa dalawang tao lamang. Ngunit paano kung may dalawang ipinipintig ang puso niya? Pipiliin niya ba si Thalia na may malaking inililihim sa kanya, o si Teresa na nakakaalam ng tunay niyang pagkatao?
like
bc
Dangerous Emotions
Updated at Jan 18, 2022, 03:47
BOOK FIVE OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Ayaw magpatalo. Iyan si Soleil Alcantara, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Alcantara Corporation. Lahat ay napapaluhod niya sa isang pitik ng daliri. Sa ganda niya at talino ay walang tumatagal na lalaki sa kanya, dahil nasisindak kaagad ang mga ito sa kanyang mala-tigreng persona. Maliban sa kababata niyang si Levi Carter Chen. Inis na inis siya sa pagkapresko at pagkababaero nito. Asar na asar ito sa mga patutsada niya at sarkastikong komento. Sagad sa buto ang pagkamuhi nila sa isa't isa, 'ni ang tumagal sa iisang silid na magkasama ay hindi nila magawa. Kaya naman kuntodo protesta ang dalawa nang ipagkasundo sila sa isa't isa ng mga magulang nila. Para sa mana, mapipilitan si Soleil at Carter na magpakasal, at harapin ang mukha ng isa't isa araw-araw at gabi-gabi. Akala ni Soleil ay makakayanan niyang dalhin sa sindak si Carter, na tila naaaliw pa sa pambubuwisit sa kanya. Ngunit ang mga halik nito, ang mga hawak, mga titig na tila nahahaluan ng emosyon sa tuwing nagbabangayan sila, ay ang dahilan kung bakit nanginginig ang mga tuhod ni Soleil. Mga halik na tila lason na nagpapahina sa kanyang mga depensa. Sa pagkakataong ito, makayanan kaya ni Soleil na panatilihin ang pader sa pagitan nilang dalawa ng kanyang asawa, gayong alam nila pareho na umookupa na sila ng espasyo sa puso ng isa't isa?
like
bc
Before You Marry Her
Updated at May 7, 2021, 00:20
She loves him. Sadly, he loves her not. Maja and Gino has been friends for over ten years now, so do Maja's feelings for her boy best friend. Everything changed when she learns that Gino's getting married, and she is the maid-of-honor. Between friendship and her feelings, would Maja choose to keep her feelings hidden until she moved on for the sake of their friendship or would she confess to her buddy Gino, before he marries somebody else?
like
bc
The CEO's Ex-Wife is His Business Rival
Updated at Oct 31, 2024, 03:04
When Zane signed the divorce papers Alexa placed on his desk, he never expected that she would actually disappear without a trace. He hoped he would see her again and make sure she was adjusting well to her new life, but who would’ve thought that after five years, his biggest business rival would be the woman he neglected before? And who’s that kid clinging to her that looks exactly like him?
like
bc
Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin
Updated at Jun 2, 2024, 05:08
Nakatatak na sa isipan ni Aurora na tatanda siyang mag-isa. Ang pag-ibig ay isang malaking kasinungalingan at alam niyang magagaya lang siya sa kanyang ina kung magmamahal siya. Ngunit nagbago ang lahat nang mag-umpisang sumulpot si Raphael sa kanyang panaginip, isang Mandaragit, isang lahi ng mga taong-ibon, na dati ay nababasa niya lang sa libro. Hinding-hindi makakalimutan ni Oryang ang mga haplos nito, ang init ng katawan ng lalaki, o ang kakaibang mundong ipinapakita nito sa kanya sa panaginip. Ngunit panaginip lang ang lahat. Iyon ay hanggang sa malaman niyang si Raphael Aguilar ay ang lalaking nagmamay-ari ng hotel na kanyang pinagtatrabahuhan. Desidido na siyang hindi magmamahal. Ngunit paano niya pipigilan ang tawag ng tadhana, kung si Raphael na mismo ang humahabol sa kanya? Handa kaya niyang tanggapin ang kaakibat ang panganib na kaakibat ng pag-ibig niya sa isang Mandaragit?
like
bc
Bring Me To Paradise (Sugar Daddy Series #3)
Updated at Dec 6, 2022, 13:09
Dahil sa mga utang at sa inang nakaratay sa ospital, napilitan si Faye na tanggapin ang alok ni Alessandro Romano, ang kanyang pinagkakautangan, na magtrabaho bilang waitress sa nightclub na pagmamay-ari nito, ang La Traviata Bistro sa Paradiso, isang red light district sa siyudad ng X. Pinangakuan siya ng lalaki na kapag nakabalik ito mula sa business trip nito ay aalisin nito lahat ng kanyang utang at pakakasalan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay pinuwersa siya ng kakambal ni Alessandro, si Alonzo, na magtrabaho bilang isang high-end escort. Sa unang gabi ng kanyang trabaho ay nakilala niya ang isang lalaking nakasuot ng maskara, na siyang bumili sa kanyang unang gabi. Bagaman malaki ang ginastos nito sa kanya ay wala itong ibang hiniling kung hindi ang samahan niya itong uminom buong gabi. Hindi kalaunan ay nalaman niya kung sino ang kanyang misteryosong patron: walang iba kung hindi ang vice-chairman ng Paradiso, si Xiao Feng na dalawampung taon ang tanda sa kanya. Sa paglipas ng mga gabi ay unti-unting nahulog ang kanyang loob sa lalaki dahilan para kanya nang nakalimutan ang pangako ni Alessandro sa kanya. Kaya naman sa pagbabalik nito ay tuluyang nagulo ang mundo ni Faye. Maliban sa handa ang dalawang lalaki na ibuwis ang mga buhay nito para sa kanya, hindi niya maiaalis ang malaking utang na loob sa kanyang dalawang tagapagtanggol. Kapwa na nagnanais na maangkin siya. Kapwang nag-aalay ng pag-ibig na ‘ni sa hinagap ay hindi niya inaasahang may mag-aalay sa kanya. Magawa niya kayang mamili sa dalawa, kung ang katumbas niyon ay may masasaktan siya? Piliin niya kaya si Alessandro na handang itakwil ang kakambal nito para sa kanya, o si Feng na nangangakong ibibigay sa kanya ang lahat, mahalin niya lamang ito? Sino nga ba ang hahayaan niyang magdala sa kanya sa paraiso?
like
bc
Riot Men Series 12: Corrupt The Wicked
Updated at Sep 8, 2022, 06:23
Can you tame a deadly playboy's heart? Sakamoto Warui, anak sa labas ng isang prominenteng crime leader sa Japan na ipinatapon sa X. Buong sanggano at isa't kalahating gago, lahat ay gagawin niya para lang makuha ang gusto niya, sa kahit na anong paraan na alam niya. Hindi uso ang konsensiya kay Warui, at mas lalong wala sa diksyonaryo niya ang responsibilidad. Ngunit paano kung may bigla na lamang sumulpot na babae sa buhay ni Warui na nagsasabing siya ang ama ng dinadala nito? Sa dami ba naman ng naikakama niya gabi-gabi, paano niya papatunayan na hindi siya ang ama ng bata sa sinapupunan ni Jhoanna? Ang masama pa, may perang nakapatong sa ulo nito, markado ng kanyang sariling kapatid sa ama. Magawa kaya ni Warui na protektahan si Jhoanna mula sa mga nagtatangka na makuha ang ransom money para sa dalaga? Panindigan niya kaya ang dinadala ng babaeng bigla na lang sumulpot sa kanyang buhay, kapag nalaman niya ang mga nakatagong lihim sa katauhan nito?
like
bc
Sheer Temptation [Very Slow Updates]
Updated at Aug 31, 2022, 23:12
*This is going to be updated on Saturdays and Sundays for the meantime* BOOK SEVEN OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Hambog. Siraulo. Basagulero. Kulang pa ang mga salitang iyan upang ilarawan si Stefan, ang bunsong anak ng mag-asawang Meyer. Hindi tulad ng nakatatandang kapatid na si Sebastian na hindi makabasag-pinggan, walang ibang alam gawin si Stefan kung hindi ang kuhanin ang lahat ng gusto niya, sa kahit na anong paraang alam at kaya niya. Kaya naman nang makilala niya si Desarae Moreno, isa sa mga bagong graduate ng unibersidad na pagmamay-ari ng kanyang pamilya ay naging misyon na niya na makuha ang atensyon at pag-ibig ng dalaga. Ang problema, malapit nang ikasal si Desa, at ang kanyang pinakamamahal na Kuya Sebastian ang mapapangasawa nito. Mga damdaming hindi masabi. Mga pangarap na gustong tuparin kasama ang isa't isa. Mga palihim na tinginan. Mga pagkakataong kanilang tinatakasan ang reyalidad. Alam ni Stefan na hindi nais ni Desa na matali kaagad. At alam ng dalaga na panganib lang ang maidudulot ng kakaibang atraksiyon niya sa kapatid ng kanyang mapapangasawa. Sa lahat ng mga bagay na nais niyang makuha, makayanan kaya ni Stefan na panindigan ang kanyang nararamdaman, ganoong sarili niyang kapatid ang kanyang makakalaban?
like
bc
Midnight Lover: The Stranger In My Dreams
Updated at Jun 6, 2022, 02:46
At the age of thirty, Aurora never had any experience with relationships in fear of following the steps of her mother who was abused by her father to death. She never tried to answer her suitors’ advances, despite her pretty face and successful job as a hotel supervisor in Hotel La Vida, a famous luxury hotel in Donahue City. But it seemed like the elusive Aurora could never run away from love’s claws, as she started dreaming of making love with a man who she has only read in her Gothic Romance books. He invaded her dreams and taught her passion. He taught her how intoxicating and addicting desire was. He taught her to yearn, to look for more, to… fantasize. Aurora never knew where he lived. Or how old the man was. Or if he was just a figment of her curious imagination. She knew nothing about him aside from his name. Therion. Her world started to go chaotic as she learned that the man who has been inhabiting her dreams was a real person, as the new head of security in the hotel where she works, and as a half-demon who hunts demons himself as his pastime. She tried to stop the attraction she was feeling towards Therion de Luca. She tried to avoid the danger he brought. But oh, who would not fall for his golden eyes and mystery? Would she be able to accept him in her heart if he tells her that she was fated to him, or would she push him away from her life, just like the other men she met? Would she be able to stop her feelings for the mysterious demon hunter, or let her heart answer to his calling?
like
bc
Cruel Intentions
Updated at Jun 1, 2022, 20:58
BOOK SIX OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Halos lahat yata ng bagay sa buhay ni Briar Mendez ay hindi umayon sa mga plano niya. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang sapilitan silang paghiwalayin ng nobyo niya ng kanyang ama upang ipakasal siya sa isa sa mga mayayaman niyang manliligaw, si Jianyu Lee, isang pilay na kinakailangang gumamit ng tungkod para makalakad. Ang inaasam na tahimik na buhay-mag-asawa ng kanyang esposo ay naging bangungot, nang pagkatapos ng kasal ay ipinamukha ni Briar sa lalaki na hindi talaga niya ito mahal. 'Ni hindi niya magawa na tapunan man lang ng tingin ang lalaki o ang matulog kasama ito sa iisang silid. Halos araw-araw na hinahabol siya ni Jian, ngunit hindi iyon naging sapat upang tunawin ang kanyang nagyeyelong puso. Iniwanan niya ito, at wala siyang planong bumalik. Ngunit iyon ang akala niya. Ngayong nasasadlak sa kagipitan ang kanyang naghihingalong ama at ang kanyang asawa lamang ang makakatulong sa kanya, kailangang lunukin ni Briar ang kanyang pride at bumalik sa poder nito. Ngunit ang Jian na nakilala niya noon ay tila naging mabangis at malupit, lalo na nang mag-umpisa itong iparamdam sa kanya lahat ng sakit na naidulot niya rito noon. Magkaroon pa kaya ng pag-asa para sa kanilang dalawa, ganoong tila nabalot na rin ng yelo ang puso ng asawa niyang dati ay mahal na mahal siya?
like
bc
In My Wildest Dreams (Sugar Daddy Series #2)
Updated at Jan 29, 2022, 03:09
Simula pagkabata ay may lihim nang pagtingin si Isabel sa anak ng amo ng kanyang mga magulang, si Luis Manuel Echiverri. Maliban kasi sa katotohanang mabait ito at sadyang makisig, halos itinuturing na siya ng binata na nakababatang kapatid nito sa kabila ng labindalawang taong agwat nilang dalawa. Ngunit ang kanyang lihim na pagmamahal ay mababasag nang malaman niya na magpapakasal na si Luis, na siyang nagtulak sa kanya na tanggapin ang scholarship ng ama nito at mag-aral sa siyudad. Makalipas ng halos labindalawang taong pamamalagi sa siyudad ay nalaman ni Isabel na pumanaw na ang ama ni Luis at ito na ang bagong nagpapatakbo ng Echiverri Farms, at nais siya nitong bumalik sa kanilang maliit na bayan upang tulungan ito sa pagpapalago ng negosyong iniwan ng ama nito. Dahil nag-iipon ng pera ay walang nagawa si Isabel kung hindi ang bumalik sa San Esteban, kung saan sila kapwa lumaki. Sa kanyang pagkagulat, kahit na sa edad na kuwarenta ay tila hindi pa rin nagbabago ang kakisigan ni Luis, pati na rin ang kanyang nararamdamang mas lalo pa yatang pinalalim ng panahon. Makayanan niya kayang pigilan ang mga damdaming nagbabalik, kung alam niya naman na ginagamit lang siya ng lalaki para pagselosin ang dati nitong asawa? Kakalimutan niya ba ang nararamdaman para sa dating hinahangaan, kung may isang lalaking handang sumalo sa kanya kung sakaling siya ay susugal? Magkatotoo pa kaya ang kanyang matagal nang pantasya, o mananatiling panaginip na lamang ang lahat?
like
bc
Rose-Colored Metamorphoses
Updated at Jan 26, 2022, 01:23
Xavier is suffering from Schizoid Personality Disorder. SPD is a condition where he has a limited range of emotional expression, isolates himself, and avoids relationships. Being emotionally cold and distant towards others, Xavier has always chose to be on the sidelines, where he can live his life in solitude and monochrome hues. But how long can he resist the rose-colored charms of a Japanese transferee who has come to his life to take away his solitude?
like
bc
Cursed Seduction
Updated at Sep 21, 2021, 15:24
BOOK TWELVE OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Pagkatapos ng isang malagim na kabanata ng kanyang buhay ay hindi na magawa ni Andre na makatulog pa sa gabi. Ilang bote man ng sleeping pills at iba't ibang paraan ang kanyang gawin para makatulog ay sadyang hindi siya dinadalaw ng antok. Dahilan iyon ng kanyang pagtambay sa 24-hour coffee shop na kasama sa mga negosyong ipinamana sa kanya ng mga namayapa niyang magulang. Doon niya nakilala ang bente-uno anyos na si Stella, isang nursing student na pahinto-hinto sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa perang pangtustos. Hindi naging maganda ang kanilang unang pagkikita ngunit hindi iyon naging hadlang para kay Andre na alukin ang dalaga: ang maging kasa-kasama niya sa mga gabing hindi siya makatulog kapalit ng pagbabayad niya sa tuition nito at pagbibigay ng allowance. Katulad ng gabi, si Stella ay isang hiwaga na nais niyang tuklasin sa bawat minutong kasama niya ito. Si Stella ang dahilan ng ngiti sa kanyang mga labi sa umaga at laman ng pantasya niya sa gabi. Nararamdaman niya na ang pagtibok muli ng kanyang puso nang bigla na lamang itong mawala nang parang bula. Paano niya hahanapin ang isang taong ayaw magpahanap, at paano niya makukuha ang pagmamahal na nais niya, kung ayaw na ni Stella na papasukin pa siyang muli sa buhay at puso nito?
like
bc
Dirty Attraction
Updated at Sep 21, 2021, 01:05
BOOK ELEVEN OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Matapos mawasak ang puso niya ay napagdesisyunan ni Ivo Villafuerte na iyon na ang una at huling pagkakataon niya na magmamahal nang totoo. Nasa kanya na ang lahat, yaman, talino, at kakisigan, at gagamitin niya iyon para sa mga pansarili niyang interes. Ang pag-ibig ay isang laro lamang para sa kanya at ang siyudad ng X ang kanyang palaruan. Babaliktad ang kanyang mundo nang makilala niya si Yves, isang empleyado na kasalukuyang nagtatrabaho sa restaurant na kanyang nabili. Sa kabila ng napakaamo nitong mukha ay mala-tigre ang ugali nito, at ito ang tipo ng babaeng alam niya ay mahirap kuhanin ang loob, bagaman mababa ang kumpiyansa nito sa panlabas nitong anyo. Isa pa, kasal na ang babae sa isang lalaking madalas mag-iwan ng marka ng pang-aabuso sa katawan nito. Ngunit hindi iyon hadlang para kay Ivo. Siya ang tipo ng lalaking mas gustong hinahamon. Iba si Yves sa lahat, at ang magiging pagkapanalo niya sa pagkuha sa loob ng babae ang magiging pinakamatamis niyang tagumpay. Ngunit handa pa rin ba siyang sumugal, kung ang sarili niya nang puso ang nakataya?
like
bc
Naïve Addiction
Updated at Sep 19, 2021, 05:15
BOOK NINE OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Nang makauwi si Portia mula sa States ay sinalubong siya ng balita na pumanaw na ang kanyang ama at ina. Nawawala ang kanyang nakatatandang kapatid at lugi na ang kompanyang pinaghirapan itaguyod ng kanyang mga magulang. Binili iyon ng mga Diamandis, isang pamilyang Griyego na matagal na rin nilang kalaban sa negosyo. Kumbinsido na ang mga ito ang may pakana ng pagkasira ng kanyang buhay at pamilya, nagplano ang dalaga na maghiganti, at ang napili niyang unang biktima ay ang bunsong anak ng mga ito, si Ambrosio. Walang pakialam si Ambrose sa pagpapatakbo sa kompanya ng kaniyang mga magulang. Ang tangi lamang nitong gusto na gawin sa buhay nito ay ang magpakalasing at mag-party gabi-gabi. Kaya naman hindi naging mahirap para kay Portia na subukang akitin ang pinakabatang Diamandis. O iyon ang akala niya. May kung ano kay Ambrose na dahilan kung bakit hindi niya magawang pigilan ang sarili niya sa tuwing ibinubulong nito ang pangalan niya. May kung ano sa mga hawak nito na nagpapanginig ng kanyang mga tuhod. Dapat ay inuuna niya ang kanyang paghihiganti ngunit nakikita niya na lamang ang sarili niya na nakukulong sa loob ng bisig ng kaaway. Makayanan niya kayang saktan si Ambrose, kung nag-uumpisa na itong manirahan sa loob ng kanyang puso?
like
bc
Forbidden Devotion
Updated at Sep 19, 2021, 05:15
BOOK TEN OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. May balat yata si Kathleen sa puwit noong ipinanganak siya dahil puro na lamang kamalasan ang tinatamo niya sa buhay. Nakakulong sa nakakasakal na rutinaryo bilang isang manunulat na hindi man lamang nabibigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanyang potensiyal, napagdesisyunan ng dalaga na takasan ang kanyang mga responsibilidad sa lungsod upang sandaling magbakasyon sa maliit at liblib na probinsyang karatig ng X, ang Santa Quiteria. Ngunit tila sinusundan talaga siya ng malas nang mawalan ng preno ang kanyang sasakyan at itinirik siya niyon sa gitna ng estrangherong daan. Balak na sana niyang bumalik sa pinanggalingan niya nang biglang dumating ang kanyang tagapagligtas, lulan ng isang puting kabayo, ang batang hacienderong nagngangalang Ishmael. Pinaunlakan niya ang alok nito na patirahin siya sa hacienda nito pansamantala hanggang sa mapagdesisyunan niyang bumalik. Pati na ang alok nitong turuan siya ng mga bagay na hindi niya matututunan sa siyudad. Ngunit sa bawat pagkakataon na nagkakasalubong sila ni Mael ay pahirap nang pahirap para sa kanya na bumalik sa maingay at nakakasakal niyang mundo. Ang mga mata nitong nagbabaga, tinig na tila nililiyo siya, at libong iba pang mga bagay na ginagawa nito sa kanya, ang dahilan kung bakit ito ang laman ng kanyang mga pantasya sa gabi. Dapat niya kayang ibalik kay Ishmael ang damdamin nito para sa kanya, ganoong may naghihintay na sa kanyang pagbabalik sa buhay na iniwanan niya?
like
bc
Yesterday Series 1: Bakit 'Di Totohanin
Updated at Sep 13, 2021, 06:54
"Bakit hindi na lang natin totohanin ang lahat, Maya? Bakit hindi na lang natin bigyan ang mga sarili natin na magmahal muli? Maya, subukan mong sumugal sa 'kin... Dahil ngayon, handa na akong mahalin ka." Parang ipis si Hunter Claridad. Tinitilian. Ngunit sa kabila ng kasikatan at kayamanan na mayroon ang batikang aktor ay may dalawang kulang sa buhay niya: jowa at peace of mind. Babaliktad ang buhay niya nang mag-umpisa siyang guluhin ng kanyang dating nobya, ang modelong si Carol Lim. At sa pagkakataong ito, kakailanganin niya ang tulong ni Maya, ang kaklase niya noong highschool na nagawan niya ng isang malaking kasalanan. Ang plano: fake relationship. Habang nasa pagitan ng pagpapanggap at liwanag ng ilaw ng spotlight, ano kaya ang gagawin ni Hunter kapag ang biruan at kunyarian nila ni Maya ay mag-umpisang magkaroon ng laman? Tanggapin kaya siya nito gano'ng hindi pa nito nakakalimutan ang sakit na idinulot niya noon?
like
bc
Fatal Affection
Updated at Sep 10, 2021, 04:00
BOOK EIGHT OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Hindi naniniwala sa pag-ibig si Romeo. Bilang bunsong anak ng mga Grimaldi, para sa kanya, ang pag-ibig ay isa lamang laro. Ang tanging pinagtutuunan niya ng pansin ay ang kanyang mga sasakyang pangarera, at ang panganib na kanyang sinusuong sa tuwing inaapakan niya ang silinyador ng kanyang kinalululanang sasakyan. Kaakibat na ng kanyang pangalan ang salitang kapahamakan at wala siyang balak na baguhin iyon. Iyon ay bago niya makilala si Julietta, bunsong anak ng mga D’ Ricci, ang pamilyang madalas makaaway ng kanyang mga magulang dahil sa negosyo. Saksi ang mga gabi sa isinisigaw ng kanilang mga puso ng dalaga. At bituin ang mga saksi kung gaano niya kahandang ipaglaban ang kanyang nararamdaman kahit na ang maging resulta man niyon ay ang kaniyang kamatayan. Handa niyang harapin ang lahat para kay Julietta, kahit na ang maging kapalit pa niyon ay ang kanyang mana at posisyon sa kaniyang pamilya. Hahamakin niya ang lahat, pati na rin ang mga magulang ng kaniyang pinakamamahal at ang nakatatanda nitong kapatid na lalaki upang ipagsigawan lamang na hindi naman dapat maging hadlang ang kanilang alitan sa pag-iibigan nila. Ngunit hanggang saan makakaabot ang kanyang pagmamahal, kung ang isa sa kanila ay nakatakda nang mamaalam?
like
bc
Ariadne's Angel
Updated at Aug 31, 2021, 06:45
BOOK FOUR OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Gipit na gipit si Ariadne. Maliban sa iniwanan siya ng malaking utang ng kanyang malupit na amain ay nais pa siya nitong ibenta upang mapagkakitaan. Lahat ay gagawin niya upang makatakas lamang sa pagmamanipula nito, kahit na ang ibig sabihin pa niyon ay ang pagkapit niya sa patalim. Naliligaw at walang mapuntahan, gugulatin na lamang siya ng isang balita. Binili siya ng isang lalaki mula sa kanyang amain at nais nito na patirahin siya sa isang mansiyon at pagtrabahuhin sa pagmamay-ari nitong kompanya bilang sekretarya nito. At ang kanyang tagapagligtas ay walang iba kung hindi ang dati niyang nobyo na si Damon Cassius Lockhart, ang lalaking iniwan niya ng wala man lang binigay na dahilan tatlong taon na ang nakakalipas. Mga bulong sa gabi. Mga haplos na init ang dulot sa kanyang katawan. Mga katanungan na naiwan nang kanya itong iwan. Marami silang dapat tapusin tungkol sa kanilang dating relasyon. Ngunit mukhang walang plano si Damon na pakawalan siya, o ang pakinggan ang kanyang mga dahilan. Galit ito sa ginawa niya noon, at sa pagbabalik nito ngayon sa kanyang buhay ay sisiguraduhin nito na kukuhanin nito ang lahat mula sa kanya, ang kanyang pagkatao, kaluluwa, at pati na ang dangal niya. Hanggang kailan siya tatagal sa kanyang kasunduan sa isang demonyo, ganitong alam niya sa sarili niya, na ito pa rin ang isinisigaw ng kanyang puso?
like
bc
Midnight Deception
Updated at Aug 28, 2021, 06:44
BOOK TWO OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Sunud-sunuran. Tagalinis ng baho ng angkan. Iyan si Vladymir. Ang buhay niya ay tanging nakalaan sa pagpapalago ng negosyo ng kumupkop sa kanyang si Igor Krasny, na siyang nagmulat sa kanya sa mundo ng karahasan. Ang pagmamahal sa kanya ng kanyang kinagisnang ama ay dahil lamang sa pakinabang nito sa kanya, ang kalupitan niya sa mga kaaway nito, at ang pagiging parang maamong tuta niya na palaging nakasunod sa bawat utos nito. Babaliktad ang buhay niya nang ipahanap sa kanya ni Igor ang anak nito sa labas na si Maria Yllana Herrera, upang sapilitang paanibin sa angkan nila at ipakasal sa anak ng karibal nilang grupo. Kailangan niyang makuha ang loob nito at maisama pabalik sa kanyang kinagisnang ama upang maituloy ang planadong pagpapakasal. Ang trabahong inakala ni Vladymir na napakadali lang ay mag-uumpisang maging komplikado, nang maglaro ang tadhana at pag-ibig sa buhay niya. Susunod ba siya sa utos ng lalaking kumupkop sa kanya, o isusugal niya ang buong buhay at pagkatao para sa babaeng pinakamamahal?
like
bc
Hungry Eyes
Updated at Jul 24, 2021, 19:38
BOOK ONE OF X SERIES WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Si Rian ay isang babaeng baon sa utang ng kanyang pumanaw na amang mahilig sa sugal. Kaya naman kahit sa edad niyang bente anyos ay wala siyang ibang nagawa sa buhay niya kung hindi pumasok sa iba't ibang trabaho. Basta malaki ang sahod, papasukin niya, makabayad lang siya ng utang sa mga pinagkakautangan ng kanyang amang sugarol at nang hindi maipaampon ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Nag-umpisang magbago ang takbo ng buhay niya nang magkakilala sila ni Liam Hayes Astoria, ang pinakabatang bilyonaryo sa siyudad ng X. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay aalukin siya nito ng trabahong sa kalaunan ay hindi niya matatanggihan. Makayanan niya kaya ang trabahong ipapagawa sa kanya nito bago siya mahulog nang tuluyan sa isang lalaking hindi pa rin tapos magmahal ng iba?
like
bc
Lies in Redemption
Updated at Jun 28, 2021, 19:31
BOOK THREE OF X SERIES CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages. Pangit. Lumaki si Anastasia na naririnig ang katagang iyon ng paulit-ulit mula sa mga bibig ng mga taong nakapaligid sa kanya. Marahil ay kung hindi lamang dahil sa pera ng kanyang ama ay mas masahol pa ang kanyang naranasan mula sa lipunan na kanyang kinabibilangan na ganda ang pamantayan sa pagbibigay ng respeto. Ang kadiliman ng kanyang mundo ay mas titindi pa nang mahuli niya ang kanyang fiancé na si Miguel at ang anak ng kanyang madrasta na may ginagawang kababalaghan sa gabi mismo ng kaniyang engagement party. Magiging dahilan ito para maaksidente siya at masira ang kanyang mukha. Akala niya ay katapusan na ng lahat, nang biglang sumulpot si Doctor Timothy Warren Saavedra sa buhay niya. Nangako ito na tutulungan siyang maiayos muli ang mukha niya at susuportahan siya sa paghihiganti. Ang kapalit? Kailangan niyang pakasalan ito. Matutunan niya kayang tanggapin ang pag-ibig ng lalaking nagligtas sa kanya, kapag nalaman niya ang iba pang mga motibo nito?
like
bc
After I Let Him Go (A Sequel)
Updated at Jun 11, 2021, 20:18
She's moving-on from being in the friend zone. He's still madly in love with her. Maja moved out of her old apartment and started her new life without her best friend Gino. Now working as a writer, she wrote stories for the hopeless romantic even though she just recently had her heart broken. Looking for someone to be her roommate and share living expenses with her for a short period of time, she stumbled on no other than Chef Keith Figueroa, the man who, at the time of her being martyr in love, confessed and promised that he will wait for her to be ready to love him. With him teaching her pleasure and her slowly falling for him, can they both stand against odds and forget their past troubles that came back to haunt them?
like