Cruel Intentions

Cruel Intentions

book_age18+
1.6K
FOLLOW
7.6K
READ
revenge
possessive
second chance
drama
bxg
heavy
male lead
city
passionate
Neglected
like
intro-logo
Blurb

BOOK SIX OF X SERIES

CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages.

Halos lahat yata ng bagay sa buhay ni Briar Mendez ay hindi umayon sa mga plano niya. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang sapilitan silang paghiwalayin ng nobyo niya ng kanyang ama upang ipakasal siya sa isa sa mga mayayaman niyang manliligaw, si Jianyu Lee, isang pilay na kinakailangang gumamit ng tungkod para makalakad.

Ang inaasam na tahimik na buhay-mag-asawa ng kanyang esposo ay naging bangungot, nang pagkatapos ng kasal ay ipinamukha ni Briar sa lalaki na hindi talaga niya ito mahal. 'Ni hindi niya magawa na tapunan man lang ng tingin ang lalaki o ang matulog kasama ito sa iisang silid. Halos araw-araw na hinahabol siya ni Jian, ngunit hindi iyon naging sapat upang tunawin ang kanyang nagyeyelong puso. Iniwanan niya ito, at wala siyang planong bumalik.

Ngunit iyon ang akala niya.

Ngayong nasasadlak sa kagipitan ang kanyang naghihingalong ama at ang kanyang asawa lamang ang makakatulong sa kanya, kailangang lunukin ni Briar ang kanyang pride at bumalik sa poder nito. Ngunit ang Jian na nakilala niya noon ay tila naging mabangis at malupit, lalo na nang mag-umpisa itong iparamdam sa kanya lahat ng sakit na naidulot niya rito noon.

Magkaroon pa kaya ng pag-asa para sa kanilang dalawa, ganoong tila nabalot na rin ng yelo ang puso ng asawa niyang dati ay mahal na mahal siya?

ic_default
chap-preview
Free preview
Teaser
MINAHAL ni Jianyu Lee si Briar Mendez nang lubos bago pa man niya ito mapagdesisyunang pakasalan. Niligtas niya ito sa mala-impyernong buhay nito sa pamilya nitong lubog sa utang. Para sa lalaki, ito ang mundo niya. Binigay niya ang lahat ng mayroon siya, maski dangal at kahihiyan niya. Ngunit sa malupit na laro ng tadhana ay hindi niya inaasahang kakamuhian siya nito. Iiwan. At ganoon din siya. Paano niya tuturuan ang puso na magpatawad at magmahal muli sa pagbabalik nito, ganoong nang umalis ito ay halos magunaw ang kanyang mundo? Anong karapatan nito na bumalik sa kanya at humingi ng tulong ganoong nang umalis ito ay hindi nito pinakinggan ang kanyang pagmamakaawa? Bahagyang binasa ni Jianyu ang kanyang mga labi ng 1920 vintage wine na kanyang binili noon para sana sa unang gabi ng kaniyang buhay may-asawa. Pinagmasdan ang babaeng nakaluhod sa kanyang harapan ngayon. Ang babaeng alam na alam niya na sagad sa buto ang pagkamuhi sa kanya. Sa halos isang taon na hindi niya ito nakita ay talagang bumagsak ang katawan nito. May mga pasa at galos din ang dalaga. Ayaw niya mang maging ignorante at malupit, para sa kanya ay wala siyang pakialam kung ano man ang pinagdadaanan nito ngayon. He tapped his golden walking stick on the floor numerous times, gripping on its dragon handle. Anticipating that Briar will get a hint and leave the room. But she just stood there. Hindi man lang natinag. May napipintang determinasyon sa mga matang kinakabahan. “What do you need from me, Miss Mendez? Kailangan ko nang matulog. Bilisan mong sabihin kung anong pakay mo,” malamig na saad niya. Sinalubong siya ng mga namumugtong mata ng kanyang asawa. “Jian...” He scoffed and sipped on his wine. “So you decided to come home after a year just to call my name? What a waste of my precious time.” Humugot ito ng hininga bago nagsalita. “I... I need your help. May cancer si Papa at nakaratay siya ngayon sa ospital at palugi na ang kompanya... Alam ko na wala akong karapatan na humingi ng tulong sa ’yo pero please--” His cold eyes hushed her. “And you expect me to help you?” “Jian... please... I’m begging you...” Pagak na tumawa si Jian. “And I begged you not to leave me too. What gives you the right to ask me a favor now? No’ng sinabi ko na gawan mo ako ng pabor at huwag mo akong iwan, no’ng humingi ako ng pabor at sinabi ko sa’yo na manatili ka lang at mamahalin kita nang sobra, nakinig ka ba, Briar? Binigyan mo ba ako ng pagkakataon?” “Kaya nga lumuluhod ako sa harapan mo ngayon, Jian... I will do anything, I promise! Kung gusto mo, magiging mabuting asawa ako--” The glass of his window shattered as Jian slammed his walking stick against it. Puno ng galit na tumayo siya, hila-hila ang pilay niyang paa. Alam niyang mahirap nang mahalin ang isang pilay na katulad niya. Ngunit kalabisan ba ang kanyang hinihingi sa dalaga noon? Kalabisan bang humingi ng kahit na kaunting respeto? Bakit ba tila ayaw siyang patahimikin nito sa buhay niya ganoong ito ang sumira sa kanya noon? Kaagad na napa-atras si Briar nang makita ang apoy sa kanyang mga mata. But the sight of her face painted with fear could not measure the pain that he felt for the past year. The pain that he endured because of loving her. “What gives you the right to think that I’ll still want you, Briar? You broke me! You f*cking broke me! Pinagmukha mo akong tanga, pinagmukha mo akong aso na habol nang habol sa’yo! I begged, I knelt in front of you, but you still left me! You f*cking broke and left me, Briar! Isang taon na... Isang taon na pero ansakit-sakit pa rin! Ansakit-sakit pa rin dito! Hindi ko alam kung paano ko pa pipilitin ‘yong sarili ko na mabuhay! Tapos ngayon, hinihingi mo ang tulong ko? Humihingi ka ng pabor ngayon? Sa ’kin pa mismo, huh?” “Jian, I’m sorry...” “Get out.” “Jian, please...” “I said, get the f*ck out!” dagundong ng basag niyang tinig. “Get the f*cking hell out of my room and my life, Briar. Because I want nothing to do with you. At kung tatanungin mo kung mahal pa kita?” he scoffed. “I don’t love you anymore. And I regret the day I dreamt of marrying you. I regret every single damn thing that I dreamt for the two of us!” Naninikip ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga. Mahal na mahal niya ito. Hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin ito. Ngunit paano niya tuturuan ang puso na kalimutan ang sakit na idinulot ng babae sa kanya noon? Kahit na lumipas na ang panahon ay sariwang-sariwa pa rin sa kanyang puso at isipan lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa. At mas lalong hindi nakakatulong ang pagmamakaawa nito sa harapan niya ngayon. Kilalang-kilala na siya ng babae at huling-huli na nito ang bawat nais niya. Alam nito na kaunting pagmamakaawa lang nito, bibigay na siya. Alam nitong kaunting luha lang nito, para na naman siyang tanga at baliw na sunod nang sunod sa bawat gusto nito. Pero hindi na ngayon. Hindi na dapat ngayon. "Jian..." "Ano pang hinihintay mo? Hindi ba sabi ko, umalis ka na? Umalis ka na! Iwan mo na ako! Hindi ka nga nangimi na pagmukhain akong tanga noon, Briar, e. Ano ngayon at nagkakandaluhod ka sa harapan ko? Bakit, kasi kailangan mo pera ko? Kasi iniwan ka na ng magaling na lalaki mo?" Ang pagmamakaawa sa mga mata nito ay nahaluan ng kahihiyan. At pait. Nag-iwas ito ng tingin at itinago ang braso nitong puno ng pasa at galos. "Iniwan ko na siya, wala na akong balak na bumalik sa kanya." Pagak na natawa ang lalaki. "At hindi na rin kita kukuhanin pabalik, Briar Mendez. Tandaan mo 'yan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.8K
bc

His Obsession

read
99.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook