Fatal Affection

Fatal Affection

book_age18+
51
FOLLOW
1K
READ
forbidden
gangster
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
city
illness
reckless
naive
like
intro-logo
Blurb

BOOK EIGHT OF X SERIES

CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages.

Hindi naniniwala sa pag-ibig si Romeo. Bilang bunsong anak ng mga Grimaldi, para sa kanya, ang pag-ibig ay isa lamang laro. Ang tanging pinagtutuunan niya ng pansin ay ang kanyang mga sasakyang pangarera, at ang panganib na kanyang sinusuong sa tuwing inaapakan niya ang silinyador ng kanyang kinalululanang sasakyan. Kaakibat na ng kanyang pangalan ang salitang kapahamakan at wala siyang balak na baguhin iyon.

Iyon ay bago niya makilala si Julietta, bunsong anak ng mga D’ Ricci, ang pamilyang madalas makaaway ng kanyang mga magulang dahil sa negosyo. Saksi ang mga gabi sa isinisigaw ng kanilang mga puso ng dalaga. At bituin ang mga saksi kung gaano niya kahandang ipaglaban ang kanyang nararamdaman kahit na ang maging resulta man niyon ay ang kaniyang kamatayan.

Handa niyang harapin ang lahat para kay Julietta, kahit na ang maging kapalit pa niyon ay ang kanyang mana at posisyon sa kaniyang pamilya. Hahamakin niya ang lahat, pati na rin ang mga magulang ng kaniyang pinakamamahal at ang nakatatanda nitong kapatid na lalaki upang ipagsigawan lamang na hindi naman dapat maging hadlang ang kanilang alitan sa pag-iibigan nila.

Ngunit hanggang saan makakaabot ang kanyang pagmamahal, kung ang isa sa kanila ay nakatakda nang mamaalam?

ic_default
chap-preview
Free preview
Teaser
 Hindi mapigilan ni Julietta ang panginginig ng kanyang mga kamay habang ramdam niya ang init ng titig ng bunsong anak ng mga Grimaldi sa kanya. Bakit ba kasi siya pa ang napili nitong premyo matapos nitong maipanalo ang karera nito? Tumakas lang siya sa kanilang mansiyon. Paano kung dahil sa lalaking ito ay malaman ng kanyang mga magulang na imbes na magpahinga ay nagtungo siya sa drag race event na iyon? Hindi siya nakahuma nang hubarin nito ang leather jacket nito at ipinatong sa kanyang mga balikat. Sinipat nito ang libro ng Romeo and Juliet na hawak-hawak niya bago mahinang tumawa at ibinalik sa kanya. Lumantad sa kanyang paningin ang mga braso at dibdib nitong napupuno ng mga tattoo. Napangisi ito nang mapansin kung saan nakatingin ang kanyang mga mata. “Enjoying the view, Cadillac? My eyes are up here, you know.” Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang tingin rito. Alam niya na natatabingan pa rin ng anino ng kanyang baseball cap ngunit hindi niya mapigilan na makaramdam ng kaunting kaba. Ayaw niya na makilala siya ng Grimaldi na iyon. “What’s your name?” untag nito sa kanya. “Jul...Julietta...” He smiled before pulling her away from the crowd. Strange, it was. Bagaman kilalang magkalaban ang kanyang pamilya at ang mga Grimaldi ay pakiramdam niya, ligtas na ligtas siya sa loob ng bisig ng lalaking iyon noong gabing iyon. As if he was a safe place for her... “I’m Romeo. Romeo Peregrine Grimaldi.” He gently smiled. “Also, stop trembling in my arms. I won’t hurt you, you know.” “Bakit ba kasi ako ang napili mo? Can’t you see that I don’t fit the crowd? Alam mo naman siguro na--” “Na ano, isa kang D’ Ricci?” She flinched. He softly chuckled and pushed her head a little bit lower to hide her face from the people around. “Don’t worry, Cadillac. I’m not into those stupid-ass fights. Tonight, you’re just my Juliet.” Bumaba ang mga kamay nito patungo sa mga palad niya. “And I’ll be your Romeo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

You Fix My Heart

read
21.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
89.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
152.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
96.6K
bc

The naive Secretary

read
65.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
13.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook