BOOK FOUR OF X SERIES
CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages.
Gipit na gipit si Ariadne. Maliban sa iniwanan siya ng malaking utang ng kanyang malupit na amain ay nais pa siya nitong ibenta upang mapagkakitaan. Lahat ay gagawin niya upang makatakas lamang sa pagmamanipula nito, kahit na ang ibig sabihin pa niyon ay ang pagkapit niya sa patalim.
Naliligaw at walang mapuntahan, gugulatin na lamang siya ng isang balita. Binili siya ng isang lalaki mula sa kanyang amain at nais nito na patirahin siya sa isang mansiyon at pagtrabahuhin sa pagmamay-ari nitong kompanya bilang sekretarya nito. At ang kanyang tagapagligtas ay walang iba kung hindi ang dati niyang nobyo na si Damon Cassius Lockhart, ang lalaking iniwan niya ng wala man lang binigay na dahilan tatlong taon na ang nakakalipas.
Mga bulong sa gabi. Mga haplos na init ang dulot sa kanyang katawan. Mga katanungan na naiwan nang kanya itong iwan. Marami silang dapat tapusin tungkol sa kanilang dating relasyon. Ngunit mukhang walang plano si Damon na pakawalan siya, o ang pakinggan ang kanyang mga dahilan. Galit ito sa ginawa niya noon, at sa pagbabalik nito ngayon sa kanyang buhay ay sisiguraduhin nito na kukuhanin nito ang lahat mula sa kanya, ang kanyang pagkatao, kaluluwa, at pati na ang dangal niya.
Hanggang kailan siya tatagal sa kanyang kasunduan sa isang demonyo, ganitong alam niya sa sarili niya, na ito pa rin ang isinisigaw ng kanyang puso?