1
Author's note: This story is a SEQUEL. I highly advice you to read Before You Marry Her before reading this story entitled After I Let Him Go.
MAJA
It has been four months since my best friend Gino got married. I was madly in love with him. I was devastated. And to think I was his maid of honor and he didn't realized my feeling for ten years until before he married Krystal, his fiancée . For the past four months I tried to forget him. I deleted his number from my phone and changed my contact number. Muted him in my social media accounts. I left my work where we were both employees under that company and started doing freelance writing for some app and I have already published a novel under a pen name as my source of income. Sa katunayan, may kasunod na libro na isinulat ko na ipa-publish nila this month. I moved out of our apartment building where both he and I were living before his marriage. I muted him out of my life. I literally stopped myself from thinking and living with my attachments to Gino.
I don't know. After four months, hearing news about that guy didn't excite me anymore. When he went overseas, when I learned that his wife was two months pregnant, all of it. Para na lang siyang piraso ng kahapon ko na ayaw ko nang balikan pa. After all, I have moved on already. Hindi na ako bitter sa kanya, at mas lalong hindi ko na rin siya iniiyakan tuwing gabi.
I felt empty ever since I started detaching myself from Gino. Ten years ko ring minahal 'yong gunggong na 'yon. Hindi ganoon kadali makalimot. Walang bote ng alak o plato ng pulutan ang makakapagpaalis kaagad ng sakit lalo na kapag alam mo na hindi naman naging kayo. Lalo na kung nakipag-make out siya sa'yo at inamin niya na gusto ka rin niya bisperas ng kasal niya. Walang makakaalis ng mga regrets at ng mga what ifs mo nang gano'n kadali.
Okay, fine. Hindi pa ako okay.
No matter how hard I try to convince myself that I am contented with my life right now, I know that I'm not. Pakiramdam ko may kulang. Parang gusto kong mag-time travel para itama 'yong mga maling desisyon ko sa buhay ko. Naiinggit ako sa mga magjojowa na nakikita ko. Hindi ko alam kung gusto ko lang ba ng ka-fling o ng bagong crush pero alam ko na naiinggit ako sa tuwing may nakikita akong magjowa na sweet na sweet na naglalakad sa kalsada o sa mall.
Alam mo 'yon. 'Yong pakiramdam na gusto mo magkaro'n ng kayakap sa madaling-araw, kasabay kumain sa umaga at tanghali, kayakap sa hapon, at kahalikan sa gabi. Hindi na ako magpapakaipokrita. Gusto ko ng gano'n. At ang first love ko na si Gino that happened to be my best friend ruined it. For ten years, hinabol-habol ko siya. Nagpakatanga at nagpakagaga sa isang tao na kahit kailan hindi man lang ako tinapunan ng tingin na higit pa sa pagiging kaibigan.
Bente-otso na ako. Normal lang naman siguro 'to na mabahala ako, 'no? Na baka dumating 'yong panahon na mapag-iwanan na ako. Of course I want to have a family. A loving husband and kids. Sino ba namang may ayaw no'n? S'yempre gusto mong tumanda nang may kasama.
"Hoy gaga, ano na naman idina-drama mo d'yan?"
Naputol ang pagde-daydream ko nang biglang magsalita ang isa ko pang best friend na si Sheena. Nakilala ko siya noong college kami, ka-block namin siya ni Gino at nang mapansin namin ang isa't isa, we instantly clicked. Nakatambay siya sa apartment ko ngayon at nanonood kami ng pelikula sa DVD.
"Wala, nag-iisip lang ako ng susunod na isusulat."
She rolled her eyes. "Nag-aya kang mag-movie night dito sa apartment mo, tapos ngayon gan'yan ka. Para kang eng-eng."
I smiled. "Nood ka lang d'yan. Gusto ko lang talaga ng kasama, you know."
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "E bakit ba kasi ayaw mong parentahan 'yong isa pang kuwarto dito sa apartment mo? I mean, puwede kayong maghati sa utility bills at renta. Ang mahal-mahal ng rent mo dito, baka mamaya dumating ka sa point na namumulubi ka na."
I snorted. "Yeah, right. Tapos kapag serial killer 'yong nakasama ko, ikaw bahalang maglitas sa akin, ha? Besides, medyo mababa lang ang upa ko dahil top floor 'to at sabi ng may-ari wala raw may gustong umupa dito. Kapag magnanakaw o kaya manyak ang napatira ko dito, ikaw talaga ituturo kong salarin."
"Asa." Umayos siya sa pagkakaupo. "Alam mo, Maja, masyado kang paranoid. Malay mo, 'yong susunod pala na uupa dito sa isang spare room mo e si Mr. Right na pala."
Inirapan ko siya. "Kakabasa mo 'yan ng pocket book."
Tinawanan niya ako. "Ul*l. Alam ko naman na tigang ka rin kagaya ko."
Binato ko siya ng unan. "G*go. Magsama nga kayo ni Kuya Paolo. Alam mo naman na mahal na mahal ka no'n." Girlfriend kasi siya ng kapatid ko na nasa Canada. Long distance relationship ang peg nila ngayon pero nangako si Kuya na dadalhin niya si Sheena sa Canada.
Humahalakhak na tumayo si Sheena at dumiretso sa kusina ko. Paglabas niya ay may bitbit na siyang bote ng wine. "Alam mo, Miss Author ng mga hopeless romantic, wala namang masama kung maniniwala ka ulit sa pag-ibig. Hayaan mo na 'yong best friend nating ugok. Masaya na 'yon sa asawa niya. Sabi mo nga, 'di ba, time to move on na."
Natahimik ako nang mabanggit niya si Gino. Truth be told, I'm still trying to forget. I still miss him. May mga gabi na napapaisip ako kung ano bang kulang sa akin. Hindi gano'n kadali lumimot. Kag*guhan lang 'yang after three months, okay ka na. Hindi gano'n kadali 'yon.
"Huy, natahimik ka na d'yan."
Ngumiti lang ako. "I just spaced out."
"Hmmm. If I know, nabi-bitter ka pa rin sa first love mo."
I rolled my eyes. "Shut up, Shi. Manood ka na nga lang d'yan."
A few hours passed and Sheena decided to sleep on the spare room I have. Nanawa na sa kakanood ng mga pelikula ni Jolina at Marvin. Ayoko na rin naman na siyang pauwiin dahil halos hatinggabi na at baka mapa'no pa siya sa daan. Ako naman, hindi makatulog. Almost every night, ganoon na ako. Tulog sa umaga, sa gabi gising na gising. Minsan hindi na talaga nakakatulog. Pero ayos lang, do'n kasi sa mga oras na 'yon gumagana utak ko. Nakakapagsulat ako nang tuloy-tuloy at walang distractions.
Nagpunta ako sa balkonahe ng apartment ko. I sipped my wine as I stared at the now empty streets of Makati. Nasa Makati pa rin naman ako, lumipat lang ng apartment. Besides, maganda talaga tumira dito. Nasa pinakatuktok ng isang napakataas na apartment building ang apartment ko. Pinili ko 'yon dahil gusto ko ang view sa itaas kapag gabi. Halos abot mo ang langit at tanaw mo ang mga bituin.
I miss the nights he would show up at my doorstep, offering beer and his company. Kaso wala e. Kaysa naman saktan ko pa ang sarili ko nang todo, kailangan ko munang umiwas. Hanggang sa maging okay na ako.
I heard the phone ring from the living room. Kinuha ko 'yon at nagpunta sa maliit na balkonahe ng apartment ko. I looked at the caller ID. No name. Naka-display lang ang numero. Instantly I recognized who it was. I quickly turned off my phone. Sa dami ng beses na nag-appear ang numero na 'yon sa cellphone ko, kabisadong-kabisado ko na at kilala ko na kung sino 'yon.
I sighed. I hate being lonely and alone. But this is much better than being a martyr in love. Noong huling nagpakamartir ako, muntik na akong malunod. Muntik na akong malason. Buwis-buhay.
Ang suwerte siguro ng mamahalin ko. Sh*t, saan ba sila makakahanap ng girl friend na responsable, maganda, parang tropa lang nila, girl friend na magiging komportable sila, laging nand'yan.
I sighed. Now I sound like an old maid. Twenty-eight pa lang naman ako. Two years pa naman bago ako mag-trenta anyos. Siguro naman, makakahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin bago ako magkwarenta, ano?
