BOOK ELEVEN OF X SERIES
CONTENT WARNING: This story contains mature scenes that are not suitable for very young ages.
Matapos mawasak ang puso niya ay napagdesisyunan ni Ivo Villafuerte na iyon na ang una at huling pagkakataon niya na magmamahal nang totoo. Nasa kanya na ang lahat, yaman, talino, at kakisigan, at gagamitin niya iyon para sa mga pansarili niyang interes. Ang pag-ibig ay isang laro lamang para sa kanya at ang siyudad ng X ang kanyang palaruan.
Babaliktad ang kanyang mundo nang makilala niya si Yves, isang empleyado na kasalukuyang nagtatrabaho sa restaurant na kanyang nabili. Sa kabila ng napakaamo nitong mukha ay mala-tigre ang ugali nito, at ito ang tipo ng babaeng alam niya ay mahirap kuhanin ang loob, bagaman mababa ang kumpiyansa nito sa panlabas nitong anyo. Isa pa, kasal na ang babae sa isang lalaking madalas mag-iwan ng marka ng pang-aabuso sa katawan nito.
Ngunit hindi iyon hadlang para kay Ivo. Siya ang tipo ng lalaking mas gustong hinahamon. Iba si Yves sa lahat, at ang magiging pagkapanalo niya sa pagkuha sa loob ng babae ang magiging pinakamatamis niyang tagumpay.
Ngunit handa pa rin ba siyang sumugal, kung ang sarili niya nang puso ang nakataya?