BOOK TWO OF X SERIES
CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages.
Sunud-sunuran. Tagalinis ng baho ng angkan. Iyan si Vladymir. Ang buhay niya ay tanging nakalaan sa pagpapalago ng negosyo ng kumupkop sa kanyang si Igor Krasny, na siyang nagmulat sa kanya sa mundo ng karahasan. Ang pagmamahal sa kanya ng kanyang kinagisnang ama ay dahil lamang sa pakinabang nito sa kanya, ang kalupitan niya sa mga kaaway nito, at ang pagiging parang maamong tuta niya na palaging nakasunod sa bawat utos nito.
Babaliktad ang buhay niya nang ipahanap sa kanya ni Igor ang anak nito sa labas na si Maria Yllana Herrera, upang sapilitang paanibin sa angkan nila at ipakasal sa anak ng karibal nilang grupo. Kailangan niyang makuha ang loob nito at maisama pabalik sa kanyang kinagisnang ama upang maituloy ang planadong pagpapakasal.
Ang trabahong inakala ni Vladymir na napakadali lang ay mag-uumpisang maging komplikado, nang maglaro ang tadhana at pag-ibig sa buhay niya.
Susunod ba siya sa utos ng lalaking kumupkop sa kanya, o isusugal niya ang buong buhay at pagkatao para sa babaeng pinakamamahal?