Gusto kong maglasing. Hindi ng wine. Sh*t, masyadong mahal 'yon. I decided to head downstairs. May convenient store kasi sa ibaba ng apartment building na tinitirahan ko. I quickly wore a jacket over my shirt and tied my hair. Then I took the elevator.
I sighed as I scanned over the shelves looking for chips and beer. Nang makita ko na kung anong gusto kong bilhin, mabilis akong nagbayad at umakyat ulit sa apartment ko. Nginitian lang ako ng teenager na nagbabantay ng convenience store. Sa tingin ko ay part-timer siya. I nodded before closing the door and walking towards the elevator.
Nang makasakay na ako sa loob ay agad kong binuksan ang malaking plastic ng chips at nag-umpisang kumain. Nang makalabas ako sa elevator ay dumiretso agad ako sa balkonahe ng apartment ko para magmukmok.
Nag-uumpisa na akong uminom ng beer nang marinig ko ang pari-ring ng cellphone ko. I decided to ignore it. Ngunit nang hindi 'yon tumigil sa ikatlong beses ay napagdesisyunan ko na sagutin na ang telepono.
Nagulat ako nang makita ko ang caller ID. Ang editor ko pala na si Miss Francine. Dali-dali kong sinagot ang tawag.
"Hi Miss France! Bakit napatawag ka ata?" takang tanong ko sa kanya. "Gabi na, a."
She sighed. "Uhm, Maja, 'di ba naka-set na i-release 'yong libro mo this month?"
"Uhuh. Bakit?"
"Gan'to kasi 'yon, bale, baka ma-delay 'yong pagpa-publish ng libro mo. Baka next month pa. May gusto kasing i-prioritize si Boss na libro dahil in demand. Alam mo naman, basta kapag sikat at bagong writer, gusto niyang unahin."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, honestly. Dapat ba akong matuwa? Mainis? Magalit? Sh*t. Kailangan kong magbayad ng bills next month. Paano na bills ko?
"Hindi na ba puwedeng magawan ng paraan, Miss France?"
"Sorry talaga, Maja. Nakipagtalo na ako kay Boss kanina. Kaso ayaw niya talaga, e."
I sighed. Nawala bigla ang gana ko na uminom. Tumayo ako at sandaling nagpunta sa kusina. Inilagay ko sa ref ang beer at chips na binili ko.
"Okay lang, Miss France. Salamat."
"Sorry talaga, Maja. I really did my best."
"No, uhm, okay lang talaga. Good night, Miss France."
Pinutol ko na ang linya dahil ayoko na mas lalo pang ma-guilty ang editor ko. Kaagad akong naupo sa harap ng laptop ko at nag-compute ng mga gastos ko sa buwan na 'to.
I'm starting to miss my old job. Maganda sahod, maganda ang perks amd benefits. Being a freelance writer can be sometimes a pain in the ass. Walang stable na kita. But I can not leave this job. Ito lang nagpapasaya sa akin. Makes me creative and imaginative. Dito ko lang nalalabas lahat ng thoughts at problema ko. Pati na rin 'yong sakit from my recent heartbreak.
Ayoko namang humingi ng pera sa kapatid ko. Alam ko na nagbabalak na siyang mag-propose kay Sheena at pinag-iipunan niya ang para sa kasal nila at baka ayain pa ako no'n na tumira sa kanya sa Canada. Ayokong mangibang-bansa dahil okay na okay ako sa buhay ko dito sa Makati. Ayoko rin namang galawin ang ipon ko dahil once na nagalaw 'ton, panigurado tuloy-tuloy na ang labas mg pera.
Maybe Sheena is right. I should rent out my spare room, and then we can both shoulder the bills. Besides, maganda na rin siguro 'yon para may kasama ako sa apartment. I can always lock the door to my room and if I don't get very comfortable with them or if something happens then I can ask them to leave. Besides, baka temporary lang naman 'to.
I found myself working on an ad for a roommate. I placed my contact number and address so that they can contact me. I even took pictures of my apartment so that they'll see that I'm not going to s**m them. I posted it on my social media accounts and waited for someone to respond until I fell asleep, hoping that someone would notice my ad.