Lies in Redemption

Lies in Redemption

book_age18+
3.0K
FOLLOW
13.1K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
goodgirl
doctor
heir/heiress
drama
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

BOOK THREE OF X SERIES

CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages.

Pangit. Lumaki si Anastasia na naririnig ang katagang iyon ng paulit-ulit mula sa mga bibig ng mga taong nakapaligid sa kanya. Marahil ay kung hindi lamang dahil sa pera ng kanyang ama ay mas masahol pa ang kanyang naranasan mula sa lipunan na kanyang kinabibilangan na ganda ang pamantayan sa pagbibigay ng respeto.

Ang kadiliman ng kanyang mundo ay mas titindi pa nang mahuli niya ang kanyang fiancé na si Miguel at ang anak ng kanyang madrasta na may ginagawang kababalaghan sa gabi mismo ng kaniyang engagement party. Magiging dahilan ito para maaksidente siya at masira ang kanyang mukha.

Akala niya ay katapusan na ng lahat, nang biglang sumulpot si Doctor Timothy Warren Saavedra sa buhay niya. Nangako ito na tutulungan siyang maiayos muli ang mukha niya at susuportahan siya sa paghihiganti. Ang kapalit? Kailangan niyang pakasalan ito.

Matutunan niya kayang tanggapin ang pag-ibig ng lalaking nagligtas sa kanya, kapag nalaman niya ang iba pang mga motibo nito?

ic_default
chap-preview
Free preview
Teaser
"So you're accusing me of being a closet queen, Anastasia?" Bagaman bahagyang umiikot ang paningin dahil sa epekto ng alak ay napatango si Stacy sa itinuran ng asawa. Pagak siyang tumawa. "Haler, bakit ka naman biglang mag-aaya ng shotgun marriage, 'di ba? Tapos no'ng kasal pa natin, hindi mo ako hinalikan. Hindi mo rin ako matitigan kahit na naayos na ang mukha ko. Alam ko naman na pangit ako at mukhang ulikba pero—" Napalunok siya at natigilan. Paano ba naman, may sumilay na ngisi sa mga labi ni Warren Saavedra. Ang bilis ng t***k ng puso ni Stacy ay mas lalo pang tumindi nang naglakad ito papalapit sa kanya. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha nang bumulong ito sa tainga niya. Ang malalim at malamig na boses nito ang dahilan ng pagtayo ng balahibo niya sa batok at panginginig ng kanyang mga tuhod. "Oh, so you've been anticipating a kiss from me, princess? Well, the long wait's over." Sinalubong siya ng tsokolateng mga mata nito. "And for the record, princess, I'm not gay and you're not ugly. Kaya kong patunayan 'yon sa'yo ngayong gabi. Brace yourself, because I'll definitely—" Tila nahipnotismong napapikit ang dalaga nang lumapit ang mga labi nito sa kanya. Naghintay. Nag-asam. Humihiling, na sana ay hindi siya biguin ni Warren ngayong gabi. "—make you the happiest tonight."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
158.0K
bc

His Obsession

read
98.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook